CHAPTER 2

1234 Words
CHAPTER TWO Kinabukasan, gusto niyang umuwi ng farm ngunit tinutulan iyon ng kanyang ama. Desidido pa rin ang kanyang lolo na ituloy ang kasal kahit pa ilang beses na siyang nagpahayag ng pagtutol. Saturday, it was her second scheduled checkup. Dapat ay kasama niya si Marcus, ayon na rin sa abiso ng ina nito sa kanya nang tawagan siya. Ngunit nagtext ito sa kanya sa unang pagkakataon upang ipaalam na hindi ito makakarating. He didn’t even bother to call her. Sa OB-Gyne clinic ng kaibigan ni Marcus siya nagpunta dahil iyon ang bilin ni Victoria. Bilin na tila isang utos na hindi dapat suwayin. Ngunit isang masamang balita ang naging resulta ng pagsusuri sa munting buhay sa kanyang sinapupunan. Wala nang makitang heartbeat sa ultrasound ang doktor, kahit na inulit pa ang procedure. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya habang nakapako ang mga mata sa monitor. Ilang sandali pa’y nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan siyang napahagulgol. She was deeply broken. She wanted to call Marcus soon as she left the clinic, ngunit hindi nya magawa. Nang makabalik ng mansion ay ipinaalam niya sa buong pamilya ang nangyari. At sa pinakasandaling iyon, tinawagan ng kanyang lolo ang ama ni Marcus upang ipagbigay-alam ang masamang balita at ang pagbawi nito sa hiniling na kasal sa pagitan nila ni Marcus. Gustong sumabog ng dibdib ni Katherine habang naririnig ang mga iyon. ‘This is better, Katherine. You love him, yes, but he can’t love you. He belongs to someone else.’ Paakyat na siya sa kanyang silid nang masalubong ang kanyang Tiya Beatrice at Sophia sa sala. Hindi niya alam na nasa mansion ang mga ito. “Karma hits back so quickly,” nang-uuyam na pasaring ng huli nang matapat siya rito. Napahinto siya at tinignan lang ito nang masama, bago muling humakbang palayo. Beatrice chuckled. “’Yan ang tila hindi naituro sa’yo ng malandi mong ina, ang ‘wag siyang tularan.” Biglang nagpuyos ang dibdib niya sa sinabi nito. Matapang na hinarap niya ang tiyahin. “Hate me all you want, I don’t care! Pero ‘wag n’yong Idadamay ang Mama ko sa mga pagkakamali ko dahil-” Mabilis na dumapo ang mabigat na palad ni Beatrice sa kanyang mukha. “You w***e!” nangangalit na bulalas ng babae sabay hablot sa mahaba niyang buhok. “Who gave you the right to talk to me that way, huh!” gigil na sambit nito sabay kabig ng mukha niya paharap dito. Napainda si Katherine sa sakit na idinulot niyon. Kaya’t napilitan siyang abutin ang palad ni Beatrice para alisin ang mga daliri nito sa kanyang buhok. Ngunit gigil na hinigpitan pa ng tiyahin ang kamay. “Beatrice!” awat ni Olivia nang madatnan sila sa gano’ng tagpo. Pasubsob na binitawan ng hipag si Katherine. Mabuti na lamang at hindi ito tumama sa dulo ng console table malapit sa pinagbagsakan nito. Olivia scurried beside Katherine to help her. “Tama na, Beatrice! Wala nang kasal na magaganap. Hindi pa ba sapat iyon para isantabi na natin ang anumang hindi pagkakaunawaan na idinulot nito sa ating pamilya?” Tumalim ang mga tingin ni Beatrice. “Isang pagkakamali na hinayaan mong kupkupin ni Alejandro ang bastarda niya, Olive. She’s a disgrace in the family!” paninisi nito bago umakyat sa pangalawang palapag ng mansion kasunod si Sophia. Nang makatayo, mabilis na lumabas ng bahay si Katherine nang humihikbi. Sa garahe siya tumuloy para ihanda ang kotse niya. Desidido siyang umalis ng bahay na ‘yon kahit masungit ang panahon sa labas. “Kasalukuyang nananalasa ang bagyo,” habol sa kanya ni Olivia. Napahinto siya sa pag-ibis sa driver seat. Simula nang dumating siya roon, iyon ang unang pagkakataong nahimigan niya ito ng konting pag-aalala para sa kanya. She stared at her while her eyes continued to pour in tears. “Tita Olive, s-sana maniwala ka na matagal pinagsisihan ni Mama ang naging relasyon niya kay Papa. She always prayed na sana isang araw mapatawad mo siya...” she cried. “Hindi siya ni minsan nanggulo at naghabol dahil ayaw na niyang muling makasakit sa inyong pamilya lalo na sa’yo. Kahit pa noong mga panahong ilang beses ipinilit ng Papa na ibigay sa akin ang pangalan niya.” Pagkasabi niyon ay itinuloy pa rin niya ang pagsakay sa kotse. SHE didn’t know where to go. She was trying to reach Marcus on his mobile but his line was out of reach. Ihininto niya ang sasakyan sa gilid ng highway at isinubsob ang mukha sa manibela. Doo’y muli niyang ibinuhos ang paghihinagpis sa pamamagitan ng pag-iyak. Ni hindi na niya namalayan ang mas lumalalang lagay ng panahon. “Oh, Mom…” hagulgol nya. “Can you see how lonely I am? I lost my baby… and I need you…” she paused then continued to cry in silence. “I feel heavy, Ma… I need Daddy Bill, I-I need Stephanie… but none of you were here…” ang huling pangalang binanggit nito ay ang nag-iisang anak ng mommy niya at amain. STRONG winds almost crashing her car. Heavy rainfall started to reduce visibility to zero, making road lines unclear. Power lines were taken down. Oh Jesus! She didn’t know how long had she been in the middle of the road at the height of a strong storm. A few minutes more and she felt a sudden violent wind almost lifting off her right wheels!   She screamed in horror! She has to stop the car on the side of the road or else she will die! She crossed her arms on her chest. Her whole body was damn trembling while her eyes were flooded with tears. “Mom, please help me!” She continued praying that help would come but she had not seen a single vehicle passed since she reached the highway going to Sta. Ines. She’s so scared for her life. She’s torn which would keep her safer, stay in the car or seek help outside. But it was dark and the only source of light was her car. When she remembered her cellphone, she prayed for a little cellular signal. But just as when she’s about to reach her bag, she heard a loud thump and a sudden crush of glass at the back. Something toppled on her car! “Oh Jesus! Tulong! Tulong!” paulit-ulit na sigaw niya habang nag-iisip ng paraan para makaligtas. Sa pagkataranta niya, naisip niyang buksan ang windscreen ng kotse para may makarinig ng pagsigaw niya ng saklolo. But the sight of a falling streetlight pole onto her side met her eyes. No! MATAGAL na pinagmasdan ni Katherine ang kabuuan ng farm mula pinakamataas na bahagi ng lupain kung saan nakatayo ang isang greenhouse. Kasalukuyan niyang inaalala ang masasayang sandali niya sa lugar na iyon sa piling ng lalaking nagparadam sa kanya kung gaano kasarap magmahal at mahalin. Mahalin? Napangiwi siya sabay bagsak ng isang pares ng luha mula sa kanyang mga mata. “Katherine, nakahanda na ang sasakyang maghahatid sa iyo sa Maynila,” malungkot na tinig ni Aling Rosa ang nagpalingon sa kanya. Hindi na rin siya nahiyang makita nito ang ayos niya. “Sige ho, susunod na ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD