Seven year later…
“Greg, if we don’t hear from her in two days, then we’ll go with the original schedule of the funeral,” baling ni Alejandro sa panganay anak. Lulan sila ng Starex papunta sa Arlington Chapel kung saan kasalukuyang nakaburol si Don Amado. Namayapa ang kanyang ama pitong araw na ang nakakaraan dahil sa cardiac arrest.
Malungkot ang anyong napatango na lamang ang lalaki mula sa driver seat katabi ang nagdadalantao nitong kabiyak na si Tanya.
Napatitig sa kawalan si Alejandro. Maraming beses, sinisi niya ang sarili sa biglaang pag-alis noon ni Katherine para sumunod sa amain at kapatid nito sa Sweden para doon na manirahan.
Tatlong araw matapos nito noon himalang makaligtas mula sa hagupit ng bagyo sa gitna ng daan papunta ng Sta. Ines, ay bigla na lamang itong umalis ng Bicol at lumuwas ng Maynila. Sinundan nila ito sa maaring nitong puntahan tulad ng Tuguegarao, ngunit nakasara ang tahanang kinalakihan nito. Gayunpaman, nag-iwan sila ng numero sa ilang kapitbahay at nakiusap na kontakin sila sakaling umuwi ang anak doon.
Ngunit lumipas ang buwan at taon ay wala pa rin silang natatanggap na tawag mula sa sinuman roon. Sinubukan nilang kontakin ang amain nito sa Sweden ngunit bigo rin sila.
He missed his daughter. Kung sana’y ipinaramdam niya rito ang atensyon at pagmamahal habang nasa poder ay hindi sana nito gugustuhing umalis.
Inabot ni Olivia ang kamay niya saka pinisil iyon. Tila nahulaan nito ang nasa isip ng niya.
“Your daughter will come home one day. So please, stop blaming yourself over and over.”
Napabuntong hininga na lamang si Greg. Sabik na rin siyang makita ang kapatid na hindi niya pa nakikilala nang personal dahil nang mga panahong kinuha ito ng papa niya sa Tuguegarao ay nasa London siya at nag-aaral.
Bago ang kanyang kasal dalawang taon na ang nakakaraan ay muli siyang bumalik sa probinsiya sakaling makakuha ng impormasyon tungkol kay Katherine, ngunit tulad ng dati, walang saysay ang lakad niya.
Ang buong pamilya ay patuloy na umaasa na isang araw ay babalik ito. Tanging dasal rin ng abuelo bago ito mamayapa, ay makita man lamang ito sa huling pagkakataon. Ngunit hindi iyon nangyari.
The old man missed Katherine so much.
Three days passed ay wala pa rin silang natatanggap na sagot ni Katherine mula sa email na na ipinadala ni Greg. Kaya naman wala na rin nagawa ang pamilya lalo si Alejandro kundi ang desisyunan na ang pagpapalibing.
Tulad ng inasahan, dumagsa ang mga nakikiramay para sa dating gobernadora sa huling gabi. Mga kamag-anak, mga ordinaryong mamamayan ng lalawigan, mga kapwa pulitiko at mga kasosyo sa negosyo.
“Where is Sophia? It’s Papa’s last night but I’m not seeing her here,” pasimpleng tanong ni Beatrice sa asawang si Mauricio habang namamaypay sa kinauupuang nasa bandang unahan.
“Gabi-gabi na siyang andito simula noong nakalipas na walong araw. Let her get some rest for tomorrow. Hindi ko ba alam bakit kelangang patagalin ang burol ng Papa,” iritableng sagot ng lalaki sa mahinang tinig.
“Wala tayong magagawa kung umasa ang kapatid ko na darating pa ang bastarda niya,” ismid ni Beatrice.
Ilang beses sila nagtalo ni Alejandro tungkol sa bagay na iyon lalo’t walang katiyakan na natanggap ni Katherine ang email ni Greg. Subalit matapos ang ilang araw ay sumuko na rin ito at itinakda na ang petsa ng libing.
Makalipas ang isang oras, dumating ang mag-asawang Virgilio at Connie Benitez.
“I’m sorry, kumpadre at ngayon lang kami nakadalo ng burol. Kahapon lang kami nakabalik mula Canada,” panimula ng lalaki saka inabot ang kamay kina Alejandro at Olivia.
“Our deepest condolences to the whole family,” pakikisimpatya naman ng kabiyak nito saka sinegundahan ang ginawa ng asawa.
Matapos nitong magbeso kay Olivia ay gumawi ito sa kabilang pew kung saan nakaupo si Beatrice.
Pinagmasdan ni Olivia ang dalawang babae. Nanumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa nang hindi natuloy ang kasal ng kanyang stepdaughter na si Katherine sa nobyo ng anak nina Connie na si Margaret. Bagay na ikinatuwa ng kanyang hipag dahil may ilang investment ang mga Benitez sa architectural company na pag-aari nito at ng asawa.
Biglang sumagi sa isip niya si Marcus at ang mga nangyari ng gabing iyon, pitong na taon na ang nakakaraan. Ngunit bago pa siya makapag-baliktanaw ay naagaw ng atensyon niya ang parating na manugang.
“Mama, dumating na ‘yong coordinator from Arlington,” pagbibigay –alam nito.
Tumayo si Olivia at tinungo ang kinaroroonan ng staff ng memorial chapel.
“Good evening Mrs. Dela Cern,.” magalang na bati ng nasa kwarenta’y anyos na babae.
“Good evening, Laura. Do we have any updates yet?” tanong niya.
“Wala pa rin daw dumarating na kamukha ng anak ninyo Ma’am. Even the standing guards confirmed it,” tugon nito.
Nadismaya si Olivia. Kahit malabo ay umaasam sila na natanggap ni Katherine ang email mula kay Greg at kahit papaano ay makadalo sa huling gabi ng lolo nito. Hindi niya tiyak ngunit naisip niyang posibleng dumating ito sa chapel nang hindi nagpapakita sa kanila.
TUMINGIN sa relong pambising si Marcus. Ala-una na ng madaling araw. From Manila, he took the last flight bound to Naga para sa ikalimang kaarawan ng kanyang anak na si Antonio.
Tutuloy na sana siya sa kanilang ancestral house nang pumasok sa isip ang dating gobernatdor na si Amado dela Cerna. Noong una’y nagtalo ang isip niya kung tutungo ba sa burol nito o umuwi na lamang gayong pagod siya. Ngunit sa huli, sinabihan niya ang driver na sumundo sa kanya na ituloy ang sasakyan sa chapel kung saan nakaburol ang matanda.
Wala nang halos tao sa paligid ng chapel nang bumaba siya sa sasakyan.
“Sandali lang ho ako Mang Cardo,” paalam niya sa singkwenta’y anyos na lalaki.
Ngunit saktong palapit na siya sa b****a ng kapilyang halos mapuno ng mga puting bulaklak mula sa mga nakikiramay, nang matanaw si Olivia dela Cerna na nagmamadaling bumaba mula sa nakasunod sa kanilang kotse at nagmamadaling pumasok sa loob.
He stepped back para hindi siya mahalata. Sa wari niya’y biglaan ang pagpunta roon ng ginang dahil parang nakapantulog lang ito.
Maingat siyang sumilip sa loob.
Maliban kay Olivia ay walang ibang tao roon bukod sa dalawang honour guards at isang babaeng nakadamit ng puti habang nakatanaw sa kabaong na napapaibabawan ng watawat ng bansa.
Naging dahan-dahan ang paghakbang nito nang makalapit ilang metro mula sa nakatalikod na babae..
“Katherine…” rinig niyang tawag nito.
Tila natulos si Marcus sa kinatatayuan nang malinaw na marinig ang pangalang binigkas nito.
KUMABOG ang dibdib ni Katherine nang marinig ang pamilyar na tinig na kanyang madrasta. Ayaw niyang umiyak, iyon ang idinidikta ng kayang isip sa kanilang muling pagkikita.
Kasunod kaya nito ang ama?
When she got the courage, she slowly turned to her.
“Tita Olive…”
Naluluha ito nang humarap siya. “Oh Katherine!” Sa isang iglap, hindi nito napigilang yakapin siya. “Hindi ako nagkamali na darating ka, hija…”
Namasa na ang kanyang mga mata habang yakap siya ni Olivia.
After that ill-fated night in Sta. Ines, ito ang unang nakita niya sa kanyang tabi nang magising siya sa isang pagamutan. The weather had improved but the whole province was still under Storm Signal No. 2. Still, she managed to travel alone to check on her. Malaking pasasalamat niya na wala siyang natamong mga sugat maliban sa isang bukol at maliliit na gasgas.
“Sabik na sabik na ang Papa mo na makita ka. Mula nang mawala ka, hindi siya huminto sa pag-asam na isang araw ay babalik ka,” maluha-luha pa ring sambit nito bago humilaway sa kanya.
She bit her lower lip trying to hold back her tears.
Hinawakan ni Olivia ang kamay niya at hindi na binitawan hanggang pareho na sila nakatanaw sa nakahimlay na mga labi ng kanyang lolo.
“Your lolo missed you so much. Nang magsimula siyang humina, wala siyang laging binabanggit kundi ikaw. Hiling niya na sana’y makita ka man lang niya bago siya tuluyang mamaalam.”
Titig na titig siya sa mukha ng abuelo.
Gustuhin man niyang makauwi noon pang matanggap ang unang email ni Greg tungkol sa pagkakaratay nito sa ospital, ay ‘di niya magawa dahil nawala ang passport niya. Mabuti na lamang at na-issue nang mabilis ang replacement n’yon kaya’t nakahabol siya sa huling gabi.
Her Lolo Amado… Sayang at naging maikli ang panahong nakasama niya ito. Gayunpaman, nagpapasalamat siya sa mga pagkakataong naging mabuti ito sa kanya.
Ngunit ang isang bagay ang habambuhay niyang aalalahanin dito ay ang minsang nanindigan ito para sa kanya at sa noo’y nasa kanyang sinapupunan.
‘I will never forget that, Lolo. Hindi man tayo nagkita… wherever you are now, please know that you were always in my prayers. Rest in peace, Lolo. Salamat dahil sa kahit sa napakaikling panahon ay tinanggap at kinilala mo ako bilang iyong kadugo.’
Nagtagal muna sila ng isang oras pa sa kagustuhan na rin niyang makasama pa nang matagal si Don Amado.
“Let’s go ahead hija nang makapagpahinga ka pa para sa libing bukas nang tanghali,” ani Olivia.
Noong una’y tumanggi siyang sumama rito pauwi ngunit nakita niya ang pangamba nito na hindi na siya magpakita muli. Ang totoo, wala talaga sa plano niya ang magpakita sa mga ito. She just came to give her last respects to her grandfather.
Ngunit ngayong kaharap niya ang madrasta ay biglang umahon ang pagnanais niyang makita ang ama pati na rin ang kapatid na kahit hindi naging malapit sa kanya ay hindi niya nagawang kalimutan.
Bago lumabas ng chapel ang dalawa ay muli silang dumungaw sa labi ng dating gobernador.
Saktong kalalabas lang nila nang magpalaam si Olivia dahil may nakalimutan ito sa loob.
“Sige po Tita, babayaran ko lang iyong taxi na pinaghintay ko,” ani Katherine bago lumapit sa kinapaparadahan ng taxi.
“Manong, hindi na ho ako sasakay pabalik,” wika niya sa drayber habang naghuhugot ng pera sa kanyang wallet. “Eto ho ang bayad.”
Lumaki ang mata ng matandang nagnameho nang makita ang halaga ng inabot niya. Tinangka nitong ibalik ang sobra sa ibinayad niya ngunit pinigilan niya ito at sinabing umuwi na at magpahinga na lamang.
Pahakbang na siya pabalik sa harap ng chapel nang hindi sinasadyang nadako ang mga mata niya sa isang tinted Montero ilang metro mula sa kanyang kanan. Tila may hinihintay iyon dahil nakastart ang makina nito.
“Salamat at umuwi ka, anak…”
Napatda si Katherine nang marinig ang garalgal na tinig ilang metro mula sa kanyang kaliwa. Hindi siya agad dumako sa bulto ng nakatayo roon dahil otomatikong bumagsak na ang kanyang mga luha.
Paano niya ito haharapin pagkatapos ng pagtakas niya noon?
“A-are you mad?” humihikbing tanong niya nang hindi pa rin nililingon ito. She knew she would break down once she did.
“Mad at myself for losing my daughter,” hirap na sagot ni Alejandro.
Unti-unti siyang humarap dito.
She stared at him.
He looked good at halos walang nagbago. Sa kabila ng pagdagdag ng edad nito ay malakas at maganda pa rin ang pangangatawan nito.
“Can I hold you?” puno ng pananabik na hiling ng ama.
“Oh, Papa!” madamdaming usal niya bago tinawid ang pagitan nilang mag-ama at sinalubong ito nang mahigpit na yakap.
“Patawarin mo ako anak na hindi kita nabigyan ng atensyon noon. Ngunit hindi ibig sabihin wala kang halaga sa akin –sa amin lahat.”
Hindi siya sumagot. Kahit nakasama niya ito sa sandaling panahon ay maraming pagkakataon na naiisip niya ito nang lumipad siya ng Sweden. Kung tutuusin ay madaling lang para sa kanya ang gumawa na paraan para makontak niya ang ama. Ngunit mas pinili niyang harapin muna ang sariling buhay roon.
Tuwing naaalala niya ito ay binibisita na lamang niya ang website ng ADC Food Packaging Inc, ang kompanya na pag-aari ng pamilya. Paminsan-minsan ay updated ang events section nito kaya’t may mangilan-ngilan siyang nakikitang mga larawan ng papa niya mula roon.
Marahil isang dahilan na natiis niya ito ay dahil na rin sa amain. She adored Bill so much for being such a wonderful stepdad to her. Ni minsan hindi nito naramdaman na hindi pantay ang pagmamahal nito sa kanya at Stefanie.
But Alejandro is still her biological father. Kung anuman ang naging pagkukulang nito, hindi pa rin niya magawang tuluyang mawalan ng pagmamahal dito.
“I told you, she’s coming home.”
Naghiwalay ang dalawa sabay baling kay Olivia na nakangiting nakatunghay sa kanila.
“How did you know I came?” kunot-noong natanong ng dalaga.
The woman fondly smiled saka nagpaliwanag. “The staff had your picture and luckily, she saw you entered the chapel earlier. So, she immediately notified me.”
Sumabad si Alejandro saka siya inakbayan. “Naalimpungatan naman ako at nakitang wala siya sa tabi ko. And when I asked the guard, nagmamadali raw umalis ang Tita mo papunta rito. So, I followed…”
HIndi makapaniwala si Katherine sa narinig. Ngunit masarap sa pakiramdam na maramdamang mahalaga siya sa pamilya kahit hindi siya lumaki kasama ng mga ito.
Matapos ang madamdaming pagtatagpo nila ng ama ay inaya na sila ni Olivia na sumakay ng kotse dahil nagsimula nang humamog sa paligid.
Bago tumuloy sa tahanan ng ama ay nakiusap muna siyang daanan ang mga gamit niya sa hotel na pansamantala niyang tinutuluyan.
Samantala, nang makauwi ay halos hindi makapaniwala ang nakatatandang kapatid na si Greg nang ipagising ito ng ina para makilala siya sa wakas.
Mangiyak-ngiyak ito habang pinagmamasdan siya. “Para kong nakikita sa harapan ko ngayon ang dalagang Cristina,” wari’y may bumara sa lalamunan nito nang banggitin ang namayapang kapatid. “Welcome home, Kate. Thank you for coming home,” he then opened his arms to her.
Hindi na siya nakatugon ngunit masaya siyang mainit ang pagtanggap nito sa kanya sa kanilang unang pagkikita.
Kinabukasan, sabay- sabay na dumating ang buong mag-anak ni Alejandro sa gaganaping misa bago ang cremation sa mga labi ni Don Amado.
Tulad ng inasahan niya, hindi nagustuhan ng tiyahing si Beatrice at Sophia ang presensya niya. But they were civil enough to set aside old grudges while interment is being held.
Noong una’y nagdalawang isip siya kung babati sa mga ito bilang respeto man lang. Ngunit sa huli’y minabuti niyang umiwas na lamang.
Naging mapayapa kahit bumuhos ang matinding emosyon sa paghatid sa huling hantungan ng kanyang lolo. His father remained composed but his eyes were in deep grief, gayundin ibang miyembro ng pamilya kahit ang mga kamag-anak na noon lamang niya nakita