SABADO ng umaga, gumayak si Katherine para mamasyal. Iyon ang unang labas niya ng bahay isang linggo matapos mailibing si Don Amado. Kung siya lamang ang masusunod ay umalis na siya. Ngunit hindi niya mahindian ang pakiusap ng ama at ng pamilya nito na manatili muna.
Nang magpapaalam na siya sa ama at kay Olivia ay nadatnan niyang may kausap ang mga ito na isang matipunong lalaking tantiya niya’y nasa mid or late thirties.
“Hija, come and meet my nephew,” tawag sa kanya ni Olivia nang madungawan siya mula sa verandah.
Sinuklian niya ng simpleng ngiti ang bisita nang dumako ito sa kanya.
“Patrick, meet my stepdaughter, Katherine, our eldest girl in the family. Siya ‘yong minsan naikwento ko sa inyo ng Mama mo,” baling ng kanyang madrasta sa binata bago dumako sa kanya. “Hija, he’s my sister’s youngest son from New Mexico. He’s here for a short vacation.”
Magalang na inilahad ng lalaki ang kamay sa kanya. “It’s nice to meet you, Katherine.”
“Same here,” tipid na sagot niya.
“Paalis ka ba, anak?” tanong sa kanya ni Alejandro.
Lumapit siya’t humalik sa pingi nito. “Mamamasyal lang, Pa.”
Napalingon si Olivia kay Patrick. “Bakit ‘di na lang kayo magsabay sa pamamasyal? He’s bored that’s why he came here. He’s planning to go somewhere rin sana.”
Pasimpleng pinagmasdan muna niya si Patrick. “I don’t mind if it’s fine with him,” pagdaka’y saad niya.
After thirty minutes, she found herself sitting opposite him in his car. Dahil mukha namang mabait ito ay naging komportable siyang magbukas ng topic habang wala pa silang naiisip kung saan tutungo.
“What do you do for a living?” she asked.
“I’m part of the US Army for a decade already.”
Nanlaki ang mga mata niya. Kaya pala gano’n ang bulto ng pangangatawan nito.
“At bago mo maitanong, I’m on indefinite leave that’s why I came home. I seriously didn’t know why I chose to come here since my family is based in the States. Si Tita Olivia nga lang yata ang pinakamalapit kong kamag-anak na pwede ko puntahan dito.”
She bit her lower lip while thinking what to ask again. “Are you in a relationship or marri”
Ngumisi ito. “My fianceé broke up with me because I can’t leave the army.”
“Ouch, sorry to hear that. But you know, don’t get me wrong but I can’t blame her. I either, I don’t think I would ever put up with a man wearing a shroud at all times.
Seryosong napatitig sa unahan ng daan ang binata.
‘Di na siya nagkomento nang mapansin iyon. Pakiramdam tuloy niya’y ‘di niya dapat sinabi iyon.
“What about you?” maya-maya’y tanong nito bago siya sandaling tinapunan ng tingin. “Maliban sa ikaw ang nag-iisang anak na babae ni Tito Alejandro mula sa Sweden, wala na akong ibang alam tungkol sa’yo.”
Sandali siyang tumahimik. “We’ll I’m single. I used to date someone from months ago, but I don’t think I’m ready to get it into the next level. For now, I enjoy being a m-, ahm, being an ordinary designer in a fashion house there.”
“You studied fashion design?”
Umiling siya. “I graduated a degree in International Relations. And before you can ask, when I was young, I enjoyed Political Science, culture, Economics, global community issues, and etcetera. But when I moved in Sweden, things changed when my dad’s niece, who happened to be a known local designer, influenced me to appreciate her craft.”
Hanggang doon lang ang ibinahagi niya sa binata tungkol sa kanya bago niya ibahin ang usapan.
“Would you like to see a shooting range?” usisa ng binata.
Tinapunan niya ito ng tingin bago sandaling napaisip. “Kung tuturuan mo ba ako, eh bakit hindi?” aniya. Hindi pa siya nakahawak ng tunay na baril sa buong buhay niya kaya’t medyo na-excite siyang subukan mag-firing kahit minsan lang.
Ngumisi ito. “Then get ready for an intense beginner training!”
Simpleng tawa lang ang isinukli niya rito. “Looking forward then.”
Sa isang outdoor shooting range siya nito dinala. Hula niya’y hindi iyon ang unang beses na pumunta doon ang lalaki dahil alam nito ang daan patungo roon.
Nang makarating sa vicinity ng pupuntahan ay napansin nila ang maraming sasakyan sa paligid.
“Urgh, not a good timing. A sport firing competition is being held.”
Nadismaya siya nang makompirma iyon mula sa isang malaking streamer na nakasabit sa bandang entrance ng range.
“We can go back some other day but we can stay if you want to watch,” sa halip ay suhestiyon ng kasama.
The two eventually agreed to stay.
Nasa kalagitnaan na ng laro nang dumating sila. Buti at maong na mini skirt, manipis na sleeveless white printed top at white flat rubber shoes at hindi dress na siyang una niyang sinuot ang outfit niya.
Maganda ang sikat ng araw ngunit mahangin. Kaya’t napilitan siyang ipusod ang buhok sa pamamagitan ng chopstick na nadala niya sa bag niya.
Lagi siya napapangiwi noong una dahil sa sunod-sunod na ingay ng bawat putok sa paligid. Ngunit ‘di nagtagal ay tila nasasanay na siya.
Maraming tao roon. Karamihan halatang galing sa mga maykayang pamilya, base na rin sa obserbasyon niya.
Pareho nilang in-enjoy ang panonood ng kasalukuyang event nang mapatingin siya sa kanyang MK watch. At nang may maalala ay bigla niyang hinugot ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng suot bagi nagpaalam kay Patrick.
“I’ll just make a call,” aniya bago naglakad palayo kung saan makakarinigan niya ang tatawagan.
Huminto siya sa ilalim ng isang puno at nag-dial. Subalit ilang sandali lang ay dismayadong napabuntong-hininga siya. Her prepaid load ran out. She needs to find out if there’s a merchandise store along the area.
Sa paglalakad niya tinanong niya sa ilang nakakalubong saan ang hinahanap. Swerteng isa sa mga staffs ng range ang kanyang huling napagtanungan.
“Thanks, sir,” magalang na sabi niya sa may edad nang unipormadong lalaki.
“Katherine Adriano?”
Kunot-noo siyang napalingon sa tinig ng isang babaeng tumawag sa kanya.
Mula sa isang tent ay grupo ng tingin niya’y manlalaro dahil naka-firing gears pa ang ilan. Kasama roon ang isang matangkad na babaeng tumawag sa kanya at kasalukuyang patungo sa gawi niya.
She squinted to recognize the woman but she was wearing shades.
“Is it really you, Kate?” muling tanong ng babae sabay alis ng Ray-ban nito.
Nanlaki ang mga mata niya. “Samantha, -Samantha Gomez?”
“Oh my God, it’s you!” hindi makapaniwalang anas nito nang tuluyang siyang makilala. Agad siya nitong niyakap sa tuwa.
Bahagya itong lumayo sa kanya saka ‘di pa rin makapaniwalang pinasadahan ang kabuuan niya.
“What are you doing in the Philippines! This is –wow! How long have you been here?”
“’Been here for a week already. And what a surprise to see you here!” si Katherine.
Masaya siyang makita ang babaeng minsa’y naging malapit sa kanya noong nasa Africa siya.
“I dunno what to you say, I-I’m very happy to see you!” the mestiza beauty exclaimed. “Wait, come and I’ll introduce you to my fiancé and his parents!” mablis na sabi nito saka siya hinila sa kalapit na tent.
“Guys, meet Katherine Adriano, my co-Unicef Ambassador from Sweden. I met her during my last mission in Africa two years ago. What a small world that I saw her here!” she announced enthusiastically. “Kate, these are my future in laws,” baling nito sa mag-asawang hula niya’y nasa late fifties.
She courteously offered her hand to the two seniors. She did the same nang ipakilala siya sa nobyo nitong nangangalang Juan.
Then there was another guy who was equally good-looking as Samantha’s fiancé.
Ngumiti siya nang ito ang unang naglahad ng palad sa kanya. He introduced himself as Apollo. Then one more guy who’s wearing shooting sunglasses, gloves and ear muffs was sitting beside the other but he seemed to ignore her. Hula niya’y susunod na ito linya ng mga maglalaro kaya’t hindi na siya nito pinagkaabalahang lingunin.
“By the way, Marcus here-”
Marcus?
Biglang naging eratiko ang pintig ng dibdib niya habang nakatingin nang diretso sa lalaking nakasalamin at simpleng nilingon ang gawi niya nang sambitin ni Samantha ang pangalan nito.
Napalunok siya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na naililipad ng hangin sa kanyang mukha. The wavy hair, pointed noise and well-built frame, a-and cleft chin…
She could feel her knees suddenly buckle. Instantly, she wanted to run away!
“Kate, a-are you okay?” puna ni Samantha nang mapansin ang pamumutla niya nang ipakilala ang nagngangalang Marcus. “Magkakilala ba kayo?” kunot-noong tanong nito habang pinaglipat-lipat ang mga mata sa pagitan nilang dalawa.
“I’m sure she knows me,” he quipped.
That baritone masculine voice confirmed it was him!
Oh no!
“But I can’t remember her. According to folks, I was supposed to marry her seven years ago, but after losing our child through miscarriage, she left the country.”
Isang malaking sampal para kay Katherine ang sabihing hindi siya nito maalala.
“You aren’t serious, are you?” hindi makapaniwalang tanong ni Samantha kay Marcus.
Sa panlalamig ng buong katawan ni Katherine sa biglaang pagkikita nila ni Marcus ay nabitawan niya ang cellphone niya.
Naging mabilis naman si Apollo na damputin iyon at ibalik sa nanlalamig niyang mga kamay.
“I-it’s nice to see you, -Samantha. I-I-m s-sorry I have to go. I think you added me on f*******: before. Send me a private message and let’s catch up some other time,” nabubulol na paalam niya bago mabilis na tumalikod.
“Hey, Kate…” habol ni Samantha ngunit hindi na siya muling lumingon.
Sinikap ni Katherine huwag mabuway habang palayo sa grupo.
Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang biglang may humawak sa bisig niya.
It was Patrick.
Napahinto siya.
“I was calling you pero hindi mo yata ako narinig. Are you okay?” may pag-aalalang tanong nito nang mapansin ang itsura niya.
“Patrick…” anas niya habang sinisikap iiwas ang mukha rito. “I’m s-sorry pero gusto ko na umuwi.”
Hinuli nito ang mga mata niya. “May nangyari ba?”
Nang hindi malaman ang isasagot dito ay ‘di sinasadyang napalingon siya sa tent. Only to find that Marcus eyes were on her.
Agad niyang binawi ang mga mata at humarap sa kasama.
“D-don’t worry, I’m okay. Gusto ko na sanang umuwi, please,” pakiusap niya.
Pinagbigyan naman siya ng lalaki at ‘di na muling nagtanong. Hanggang sa tuluyan na nilang nilisan ang lugar.
“I’M calling it a day. Excuse me,” biglang paalam ni Marcus habang sinisimulang alisin ang mga suot na shooting accessories.
Nagtatanong ang mga matang nilingon ni Samantha ang nobyo at si Apollo nang tuluyan silang iwan ni Marcus. Ngunit biglang tumayo ang dalawa upang umiwas. Kunwari’y naghahanda na ang mga ito para sa haharaping target range.
“We’re going back to the game, “paalam ni Juan sa kanya at kanyang mga magulang bago sumunod sa isa.
Ngunit humabol ang dalaga sa kasintahan. “Babe, what’s with Katherine and Marcus? Sa dalawang taon nating magkarelasyon, wala ka nabanggit na muntik ikasal ang kaibigan mo sa ibang babae maliban kay Margaret. Now I’m surprised he was supposed to marry a friend I met in Africa.”
Tinignan lang siya ng binata. Nasa anyo nito ang kawalan ng interes na sagutin siya. “I’m sorry, babe, but it’s not my story to tell. We’re leaving after this round,” simpleng sabi nito bago siya talikuran.
“Juan!” inis na tawag niya. She hated it that he wouldn’t answer her.
Sandali lang siyang tinignan ng lalaki bago siya balikan.
“Okay,” he surrendered. “First of all, Katherine is the granddaughter of the recently deceased governor, Amado dela Cerna, and the only daughter of the ex-mayor.”
Her mouth opened in disbelief.
“Everyone knew Marcus was already engaged with Margaret. But things instantly turned upside down when both families announced the engagement of Marcus with the dela Cerna lady after confirming her pregnancy.”
Samantha was too bewildered to say anything.
Apollo slightly pouted. “It was a surprise because we never met Katherine. Tapos bigla iaanunsyo na ‘di na matutuloy ang kasal dahil pananagutan ni Marcus ang dinadala niya. The two met in a farm owned by dela Cernas,” he continued.
Natigil si Juan sa pagsasalita nang tawagin na siya ni Apollo.
Atubili siya nitong ginawaran ng halik sa pisngi. “I’ll continue later.”
“Wait!” habol niya ngunit ‘di na itong lumingon.
IT was dark and the only light that shines upon them draws from the kerosene lamp on the side table.
He moved her body closer as he lifted her lovely face on him. Those pair of deep charming eyes, despite traces of regrets, slowly shut close as she submits herself to him.
“Marcus…”
Napasinghap siya when he felt her sweet and warm breath against his face. Sa isang iglap, hindi na niya napigilan ang sariling sakupin ang mga mapupulang labi ng babae na tila kanina pa nag-aanyayang sakupin niya.
Her soft lips tasted like candies…
Dammit! It’s more intoxicating than the brandy he just drank from the neighboring farm. And it’s making him crazy.
His kisses became intense when she slowly responded passionately.
Matagal bago niya pakawalan ang mga labi nito. Muli niyang ibinalik ang mga mata sa malaanghel na mukha nito.
Her small and turned up nose, her narrow chin... full cheeks… and those lovely doe eyes… Oh, Katherine...’
Katherine!
Mabilis na napabangon si Marcus habang habol ang hininga.
Napapikit na naikuyom niya ang isang kamao habang mahigpit na sapo ng isang kamay ang sentido.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na napanaginipan niya ang
babaeng nakatakda niya sanang pakasalan ilang taon na ang nakakaraan.
‘Was it really a dream?’
He gritted his teeth as he closed his eyes habang pilit inaalala kung totoong nangyari iyon noon o isa lamang iyong panaginip. But he ended up forming a fist in frustration.
Hanggang kailan niya hindi maaalala ang isang taon na nawala sa memorya niya matapos ng aksidenteng kinasangkutan niya noon?
Ayon sa kanyang pamilya, wala namang masyadong bagay na nangyari isang taon bago iyon. Maliban na lamang sa pagkakaugnay niya sa anak ng dating mayor ng Naga at nag-iisang apong babae ni Gov. Amado dela Cerna.
‘You didn’t love her because you only loved Margaret. You even hated her because you were forced to marry her when she got pregnant.’
Iyon ang naging paliwanag ng mama niya. Na kalauna’y sinegundahan ng buong pamilya, even Katherine’s stepcousin, Sophia.
But whether he loved her or not, he wanted to remember everything about what they had.
Bumangon siya mula sa kama at kumuha ng Hennessy Cognac at kopita mula sa mini bar.
Sa terrace ng kanyang silid siya tumuloy at nagsimulang lagukin ang laman ng mamahaling alkohol. Hindi na niya magawang bumalik sa pagtulog dahil okupado ng kanyang isipan si Katherine.
Mula nang makita niya ito sa huling gabi ng burol ni Don Amado ay hindi na nawala ito sa sistema niya.
Sorpresa rin sa kanya ang pagko-krus ng kanilang landas sa firing range, at nagkataong kakilala ito ni Samantha.
Susundan niya sana ang dalaga noong nagpaalam ito sa kanilang grupo, ngunit naunahan siya ng kasama nitong lalaki na agad nakasunod dito.
Nakakailang lagok na siya nang ipikit niya ang kaniyang mga mata habang inaalala ang mukha nito sa dalawang pagkakataong nakita niya ito.
‘Who are you, woman? Bakit hindi kita maalala.’