CHAPTER 5

1995 Words
                KINABUKASAN, bago bumalik ng Maynila si Marcus ay nakipagkita siya kay Samantha. Sa Maynila nakabase ang babae ngunit kasalukuyang nasa Naga kasama ng nobyo para dalawin ang mga magulang ni Juan at makasama ito nang ilang araw. Ngunit pabalik na rin ito kinagabihan para asikasuhin ang paghahanda para sa nalalapit nitong kaarawan.                  “I bet this is about Katherine, right?” agad na tanong nito sa kanya bago naglagay ng extra brown sugar sa hot liquid nito.                  Sumeryoso ang mukha ni Marcus. “What else do you know about her? –I-is she married?” Hindi niya alam, ngunit ang huling tanong niya ang sabik siyang agad maringgan ng kasagutan.                  Sandaling humigop ng kape si Samantha bago tumikhim para sagutin siya. “Honestly, other than she was a fellow UNICEF ambassador, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.”                  Mataman niya itong tinitigan. “Come on Sam, nagkasama kayo sa mission sa Africa, impossible namang wala siyang nababanggit tungkol sa kanya,” he doubtfully remarked.                  “She was nice and friendly but she kept her personal life private. I can’t remember any instance that she brought up something about her family or anyone,” paglalahad nito. “Ang alam ko lang, she lives with her stepdad and her sister. I added her on f*******: ngunit walang ibang updates na naka-post maliban sa isang picture na kuha niya habang nasa misyon at mga ilang life quotes,” dagdag pa nito.                   Salubong ang mga kilay na napatitig sa malayo si Marcus.                  Pinagmasdan naman siya ng dalaga. “Nawala siya sa memorya mo, but you look bothered.”                  He turned his dead eyes on her. “What are you trying to say?”                 “If it’s true that you didn’t feel anything special for her before, then there shouldn’t be any reason to think about her now,” pahayag muli nito bago nagkibit-balikat. “Who knows, kung noon ‘di mo siya ginusto, malay mo ngayon you finally get attracted to her,” may himig na panunudyong dugtong pa ni Samantha.                  Binalewala lang ni Marcus ang kausap sa parteng iyon.  “I’ll go ahead. See you in Manila,” bigla’y paalam niya.                                   “SOPHIA, I’ll call you back. I’m on my way to Manila Penn for Samantha’s birthday party,” paalam ni Margaret sa kaibigan mula sa kabilang linya. ‘Di niya sana sasagutin ang tawag nito dahil nagdadrive siya, ngunit patuloy na nagriring ang mobile phone niya.                  “Nasa bansa si Katherine.”                  Biglang nitong natapakan ang preno ng minamanehong BMW nang marinig ang pangalang binanggit ng kausap.                 “Don’t hang up!” bulalas niya saka dahan-dahang itinabi ang sasakyan sa gilid ng daan. “You’re saying Katherine dela Cerna is in the country?” pag-uulit nito sa kausap nang maihinto ang sasakyan.                  “I sent you a message on f*******: while you and Antonio were in Europe. She arrived on the last night of Lolo Amado’s wake.”              “You know that I’m not active on social media, Pia. Hanggang kelan siya rito?” May himig ng inis na tanong niya.                  “Wala siyang planong magtagal pero pinakiusapan siya ni Tito Alejandro na manatili muna,” anang tinig sa kabilang linya. “Relax, don’t tell me nag-aalala ka? Matagal nang nabura ang babaeng iyon sa memorya ni Marcus.”                                 Bahagyang napaangat ang likod ni Margaret mula sa backrest kasabay ng paghigpit ng mga kamay nito sa hawak na aparato. “Paano kung sa muling pagkikita nila ay bumalik sa alala niya ang mga namagitan sa kanila ng babaeng iyon!” nangangambang tanong niya.                  “I heard she’s not staying long so imposible na magkaroon ng pagkakataon na magkita sila.”                  Hindi na sumagot si Margaret at inis na tinapos na ang tawag na iyon. Pakiramdam niya’y literal na biglang tumaas ang blood pressure niya sa ibinalita ng kaibigan.                  Ipinikit niya ang mga mata habang kinakalma ang sarili.                   ‘Relax, Margaret! He didn’t love her. So, kahit pa maalala niya ang babaeng iyon, hindi siya pwedeng makapamagitan sa inyo ni Marcus!’  she whispered to herself.                   THE party was already on its second hour, but Samantha was still expecting to see Katherine among her nearly 200 guests.                   Kahit na walang sagot ang imbitasyon niya sa kaibigan ay umaasa pa rin siyang makakarating ito.                  Ngunit ilang sandali pa lang ang lumipas, sa halip na si Katherine ang matanaw ay si Marcus ang nakita niyang bagong dating kasama ang ina nito at kapatid na si Savannah. Inimbita niya ang tatlo noong nakipagkita sila ni Juan kay Marcus na nagkataong kasama ng dalawa para ihatid sa isang social event.                  “I’m glad you came, Tita.” unang bati niya kay Victoria at nagbeso saka bumaling ng pagbati kay Savannah.                  “Happy Birthday, Samantha and thank you for inviting us. I’ve heard so much about you and I hope to bond with you one of these days.”                   “Looking forward to that, Savannah. Thank you,” she smiled.                  Hinanap agad ni Marcus ang table ng mga kaibigan bago nagpaalam sa tatlo. Ngunit bago ito tumalikod ay binati muna siya nito.                  “Please make yourselves comfortable and enjoy the night,” she said warmly to the two bago balingan ang isa sa mga ushers na iassist sa table ang mag-ina.                  Lumipas pa ang isang oras ay hindi na siya umasang darating si Katherine. Kaya ipinokus  na lamang niya ang atensyon sa kanyang mga bisita.                  “Who’s that stunner?” biglang putol ng isang baklang kaibigan kay Samantha nang bumungad ang isang babaeng bagong dating.                  Kunot-noong napalingon ang dalaga. At gayon na lamang ang pagliwanag ng kanyang mukha nang matanaw si Katherine.                  Kate dazzled in elegant emerald halter plunge dress na sumunod sa magandang hubog ng katawan nito. Ang lampas balikat nitong buhok naman ay hinayaan lang na nakalugay.                  “Wait, excuse me guys,” sabik na paalam niya para salubugin ang kaibigang tila hinahanap siya sa harapan ng bulwagan.                  On her way ay hindi nakaligtas sa kanya mga mata ang ilang bisita na nakatuon ang atensyon kay Katherine.                  “KATE!”                 Hndi mapigilan ni Katherine ang sariling humanga sa kaibigan nang lingunin niya ito. Samantha looked so glamorous in her red dress.                     “Happy birthday!” mainit na bati niya rito.                   The two shared a hug. “Sorry I came late. Hapon na ako nakarating mula Naga,” ani Katherine.                  “Please don’t apologize. Ang mahalaga nakarating ka,” masiglang sagot ng celebrant. “Come and join us on our table. I’ll introduce you to my family,” yakag nito.                   Nang makalapit sila sa table ng mga magulang ni Samantha ay magalang siyang bumati sa mga ito. Wala siyang masyadong alam tungkol sa background ng kaibigan. Ngunit sa nakikita niya sa paligid, ay halatang mula ito sa isang prominenting pamilya.                  Nang simulan siyang silbihan ng pagkain ay nagpaalam muna si Samantha para asikasuhin ang ilang bagong dating.                  She was enjoying the food and the Jazz music habang nasa puwesto niya. There were moments na medyo nailang siya because she caught some of the guests casting glances her way.                  Nang matapos ay huminto ang musika at nagsalita ang emcee.                   “Ladies and gentlemen, once again, thank you for coming here tonight to celebrate with Miss  Samantha Gomez. But before we continue with the party, please watch this short greeting from someone who wants to extend his birthday wishes to our gorgeous, Samantha.”                  Ilang sandali pa, namatay ang ilang ilaw at bumukas ang malaking white screen.                  A video played.                  Hindi mapagilan ni Katherine ang mapatayo nang magsimula ang video.                   Isang African orphan boy na sa tantiya niya ay nasa anim or walong taon ang edad ang kasalukuyang nasa screen.                  “Happy Birthday, Mama Sam. Thank you for supporting me and for loving me. I pray that God will guide you always. I miss you and I hope to see you soon. Happy birthday, Mama.”                  Katherine’s eyes automatically went wet while the video of Sam’s foster child in Africa was being played.                  Bigla niyang naalala ang naging misyon niya sa nasabing bansa kung saan nakasalamuha niya ang mga abandonado at malnourished na mga batang Aprikano. It was heartbreaking to see them in very depressing plights.                  “That lovely face doesn’t deserve a single pair of tears tonight, woman.” Halos mapakislot siya sa biglang pagbulong ng pamilyar na tinig sa gilid ng kanyang mukha. Her pulse started to beat. Gusto niya itong lingunin, ngunit minabuti niyang pasimpleng lumayo na lamang.                  Kasabay ng pagkilos niya ay ang pagbabalik ng liwanag sa paligid.                 Hanggang makalapit sa table niya ay hindi nabawasan ang bilis ng pagtahip ng dibdib niya..                 She struggled to make her composure back to normal, ngunit ‘di pa man siya tuluyang nakakabawi sa epekto ni Marcus sa kanya ay sumunod naman ang  mag-inang  Savannah at Victoria.  The two recognized her nang mapadaan sa harap niya.                    “Katherine dela Cerna?” hindi makapaniwalang sambit ni Victoria bago pagmasdan ang kabuuan niya.                  Naalangan man ay bahagya siyang yumuko senyales ng paggalang. “Good evening, Ma’am,” pormal na bati niya.                   “It’s nice to see you again, Katherine,” magiliw na sabi naman Savannah saka nagbeso sa kanya.                ‘Di niya mawari kung sincere o hindi ang huli. Ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin niya nakakalimutan naging atmosphere sa unang pagtatagpo nila. Gayunpaman, wala na siya kahit konting hinanakit sa mga ito.                  “Tita, Savannah,” putol ni Samantha sa tatlo.                  Sa ekspresyon ng mukha ng dalaga ay tila sinusubukan nitong iiwas siya sa dalawa.                  “Hija, magkaibigan kayo ni Katherine?”  napamaang na usisa ni Victoria.                  Nagkatinginan silang dalawa ni Samantha.                   “Ahm, -yes, Tita.  We met during my mission in Africa. She was a UNICEF ambassador from Sweden.”                  Ibinalik ng ginang ang mga mata sa kanya nang may paghanga. “That’s good to hear, hija.”                   That was a relief.                   The two eventually excused themselves.                   “Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Sam sa kanya.                  Simpleng tango lang ang isinagot niya. Sa tono nito ay tila may alam na ito tungkol sa nakaraang relasyon niya noon kay Marcus.                  “Waiter,” tawag ni Samantha sa lalaking nauniporme mula sa kanilang likuran. “Lemon Drop Martini for two please,” hiling nito.                  Sinubukan nilang ‘wag pag-usapan ang mga Saavedra habang hinihintay ang inumin nila. Ngunit talagang nananadya ang pagkakataon nang sabay nilang matanaw si Margaret Benitez!                  Sinundn nila ng tingin ang babae hanggang sa huminto sa mesa nina Marcus at walang kagatul-gatol na hinagkan ito sa labi.                  “I think, I need to leave, Sam,” walang emosyong baling niya sa kaibigan.                    Hindi ito agad nakasagot ngunit nagpasalamat siyang nakaintindi si Samantha. Tiyak niyang iniisip din nito ang kapakanan niya.                  “Please let’s meet after this. I want to bond with you before you fly back,” hiling nito.                Tumango siya bago nila pasimpleng tinungo ang exit. Pinigilan niyang samahan siya nito palabas hanggang sa dumating ang service car ng hotel na tinutuluyan niya, ngunit nagpumilit ito kaya wala na rin siyang nagawa.                   Sampung minuto na silang naghihintay sa pick and drop area nang makatanggap ng tawag si Samantha na kelangan ito sa loob kaya nagpaalam na rin sa kanya.                  Maya-maya pa, nadismaya si Katherine nang tumawag ang driver na susundo sa kanya na kalahating oras pa bago ito makakarating. Ni wala itong binigay na dahilan. She then opted to cancel the service and started booking a ride via Grab app.                   Subalit napahinto siya sa pagtype sa destination box nang huminto ang isang itim na sasakyan sa harap niya kasunod ang pagrolyo pababa ng windscreen nito.                 “Hop in.”    Watch out for Chapter 6 tomorrow :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD