Emosyonal na napaatras si Katherine sa tagpong iyon bago pa mapansin nina Marcus at Theo ang presensiya niya. Muli niya sinubukang kinontak ang kapatid. Swerte namang sinagot na rin nito sa wakas ang tawag niya. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone habang binibilinan si Stephanie. “Get Theo now ang leave the hotel right away! I’ll explain everything later. J-just leave with Theo now!’ balisang instruksiyon niya rito. Nag-aalalang nagtanong pa ang kausap ngunit pinindot na niya ang end button ng hawak bago mabilis na bumalik sa kanilang suite ni Marcus. “THEO?’ tawag ni Stephanie sa pamangking nakatalikod katabi ang isang matipunong lalaki. Sabay napalingon ang dalawa sa kanya. Nang madako ang mga mata ng dalaga sa lalaking nasa mid-thirties ay hindi nito mapigilang humanga sa good

