Muling namasa ang gilid ng mga mata ni Katherine nang kumilos siya palapit kay Marcus. Wala na siyang ibang gustong gawin nang mga sandaling iyon kundi ang muling mayakap ito at maiparamdam na mananatili siya sa tabi nito sa gitna ng mabigat na pinagdadaanan nito. Matagal bago siya pinakawalan ni Marcus. Gumaan ang pakiramdam niya nang huminahon ang galit at bigat sa dibdib nito. Ginagap nito ang kamay niya. “Stay with me until dawn bago ako bumalik ng Maynila. I booked a flight to Pittsburg yesterday. “Pittsburg?” “I’m filing for divorce. And I’ll make sure to find the fastest way to get it done. Kahit magkano magbabayad ako mapadali lamang ang proseso.” Napayuko siya. Ngunit tila na nahulaan ni Marcus ang nasa isip niya. He pulled her against his chest. “We’ll sit down and

