Napag disisyunan ng ina ni Marie na iuwi si Marie sa probisya at doon ipag patuloy ang pag aaral. Pag tapos ng klase ng 3rd year aya agad syang dinala sa probinsya. Nahirapan si Marie mag adjust dahil hindi naman sya kumakain ng gulay. At dahil sa labag sa kanyang kalooban ang disiyon ng nanay nya ay nilibang nya sarili kasama ang mga pinsan nya.
At dahil hindi sya kumakain ng gulay lumalabas sya ng alas sais ng gabi kasma ang isa sa pinsan nya na si joy para bumili ng inihaw na footlong or kung ano pang inihaw para ulamin. At doon ay lagi nyang nakikitang naka tambay si Dan ang batang nakakasama nya mag laro nung mga bata pa sila na nakatira sa likod ng bahay nila at nakakasma nya pa ngang nalikigo sa poso. At doon ay binibiro biro sya ni Dan. Si Dan ay kilalang sutil at malokong bata sa kanilang lugar.
Pag sapit ng pasukan sa eskwela ang Adviser ng klase na napasukan ni Marie ay ang lola nya na si Mrs. Ruel. Si Mrs. Ruel ay pinsan buo ng nanay ng ina ni Marie at ninang sa kasal ng ama at ina ni Marie. Sanay na si Marie ganoong sitwasyon dahil bata palang sya ay madalas na nyang nagiging guguro sa mga eskwelahang napapasukan sa probinsya ay kung hindi tyahin nya ay lola nya. Nakikilala si Marie sa eskwelahan dahil sa ganoong bagay. Kaya lahat ng mga guro nya sya sa mga subject ay tutok sa kanya at ipinapaalam ang bawat galaw nya sa lola nyang si Mrs. Ruel. Nagigiliw naman ang mga kaklase at ibang estudyante sa kanya dahil sa apo sya ng guro at magiliw din naman syang kasama kaya marami sya agad naging kaibigan at marami rin namang naiinis sa kanya dahil pakiramdam ng mga ito ay inaagawan sila ng atensyon sa mga kaibugan nilang naging kaibigan ni Marie. At madalas ay nagugulat syang may bigla nalang mang aaway sa kanya. Marami sa klase nila ang pinsan ni Marie ng hindi nya nalalaman. Pero may isa syang pinsan na kaklase nya at yon ay nakakasama nya simula pagkabata. Ang kuya ni joy na si Mj. Si Joy at Mj ay anak ng kapatid ng ina ni Marie. Si Mj ang madalas nyang ding kasama sa klase dahil si Mj naging mas malapit sila nong panahon nayon pero nadalas silang nag aaway dahil marami silang hindi pinag kakasunduan sa mga disisyon nila.
Si Marie ay hatid sundo ng tyuhin nyang si Ren. At madalas ay kasabay nya sa pag pasok at pag uwi si Mj. Pero pag hindi nya nakakasabay si Mj ibig sabihin ay hindi pa naka handa sa pag pasok si Mj at hindi pwedeng malte si marie sa klase dahil kailangan nya pag butihin ang pag aaral habang sya ay andoon sa poder ng mga kamag anak. At si Marie ay hindi pwedeng mahuli ng uwi ng bahay si Marie kasi papagalitan sya ng kanyang tyuhin kahit nga nasa bahay lang nila Mj si Marie na inabot ng 7pm ay nagagalit na ang tito ni Marie at sinusundo na sya nito or ng kanyang lola.
Kapag si Marie ay bumaba na sa tricycle ng tyuhin at pumasok sa gate ng paaralan ay napapalingon sa kanya dahil sa maputi at makinis na kutis na nanginginang nginang lalo pag itoy na aarawan. At dahil sa umaalingasaw na collogne na Ice Water sa kanyang kasootan.
At dahil marami na sya kaibigan ay sumasabay sya sa pag uwi sa mga ito at nag iistroll sila. Unang ipinapahatid nila ay ang kaklaseng nakatira sa malayo at huli na silang mga malalapit lang sa paaralan ang bahay.
At madalas ay papadilim na pag sya ay nakaka uwi at nagagalit ang lola at tyuhin nya. Iniisip nilang senyales na iyon ng muling pag barkada nya at baka maulit nanaman ang mga nang yari kay Marie sa Quezon City.
Umiwas iwas muna si Marie sa pag papahuli ng pag hatid pag uwian na sa klase.
Sa tuwing gabi naman ay lumalabas sya kasama ang pinasang si Joy para bumili ng mauulam na inihaw kay ate Dal, at naroon naman si Dan. Si dan ay lumalapit para asarin sya na "Gabi na hahanapin ka ng tito mo." wika ni Dan.
Napapansin pala ni Dan ang pag hihigpit sa kanya ng tyuhin nya.
"Alam na lumabas ako para bumili ng uulamin ko. Tsaka kasama ko naman si Joy eh." Tugon ni Marie.
"Bakit kasi hindi ka kumakain ng gulay?" wika ni Dan. Alam ni dan ang nag yayari sa buhay nya. Malamang ay naririnig nito sa mga usapan ng mga tyahin at lola ni Marie na hindi sya kunakain ng gulay.
"Kumakain naman ako ng ibang gulay." sagot ni Marie. "Dapat kasi lahat ng gulay kinakain mo kasi nasa probisya ka. Wala ka na sa Maynila." Hindi naman umimik si Marie.
Lumipas ang mga araw at madalas na silang nag kakabiruan ni Dan at pati na nga si Joy at tyahin ni Dan na si Dal ay inaasar na sila.
Inaayos ni Marie ang kanyang pag aaral nung mga panahon na yon dahil ayaw nyang may masabi ang mga kamag anak nya sa kanya dahil siguradong alam ng mga ito ang pinag gagagawa nya sa Quezon City.
Si Marie ay pinapadalhan lang ng kanyang ina para sa mga pangangailangan nito at pag kinakapos ay nang hihingi sya sa lolo nyang pensyonado na si Mang Tato.
Dinadalaw din nya ang lolo at lola nya sa bukid na sina Inang Susy at Tatang Tasyo. Nanananatili sya doon ng isang araw at isang gabi o di kayang dalawang araw dalawang gabi. Pag pauwi na sya ay binibigyang naman sya ng mga ito ng pera para sa kanyang mga panganagilangan. Minsan ang lola nyang si Mrs.Ruel ay inaabutan din sya o kaya'y binabayaran nito ang ilang bayarin ni Marie sa eskwelahan.
Walang ibang pinag kakagastusan si Marie kundi ang mga pangnagilangan nya sa sarili pero dahil sya ay may pagkamaluho sa katawan at kinakapos talaga ang padala ng kanyang ina.
kahit pa ipinanganak si Marie na may magandang kutis at gumagamit padin sya ng mga mamahaling sabon sa katawan at sabon sa mukha. At dahil sa kaartehan nyang ito ay marami namang naiinis sa kanya at ang iba namay natutuwa sa mga expression nya "It's hot 'n, hot in here ?" ng pakanta.
Ayaw ni Marie na naarawan sya dahil sa mga mahal na sabon na ginagamit nya.
Isang gabi habang sya ay gumagawa ng mga assignment nya ay mga kumatok sa bahay nila at hinahanap sya. Si Jon, "Pinapapunta ka ni tatay sa bahay" sabi nito. Si Jon ay anak ng Lolo Boying ni Marie. Si Lolo boying ay ninong sa kasal ng ina at ama ni Marie. "Bakit daw?" tugon ni Marie.
"Andon papa mo sa bahay." Hindi alam ni Marie ang kanyang mararamdaman. Nakaramdam si Marie ng excitement at takot. Excitement dahil kahit na galit sya sa ama na matagal hindi umuwi bago sya dalin ng mama nya roon sa probinsya ay namimiss nya na ito dahil sya ay sobrang lapit sa ama nya. Takot kasi alam nyang magagalit ang lola at tyhin nya. Dahil galit ang mga ito sa ama nya. Narinig nag lola nya ang sinabi ni Jon at sumama ang mukha nito. Lumabas padin si Marie at pumunta sa bahay ng kanyang Lolo Boying.
Pag kita nya ay andon nga ang kanyang ama. Pinipigil ni Marie ang saya na nararamdaman nya at gusto nyang makita ng ama na galit sya rito. Pag lapit nya ay agad syang niyakap ng ama at ikinandong sa hita nito. "Bakit ka andito?" tanong ni Marie. "Namiss ko ang anak ko eh." hindi unimik si Marie. "Umuwi ako sa bahay wala ka doon. Sabi nalang ng mga kapatid mo na inuwi ka dito ng Mama mo. Lokaret ka talaga hindi ka nag aaral ng maayos." sambit nito kay Marie.
Hindi umimik si Marie pero sa isip ay sinisisi nya ang ama.
"Kmusta ka na?, pupunta sana ako doon sa bahay kaso malamang hindi naman ako papapasukin ng lola mo eh. Kaya dito nalang ako pumunta. at ipinatawag ka ng lolo boying mo kay Jon." sabi ng ama ni Marie. "Ok lang ako" sambit ni marie. "Nag aaral ka na bang mabuti?" tanong ng ama. "Malamang kasi si Lola Letty ang adviser ko eh." tugon ni Marie. "Oh talaga?! nakuh umayos ka na. Patay ka don." sabi naman ng ama. Binigyan si Marie ng ama ng pera para mga pangnagailangan nito. "Pag may pag kakataon dadalawin kita ulit dito." sambit ng ama. Hindi umimik si marie at kinuha ang pera. Marie is a precious and a princess for his father.
Nakita naman nyang dumaan si Dan at nakita syang naka kandong sa ama at inabutang pera. Umuwi na si Marie na walang emsyon pero umaasang babalik ang ama para dalawin at bigyan ulit sya nito ng pera.
Nag kita muli sa tindahan ng inihaw ng tyahin ni Dan si Dan at Marie. Inasar ni Dan si Marie "Oy libre mo naman ako nakita ko may pera ka. Binigyang ka ng papa mo kagabi. Naka kandong ka pa nga. Sweet naman." pang aasar nito. "Pang gastos ko to noh." Sagot naman ni Marie.
Lumipas ang maga araw na napapansin ni Marie na talagang araw araw na syang inaabangan ni Dan na pumunta sa ihawan. "Penge nga ng number mo." Sabi ni Dan. "Wala akong number." Sagot ni marie. "Ayan cellphone mo hawak mo wag mo sabhihing walang simcard yan?, pano mo magagamit yan?" sagot ni Dan. Hindi na umimik si Marie habang tawa naman yung tyahin ni Dan. "Bakit naman kasi hihingin mo number nya ehdi wala na syang number?" biro naman ng tyahin ni Dan na takaga namang mapag biro din. "Itetextmate mo ba sya?" pahabol pa nito.
"Hindi ah! Liligawan ko sya." sabi ni Dan. Kinikilig ang tyahin ni Dan at pinsan ni Marie na si Joy habang wala namang reaksyon si marie.
Hindi binigay ni marie ang number nya kay Dan dahil marami syang naririnig na hindi magagandang patungkol kay Dan.
Nung minsang bumili si Marie ng inihaw kasma ang lola nya na si Aling Anang ay nandoon nanaman si Dan dahil nga'y inaabangan na talaga sya nito.
"Nay, pwede ko bang ligawan si Mae?" tanong ni Dan sa lola ni Marie. Mae ay palayaw ni Marie sa probinsya. "Ni hindi pwede ah. Magagalit ang mama nyan." sagot ni Aling Anang kay Dan. "Bakit ayaw nyo ba ako maging boyfriend ng apo nyo?" nag lolokong tanong ni Dan kay Aling Anang. "Ay na apo. Ewan! tumigil ka nga jan!" pagalit na sambit ni aling Anang. Grabe naman ang tawa ni Dan at tyahin nito na si Dal.
Nagulat si Marie na may nag text sa kanya at nag pakilalang si Dan. Alam na ni Marie kung sino ang nag bigay kay dan ng number nya. At sigurado syang si joy yun. Bihira replyan ni Marie si Dan dahil hindi nya gusto si Dan dahil kilala talagang loko-loko sa lugar nila. At ang layo ni Dan sa minahal ni Marie na si Jv. Si Jv ay napaka puti at si Dan naman at sobra namang itim. At nakikita nyang may pagka isip bata si Dan hindi katulad ni Jv na matured at sa sobrang pag kamatured ay napakagaling mag paikot ng mga babae.
Si Dan ay gumagawa na ng paraan na magkasama at magkausap hanggang sa loob ng eskwelahan. Ang kaibigang kaklase ni Dan na si Jowel ay pinormahan ang isang kaibigang kaklase ni Marie na si na Louise naging dahilan ng madalas nilang pag kakasama ni Dan. Wala sa plano ni Marie na sagutin si Dan.
Isang araw may sumalubong kay Marie at sa kaibigang si louise. "Louise tropa mo toh?" tanong ng babae na nakaturo kay Marie. Nag pakilala itong girlfriend ni Dan at layuan daw si Dan.
"Wala naman akong pakielam sa boyfriend mo eh!" nakangising sambit ni Marie. "Sabi ni Jimuel girlfriend ka na daw nya.". sambit ni Arianne na nag papakilalang girlfriend ni Dan. Jimuel tunay na pangalan ni Dan.
"Hindi noh! sayong sayo lang sya wag kang mag alala." sagot ni Marie.
"Hindi boyfriend ni Mae si Jimuel noh!" sambit naman ni Louise kay Marie.
"Kaloko naman non ni Dan. Nililigawan ka eh may girlfriend naman pala." sambit ni Louise. "H'yaan mo sya wala naman din akong balak na sagutin yon eh" sagot naman ni marie. "Kilala ko yon si Arianne. Ka sis yon ng Uncle mong si Balong sa frat. Kakausapin ko si Balong sasabihin ko ginawa ni Arianne sayo." sabi ni Louise. "nakuh hayaan mo na yon!" sabi naman ni Marie sa kaibigan.
Itinext naman ni Marie si Dan about sa nang yari. "hindi ko na yon girlfriend. Break na kami non" reply ni Dan. "Oh eh kung break na kayo bakit nya ako susugurin ng ganon?" tanong ñi Marie sa text. "Hindi ko alam" reply ulit nitoh sa kanya. "Pag sabihan mo girlfriend mo."
Kinabukasan ay nalaman ni Marie na kinausap na ng Uncle Balong nya si Arrianne. At pag uwi naman at pumunta sya sa bahay ng tita nyang si Lota ay nakita nya doon si Naneth na ina naman ni Dan. "Inaway ka daw nung Arriane na ex-girlfriend ni Dan?" Hindi agad naka imik si Marie sa gulat dahil nalaman ng mga kamag anak nya ang panliligaw ni Dan sa kanya na wala naman syang balak ipaalam dahil wala naman itong balak na sagutin.
" Ay nakuh hayaan mo na yon si Arianne at inaway away ko na din sya na bakit pa sya nakekeelam kay Dan eh break naman na sila. Ako bahala don pag inaway ka ulit." wika ng ina ni Marie na ikinagulat nya. Hindi nya maintindihan yung nararamdaman nya. Hindi nya alam kung kinikilig, matutuwa or maiinis ba sya. Parang sarap sa mga tenga ni Marie ang mga naririnig nya. Pero wala naman talaga syang balak sagutin si Dan. Pero iba talaga sa pakiramdam ni Marie nung narinig nya yon sa ina ni Dan kasi nakaramdam sya ng insecurity pag nakikita nya noon na yung iba sa mga girlfriend ng minahal nya na si jv ay labas pasok sa loob ng bahay nila Jv an ang ibig sabihin para sa kanya ay malapit ang mga ito sa pamilya ni Jv na samantalang sya ay hanggang labas lamang sy ng tindahan nila Jv pag hinahanap nya ito.