Marie is a princess of his father, pero lumaki sya na magulo ang pamilya nya. Bata palang sya ay madalas ng nag aaway ang kanyang mga magulang. Mag hihiwalay tapos ay mag babalikan. Si Marie ay ang paboritong anak ng kanya ama at pag nag away ang kanyang magulang at pag umuwi ng probinsya ang kanyang ina ay sya at ang bunsong kapatid ang laging isinasama ng kanyang ina habang naiiwan naman sa kanya ama ang kanya nakakatamdang kapatid na lalaki at nakababatang kapatid na babae.
Sa probinsya sya ay prinsesa din ng kanya lola. At sa probinsya ay nakakasama nyang mag lato ang kanyang mga pinsan at ilang mga batang kapit bahay. At sa ilang beses niyang pag uwi ng probinsya isang batang lalake ang humanga sa kanya at niregaluhan sya ng isang pares na kulay asul na ipit ng buhok na may palawit na parang spiral. Ang batang lalake at hindi sya kayang kausapin o matignan man lang. Madalas pa nga'y pag nakita sya nito ay mamumula ang mukha nito at tatakbo. At marami pang humahanga kay Marie dahil sa kanyang ganda at dahil rin siguro sa kakaibang ganda ng kutis nito na parang kumikinang pa sa kaputian.
At habang dumadalas ang pag aaway ng mga mgaulang nya ay dumadalas din ang pag uwi nilang mag kakapatid sa probinsya. At sa tuwing uuwi sya at makikita sya ng batang lalake ay ganun padin to sa kanya. Minsang nga'y inaasar pa ang batang lalake ng kanilang mga kapit bahay at ng mga pinsan ni Marie. "Inso, si Marie oh!" asar ng isang kapit bahay ng tita ni Marie. At agad naman mamumula si Inso at mag tatatakbo na palayo. At habang dumalas ang pag uwi nila Marie sa probinsya marami syang nakakasmaa sa pag lalaro na mga bata roon. At sa likod ng kanilang bahay ay doon madalas tumatambay ang kanilang lola, meron doon poso na kung saan ay nakakaigib sila ng tubig. At pag mamay ari yoon ng isang malaking pamilya. At ang mag kakapatid na Dejesus ay nakakasama nya pa ngang maligo sa poso na may naka sahod na batya sa ibaba nito. Ang magkakapatid na Dejesus ay may panganay na bababe ang tatlong mga lalake. Madalas silang naliligo sa poso at minsay pa nga'y naliligo silang pang ibaba lang ang may saplot.
Lumipas ang mga taon ang ama ni Marie ay naka bili na ng bahay sa Quezon City. Isinama muna sila ng kanya ama sa bagong bahay at dahil wala pang cellphone nung panahon na yon hindi sila nakapag paalam sa kanyang ina na nasa tarabaho sa Maynila ng mga oras na yon na aalis sila papunta sa Quezon City para makita ang bahay na ipinatayo ng ama nya. Uwian ang mama nya sa Maynila at Cavite habang itoy nag tatrabaho. Nag stay sila ng isang linggo sa Quezon City kasama ang kanilang mga pinsan. At makalipas ang isang linggo ay nag pasaya na ang ama nya na hakutin na ang mga gamit sa Cavite. Hindi maayos ang ama at ina ng mga panahon na yon kaya ang tanong nya sa ama "Pa pano si mama, hindi ba natin isasama dito?" tanong nya sa ama. "Gusto nya bang isama ang mama nyo rito?". Sagot naman ng kayang. At tumugon din syang "Oo naman." at tumugon din naman ang ama na "Oh ehdi isama natin" . Kinabukasan ay umuwi na sila sa cavite para mag hakot ng gamit. At dahil halos hating gabi na yon ay naroon na ang kanya ina sa bahay nila. Sinabing lilipat na sila ng bahay sa Quezon City. Ayaw sumama ng kanyang ina pero dahil ss pakiusap nilang mag kakaparmtid at sumama na ito. At lumipas ang mga araw buwan at taon na madalas paring nag aaway ang kanilang mga magulang at dahil madalas ng umuuwi ang kanyang ama doon ang ina naman ang madalas na umaalis at matagal bago bumalik at natatagalan na din na hindi nadadals ang uwi nila sa probinsya.
Dumating ang araw na ang ama ay natigil sa bahay na matagal na panahon dahil umalis ito sa kanyang trabaho. Habang ang ina nama'y matagal ng hindi umuuwi. Nag papadala sila ng mga kapatid nya ng sulat sa Nueva Ecija ngunit bumabalik lang din ang sulat. At dumating ang araw na nag paalam ang ama ni Marie sa knilang mag kakapatid na pupunta ito sa Baguio upang makipag sapalaran at doon na mag trabaho. Namuhay ang mag kakapatid na sila lang, nang ilang linggo. At umuuwi lang ang ama sa kanilang bahay ng isang beses sa isang buwan. At ng isang beses ay umuwi ito ng may magandang balita. "Meron na akong sariling Security Agency. Dapat umuwi na ang mama nyo para may kasama kayo dito at baka matagal tagalan na ang pag uwi ko dahil s amaraming dapat asikasuhin sa kumpanya para lumago agad ito."
At umuwi na nga ang ina ni Marie ngunit nag tatrabaho din ito kanya sa umaga ay sila-sila lang mag kakapatid ang naiiwan sa bahay. Umuuwi sila Marie ng Baguio para mag bakasyon doon pag walang pasok sa eskwela madalas ay kasama nila ang kaniyang ina. Tinuturaan naman sila ng ama sa ilang mga bagay sa kumpanya lalo sa pag papatakbo nito. Isang araw sa pag babakasyon nila roon ay naroon na ang isang guard na matagal ng guard ng ama nila. Tauhan pa ito ng ama nila sa Cavite bata palang sila. Isa ito sa nag babantay at nag aasikaso sa kanila nung mga bata pa sila habang nasa trabaho ang kanilang mga magulang kaya naman tiwala na sila dito at palagay ang loob. Umalis ang ama ni Marie para pumunta sa isang business meeting sa Launion at ang kasama lang nila roon sa bahay ay ang mga tauhan ng ama. At nang nakakwentuhan nila ang isang ang matagal ng guard ng ama na si Sombilon. "Si Sir kaya hindi nakakapadala ng maayos sa inyo kasi gabi gabi sa Korpil. Umuubos ng mababa 16,000 sa isang gabi." sabi ng guard. Nagulat si Marie at nainis. Korpil ay isang sikat na bar sa Baguio.
Isang araw umuwi ang ama ni Marie at sinabing aalis sila at pupunta sila sa isang malaking mall sa ortigas dahil may ipapakilala daw sa kanila. Nung mga panahong yon ay parang alam na nya kung ano ang mga sisunod na mang yayari. Pag dating sa mall ay may ipinakilalang batang batang babae ang ama ni Marie. Kasintahan daw ng ama. Nagalit ng sobra si Marie at matapos nung araw na yon ay nag simula na si Marie mag rebelde. Make up dito make up don. Barkada dito barkado don. Hindi pumapasok sa klase at sa mga mall lang tumatambay or kaya naman ay sa loob ng UP campus kasama ang mga kaeskwela. Na parang wala na syang pakielam sa buhay at pag aaral nya.
Isang araw ay nakilala ni Marie ang isang lalakeng nasa 4th year habang sya ay nasa 3rd year high school naman. (Nung mga panahon na yon ay nauso na ang cellpgone.) Hiningi nito ang cellphone number ni Marie at ibinigay naman ni Marie. Nag kakapalitang sila ng mensahe sa text at hanggang naging sila sa text. Ang mga kabataan pag nasa high school ay mapupusok. Si Marie ay sinusubukan nung lalake pero dahil takot sa mga ganon bagay si Marie ay hindi sya nadadala sa mga pag subok na ginagawa ng lalake. Isang araw may programa sa kanilang eskwelahan at isang bababeng kabatch nya ang umirap sa kanya. "Anong problema nong babaeng yon?! Bakit ako non inirapan?" wika ni Marie sa kaibigang kaklase. "Ah si Roshina, girlfriend din daw kasi yan ni Jv" tugon ng kaibigang kaklase sa kanya. Gulat na gulat naman sya sa kanyang narinig. At ilang araw ang lumipas may pumunta sa kanilang bahay na isang babae. Kilala nya yong bababe dahil nakasama na rin nya ito sa isang inuman ng barkada na hindin naman umiinom si Marie. "Oh Camille bati nya dito". Nagulat sya pag baba nya ay may kasama pala ito. Si Jalyn, kaklase nya nung 1st year. "Oy Jalyn!". "Eh gusto ka sana kasing kausapin ni Jalyn." wika ni Camille. Hindi maintindihan ni Marie ang pakiramdam nya noon na parang nag tataka kung ano ang kailangan nito sa kanya. "Ha oh sige" sagot nya rito. "Boyfriend nya kasi si Jv eh, eh para wala sanang gulo layuan mo nalang si Jv." sabi ng Camille. Laking gulat nya sa narinig nya na parang gusto nya maiyak sa inis.
Tinanong nya sa text si Jv ang sagot lang nito "Hindi yon totoo, kung ayaw mo maniwala sakin bahala ka". Nag patuloy ang relasyon ni Marie kay Jv. Pinupuntahan pa nga nito si Jv sa bahay nila upang sunduin para mag lakad lakad. Hanggang isang araw ay matagal ito bago sumagot sa mga text message nya kaya naisipan nyang sundan nilang mag kakaibigan si Jv. At laking gulat nya na sa kada araw na sinusundan nya si Jv ay iba ibang babae ang nakikita nyang kasama nito. Nasasaktan sya ng sobra sa mga nakikita nya kaya pinasya nyang hiwalayan na ito ngunit dahil sa pag mamahal na nararamdaman nya dito ay madalas parin nilang sinusundan ito. "Ano ba break na kayo diba?! Bakit sunod padin tayo ng sunod dyan. Mukha na tayong tanga dito." wika ng bestfriend nyang kaklase nya na si Millette. "Oo nga naman." wika ng kaibigan kaklase nila na si Ruth. "Basta!" sabi naman ni Marie.
Hindi kaya ni Marie na mawala sa kanya si Jv kahit pa sa mga nakikita nya, kaya naman ay tinuloy nya ang pakikipag komunikasyon kay Jv at doon na nag simula ang kalbaryo nya. Binabantaan na sya ng grupo ni Jalyn. Bubugbugin daw sya pag nakita sya sa labas ng paaralan.
Nag tataka si Marie na bakit sya na matino ay parang binabalewala lang sya ni Jv at gustong makasama ni Jv ang mga ganoong klase ng babae.
"Alam mo iyosi mo nalang yan. hindi ka kasi nag iinom hindi ka din nag yoyosi kaya mas gusto kasama ni Jv yung ibang mga girlfriend nya" sabi ng mga kaibigan nya na araw-araw tumatambay sa bahay nila para mag inom at mag yosi.
"Ayaw ko padin mag inom at mag yosi!" Sagot naman ni Marie. Pero lumipas ang mga araw at nasasaktan sya na hindi na talaga sya pinapansin ni Jv, naisip nya na baka tama ang mga kaibigan nya, na baka tama ang mga sinasabi nila. May isang tropa si Jv na nag tetext kay Marie para pormahan sya at niyaya sya mag inom ng alak. Agad syang tumugon dahil alam nya na siguradong kasama nito si Jv. Sinama ni Marie ang bestfriend nya at nakipag inuman sila dito. dalawang bote palang ay nakaramdam na ng hilo si Marie kaya nag pasya na itong umuwi. Nilagnat si Marie kinabukasan. 'ganun pala yon pag uminom ng alak nag kakasakit' -isip ni Marie. Nung gumaling si Marie ay nag hanap sya sa kaibigang kaklase na si Ruth ng sigarilyo dahil alam nyang maraming baong sigarilyo ito lagi na kinukupiit nito sa tindahan ng tyahin nya. "Oh bakit?" tanong ng mga kaibigang kaklase nya. "Mag yoyosi ako!" tugon ni Marie. Pinigilan sya saglit ng mga ito pero hinayaan na din sya.
Nag inom sila at ng nalasing, si Marie ay nag text sya kay Jv. "Nag iinom na ako, naninigarilyo na din ako pero hindi ko gagawing mag m*******a kahit na kailan." text nya kay Jv. " Bkit mo ginagawa yan?" sagot ni Jv. "Eh kasi baka pag marunong na ako ng mga gantong bagay eh mapansin mo na ako." tugon namn ni Marie. "Baliw! ikaw na nga lang matino sa kanila gianawa mo pa yan sa sarili mo. Tsaka bakit hinahayaan ka ni Oli na gawin yan?" sagot ni Jv. (Oli yung tropa ni Jv na pumoporma kay Marie). "Wala na yon hindi ko na nakakausap yon" tugon naman ni Marie. "Bahala ka nga sa buhay mo!" huling tugon na ni Jv kay Marie."
Lumipas ang mga araw pag akyat ni Marie sa bahay nila ay andon ang bestfriend ni Jv na si Wil. Kausap ang kuya nya at pag kita sa kanya ay umulis na din. "Anong ginawa non dito?" tanong ni Marie sa kuya nya. "Ayon liligawan ka daw, eh sabi ko boyfriend ka ng tropa nya tapos girlfriend nya tropa mo, bakit ka nya liligawan." sambit ng kuya nya. Si Wil ay boyfriend ng kaibigang kaklase ni Marie na si Charllotte. (Si Wil ay hangang hanga sa napaka puting kili-kili ni Marie dahil si Marie lang ang nakitaan nya nga ganuon ka puting kili-kiki.) Laki namang pag tataka ni Marie sa sinabi ng kuya nya. At ang buong akala ng kuya nya ay boyfriend nya padin si Jv.
Pag may lakad ang isang grupo ng tropa ni Marie na hindi tropa ni Charllote ay sumasama si Wil pag alam na kasma si Marie. At sa mga araw na lumilipas nag iiba ang pakikitungo ni charllote sa kay Marie. Ngunit lagi padin ito tumatambay sa bahay nila Marie. Parang iritable sa kanya si Charllotte at madalas sya nitong binabara. Naisip ni Marie na baka alama na ni Charllote ang pag punta ni Wil don sa bahay nila Marie.
Hindi nag tagal nag hiwalay na si Charllote at si Wil. "Wala na kami ni Will pwede na kayo!" wika ni Charllote. Balewala naman kay Marie ang sinabi ni Charllote.
Wala pa rin namang tigil ang pamamahiya ni Jalyn kay Marie sa school at pag babanta. Sa tuwing pumapasok si Marie sa classroom ay ibat ibang sulat sa mga desk. Ang nababasa nya ay puro paninira tungkol sa kanya. At sa tuwing mag kakasalubong sila ng grupo ni Jalyn sa pasilyo at tinitignan sya ng masama nito. Marie is a brave brat girl. Nilalabanan nya ang pag bangga ng mga ito sa balikat nya. Hanggang sa umabot na nag kagulo na ang grupo ni Jalyn at ang tropa ni Marie na nasa 4th year highschool naman. Pero hindi sya nagalaw ng grupo ni Jalyn kahit pa andon sya ng mga oras na yon. Dahil prinotektahan sya ng mga ito dahil barkada din ang mga ito ng kuya nya.
Umuuwi si Marie sa kanilang bahay na pinapahatid ng guro sa mga baranggay tanod para siguradong walang mang yayaring masama kay Marie. Ipinatawag na ng guro ni Marie ang magulang nya dahil sa pag aalala kay Marie at sa mga grades nito. Sanay na ang magulang ni Marie sa ilang bwang pag papatawag ng guro ni Marie sa kanila. But this time, it's different, kasi kung nung una ay dahil lang sa madalas na hindi pag pasok ngayon ay lumalagapak na talaga ang mga grades ni marie at sa nakaka alarmang mga banta ng grupo ni Jalyn. Hindi naka punta ang ama ni Marie dahil marami itong inaasikaso sa negosyo at matagal tagal na ding hindi umuuwi ito sa kanila.