First day Marie sa opisina mag tetraining matapos ang halos anim na buwan na inikot siya ni Rafael sa lahat ng negosyo ng Delos-Fabos. Nag handa sya mabuti pra sa pag harap nya sa ibang mga empleyado sa ng Delos-Fabos.
"Hi Sir, Maam, Good Morning!" bati ng sekretarya ni rafael na si Lissy at kasama nitong si Rea.
"Babe, si Lissy, my secretary and this is Rea and she will be your secretary. Si Lissy ang nag refer sa kanya kaya alam ko na maayos rin sya mag trabaho sigurado. And 3years na si Lissy dito. Today, right Lissy?" wika ni Rafael.
"Yes Sir!" sambit ni Lissy.
"Sir may meeting po kayo sa Villareal Builders at 10am." wika pa ni Lissy.
"Okay, may time pa para i-tour ko si Maam Marie nyo sa buong Building. Pero ipapakita ko muna ang kanyang magiging opisina. You can go back first to your tables." wika ni Rafael.
Inikot ni Rafael si Marie sa buong Delos-Fabos at bumalik ang mga sekretarya nila sa mga lamesa nila.
-"Girl 3years ka na pala dito?" tanong ni Rea kay Lissy.
"Oo girl, at balita ko ako lang ang tumagal na secretary ni sir Rafael." sambit ni Lissy sa kaibigan.
"Balita ko kasi lahat ng mga naging secretary ni Sir Rafael ay nagiging kafling nya and pag nalaman na maraming pang babaeng karelasyo si Sir ay umaalis nalang. Or di kaya pag nahulog dsw ang loob kay sir ay sinesesante nya." wika pa ni Lissy.
"Ay grabe yon girl. Babaero pala si Sir." wika naman ni Rea.
"Oo daw, at yung last secretary nya bago ako eh usap usapang may relasyon na sila kaya nagulat sila nung biglang sinesante ni Sir at nung nahire ako nabalitaan ko na may bababe ng nag papatino sa kanya, at si Ms. Marie na nga yoon." sambit ni Lissy.-
Ilang minuto bago sumapit ang alas dyes ng umaga ay pumunta na si Marie at Rafael sa conference room kung saan gaganapin ang meeting with Villareal Buliders.
Binuksan ni Rafael ang pintuan at unang pinapasok si Marie. Nagulat si Marie ng makitang naka upo si Brix sa upuan doon sa loob at naka patong ang dalawang kamay sa lamesa.
"Hi!" bati ni Brix kay Marie at agad itong lumapit at bineso si Marie.
"Dude! Long time no see!" wika ni Rafael kay Brix.
"Marie will be our new VP for Operations. Ilang buwan ko na syang tinetrain." pag papaalam ni Rafael sa kaibigan na matagal ng hindi nakaka usap dahil si Berbard naman ang nakakaharap nya para sa mga business meetings nila at simula noong pinag palit ng posisyon si Bernard at Brix ay hindi pa sila nag kaharap dahil nag tour naman si Marie at Rafael sa mga negosyo ng Delos-Fabos.
"Yeah I heared it from Barron." sambit ni Brix. Na talaga namang inantay rin nito ang pagkakataong maka harap at makasama si Marie sa mga ilang trabaho na gagawin ng Villareal Builder sa Delos-Fabos.
"Kaya after ko sya matrain eh sya na ang madalas mong makakaharap sa mga ganitong meeting." wika ni Rafael.
"Inaasahan kong magiging maayos ang every business transactions nyo." wika pa ni Rafael na may pag diin sa business transactions. Na tila ba ipinapaalalang business lang ang dapat maging usapan ni Marie at Brix.
"And Lance is there for every transactions on every project." pahabol pa ni Rafael na may pag diin din at pag papaalala na ang project manager ng Delos-Fabos ang mas madalas na makakaharap ni Brix.
"Yes dude. Makakaasa ka. Alam ko namang maaahasan yan si Lance eh." sambit naman ni Brix.
Nang matapos ang kanilang meeting ay tila ba may tumutulak kay Brix na kausapin si Marie at hindi sya maka tayo sa inuupuan nya.
"So thank you dude, marami pa akong ituturo kay Marie." wika ni Rafael na tila ba itinataboy si Brix.
"Please say hi to Kath for me." pahabol pa ni Rafael.
"Yes sure! Thank you." sambit ni Brix.
Pag lipas ng mga linggo ay madalas na bumabalik balik si Brix sa opisina ng Delos-Fabos.
"Dude, andito ka? May problema ba?" tanong kay Brix ni rafael ng makita ito.
"Nothing I just have to get some paper kay Lance." sambit ni Brix.
"Ah okay, bakit may hindi ba nai-email si Lance na papers?" nag tatakhang tanong ni Rafael.
"Oo may kulang kasi dude." sambit ni Brix.
"I see. Sige dude, mauna na ako may meeting pa ako eh." paalam ni Rafael.
Tuwang tuwa naman si Brix sa narinig, dahil sa ilang beses nyang nag pabalik balik, ay mag kakaroon sya ng pag kakataon para kausapin si Marie. Dahil sa tuwing pumupunta sya roon ay laging naroon si Rafael at pag pumunta ito sa opisina ni Marie ay siguradong makikita sya dahil mag katabi lang ang pintuan ng opisina ni Marie at Tafael at madalas na may siwang ang pintuan ni Rafael.
Pumunta si Brix sa opisina ni Marie.
"Hi! Can I come in?" tanong ni Brix pag bukas nya ng pintuan ng opisina ni Marie.
"Ah, sure, why? may problema ba?" tanong ni Marie kay Brix.
"Nothing I just want to congratulate you." sambit ni Brix.
"Thank you!" sambit ni Marie.
"And Marie, I want to say sorry!" wika ni Brix.
"Sorry for what?" nag tatakhang tanong ni Marie.
"About 5years ago!" sambit ni Brix.
Saglit namang napaisip si Marie na halos na papatabingi na ang ulo sa kakaisip bakit nag sosorry si Brix at bakit ngayon lang.
"Naisip ko lang dapat hindi ko yon ginawa sayo." wika ni Brix.
"Ah, eh, wala na yun ano ka ba. Napaka tagal na noon. 30 palang tayo noon 35 na tayo ngayon. Ilang taon na ang nadagdag sa edad natin. Ibig sabihin mari ng nangyari sa buhay natin. Nakalimutan ko na yon." wika ni Marie na tila ba nag tatakha na bakit sa haba ng panahon eh ngayon lang nya narinig ang salitang sorry kay Brix.
Wala silang naging relasyon pero sa mahigit isang taon na panliligaw ni Brix kay Marie ay alam nito na nahulog na ang loob ni Marie sa kanya.
"Kung pwede ko lang itama ang lahat." wika ni Brix. Agad naman napalunok bigla si Marie na para bang mabubulunan at parang kinurot ang kanyang puso sa narinig.
"Ah Brix, I have meetings, sorry, but I have to go." wika ni Marie na tila ba gusto nyang maglaho sa harap nya si Brix ng oras na yon. Lumabas si Marie ng kanyang opisina at iniwan si Brix.
Birthday ni Gizelle, pumunta si Marie sa bahay nila Gizelle kung saan gaganapin ang maliit na salo-salo kasama ang talagang malalapit na kaibigan nito. Yun ay si Lalaine, Barron, Jacob at aswa nito, si Brix, Marrie at Rafael.
Dumating si Brix pero hindi nito kasama si Kath.
"Sorry guys nalate ako inasikaso ko pa si Rafel bago umalis eh." wika ni Marie.
"Bakit? San sya nag punta? hindi ba sya pupunta dito?" tanong ni Gizelle.
"Sorry sissy, there's an emergency sa isang hotel resort sa cebu. Pero eto pinapaabot nya tong regalo nya sayo." sambit ni Marie.
"Ano ba naman yan." naiinis na wika ni Gizelle, pero tila ba isang magandang awitin sa pandinig ni Brix ang narinig nya. Dahil mag kakaroon ulit ng pagkakataon maka usap nya si Marie.
Ilang sandali ay kapansin pansin ang pag aasikaso ni Brix kay Marie na tila namang iniiwasan ni Marie.
Naiiling nàlang si Bernard sa kapatid.
"Bro, stop it! Hindi maganda yang ginagawa mo." bulong ni Jacob kay Brix.
"Masama bang asikasuhin ko ang babaeng ako naman dati ang nag aasikaso at nag aalaga." medyo naiinis na sambit ni Brix.
"Pero hindi basta bisita lang si Marie dito. Para asikasuhin na para bang hindi pa sya sanay dito. Bestfriend sya ng mga hipag mo kaibigan sya ng mga kapatid mo, girlfriend sya ng kaibigan natin. Tama ka, ikaw ang dating nag aasikaso at nag aalaga sa kanya pero that was 5 years ago. Hindi na ngayon, at si Rafael na ang gumagawa non sa kanya. Nag kataon lang na wala si Rafael dito ngayon. Sa ginagawa mo eh, para ka na ding si Xander, trying get the girl of your friend." paliwanag ni Jacob kay Brix na tila naiinis sa inaasal nito.
"But-" wika sana ni Brix na agad na pinutol ni Barron.
"Bro, alam namin na narealized mo na namahal mo talaga si Mae, nadala ka lang ng awa kay Kath, at pwedeng sa muli nyong pag kikita eh inakala mong mahal mo pa sya. Pero wala na, matagal mo ng tinapos kung ano man ang meron sa inyo ni Marie. Sobra ang sakit na pinag daanan ni Mae pero hindi mo yon nakita. Nakita namin lalhat yon, nakita ni Rafael, at nakita rin ni Rafael na hindi deserve ni Mae na maranasan ang ganuon." wika ni Barron.
"Bro, sobra ang galit ko sayo sa ginawa mo kay Mae, sa araw-araw na nakikita namin si Mae na lasing, na nang hihina na ang katawan sa laging pag kalasing at kulang sa tulog at pahinga. Nanahimik ako pilit kong nirespeto ang disisyon mo. Kaya nung nakikita ko na unti-unting nag babago si Rafael sa tuwing nakakasama namin sya nila Mae at nakikita ko kung gaano nya pinipilit na mapasaya si Mae sa araw-araw, hindi na ako tumutol na ligawan ni Rafael si Marie. Binantaan ko pa nga si Rafael pero pinatunayan nya sa ating lahat lalo kay Mae na hindi nya gagawin kay Mae ang mga ginawa nya sa ibang babae." mga wika bi Bernard.
"Dude, masaya na si Marie kay Rafael. Mahal na ni Marie si Rafael. Mahal na mahal ni Rafael si Marie at ang mga anak nito. Minahal ka ni Marie kaya sa mga ganyan mong ginagawa alam mo na pwedeng magkaroon ka ulit ng puwang sa puso at isip ni Marie, pero si Marie lang din ang papagirapan mo sa gagawin mo." wika ni Jacob.
"Pero mahal ko sya, mahal na mahal. Even Kath noticed it. At handa akong patunayan kay Marie na nagkamali lang ako ng disisyon. At babawiin ko si Marie kay Rafael. Alam ko matutuwa si Mommy at Daddy sa gagawin ko." wika ni Brix.
"Kung noon mo pa yan ginawa kuya maaraing matuwa talaga si Mommy at Daddy, pero kung ngayon, sigurado magagalit pa yong mga yon sayo." wika ni Barron.
"Masaya na si Marie sa buhay nya ngayon kasama si Rafael kaya wag mo ng guluhin pa yon, Brix!" nagagalit ng tinig ni Bernard.
Matapos ang selebrasyon ng Birthday ni Gizelle ay nag uwian na sila. Si Marie ay pauwi non sa bahay ng ina sa Cavite para makasama ang mga anak tutal wala syang kasama sa bahay nila Rafael dahil nasa business trip sa hawaii si Elena.
Napatingin si Marie sa tila ba kanina pa nakabuntot na sasakyan sa kanya. Nang inaninag nya sa salamit ng kanyang sasakyan ay sasakyan ito ni Brix.
Huminto sya sa gilid ng kalsada. Huminto rin ang sasakyan ni Brix. Bumaba si Brix ng sasakyan at lumapit sa bintana ng ng driverseat. Binuksan ni Marie ang bintana.
"Can we talk?" wika ni Brix na tila seryoso sa mga gustong sabihin nito. Bumaba si Marie at sumandal sa kanyang sasakyan.
"May dapat ba tayong pag usapan? If it's about work, sa office nalang. And if it's about projects, you can call Lance." mahinahong sambit ni Marie.
"No! It's about us." sambit Brix.
"Us? What do you mean? Do we have us?" medyo naiinis nang mga tanong ni Marie kay Brix.
"I love you, I still love you, I still love you Mae!" mga wika ni Brix na tila ba ay babagsak na ang luha.
Si Marie naman ay parang nabarahan ng kung ano sa lalamunan at dibdib.
"Lasing ka Brix. Umuwi ka na at mag pahinga. Makakalimutan no din lahat yan bukas." sambit ni Marie na agad humawak sa pintuan ng kanyang sasakyan para buksan ito pero pinigil ni Brix.
"No, gusto ko malaman mo to lahat, gusto kong malaman mo lahat ng hirap na pinag daanan at pinag dadaanan ko, simula ng makita ko na nagiging malapit ka na kay Rafael, nung ipinaubaya ka na ng magulang ko kay Rafael, nung nakikita kong masaya ka, na hindi ako ang kasama mo sa mga sayang nararamdaman mo at nakikita kong masaya ka na sa piling ni Rafael. Lalo nung nakita ko nag bago yung kaibigan kong si Rafel dahil sa pag manahal nya sayo." mga wika ni Rafael na puno ng galit at lumuluha.
"It is none of your business Brix. Bakit, wala ba akong karapatang maging masaya Brix? wala ba akong karapatang mag mahal ng taong kaya akong panindigan? wala ba akong karapatang mahalin ng lalakeng handang gawin at kalimutan ang lahat para sa akin Brix? At ano sa palagay mo yung mga pinag daanan ko nung gabing sinabi mo sa akin na bumalik na si Kath at gusto nyang ayusin nyo ang lahat ng sa inyo? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nung mga oras na yon. Pinilit kong maging matapang ng mga oras na yon, pero hindi ko talaga kinaya. Ilang araw at gabi akong natutulog ng basa ang unan ko dahil sa mga luha na dulot mo. Hindi ko na alam paano paiikutin ang buhay ko, dahil sa higit isang taon na parte ka na nag buhay ko, ng bawat araw ko, bawat minuto, bawat sigundo Brix. Halos mamatay na ako dahil sa pag mumukmok ko. Mabuti nandyan ang mga kapatid mo, si Lalaine at Gizelle. Even Rafael is there para tulungan alalayan ako. Nung araw na naospital ako. Sinabi sayo ni Bernard, pero ano, ni hindi mo manlang ako sinilip. Ni hindi mo nga ako tinawagan o minessage man lang para kamustahin. Nakiusap ako kay Rafael na puntahan ka at kausapin. Nag kita kayo sa isang party, pero wala ka daw sagot sa mga sinabi nya sayo. Rafael is there for me! He proved to me that I am worth it. He proved to me that I deserve to be love. He proved to me that he's capable of loving someone, he's capable of loving me. Tapos isusumbat mo sakin lahat ng sakit na pinag daanan at pinag dadaanan mo? Wag mo isisisi sakin kung ano man yang pinag dadaanan mo. Dahil wala akong kasalanan dyansa kung ani man yan. Wala akong kasalanan sayo." puno ng galit na mga salita ni Marie habang umiiyak.
"Alam mo ba na gulong gulo ako noong gabing yon? Gusto kong pigilan mo ako, gusto kong sabihin mo na mahal mo ako. Pero hinayaan mo ako." wika ni Brix.
"So sinusumabtan mo ako? Paano kung pinigialan kita noon? gaano ako kasigurado na ako ang pililiin mo that night?" puno paring galit na mga sambit ni Marie.
"Hindi kita sinusumbatan Mae, kaya kita kinakausap para ipaalam sayo na mahal na mahal parin kita. At hindi nawala yon, kahit araw araw kaming magkasams ni Kath. Ikaw padin ang lagi kong iniisip. Hindi ako nag punta ng ospital dahil wala akong mukhang maiharap sayo. Pero ito buong tapang na akong humaharap sayo Mae. Please, let me make it up to you." wika ni Brix kay Marie na tuloy tuloy din ang pag patak ng luha.
"It's too late Brix. Too late! Limang taon Brix, limang taon! Mahal ko na si Rafael. Mahal na mahal." mga madidiing salita ni Marie kay Brix.
"Please Mae! Gagawin ko lahat para mabawi ka kay Rafael." pag mamakaawa ni Brix kay Marie habang papaluhod na ito sa harapan ni Marie habang tuloy parin ang pag patak ng mga luha nito.
Sumakay si Marie sa kanyang sasakyan at iniwanan si Brix. Hindi na sya umuwi sa bahay ng kanyang ina dahil ayaw nyang makita noon at ng mga anak ang mga pag luha nya.
Umuwi si Marie sa bahay nila Rafael na puno ng bigat ang kanyang dibdib. Mag damag syang lumuha. Iniisip nya ang mga sinabi ni Brix. Paki ramdam naman nya ay nabunutan sya ng tinik ng nasabi nya lahat kay Brix, ang lahat ng galit na nararamdaman nya noon kay Brix. Naawa sya kay Brix pero iniisip nyang, wala syang kasalanan, kaya walang dahilan para maguilty sya. Nung mga oras na yon ay gusto nyang makasama si Rafael para yakapin sya para gumaang ang nararamadaman nya.
Habang si Brix naman ay nag inom sa kanyang kwarto hanggang umaga habang umiiyak.
Maagang tinawagan ni Rafael si Marie thru video call.
"Hi babe!" bati nito kay Marie. "Babe, are you okay? umiyak ka ba?" nag aalalang tanong ni to kay Marie.
"Medyo." sambit ni Marie.
"Medyo? Bakit ka umiyak? May nang yari ba sa party ni Gizelle kagabi?" nag aalalang tanong ni Rafael kay Marie na tila ba may kumabog sa kanyang dibdib.
"Si Brix ba?" tanong pa nito kay Marie.
"Huh? Bakit si Brix?" wika ni Marie na hindi nya alam ang ibig sabihin ni Rafael.
"Kinausap ka ba nya? Ginulo ka ba nya?" tanong ni Rafael.
"Hindi, ano ka ba? anong pinag sasasabi mo? Namimiss lang kita. Parang hindi na kasi ako sanay na hindi tayo magkasama, after graduation ko ba naman 24/7 na tayong magakasama noh." mga sambit ni Marie.
"Ahhh don't worry mamayang hapon nandyan na ako sa tabi mo." wika ni Rafael.
"Thank you babe, I love you!" sambit ni Marie.
"Oh sige na, I'm getting horny seeing you on my screen right now babe. Get some rest and be ready tonight! I love you so much!" medyo pilyong mga wika ni Rafael kay Marie.
"Sira! Sige na I'll wait for you Babe. I love you more!" sambit naman ni Marie.
Nag punta si Marie sa amin branch ng kanilang resto-bars para gawain naman ang ilang trabaho nya roon. Naroon na si Gizelle at Lalainr pag dating nya.
"Sissy, you look s**t!" sambit ni Gizelle ng makita ang papamaga ng mata nito.
"Nag away ba kayo ni Rafael ate Mae?" tanong ni Lalaine.
"Hindi, wala naman kaming pag aawayan eh. Hindi gumagawa si rafael ng kahit ano bagay na alam nyang ikakasira ng relasyon namin. Actually, lahat ng ginagawa nya ay ikakabuti ng relasyon namin." sambit ni Marie.
"Eh bakit nga ganyan itsura mo?" tanong ni Gizelle.
"Wait is it Brix? Kinausap ka ba nya?" pahabol pang tanong ni Gizelle ng maalala ang mga kwinento ng asawa nyang si Bernard.
Ikunuwento nya sa dalawa ang lahat ng nang yari.
"Sinabihan na daw nila Bernard yan si Brix eh, pero matigas talaga ang ulo. Talagang kinausap ka parin nya." wika ni Gizelle.
"Eh talaga ng disido si kuya Brix na mabawi ka kay Rafael. Pero bakit ngayon lang. Pinatagal pa muna nya ng limang taon bago nya marealized na ikaw na talaga ang mahal nya at hindi na si Kath." wika ni Lalaine.
"Hindi ko din alam, basta ang alam ko, mahal ako ni Rafael, mahal ko si Rafael at masaya ako kay Rafael. At kung ano mag nararamdaman nya. Wala na akong pakielam pa roon." sambit ni Marie.
"True sissy, mahal na mahal ka ni Rafael. Sa tuwing mag kikita si Bernard at Rafael simula naging kayo, wala syang ibang bukang bibig kung hindi, kung gaano ka nya mahal pati mga anak mo." wika ni Gizelle.
"Ganyan din kinukwento ni Barron sakin, pag nag kikita sila ni Rafael. Sobarng mahal ka daw talaga ni Rafael pati mga anak mo." wika ni Lalaine.