"Ate!" tawag ng isang teenager na babae kay Marie.
"Hi Blessy!" bati ni Marie sa batang babae at niyakap ito.
"I miss na ate!" sambit ng batang babae na yumakap din ng mahigpit kay Marie.
"I miss you too!" sambit ni Marie.
"Where's your Dad?" tanong ni Elena kay Blessy ng yumakap rin ito sa kanya. Anak ni Ramon ito sa babaeng minahal nya nung nag hiwalay sila ni Elena 14years ago.
"Nag park lang ng kotse tita." sambit ng bata.
"Kuya, congrats sa bagong business ulit. Congrats sa inyo ni ate Marie." wika pa nito ng yumakap kay Rafael.
"How's your Mom Blessy?" pangangamusta ni Elena sa ina ni Blessy na naka pag asawa ng foreigner.
"She's fine tita!" sagot ng dalagita.
Nang dumating si Ramon ay agad na umupo ito matapos yumakap sa bawa't isa kila Marie. At dumating ang waiter na nag lapag ng masasarap na pagkain.
"So let' start the celebration for the new success of Rafael, having a new business with Marie." wika ni Ramon.
"Hindi lang yon ang dapat nating icelebrate ngayon, because, Rafael and Marie our now together!" wika ni Elena.
"Really? that's great news!" sambit ni Blessy na tila ba excited malaman pa ang ibang detalye.
"So, it's double celebration huh." masayang wika ni Ramon.
"Yes Dad! Akala ko Marie will let me wait forever." natatawang wika ni Rafael.
"Salamat Marie! Alam mo, sa dami ng babaeng araw araw na nakakasama ni Rafael wala mang lang kaming nakilala ng Mommy nya ni isa. Kaya nung ipinakilala ka nya sa amin ay tuwang tuwa kami. Lalo ako syempre, kasi kaming mga ama, pag ang anak naming lalake ay nag pakilala ng girlfriend sa amin ay parang karangalan sa amin iyon. Because, it's a proof that our son is a real man." natatawang wika ni Ramon.
"Naiintindihan ko po si Rafael, why he did it. Lahat naman po tayo nag kakamali eh, mahalaga alam nating itama ang mga pagkakamali sa buhay natin. Like me nagkamali ako sa past ko, and, the way ko sya itama ay mahalin ko ang mga anak ko ng sobra." sambit ni Marie.
"And we really admire you on that. Like Rafael, he's trying to correct everything by loving you the way you deserve. You're such a nice lady and you deserve a love and respect." wika ni Ramon.
"And we will do everything to make this all work." wika ni Elena.
"Basta ako ate I love you." wika ni Blessy sabay yakap kay Marie.
"Ahhhh- I love you too!" sambit ni Marie sabay yakap rin sa dalagita.
Lumipas ang ang mga lingo at araw na madalas na ang mga anak ni Marie sa bahay ni Rafael. Inako na din ni Ramon at Elena ang pag aaral sa mga ito at pati pag aaral ni Marie.
Sabado ng umaga:
"Marou, your Mama Brenda is waiting for you and Macky." wika ni Elena sa anak ni Marie na busy sa gadget.
Pinapapunta nya ang mga anak ni Marie sa bahay nila Brix dahil nag aanatay si Benadette sa kanilang pag bisita sa bahay ng mga Villareal. Halos katabing bahay lang nila Elena nag bahay ng Villareal.
"Mamita, tita Kath is there! ayaw nya na andoon kami." wika ni Marou kay Elena.
"It' okay Mom." wika ni Rafael.
"Let's go kiddos, tita Berna is waiting for you! Don't worry I'll go with you." wika ni Rafael sa mga anak ni Marie.
Pumunta si Rafael sa bahay ng Villareal kasama ang mga anak n i Marie.
-Habang naiwang magkasama si Marie at Elena,
"Anong ginawa ni Kath kay Marou at Macky bakit ayaw na ng mga bata mag punta roon? eh kung ako lang ayaw ko na din papuntahin sila roon dahil baka ano pang gawin ni Kath sa mga apo ko eh." wika ni Elena kay Marie.
"Wag ka na mag alala Mom, kasama nila si Rafael." sambit ni Marie.-
"Hi tita Berna!" bati ni Rafael kay Bernadette.
"Kanina ko pa tinatawagan ang mommy mo na papuntahin ang dalawang to rito eh." sambit ni Bernadette.
"Sorry tita, inantay pa kasi ako ng mga bata matapos sa ginagawa ko." sambit ni Rafael.
Agad naman bumeso si Marou and Macky kay Bernadette.
"Hi boys! how are you guys doing?" tanong ni Brix kay Marou at Macky.
"We're good tito Brix, Daddy Raf is taking care of us very well." sagot ni Marou at Macky.
"That's great!" wika ni Brix kay Rafael sabay ngiti nito sabay hawak sa ulo ng mga bata at ginulo ang buhoy ng mga ito.
Nagugulumihanan naman si Brix sa kanyang nararamdaman na tila ba ay nag seselos sya na mas malapit na ang mga anak ni Marie kay Rafael.
"Wanna play ML with me?" tanong bi Brix.
"Hindi na po kasi mag lalaro din kami nila Daddy Raf mamaya." sambit ng mga bata.
"And we're about to eat lunch, can we now go back to Mamita's house?" wika ni Macky natila ba natatakot na natatanaw ni Kath.
"Pero kakarating nyo palang dito." wika ni Bernadette.
"Sorry tita Berna, mejo masama kasi pakiramdam ng mga bata kasi late na kami naka uwi kagabi sa bahay." sambit ni Rafael.
"Dude baka naman kasi napapabayaan mo ang mga bata habang nasa labas kayo." tanong ni Brix kay Rafael na tila ba sumama ang timpla nya. Na hindi maintindihan ni Rafael saan nang galing ang tanong ni Brix na iyon.
"Mama Berna, can we go back next time? we just need some rest." wika ni Marou kay Bernadette na naka tingin kay Kath.
"ah- sure. Alam nyo namang bahay nyo rin to diba?" sambit ni Bernadette.
"Yes Mama Berna!" sagot ng mga anak ni Marie.
Habang nag lalakad pauwi sa bahay nila Rafael,
"Does kath told or did something wrong?" tanong ni Rafael sa mga anak ni Marie.
"Nothing daddy Raf, she just told us not to go there any more." sagot ni Macky na hindi maka pag lihim lalo kay Rafael. Nagulat naman si Rafael sa narinig nya.
Nang makauwi ay nag takha sina Marie at Elena.
"Oh bakit umuwi na agad kayo?" tanong ni Elena.
"That Kath, sinabihan nya pala yung mga bata na wag ng pumunta doon. Kaya pala halos ayaw ng mag punta ng bata doon." sambit ni Rafael.
"Okay kids hindi na kayo pupunta doon, and when your Mama Berna ask me, sasabihin ko sa kanya na binabawalaan na kayo ni Kath." galit na galit na sambit ni Elena.
Dumating naman si Ramon at Blessy.
"Hello!" Bati ni Blessy ng maka pasok sila ni Ramon sa pintuan ng bahay ni Elena. Agad na lumapit ang mga anak ni Marie sa kapatid at ama ni Rafael. At iniabot naman ng mga ito ang pasalubong nila para kay Marou at Macky.
"Kath never changed huh. Hanggang ngayon ay maldita parin ang batang iyan." wika ni Ramon ng mag kwento si Elena habang sila ay nananag halian. Bata palang kasi sila Rafael, Jacob, Kath at mag kakapatid na Villareal ay mag kakapit bahay na sila roon sa isang malaking subdivision sa quezon city.
"Ewan ko ba bakit nabaliw ng ganon si Brix sa kanya. Samantalang si Brix naman ang pinaka matalino sa mga anak ni Bernadette at Juan. Kaya nga madalas hindi magkasundo yan Rafael at Brix noon mga bata pa sila dahil madalas nag babangga ang mga talino at galing nila sa school, basketball at marami pa. Pero hindi rin naman sila mapag hiwalay sa maraming bagay." kwento ni Ramon.
"So Marie, malapit na ang graduation mo, saan mo na ba planong mag trabaho?" tanong ni Ramon.
"Tinatanong mo pa syempre sa kumpanya. Alangan naman mag pakahirap pa syang mag apply sa ibang kumpanya eh andyan naman ang kumpanya." sambit ni Elena.
Kahit matagal ng hindi nag sasama sina Ramon at Elena maayos parin nilang napalago ang kanilang kumpanyang Delos-Fabos Businesses, na hango sa pangalan ni Ramon Delos Reyes at Elena Fabos.
Marami silang iba't ibang uri ng negosyo na pinapatakbo ng kumpanya. Katulad nalang ng hotels and hotel resort sa iba't ibang lugar sa pilipinas, Clothing line at marami pang iba. At ang bawat ispraktura na ipinapayo nila para sa kanilang negosyo ay ang Villareal Builders naman ang gumagawa.
"Mom, Dad, wag natin ipressure si Marie, please!" paki usap ni Rafael.
"Son, hindi namin sya pinepressure, pero kesa mag apply pa sya sa ibang kumpanya, marami namang pwedeng posisyon syang pwedeng kalagyan. Since business management major in marketing naman ang course nya. Lahat ng posisyon na gusto nya pwede natin ibigay sa kanya. Because, sooner or later, maka pag desisyon na kayo mag pakasal eh, kayo rin naman talaga ang mag papatakbo ng kumpanya." sambit ni Elena.
Agad naman tawa ng malakas ni Ramon at sinabing,
"Sa mga sinabi mo ay mas lalo mo pang pinepressure si Marie."
"Okay Mom, Dad, pag gusto talaga ni Marie mag trabaho sa Delos-Fabos yung isang part ng trabaho ko ay ibibigay ko sa kanya. I will be on marketing she will be on production. Ite-train ko muna sya ng maigi sa lahat ng trabaho ng Vice-President for production." sambit ni Rafael.
"Ay nakuh, hindi ko kakayanin yung ganoon kalaking resposibilidad. Siguro mag focus muna ako sa Delectible el' Cibu." sambit ni Marie.
"Babe, marami naman tayong nag mamanage sa resto-bars. Kelangan ko ng tulong mo sa opisina, matagal ko nang gusto ipasa sa iba yung isang sa parte ng trabaho ko, wala naman kaming mahanap na mapag kakatiwalaan para sa position na yon. Kilala mo na ako diba? gusto ko solido lahat ng bagay para siguradong walang sasablay." pakiusap ni Rafael kay Marie.
"Hey sissy, isang buwan nalang gagraduate ka na. So mas marami ka ng time na makakasama kami." wika ni Gizelle nung mag kita sila sa main branch ng resto-bar nila.
"Oo nga eh, mas madalas na tayo lalong mag kakasama, nauumay nakoh sa inyo." wika na kunwari ay nalulungkot at naiirita.
"Hoy! anong sinasabi mo d'yan?" tanong ni Gizelle at sabay silang nag tawanan.
"Joke! syempre gusto ko na mas marami na yung chance and time na makasama ko kayo ni Lalaine noh." sambit si Marie.
"So, ano ng plano mo? mag tatrabaho ka sa Delos-Fabos?" tanong ni Gizelle.
"Bakit may choice ba ako? eh gusto ni Rafael na kunin ko ang pagiging Vice-President for producation para mas maka pag focus sya sa Marketing. Sa tingin mo ba kakayanin ko yon?" wika ni Marie.
"Hoy Ms. Negatron, ayan ka nanaman. Ofcourse kayang kaya mo yon. Pero alam mo ba pwede kayong magkita at magkasama ni Brix sa meeting kung sa posisyon ka ilalagay ni Rafael?" sambit ni Gizelle.
"And so?" tanong naman ni Marie.
"Alam mo ba na ikaw ang madalas na pinag -aawayan ni Brix at Kath ngayon?" sambit ni Gizelle.
"Oh bakit daw? Ano namang kinalaman ko sa kanila. 4years na simula bumalik sya at bumalik sa si Brix sa kanya. At hindi naman naging kami ni Brix." wika ni Marie. "And besides may Rafael na ako." habol pa ni Marie.
"I don't know. Alam mo naman si Kath praning. Pero naririnig ko kasi sa usapan nilang dalawa na tinggap sya ulit ni Brix pero hindi naman daw nya makuha ulit yung puso ni Brix kasi naiwan dawa sayo. My God sissy, nangunguha ka ng puso? asawang ka ba?" biring wika ni Gizelle.
"Gaga!" sambit ni Marie at sabay na nag tawanan.
"Pero ibig sabihin, minahal ka talaga ni Brix at hanggang ngayon mahal ka parin nya." seryosong wika ni Gizelle.
"Eh bakit naman kasi binalikan nya si Kath, eh hindi naman pala nya mahal yung bruhang yon." biglang malakas na pahabol ni Gizelle.
"Aba malay ko! Bakit ako ang tinatanong mo?" sambit ni Marie.
"Ano ba ng eksaktong sinabi ni Brix sayo 4years ago?" pang uurirat ni Gizelle kay Marie.
"Ganto ang eksaktong sinabi ni Brix noon, bumalik na si kath at gusto nyang ayusin namin ang lahat nang sa amin-" wika ni Marie na tila ba nabitin si Gizelle sa narinig.
"Ah, yun lang?" tanong ni Gizelle.
"Oo yun lang!" sagot ni Marie.
"Wala man lang mahabang paliwanag, bakit sa lahat ng hirap nya simula iniwan sya ni kath at sa mahigit isang taong panliliggaw nya sayo eh, pag balik ni Kath biglang ganon na lang? So anong sinabi mo sa kanya?" sambit ni Gizelle.
"Hindi ko na sya hiningan pa ng paliwanag. Wala naman akong karapatang mang hingi pa ng eksplenasyon noh." sambit ni Marie habang ginagawa nila ang mga ilang paper works para sa mga resto-bar nila. Meroon na kasi silang anim na branches ng resto-bar sa ibang ibang lugar.
"Oh ayun, nababaliw na siguro si Brix sa kakaisip bakit hindi ka ng hingi ng paliwanag sa kanya." wika ni Gizelle.
Sumapit na ang graduation ni Marie. Nadoon ang pamilya ni Rafael, mga anak at ina ni Marie at ang mga Villareal maliban kay Brix. Niyakap si Marie ng bawat isa sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
"Congrats anak!" wika ni Juan kay Marie na sobrang masaya para sa kanya.
"Salamat po kasi kayo po ang nag tulak sakin para bumalik sa pag-aaral." wika ni Marie.
Niyakap ng mahigpit ni Rafael si Marie na medyo inaangat.
Pumunta sila sa isang restaurant malapit sa Saint Benilde. Habang kumakain ay nagkwentuhan sila tungkol sa mga plani ni Marie sa mga susunod na araw at linggo.
"Marie, hindi ba dapat ay doon ka na tumira sa bahay, sayang ang renta mo sa apartment mo na mag isa ka lang doon. Kasi ang mga bata ay naroon sa Cavite. Pag pumunta sila sa Quezon City at sa bahay naman sila tumutuloy. Malaki naman yung bahay ko para sa amin ni Rafael. Tsaka madalas ka naman din don, so bakit di mo pa dalin ang mga gamit mo roon?" wika ni Elena.
"Elena, bahay natin." pabirong sambit ni Ramon.
"Ikaw ang umalis so bahay ko nalang yon." sambit naman ni Elena.
"Gusto kong bumalik ayaw mo naman pumayag." sambit ni Ramon sabay tawa.
"Si Blessy pwede tumira roon pero ikaw hindi." sambit naman muli ni Elena kay ramon.
"So anyway, Marie ienjoy mo muna yung buhay mo. Mag relax ka muna bagao ka pumasok na ng kumpanya." wika ni Ramon.
"Yes Dad, isasama ko si Marie sa mga hotels and resorts natin para maka pag relax muna sya and bibigyan ko na sya ng kaunting ideas about hotels and resorts." wika ni Rafael.
"Good idea Son!"
"Ay nakuh, napaka galing talaga ni Rafael sa pag paplano ng mga bagay-bagay. Kaya hindi naka pag tataka na napaka successful ng businesses nyo." wika ni Juan.
"Successful rin naman ang inyong builders dahil magagaling din naman ang iyong mga anak." sambit ni Ramon.
"Yes pero dahil successful ang bawat pasukin nyo business dumadami ng dumadami ang mga ipinapatayo nyong stablisments kaya dumadami din ang buildings na ipinapagawa nyo sa amin. Your one of our top client remember kumpadre." sambit ni Jaun.
"Etong dalawa ay wala akong problema. Si Brix kung kelan tumatanda at tumatagal sa pag papatakbo ng kumpanya ay lalong pumupurol. Kaya nga pinag palit ko nalang sila ng posisyon ni Bernard at baka mas maging maganda ang takbo ng kumpanya kung si Bernard ang magiging COO." wika pa ni Juan.
"Oh buti pumayag si Brix?" tanong ni Ramon.
"Hindi ko naman na hihintayin pang mag karoon pa kahit na maliit na problema dahil sa kapabayaan ni Brix kumpadre." sambit ni Juan.
Bahagya namang nag alala si Marie sa nang-yari kay Brix.
"How's Brix?" tanong ni Marie kay Lalaine at Gizelle habang nasa salon sila at nag papa-footspa.
"Oh bakit mo naka musta si kuya Brix ate Mae?" tanong ni Lalaine.
"Masaya ako para kay Bernard na naging COO na sya ng Villareal Builders, deserve ni Bernard yon. Pero naiisip ko din si Brix. Hindi sya klase ng tao na mag papabaya sa trabaho. And very competitive sya." malungkot na wika ni Marie.
"Marie you heared Dad, hindi na nya aanatying may mang yari pa sa kumpanya." wika ni Gizelle.
"Masyado kasing nahibang kay Kath. Hindi nya alam nasisira na yung buhay nya simula bumalik si Kath sa buhay nya." wika pa ni Gizelle.
"Naawa nga ako kay kuya Brix mga sissy, kasi nag punta sa bahay last night. He's crying." wika ni Lalaine.
"Oh eh bakit daw umiiyak? Dahil sa pag palit nila ng posisyon ni Bernard?" tanong ni Gizelle.
"No! gusto na daw nyang iwan si Kath kasi hindi na daw talaga sya masaya pero naaawa daw sya kay Kath." wika ni Lalaine.
"Oh eh bakit sya naaawa? Si Xander nga hindi naawa kay Kath eh. Tsaka after ng lahat ng ginawa sa kanya ni Kath naaawa parin sya. Kay Marie hindi nga sya naawa sa ginawa nya, na nag papakamatay na noon sa ginawa nya." galit na wika ni Gizelle.
"Eh kasi nga mahal nya talaga si Kath. Ganun lang kasimple yon. Alam nyo hayaan nyo na sila, okay? Andito tayo para mag tanggal ng stress." wika ni Marie.
"Anyway, sissy ang ganda ng car mo ah." wika ni Gizelle kay Marie.
"Ay nakuh surprise ni Rafael sakin kagabi. Alam nyo naman yon, lagi naman may surprise yon sakin." wika ni Marie.
"Akalain mo yon noh, sa dami dami ng babae, meron at meron palang makakapag patino at makakapag pabago kay Rafael." wika ni Lalaine.
"Oo nga sissy, sobrang layo ng dating Rafael sa Rafael ngayon. Nakita mo yan nung panahon na niligawan ka pa ni Brix na nakakasama natin ni Rafael. Well, gwapo naman kasi at mayaman kaya madali nakaka magnet ng mga babae." wika ni Gizelle na talaga namang manghang mangha sa pag babago ni Rafael.
"Oo nga eh, kahit ako pag tinitignan ko si Rafael hindi ko maisip kung si Rafael nga ba yung nakakasama at nakakaharap ko eh. Parang ibang tao na talaga sya." wika ni Marie sa dalawa.
"Ibig sabihin lang non mahal ka talaga si Rafael" sambit ng dalawa kay Marie.
"So kamusta naman ang tumira sa isang bubong kasama si tita Elena?" tanong ni Gizelle.
"Okay naman, kung paano sya sakin nuon pag pumupunta punta palang ako roon ganoon parin naman ngayon. Mas naging close pa nga kami, maalaga parin kay Marou at Mackey pag nadoon mga anak ko." sambit ni Marie.
"That's good sissy! Matutuwa si Mommy Berna pag nalaman yan." wika ni Lalaine.
"How about tito Ramon and Rafael's sister?" tanong ni Lalaine.
"Ayun ganon din. Wala akong problema sa kanilang lahat. Sobrang suppoertive sila sa amin ng mga anak ko at sa relasyon namin ni Brix." wika ni Marie.
"Eh yung pag train sayo ni Rafael as VP of Ops? Mukhang nag eenjoy kayong dalawa pag tatravel sa mga Hotels and Hotel Resorts nila ah." masyang wika ni Gizelle.
"Ayun, masaya kasi nag eenjoy na ako, natuuto pa." sambit ni Marie.
"4months na, ilang stablishments na ba nila ang naikot nyo?" tanong ni Lalaine kay Marie.
"Sa totoo lang hindi ko na mabilang sa dami ng iba't ibang stablisments na meron sila." sambit ni Marie.