Rafael proved himself to everyone.

3252 Words
Mag kikita-kita sina Marie, Gizelle, Bernard, Laline, Barron at Rafael para pumunta sa isang resto-bar sa Bulacan para kumain at mag inom roon. Naging libangan na nila ang pumunta sa mga resto-bar sa iba't-ibang lugar upang kumain at uminom. Pinag aaralan din kasi nila ang mga pinupuntahan dahil nag paplano na silang mag tayo ng mga ganoon negosyo na sila-sila ang mag kakasosyo. "Ewan ko ba kasi sa inyo, sinasama nyo pa ako dito. Eh kayo lang naman ting mag tatayo ng resto-bar. Dinadamay nyo pa ako." reklamo ni Marie dahil sobrang pagod at antok na ito. Kakalabas lang kasi nya ng trabaho nang sunduin sya ni Gizelle at Bernard. "Ay nakuh Sissy, kesa kung saan saang ka nag pupupunta at nag i-iinom, eh mabuting pang kami nalang ang kasama mo. Kesa nababaliw ka sa loob ng apartment mo na puro alak lang din naman ang laman ng utak mo, mas okay na tong ganto." sambit ni Gizelle. "Tsaka kaya ka namin sinasama kasi you'll be part of it." wika ni Bernard. "Ay ewan! Oh ayan na si Lalaine at Barron." wika ni Marie. Nag beso ang mga ito. Agad naman ding dumating si Rafael na may dalang bulaklak. "Ay nakuh lagi nalang ikaw nahuhuli Rafael." reklamong sambit ni Gizelle. "Sorry guys, sorry!" "Okay lang dude kakarating lang din naman namin ni Lalaine." wika ni Barron. Iniabot ni Rafael ang bulaklak na dala kay Marie. At nang akmang hahalikan ni Rafael si Marie sa pisngi ay agad hinilia ng magkapatid ang mukha ni Rafael. "Let's go dude!" wika ng magkapatid. Sumakay na sila ng kanilang mga sasakyan. Si Marie ay sa sasakyan nila Bernard sumakay. Pag dating sa resto-bar sa bulacan. "Ang daya nyo, kayo may mga kasama kayo sa mga sasakyan nyo ako mag isa lang." pabirong wika ni Rafael. "Sanay ka na. Wag ka ng mag reklamo. Nagkakaroon ka naman ng kasama sa sasakyan mo pero saglit lang, mamaya iba na nanaman ang kasama mo." wika ni Barron. "At hindi ako papayag na isakay mo si Marie sa mga madudumi mong sasakyan." sambit ni Bernard. "Sige bukas na bukas papalitan ko yang mga sasakyan ko." mayabang na biro ni Rafael. Nag picture ang mga ito at ipinost sa sss. -walang ginagawa sa kwarto si Brix ng mga oras na yon, sakto ay nag i-scroll sya ng cellphone sa socialmedia nag bigla nag pop-up ang pictire ng mga kapatid at mga hipag kasama si Marie at Rafael. Nakita nya na magkatabi si Rafael at Marie. Kitang kita nya na masaya ang anim sa mga larawang ipinost sa sss. Hindi maintindihan ni Brix ang kanyang nararamdaman. Naisip nya yung araw na kinausap nya si Marie at sinabing bumalik na si Kath.- "Nag away ba kayo ni Kath?" tanong ni Jacob kay Brix habang nag lalaro sial ng basketball. "Hindi!" sagot ni Brix. "Kilala kita, pag nag yaya ka sakin mag basketball na tayo dalawa lang, ibig sabihin may problema ka. And the last time na niyaya mo ako mag basketball na tayong dalawa lang ay higit 7years na. The day after the night na nakipag hiwalay sayo si Kath because of Xander." mga wika ni Jacob. "So kung hindi si Kath ano ang problema mo? Hindi naman pwedeng sino. Alangan namang problemahin mo si Marie." wika pa ni Jacob. "Tangin mo dude, nililigawan ni Rafael si Marie?" tanong ni Brix kay Jacob. "Huh? bakit mo naman natanong yan?" "Madalas sumasama si rafael sa lakad nila Bernard." malungkot na wika ni Brix. "Yun lang? Kilala mo si Rafael, pag may nililigawan yon eh agad nyang ikukwento satin para ipag ayabang." wika ni Jacob. "Unless-" wika pa ni Jacob na biglang natigilan at nagkatinginan ang dalawa. Tumigil sila sa pag lalaro ng basketball at umupo saglit. "Seryoso si Rafael kay Marie." wika ni Brix na hindi malaman ang kanyang mararamdaman. "You know what dude, wala ka ng magagawa dyan. Unang- una hindi naman naging kayo ni Marie. Kasi ang usapan na sinet nating rules mahigit 7years ago, wag papatol sa girlfriend or ex-girlfriend ng tropa. And Marie is not your girlfriend or ex-girlfriend. Pangalawa, ikaw ang umayaw kay Marie. Pangatlo, andyan na si Kath. Isa pa dude sa hirap ng pinag daanan ni Marie simula bumalik si Kath deserve naman nya maging masaya ulit. Kahit pa pamilya mo ang bumubuhay at nag papa-aral kay Marie wala kang karapatang hawakan ang buhay nya." paliwanag ni Jacob kay Brix. "Pano kung lokohin lang ni Rafael si Marie?" wika ni Brix. "Eh seryoso na nga sya hindi ba? Tsaka kahit ganun si Rafael, hindi yon gagawa ng ikakasira ng pag kakaibigan ng tropa. Alam nya na makakalaban nya si Barron at lalo si Bernard na sobra ang pag alaga at pag protekta nila ni Gizelle kay Marie. Tsaka takot sa kay tita Berna si Rafael, kung plano nya lang eh lokohin si Marie sana una palang umatras na yon." paliwanag pa ni Jacob. Umuwi si Brix na iniisip ang mga sinabi ni Rafael sa kanya ng mag kita sila minsan sa party ng isang kaibigan nila. Huwebes ng umaga habang nag aalmusal si Brix kasama ang ama at ina. "Hon, kausapin mo si Rafael ah, nanliligaw na yata yan kay Marie." wika ni Juan sa kanyang may-bahay. Wala namang imik si Bix at nakikinig lang. "Kilala natin yang bata na yan, dahil halos dito na yan sa loob ng bahay lumake. Tinanggap ko na, na hindi ko na magiging manugang si Mae, kaya itinuring ko nalang na tunay na anak natin yang si Mae, kaya hindi ako papayag na igagaya lang ni Rafael si Mae sa mga nag daang babae sa kanya." wika pa nito. Hindi naman maintindihan ni Brix ang mararamdaman nya kung magiging masaya sya na wari sa salita nang ama ay handa nang tanggapin ang realasyon nilang dalawa ni Kath o kung ano pang hindi nya matukoy na dahilan. "Bernard umuwi ka dito kasama ang pamilya mo sa weekend." message ng ina sa kanilang groupchat. "Ikaw din Barron." habol pa nito. "Mom, every weekend anjan kami ng mag iina ko." sagot ni Barron. "I know, inuunahan ko lang para kung may plano kayo ni Lalaine eh maiurong nyo." sagot ni Bernadette. "Why Mom, anong problema?" sagot naman ni Gizelle. "Nothing, pinapauwi ko lang kayo. At imbithan nyo si Rafael." sagot ni Bernadette. "Okay Mom!" sagot ni Bernard. Alam na ni Berndard kung bakit at agad nitong minessage si Rafael. Friday night: Nasa hardin na sina Barron, Lalaine, Gizelle, Bernard at Brix. At doon din si Jacob at asawa nito. Nag kukwentuhan ang mga ito pero hindi parin nag papansinan si Bernard at Brix. May mga naka handa na ding mga alak at pagkain sa lamesa. "Yow yow! Kamusta kamusta? Long time no see bro." bati Rafael sa lahat lalo kay Brix na matagal tagal na talaga silang hindinnag kikita. "Ayos lang bro!" sagot ni Brix. Naupo si Rafael. "Wait lang ah." wika ni Bernard. Tumayo ito at tinawag ang ina. Pag labas muli ni Bernard ay kasunod na ang Ina. "Tita Berna." bati ni Rafael, Jacob at asawa nito sabay beso ng mga ito kay Bernadette. "Gusto kitang kausapin Raf-raf habang hindi ka pa naka-inom. Kahit hindi kayo mag sabi samin ng Tito Juan mo, alam namin na nililigawan mo si Marie. Ikaw ba eh, sigurado sa ginagawa mo?" seryosong tanong ni Bernadette. Dumating naman si Juan. "Oh Rafael, ayaw namin pangunahan kayo ni Marie sa disisyon at buhay nyo. Pero alam mo na anak na ang turing namin ng ng tita Berna mo kay Marie. Na tila ba nag iisang anak naming babae si Marie. Alam mo na may mga anak na sya, alam mo ang pinag daanan nya this passed few months na dahil sa pag mumukmok eh naospital pa. Ayaw na namin maulit yon, kaya kung napapansin mo kahit yan si Bernard at Barron at mga asawa nila eh talagang naka bantay kay Marie. Sinasabi ko sayo to hindi para bawalan ka, pigilan or awatin ka, sinasabi ko sayo toh para paalalahanan ka. Oo nag laro ka ng pagkarami raming babae pero alam ko na kay Marie hindi mo yon gagawin. Alam ko na hindi mo gugustuhing magalit sayo ang tita Berna mo." mahabang wika ni Juan kay Rafael. "Yes Sir! Pangako po hindi ko po sasaktan si Mae." wika ni Rafael kay Juan. "Is it mean na binibigyan nyo na ako ng basbas na ligawan si Marie?" tanong pa nito. "Yes! Just make sure na tatandaan mo mga sinabi namin sayo!" sambit pa ni Juan sabay tapik sa balikat nito. "Yes sir, yes sir! thank you po." mabilis na sagot ni Rafael sabay kamay at yakap sa mag asawa. Habang naka tungo lang si Brix hawak ang baso ng alak. Iniisip nya na masaya siguro kung naging sila ni Marie at ganuon kamahal ng pamilya nya si Marie. "Oh ayusin mo yan dude ah." pang aasar naman ng mga kaibigan kay Rafael na na masaya sila para kay Rafael. "Oh ano? Pwede na bang sumakay si Marie sa kotse ko this time? Kasi bukod sa may basbas na ng Mommy at Daddy nyo ang panliligaw ko kay Marie, eh nag palit na ako ng mga sinasabi nyong madudumi kong sasakyan." mahabang wika ni Rafael. "Dude sineryoso mo talaga yon?" tanong ni Bernard. "Oo naman, naisip kobdin naman yung sinabi nyo. Talaga namang hindi ko dapat isakay si Marie sa mga sasakyang yon na kung sino sino ng babae ang naipwesto ko don. Ganuon parin naman ang naging routin nila Marie. Mas masaya na nga lang ngayon kasi nagkaroon na ng tiwala si Barron at Bernard at mga asawa nila kay Rafael na makasama nito si Marie dahil alam nilang takot si Rafel sa ama at ina nila. Abot abot din respeto ni Rafael sa ama at ina nila Brix dahil bata palang sila ay kaibigan na ito ng magkakapatid na Villareal. Naging takbuhan kasi nya ang mga tao sa tuwing nag aaway ang kanyang mga magulang nuong bata pa sya. Lumipas ang isang taon ay magbubukas na ng dalawang resto-bar ang mga ito. Kinausap ng mag kapatid na Barron at Bernard ang kanilang ama na pahiramin si Marie ng pang share nito sa puhunan. "Hoy kayo ayusin nyo to ah. Kinakabahan ako, ang laki ng utang ko kina Mommy Berna at Daddy Juan. Pag ito sumablay hindi ko na alam gagawin ko." wika ni Marie na masaya ngunit nag aalala. "Alam mo sissy ang nega mo kasi masyado. Sa ganda nito, sa sarap ng mga pagkaing iseserve natin sa mga customers, eh hindi mang yayari yang sinasabi mo." sambit ni Gizelle. "Relax ate Mae, ilan tayong mga tutulungan dito. And remember may kasosyo tayong isang magaling na negosyante." wika ni Barron kay Marie na tinukoy si Rafael. "Sinabi ko naman sayo na yung share mo ako nang bahala pero ganun padin ang mapupunta sayong part ng kita. Para wala ka ng iniisip na utang." wika ni Rafael. "Oh so ano yon? kikita ako na wlang kahirap hirap? Lalong hindi pwede yon." sambit ni Marie. "Panong walang hirap? eh part ka nang pag paplano nito at katulong ka sa pag paoatakbo nito. Maraming negosyo sa mundo na tumatakbo ng ganon." paliwanag ni Bernard kay Marie. "Nah ah! Hindi ko mapifeel na isa ako sa owner kung ganon ang mang yayari." wika ni Marie. "Oh yun naman pala ate Mae, so relax!" sambit ni Laline. "Kung mang-yari man yang iniisip mo hindi ka dapat mag-alala. Mag tatrabaho ka lang naman sa Villareal Builders para maka bayad eh." ngiting sambit ni Gizelle. Sa pag bukas unang branch ng resto-bar nila Marei, Rafael at magkapatid na Villareal at mga asawa nito ay nag punta lahat ang pamilya nila at malalapit na kaibigan. Dumating din Brix kasama si Kath. Binati ni Kath at Brix ang lahat. Nung payakap na si Brix kay Marie ay hinila ni kath ang braso ni Brix at pinisil. Na tila ba pinipigialan nya si Brix. Ngunit tinuloy ni Brix ang pag yakap niya kay Marie. "I'm so proud of you!"bulong nito kay Marie. "Thank you!" sagot ni Marie. Nang dumating ang mag asawang Villareal ay sinalubong ni Kath ang mga ito. Bineso ni Kath si Bernadette at ngumiti ito sa kanya. Nilalapitan na nya si Juan para ibeso at babatain ito ay tila ba umiwas ito at ngumiti lang sa kanya sabay baling ni Juan kay Marie, Rafael, mga anak at manugang nito. "I am so proud to all you. Hindi ito ang una nyong mga negosyo lalo ka na Rafael ngunit ito ang pinaka magandang negosyo na, nagawa nyong anim. Dahil isa itong korporasyon na kayo-kayo lang mag kakaibugan ang mag kakasama. Lalong proud ako sayo Marie, anak." wika ni Juan kay Marie. "Salamat Rafael kasi isa lang magandang impluwensya ngayon kay Marie, nag papaka lalake ka talaga kay Marie, may plano ka." wika naman ni Juan kay Rafael habang yakap at tinatapik sa balikat. Napalunok naman si Brix, dahil naalala nya ang usapan nila noon sa bahay nila nung nililigawan pa ni Brix si Marie. "So ibig sabihin ba nyan kumpadre eh sinasagot na ni Marie si Rafel?" wika ng ama ni Rafael na biglang dumating sa likod ni Juan at Bernadette. "Oh, kumpadre!" bati ni Juan kay Ramon na ama ni Rafael. "Disisyon ni Marie yan kumpadre, pero ang masasabi ko lang eh buo ang tiwala ko kay Rafael." wika pa ni Juan. "So am I late?" wika ng ina ni Rafael. "Sanay naman na kami sayo Elena." wika ni Ramon sa ina ni Rafael. Na lagi namang nahuhuli sa mga okasyong nagaganap. Pero galing sa isang businesstrip sa Japan si Elena nung araw na yon. "Hi Marie! I miss you. Marami akong pasalubong sayo at sa mga anak mo galing Japan kaya after this sumama ka sakin sa bahay ah." wika ni Elena kay Marie. "Nakuh marami pa po kaming gagawin dito after this event, pero sure po pupuntahan ko po kayo pag tapos ng lahat dito." sambit ni Marie na madalas naman talaga sa bahay nila Rafael para samahan ang ina ni Rafael. Giliw na giliw ito kay Marie dahil nag iisa nyang anak si Rafael at gusto nyang magka anak ng babae. Si Marie palang ang ipinikilala ni Rafael na babae sa ina. "Aantayin kita!" sagot ni Elena. Bago matapos ang opening party ng resto-bar nila Marie ay kinausap na sya ni Bernadette. "Mae, proud kami ng daddy Juan mo sayo. Masaya kami sa mga naabot at nararanasan mo ngayon. Alam ko pangarap mo na magkaroon ng isang boyfriend na tatanggapin at mamahaling ka ng buong-buo kasama ang mga anak mo. At pangarap mo din na ang magulang ng magiging boyfriend mo eh matatanggap at mamahalin ka din kasama ang mga anak mo. Yun ang gusto naming iparanas sayo Marie. Pero akalain ba natin na sa muling pag balik ni Kath eh mababago ang lahat. Kaya ginawa nalang namin ang lahat para matulungan ka. Pero masaya ako na ss mga Delos Reyes ka napunta. Kasi mabait naman ang mga magulang ni Rafael eh. Marami lang talagang hindi mapag kasaunduan si Elena at Ramon noong mga panahon na magakasama sila dahil may pagka pilyo rin naman talaga si Ramon. Pero kilala namin ang dalawang yon, mababait sila. Pero ngayon marami naman na silang pinag kakasunduang mga bagay, lalo pag tungkol kay Rafael. Si rafael ay dumaan lang talaga sa ganoong bagay bago kapa nya makilala dala ng pag rerebelde. Pero ipinakita naman nya na nag bago na sya. Sigurado ako naiintindihan mo na sya. Hindi ba? At kaya siguro biglang nag bago si Rafael, at nahulog nag loob nya sayo ay dahil napalagay ang loob nya sayo dahil alam nyang mauunawaan mo sya. Basta, lagi lang kami nanditong lahat para sayo at sa mga anak mo." mahabang pag papaliwanag ni Bernadette sa mga nang yayari. "Salamat Mommy. Sobrang laki po ng naitulong nyo sa akin at sa mga anak ko." sambit ni Marie. "Deserve mo yon anak. And you deserve more, and I know Delos Reyes can give you more. Mas higit na pag mamahal at pag aalaga." sambit pa ni Bernadette sabay yakap kay Marie. Natatanaw naman si Brix sa malayo ang dalawa. Na, sa mga nakikita nya ay ipina paubaya na ng ina si Marie kay Rafael. Nakita naman ni Jacob ang panonood ni Brix kay Marie at Bernadette. "Bro!" wika ni Jacob sabay tapik sa balikat ni Brix. Natapos ang opening party ng resto-bar nila Marie. Nag ligpit sila ng mga kalat sa resto-bar katulong ang mga empleyado nila. Habang nag liligpit sila ay biglang lumabas ng pintuan ng opisina nila si Rafael na may dalang gitara at kumakanta habang papalapit kay Marie. Agad namang kinuhaan ni Gizelle ng video ang ginagawa ni Rafael na pang haharana kay Marie. Matapos umawit ni Rafael ay nag labas ito ng maliit na kahon. Binuksan ni Rafael ang kahon na may kwintas, at tinanong ni Rafael si Marie, "Will you be my girl, bestfriend and partner in crime?". "Yes!" masyang na sagot ni Marie, sabay hiyawan ng malakas ng mga kasam nila sa loob ng resto-bar. "Pero bakit pangalan mo to?" natatawang tanong ni Marie kay Rafael. "Syempre, para pag nakita yung pangalan ko alam agad nila na may boyfriend ka na at Rafael ang pangalan." natatawa ring sagot ni Rafael. "Ahhh finally, after isang tao eh sinagot mo na si Rafael. Akala ko ay aantayin mo pang mainip si Rafel eh." sambit ni Barron. "Ano ba dude hindi ako maiinip mag antay kay Marie." sambit ni Rafael. -nakita ni brix ang video na in-upload ni Gizelle na pag harana ni Rafael kay Marie at pag sagot ni Marie sa kaibigan ni Brix na si Rafael. Hindi maintindihan ni Brix ang nararamdaman nya tila ba sya ay nalulungkot sa balitang laman ng video. Dalawang tao na ang lumipas simula ng bumalik si Kath sa buhay nya pero tilal Umuwi na ang lahat pero si Marie ay sumama kay Rafael para tuparin ang pangako sa ina ni Rafael na pupuntahan nya ito pagkagaling nila sa resto-bar. At agad ibinalita ni Rafael sa ina ang nang yari. "Mom, girlfriend ko na si Marie." masayang balita nito. "Wow congrats son!" masayang masayang sambit ni Elena sabay yakap sa anak. "Thank you Marie!" masayang baling ni Elena kay Marie at niyakap ng mahigpit si Marie. "So, dapat ibalita nyo rin ito kay Ramon at siguradong matutuwa iyon. Naiinggit nga iyon sakin na bakit daw malapit na ako kay Marou at Macky. Aba sabi ko andito naka tira si Rafael kaya normal lang na dito ipapasyal ni Rafael ang mga anak mo noh." sambit pa ni Elena. "But for sure matutuwa yon pag nalaman nya itong masayang balita na ito." wika pa nito. Dinampot ni Elena ang kanyang cellphone at tinawagan ang ama ni Rafael. "Aba Ramon baka gusto mo namang itreat kami ni Rafael sa bagong success ng anak mo." sambit nito kay Ramon na kausap sa linya. "Sure, kumain tayo sa labas bukas." sagot ni Ramon. "Okay thank you! See you tomorrow." sambit naman ni Elena at ibinaba ang tawag. "Hindi ko muna sinabi sa kanya na kayo na, kasi baka biglang ngayon na yon mag yayang kumain sa labas, eh gusto pa muna kitang makakwentuhan tungkol kay Rafael." sambit nito kay Marie. "Mom, sa dalas nyong magkasamang dalawa eh lahat na yata ng tungkol sa akin simula binubuo nyo ako ni Dad eh naikwento mo na kay Marie." pilyong sambit ni Rafael. "Aba natural, gusto ko malaman lahat ni Marie ang tungkol sayo noh." wika ni Elena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD