Malamig na pag haharap ni Marie at Brix.

3286 Words
"Birthday Party ng Daddy, Mae, gusto nya mag punta ka." wika ni Barron kay Marie habang nasa Bar sila kasama ni Lalaine, Gizelle at Bernard "We have mandatory OT on that day. Mag memessage nalang ako sa kanya." sambit ni Marie. "You know Dad, no but's, if's and excuses." wika ni Barron. "Ayaw kong mag mukhang tanga don. I'm sure andon si Kath." sambit ni Marie na halos mahiga na sa lamesa sa antok at pagod ng katawan sa walang patid na kakainom ng alak habang nag aaral at nag tatrabaho. "Sinabi ni Daddy, na ayaw nyang andon si Kath, because Kath is not part of the family. At ipapasundo ni Dad si Marou and Mackey sa Cavite, ayaw nyang makita ng mga bata si Kath. Baka mag tanong ang mga yon." sambit ni Lalaine. Wla namang imik si Gizelle and Bernard dahil halos wala silang alam sa mga plano ng ama dahil matagal na din sila hindi umuuwi sa bahay ng mag asawang Villareal simula nung sinabi ni Brix kay Bernard ang tungkol kay Kath. Pumapasyal nalang sila roon pag araw ng linggo o sabado para makita ng ama at ina nila ang mga anak nila. "Don't worry Sissy, andon kami ni Bernard. Sasamahan ka namin." wika ni Gizelle. "Sige!" sagot ni Marie. Birthday ng ni Mr. Juan Gabriel Villareal: Pinasundo si Marie sa isang driver. Nakasuot si Marie ng isang mahabang damit na kulay itim na kitang kita naman ang kanyang likuran. Pag dating nya sa isang malaking lugar saan gaganapin ang birhtday ni Juan ay nadoon na ang mga anak nya. Naka suot ng magagarang damit na akala mo mga excutive sa isang malaking kumpanya. "Mommy!" tawag ng mga anak sa kanya pag kita sa kanya ng mga ito. Nakasubod naman sa mga anak nya si Brix. "You look great!" bati sa kanya nito sabay beso. Apat na bwan ding hindi nag kita ang dalawa simula nung ipaalam ni Brix kay Marie ang tungkol kay Kath. "Dad, happy birthday!" bati ng mga anak kay Juan. "Happy birthday dad!" bati rin ni Marie. "Buti at pumunta ka?" sambit ni Juan kay Marie. "Dad, pinasundo nyo ako eh. May choice pa ba ako?" natatawang sambit ni Marie. "Kaya nga pinasundo kita eh!" sambit ni Juan na natatawa. "We'll talk later!" wila ni Bernadette pag beso ni Marie. Nang nag simula ang okasyon ay nag salita si Juan sa harap at nag pasalamat sa lahat. Tinawag din nya ang mga anak at manugang. Tinawag si Marie at ipinakilalang soon to be manugang niya at mga apo nya kay Marie na si Marou at Mackey. Hiyang hiya si Marie at hindi alam ang magiging reaksyon sa harap ng mga tao at lalo sa Villareal Family. Pag balik sa lamesa kung saan sila naka upo, "Sorry sa ginawa ni Dad!" wika ni Brix kay Marie. "Don't be sorry! Ako dapat ang mag sorry sayo. Kasi dapat si kath ang andito at hidi kami ng mga anak ko. Si kath dapat ang ipinakilala sa harap at hindi kami ng mga anak ko." malungkot na mga sambit ni Marie kay Brix. "It's okay!" , "Anyway, how are you?" tanong ni Brix. "I'm okay!" sambit ni Marie. -as if you care- sa isip bi Marie. "Good! madalas daw kayong magkakasama nila Gizelle, Bernard, Barron at Lalaine?" "Yup!" maiksing sagot ni Marie. "That's good to know! Atleast I know that you are always safe." sambit ni Marie. Tango nalang isinagot ni Marie -really? do you really care? do you really care for me- sa isip pa ni Marie na tila ba gusto nyang sumabog. Pinipilit ni Marie na pakitunguhan si Brix ng malamig tulad ng nararamdaman nyang pakikitungo ni Brix sa kanya, pero hindi naman ng bago ang pagiging gentleman ni Brix kay Marie. Na pinipilit parin niya asikasuhin si Marie. Lumapit si Bernadette kay Marie. "Sa bahay ka na umuwi kasi andon naman mga anak mo!" wika ni Bernadette kay Marie. "Hindi na Mom, sa bahay na kami uuwi ng mga anak ko." sambit bi Marie. "Sige na, mag uusap pa tayo." pilit ni Bernadette. Pag dating sa bahay ng mga Villareal, "Alam na namin lahat, lahat ng nang yayari sayo ay alam ko. Pinapaalam sakin ni Gizelle at Lalaine. Hindi ko nalang ipinapaalam sa Daddy nyo dahil lalong magagalit ito kay Brix. Okay ka lang?" wika ni Bernadette. "Yes Mom, I'm okay! Mga chismosa yung mga manugang mo." sagot ni Marie na tila natatawa. "Alam ko namang hindi ka aamin eh, basta andito lang kaming lahat lagi para sayo at sa mga anak mo. Pamilya na namin kayo." mga wika pa ni Bernadette kay Marie. "Salamat Mommy!" sagot ni Marie. "Basta walang mag babago, kahit lahat sa inyo ni Brix ay nag bago na." sambit pa ni Bernadette na tila nalulungkot pero pilit namang ngumingiti. Tango nalang naman ang naisagot ni Marie. Iniharap ni Bernadette si Marie sa kanya at niyalap ito ng mahigpit. "I love you iha." "I love you too, Mom!" Nag patuloy parin si Marie sa mga gawain nyang pag inom habang nag aaral at nag tatrabaho. "I have to go, ikaw na muna humarap sa mga kameeting natin." nag mamadaling sambit ni Bernard ng makatanggap ng menasahe. "Hey, what's wrong?" tanong ni Brix. "Basta ikaw na bahala dito. Kaya mo yan." sagot ni Bernard habang nag aayos ng gamit. "Project mo to. Hindi pwedeng wala ka dito!" galit na sambit ni Brix. "Sinugod sa ospital si Mae!" halos gusto mapasigaw sa galit na sambit ni Bernard at mabilis na dinampit ang mga gamit sa lamesa sa loob ng conference room. Pag dating naman sa ospital ni Gizelle at Bernard naroon na sina Lalaine at Barron. "Yan na nga ang sinasabi namin sayo Marie eh! Napaka tigas naman kasi ng ulo mo eh." "Buti nalang nakita ko agad yung message request ng katrabaho nya. Hindi manlang nag sasabi sa nang yayari sa kanya, kung hindi baka naninigas na yan sa apartment nya pag dating natin." wika ni Lalaine. "Please Mae, stop doing that! Kuya namin si Brix pero mali na nag papaka tanga ka sa kanya ng ganyan. Wake up! nung nalaman nya na pupunta kami dito dahil sinugod ka, nag abala ba sya na tanungin kami kung anong nang yari sayo? nag abala ba sya na sumunod dito para malaman kung buhay ka pa ba? No! Because for him, you're nothing!" galit na mga wila ni Bernard. "Bro." saway ni Barron. "Enough!" saway ni Laline sa magkapatid mag pagaling ka na ate Mae. Mamaya malaman pa yan ni Marou at Macky." pahabol nito. Dumating naman si Bernadette. "Siguro dapat kausapin ko na yan si Brix." sambit nito. "No Mom please, wala akong karapatan umasta ng ganto kasi wala namang kami eh. Tsaka wag na kayo mag alala sakin. Wala naman toh eh." sambit ni Marie. Kinabukasan ay pinuntahan ni Brix si Bernard sa opisina nito para ipaalam ang nang yari sa meeting na iniwan ni Bernard. "How is she?" walang emosyong tanong ni Brix. "Bakit di mo puntahan para malaman mo?" galit na sagot ni Bernard. "No need! gusto ko lang naman syang kamustahin?" sagot ni Brix. "Bakit? natatakot kang malaman ni Kath na pupuntahan mo si Marie sa ospital?" galit na sambit ni Bernard. "Si Barron at Laine nag bantay kay Marie kahapon hanggang ngayon. Mamayang gabi hanggang bukas kami naman ni Gizelle. Alam mo kung bakit sya nag kakaganon? Hindi mo alam kasi wala kang paki elam. Nasa ospital si Mae dahil wala syang tigil sa kakainom habang nag tatrabaho at nag aaral, dahil yon sayo." galit na galit na mga wika ni Bernard. "So kung wala ka ng kailangan, please leave!" sambit pa nito kay Brix. "Choice naman nya yon kung bakit nya yun pinag dadaanan, kung bakit sya ngayon nasa ospital." wika ni Kath kay Brix. Hindi maalis sa isip ni Brix ang pag alala kay Marie. Pero ayaw nyang makaramdam ng selos si Kath dahil ayaw na nyang mawala muli si Kath sa kanya. Nakalabas na ng ospital si Marie. Hinatid ni Bernard at Gizelle si Marie sa bahay nito. "Oh bawal na muna ang alak sissy. Kailangan mo muna mag palakas ng todo ah. Please wag matigas ang ulo." bilin ni Gizelle kay Marie. "Yes sissy!" sagot ni Marie na tila nag hihina pa. "Nandyan na lahat ng kailangan mo. Pag may kulang pa tawag ka lang." sambit ni bernard. "Marami na kaming natambak na trabaho sa opisina sissy. My God!" sambit pa ni Gizelle. "Sorry naman!" wika ni Marie. "Okay lang. Ikaw pa ba?" sambit ni Gizelle kay Marie sabay yakap. "Salamat Sissy!" naiiyak na sambit kay Gizelle na yumakap din ng mas mahigpit. At nag paalam na ang dalawa kay Marie. Pag dating sa opisina nila Gizelle at Bernard ay agad na pinuntaha ni Brix si Bernard. "Mae is fine now kung yun ang gusto mong malaman." agad na wika ni Bernard kay Brix pag pasok nito sa kanyang opisina. "Gusto kong malaman, bakit pinili mo si Kath over Mae? Dahil ba sa mahigit isang taon eh hindi nabibigay ni Marie ang pangangailangan mo? Hindi ba dapat mas itressure mo yung ganoong klase ng babae?" mga sambit ni Bernard kay Brix. "Inalam ko lang kalagayan ni Marie. Salamat." mga wika ni Brix at lumabas na sya ng pintuan. "Jerk!" mahinang sambit ni Bernard na narinig parin naman ni Brix. "Son, hindi kami umiimik ng daddy mo sa mga nang yayari, kahit pa nagugulo na nito ang pamilya natin. Hindi ko masisi si Mae, talaga namang napalapit na sya pamilya natin lalo sa mga kapatid at mga hipag mo. Hindi rin kita masisi kasi talagang mahal mo si Kath eh, but I hope this time tama na ang disisyon mong tanggapin sya ulit. Remember it's second time now. I love you son!" mga wika ni Bernadette sa anak ng pinuntahan nya ito sa beranda at nakitang nag iisa. Gustong gusto ni Brix na puntahan si Marie para kausapin ito para humingi ng tawad at iayos nitong muli ang buhay pero hindi nya magawa. Ayaw nyang mag isip si Kath ng hindi magada patungkol kay Marie. Dahil lahat na ng atensyon ng pamilya nito ay nakay Marie na. Isang gabi umuwi si Bernard sa bahay ng magulang kasama ang pamilya. Nag inom sila ng kapatid na si Barron at mga kaibigang si Jacob at Rafael. "Where's Brix?" tanong ni Jacob kay Bernard at Barron. "I don't know! Maybe she's with Kath!" naiinis na wika ni Bernard. "How's Marie na pala? Ano ba nang-yari sa kanya?" tanong ni Jacob. "Ayun dehydrated dahil sa kakainom. Simula ba naman nung nag usap sila ni kuya Brix about Kath inom na nag inom eh, nag aaral at nag tatrabaho pa. Walang maayos na pahinga." sambit naman ni Barron. "What the f**k!" wika ni Jacob. "Yeah dude, Marie f****d-up! She really look s**t. Dumalaw ako sa hospital." sambit ni Rafael. "It's been 5months since then, 5months na din na nag kakaganon si Marie, does Brix knows about it?" tanong ni Rafael. "I already told him, maybe he doesn't care about Marie anymore!" wika ni Bernard. "Holly craft! ang tagal nyang niligawan, and then all of a sudden, dumating lang si Kath, binalewala na nya si Marie." wika ni Rafael. "Well Kath yun eh, Kath Silvia, we can't blame Brix!" wika ni Jacob. "Halos mag pakamay na yon si Brix nung sumama si Kath kay Xander eh." wika pa bi Jacob. Makalipas ang isang linggo, nag punta sa isang birthday party si Brix. Brithday na kalaro nila ni Rafael sa basketball.. "Bro!" masayang bati ni Rafael kay Brix. "How's Kath?" tanong pa nito kay Brix "She's fine!" sagot ni Brix. "Yeah, she look very happy now ah! I saw her posts on sss. By the way, where is she." sambit ni Rafael. Ngiti lang ang naisagot "Nag aalaga ng anak nya. Naka day-off ang yaya nung bata eh." sagot ni Brix habang pinapaikot ang basong hawak may alak sa sa lamesa. "You know what bro, I am happy with my life. I am happy Being single forever, playing fire with sexy ladies, but if I had a chance to met someone like Marie, I'll stay with her." wika ni Rafael kay Brix. Tumatango lang naman si Brix at lumagok ng alak sa baso. "And remember, those days that Kath chose Xander? Halos mag pakamatay ka. And, ano man ang ginagawa ni Marie ngayon sa buhay nya, that exactly what you are doing before." mga wika pa ni Rafael. Tango lang naman muli ang tugon ni Brix na tila ba alam na nya ang mga gustong tukuyin ng kaibigan. "Anyway, may date pa ako." pilyong sambit ni Rafael kay Brix. Nung umalis si Rafael ay tila ba napaisip si Brix. Naaawa si Brix kay Marie, pero ang tanging nararamdaman lang nya ang gusto nyang sundin. Na hindi na nya hahayaan pang mawala muli si Kath. Simula naman maospital si Marie ay inayos nyang muli ang kanyang sarili. Nag focus muli sa trabaho at pag-aaral. Nakakasama nya parin madalas ang mga kapatid at hipag ni Brix. Kaarawan ni Rafael: Nag punta si Brix at Kath. Anduon din si Lalaine at Barron. Biglang dumating si Bernard at Gizelle kasama si Marie. "Oh you came!" sambit ni Rafael kay Marie. "Yes ofcourse! Happy Birthday!" bati ni Marie sabay beso nito. Masaya si Brix na nakita si Marie na tila ba masaya na. "Ow you're Marie?" wika ni Kath. "Yes she is!" sambit ni Bernard at Gizelle. Tumango lang naman si Marie. At naupo na sila sa upuan na bakante. Masayang nag kukwentuhan sila Bernard, Gizelle, Barron, Lalaine, Jacob at asawa nito, si Rafael at Marie. Nakaharap naman doon si Brix ang Kath pero tila ba pakiramdam ni Brix ay hindi sya kasama sa kwentuhan at hindi maalis ang kanyang mata sa pag kakatingin kay Marie. Masaya sya na nakikitang masaya na muli si Marie pero may pakiramdam sya na tila ba naiinis na nakikitang malapit na ito sa kaibigang si Rafael. Tumayo si Rafael para kumuha ng maiinom pa at sinundan ito ni Brix. "Are you two together?" tanong ni Brix kay Rafael. "Who? Marie? Why are you jelous?" tanong ni Rafael kay Brix na tila ba nang aasar habang dumadamapot ng bote ng alak sa maliit na bar ni Rafael sa garden sa bahay nito. "No, I am just asking!" sambit ni Brix. "We're not. Pero parang naiisipan ko na syang ligawan. Hindi naman siguro masama yon dahil hindi mo naman sya naging girlfriend right?" nang iinis pang sambit ni Rafael. Bumalik na sa upuan nila si Rafael at Brix. Inabutan ni Rael ng inumin si Marie. Si Brix naman ay hindi maalis ang mata sa dalawa. "You two look good togther!" sambit ni Kath kay Rafael at Marie na napapansin na ang mga tingin ni Brix kay Marie. "Really?" nakangising tanong ni Rafael na tila ba nang aasar. "No no no! That's is not a good idea." natatawang wika ni Bernard at Barron. "Well, handa akong mag bago para kay Marie dude!" mga wika ni Rafael na tila ba nag bibiro at nang aasar. "Eh malay mo naman mag bago talaga si Rafael para kay Ate Mae!" sambit ni Lalaine. Bigla namang takip si Barron sa bibig ng asawa at pilit iniiwas ni Lalaine ang mukha nya sa kamay ni Barron. "Shut-up hon. Wala pang naka pag pabago kay Rafael." wika naman si Barron. Sabay tawanan nang lahat. Namumula at nahihilo na si Marie sa mga nainom nya, "Mae tama na yang inom mo baka masugod ka nanaman sa ospital ah." birong sambit ni Rafael. "Yeah! let's go Mae, ihahatid ka na namin ni Gizelle." sambit ni Bernard. "Pwede ba ako na mag hatid sa kanya?" tanong ni Rafael. "Ow shut-up dude!" nangngiting wika ni Barron at Bernard. Ayaw nilang ipag katiwala si Marie kay Rafael dahil kilala nila si Rafael kung gano ito kagaling makakuha ng babae na tila ba isang laruan lang. Natatawa nalang si Marie. "Masyado naman yata kung protektahan ng mga kapatid mo si Marie." tanong ni kath kay Brix ng maka alis na si Bernard at Gizelle kasama si Marie. "Marie is family. Bilin ni Mom na bantay nila si Marie. And besides mag kakaibigan na yan silang lima. Bestfriends na yan si Marie, Gizelle and Lalaine." paliwanag ni Brix. "She's lucky!" sambit ni Kath. Tumango lang ng walang emosyon si Brix. Habang nasa sasakyan sila Marie na nag babyahe pauwi. "Maganda pala talaga sya." wika ni Marie. Gulat naman ng dalawa. "Sissy? kelan pa naging maganda ang b***h?" inis na wika ni Gizelle. "Basta maganda sya!" sagot ni Marie. Nang maka uwi si Marie sa apartment ay agad nag bukas ng cellphone at hinanap ang account ni Brix. -wala namang makita dito sa account nito.- sa isip ni Marie na tila ba may hinahanap. Hinanap nya ang account ni Kath. -"ang saya nilang dalawa"- sambit ni Marie sa sarili habang tinititigan ang larawan ni Kath at Brix na natagpuan nya sa sss ni Kath. Dumalas dalas pa ang pag sama ni Rafael sa mga lakad nila Marie, Lalaine, Gizelle at mag kapatid na Villareal. "Napapansin ko, hindi ka yata busy sa mga date mo ngayon Rafael?" tanong ni Gizelle. "Yeah! Wala nakaka pagod na din kasi makipag date." sagot ni Rafael. "Kelan ka pa napagod bro?" natatawang tanong ni Barron. Nag agree naman si Bernard. "Try nyo kayang maging ako nang maranasan nyo yung pagod?" natatawang sambit ni Rafael. Kapansin pansin na din ang pag lapit lapit ni Rafael kay Marie. "Dude, I am warning you!" sambit ni Bernard kay Rafael ng lapitan nya ito sa bar na kumuha ng alak sa bartender. "Dude, Marie is different." sagot lang nito kay Bernard. "Siguraduhin mo yan!" banta ni Bernard. Si Rafael ay isang kilalang successful businessman and VP for marketing and operations ng kanilang kumpanya na walang ginawa kundi mag liwaliw sa buhay kaya pati mga babae ay sinasama nya kanyang libangan. -pag uwi naman ni Gizelle at Bernard matapos ihatid si Marie, naka higa na sila sa kanilang kama at nag kukwentuhan. "Anong ginagawa ni Rafael?" tanong ni Gizelle. "What do you mean?" tanong rin ni Bernard. "Pinopormahan ba nya si Marie or what?" tanong pa ni Gizelle. "Hindi ko din alam. Binalaan ko sya kanina ang sabi nya, iba daw si Marie." sagot ni Bernard. "Do you really believe in that?" tanong ni Gizelle. "Hindi ko din alam. Pero alam kong hindi sisirain ni Rafael yung friendship nya satin. Lalo samin ni Barron. Tsaka takot kay Mommy si Rafael. Kaya I'm sure kung hindi maganda pakay nya kay Marie, mag dadalawang isip yon." mga wika ni Bernard. "Well, let's see." sagot nalang ni Gizelle sa asawa.- "Nan liligaw ba sayo si Rafael?" tanong ni Gizelle kay Marie nung nag kita-kita sila nila Lalaine sa isang restaurant. "N-no!" nag tatakhang sagot ni Marie habang kumakain. "Hindi kayo nag kakausap or what?" tanong pa ulit ni Gizelle. "Hindi, minsan nag kakachat kami pero bihira lang yon, tsaka saglit lang pag nag kakachat kami. Tipong kamustahan lang. Tamad naman kasi ako mag chat diba? alam nyo yan. Even Brix knows that!" mariin sagot ni Marie. "Ah I see." sagot ni Gizelle. "Wh-y?" nag tatakha paring tanong ni Marie. Nag tatakha lang din na nakatingin si Lalaine sa dalawa. "Nothing! natanong ko lang, kasi napapadalas ang sama ni Rafael sa mga lakad natin nila Bernard at Barron. "Ah yeah! pansin ko din yon. Actually, I asked Barron about that, pero sabi nya wala daw syang alam." sambit ni Lalaine. "Pero malay nga naman natin Sissy eh mag bago talaga si Rafael?" wika ni Lalaine. "C'mon Lalaine, nakaraan mo pa pinipilit yan." sambit ni Gizelle. "Ay nakuh hindi nanliligaw si Rafael, okay?!" madiing sagot ni Marie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD