Kath destroyed everything.

3257 Words
Dumating na sila sa malaking pasyalan sa tagaytay. Naglaro ang mga bata at nakipag laro narin na parang mga bata ang mag asawang bernanrd at Gizelle, mag asawang Barron at Lalaine, Brix at Marie. Si Brix ay wala parin sawa sa pag kuha ng mga larawan sa bawat nang yayari. Nagpahinga sa isang kainan sila Marie at Brix kasama sina Bernard, Gizelle, Barron at Lalaine. Habang naka upo ay biglang tumunog ng sunod-sunid at sabay-sabay ang nakilang mga cellphone. Nagulat sila na sunod sunod ang pag like ni Kath sa mga larawan pinost ni Brix nung gabi bago ang araw na yon. At may isang comment sa larawan ni Bernadette kasama ang mga apo at mga anak ni Marie. -"Ang dami mo na palang apo tita Berna." Seryoso ang mukha ng lahat. Nang biglang sambit ni Brix, "Hey what's wrong?" At bigla ulit tumunog ang mga cellphone nila. -"Wow! cute couples ah." comment sa kakaupload lang ni Gizelle sa larawang kinuha nila habang nasa sasakyan at nag babyahe pa lamang. Nagulat sila at tumingin kay Gizelle. "We're not friends ah! Check my phone, check my account." mabilis na paliwanag ni Gizelle. "Inistalk ka girl!" pang aasar ni Laline kay Gizelle. "Ah-ah we're here to enjoy, hindi para mag cellphone, hindi para mag sss!" pabirong sambit ni Brix. Matapos mamasyal ay umuwi na sila sa bahay nila Brix. Linggo ng gabi nag uusap usap sila habang nag hahapunan. "Mae, ayaw mo bang bumalik sa pag-aaral?" tanong ni Juan kay Marie. "Gusto po kung may chance. Pero sa ngayon hindi pa kaya kasi priority ko po is panganagailangan ng mga anak ko." sagot ni Marie. "Brix hindi nyo ba pinag uusapan ang mga plano nyo? Dapat may plano ka na. Baka kaya hindi ka sinasagot ni Marie kasi nakikita nyang wala kang plano." pabirong wika ni Juan. "Dad, inaantay ko lang sya." sagot ni Brix. "Inaatay na ano?" tanong ng ama ni Brix. "Nasagutin sya!" sambit ng kapatid na si Barron. "Well, oo nga naman paano ka mag paplano." sambit ni Juan nangingiti. Hiyang hiya naman si Marie. Dahil wala pa namang linaw ang lahat sa knila ni Brix kaya hindi nya ito masisisi na wala pang plano para sa kanila ito. Ayaw na ni Marie mag madaling pumasok sa relasyon dahil ayaw na nyang magkamali pa ulit. "Anyway Mae, kami na ang mag papaaral sa mga anak mo." pahabol pa ni Juan. Hindi naman maka imik si Marie dahil hindi nya alam isasagot nya. Si Brix ay wala namang imik dahil nahihiya ito kay Marie sa mga disisyon ng ama. "Hindi ka namin tinatanong Mae, sinasabi namin sayo. Para maka balik ka sa pag aaral. Kami nadin ang mag papa-aral sayo. Pwede ka mag trabaho sa kumpanya habang nag aaral." mga sambit pa nito. "Dad!" sayaw ni Brix. "Why?" tanong ng ama. "Baka mapressure si Mae." sambit ni Brix. "Mae, we're not pressuring you. Kung wala kang balak sagutin si Brix, it's ok. Gusto lang naming matulungan ka. You deserve it!" mga wika ni Juan. "Anyway, I am so happy that I am seeing all of that chairs occupied." Sa laki kasi ng lamesa nila sa bahay na may 14 na upuan eh, madalas na tatlo lang silang mag kakaharap sa upuan. Habang nasa beranda si Marie ay lumapit si Brix. "Are you okay?" tanong ni Brix. "Yeah! Am I not look okay?" sambit ni Marie. "Wala lang. Baka lang napepressure ka sa family ko." wika ni Brix. "Hindi. Nahihiya lang ako kasi hindi ko alam ang dapat kong sabihin." sagot ni Marie. "Hayaan mo nalang sila sa gusto nilang gawin na pag-aralin si Marou and Mackey. And ikaw, para sakin maganda talaga na matapos mo yung pag aaral mo. Pero kung ayaw mo mag trabaho sa kumpanya ikaw bahala." mga wika ni Brix. "Nakaka hiya kasi!" sambit ni Marie. "Isipin mo si Marou and Macky. Please!" paki usap ni Brix. Kinabukasan naman ng umaga ay nag almusal ulit sila ng salo-salo. Napag disisyunan na ni Marie na pumayag nang pag aralin ng mag asawang Villareal ang mga anak nya. "Dapat siguro ay bumalik ka na din sa pag-aaral. Pumasok ka sa kumpanya para di ka mahirapang pag sabayin ang trabaho at pag aaral. There's a lot of positions available in the office. Use it as your training ground." wika pa ni Juan. "Yeah, Lalaine and I started as an office sttaff there." sambit ni Gizelle. Agad na tumingin si Brix kay Marie na gustong nyang pumayag sa gusto ng ama. "Ah pwede po bang mag tuloy na muna ako sa trabaho ko?" tanong ni Marie. "So babalik ka na sa pag-aaral?" tanong ni Juan. "Opo!" sagot ni Marie "Okay, that's good!" sagot ni Juan. Lumipas ang tatlong buwan madalas na ang mga anak ni Marie sa bahay nila Brix. Inilipat na sa private school ang mga anak ni Marie at nag enroll na si Marie sa eskwela. Minsan ay pinupuntahan ng magulang ni Brix ang mga anak ni Marie sa bahay ng ina ni Marie para dalawin at hatiran ang mga ito ng pangangailangan nila. At nagkalapit nadin ang mga magulang ni Marie at Brix. Mas madalas na din ang pag kakasama nila Marie, Gizelle at LaLaine kahit busy na si Marie na pinag sasabay ang trabaho at pag-aaral. Minsan ay nag gi-girls night out sila. Sa sobrang dalas nilang mag kakasams ay lalo silang napapalapit sa isa't isa na tila ba nagiging matatalik na silang magkaibigan. Minsan ay lumalabas din sila kasama ang mag kakapatid na Villareal. "You know what sissies, hindi ko na gusto yung pag stalk ni Kath sa sss ko ah." seyosong wika ni Gizelle kay Marie at Lalaine. "Ayaw mo non dagdag likers yan sissy!" birong sambit ni Marie kay Gizelle ng makitang nag react nanaman si Kath sa pinost nitong picture nilang tatlo nung oras na yon. "Bakit mo kasi inaccept?" tanong ni Lalaine. "Hindi ko sya inaccept, oh look!" naiinis na wika ni Gizelle sabay pag pakita sa cellphone nya. "Don't post on a public mode. Switch it to share to friends only." inis na wika naman ni Lalaine kay Gizelle. "Naman kasi sissy hindi mo pa sagutin si Brix? I'm sure nababalitaan nyan ni Kath na hindi pa kayo ni Brix kaya nag papansin." wika ni Gizelle. "Eh ano naman? matagal na silang wala. Tsaka I'm sure masaya yon sa relasyin nya ngayon." sambit naman ni Marie. "Eh kung masaya eh bakit hinahanap nya padin si Brix?" wika ni Gizelle. "Eh kasi nga remember sissies kahit boyfriend nya si Kuya Brix noon eh pumatol sya sa bestfriend ni Kuya Brix? eh kaya hindi malabo na kahit boyfriend nya ngayon yung si Xander eh papatol sya kay kuya Brix kung may chance." mga wika ni Lalaine. "Akala nya iaaccept ko sya. Manigas sya! Tsaka hindi ko sinasadya na maipublic yung photos natin sa skyranch noh. Ngayon sinasadya ko na para makita nya na masaya na si Brix." sambit ni Gizelle. Nag tawanan naman agad ng malakas si Marie at Lalaine sa sinabi ni Gizelle. "So sinasadya mo naman palang ipakita sa kanya, tspos ngayon maiinis ka?" sambit ng dalawa kay Gizelle sabay tawanan ulit ng malakas. "Alam nyo mga judgemental kong mga sissy, nag punta tayo dito para mag saya hindi para magpa-stress kay Kath." wika ni Marie. "And why you two, is too much affected to her?" tanong ni Marie sa dalawa. "Dahil sa ginawa nya kay Brix.", "Dahil sa ginawa nya kay kuya Brix!" sabay na wika ng dalawa. "Brix moved-on pero kayo hindi pa?" tanong ni Marie na natatawa. "Basta!" mabilis na sagot ng dalawa. "Nag eenjoy ba kayo dyan?" message ni Brix kay Marie. "Oo naman. Ito ba namang dalawang to kasama ko eh." sagot ni Marie. "Good! tell Gizelle na wag mag papakalasing kasi mag dadrive pa sya pag uwi nyo." sagot naman ni Brix. "Yes Sir!" sagot ni Marie. "Ingat, I Love you!" reply pang muli ni Brix. Kilig na kilig naman si Marie sa nabasa na pakiramdam nyang nag huhugis puso ang mga mata nya. Pero hindi nag sya sumagot pa rito. Sanay na rin naman si Brix na pag nag sabi na sya ng mga ganoong salita ay hindi na mag rereply si Marie. Habang nag iinuman naman si Brix at mga kapatid kasama ang mga kaibigang sina Jacob at Rafael sa kanilang bahay. "Nakikita ko mga reactions at comments ni Kath sa posts and photos nyo ah." wika ni Jacob. "Yeah! matyaga kasi minsan lahat ng photos sa posts nyo nag rereact sya!" wika naman ni Rafael. Natatawa lang naman si Brix. "Sorry pero No No na sya sa family." sambit ni Bernard. "She's more beautiful than Marie, but Marie is better than her Bro!" sambit pa ni Barron. "But, you know what dude, hiwalay na daw sila ni Xander!" wika ni Jacob. Habang wala lang imik si Brix. "Really?" tanong ni Bernard at Barron. "Almost two year na pala silang hiwalay. Ipinagpalit ni Xander si Kath sa asawa ng ng kaibigang katrabaho nya don sa US. Sinasaktan pa daw ni Xander si Kath." sambit ni Rafael. "Poor Kath!" sambit ni Bernard. "Ay nakuh kalalake nyong mga tao mga chismoso kayo. Mag inom nalang tayo at wag na pag usapan ang mga taong yon." sambit ni Brix. Nakauwi na sila Marie sa bahay nila Brix at inihatid na ni Brix si Marie sa bahay nito. Pag uwi ni Brix sa kanila ay hindi sya mapakali sa nalaman nya tungkol kay Kath. Hinanap nya sa sss si Kath at hinalukay ang account. At hinanap din nya ang sss account ni Xander, at dun nya nakumprima na totoo ang mga narinig nya. Hindi nya malaman kung maiinis ba sya kay Xander sa ginawa kay Kath o maiinis sya kay Kath sa ginawa nitong katangahan 7years ago nung umamin ito kay Brix na may relasyon sila ng matalik na kaibigan ni Brix na si Xander at nakipag hiwalay ito. Tapos yun lang ang ginawa ni Xander kay Kath. Nakatulog nalang si Brix ng hindi nya namamalayan. Mag kikita sa bar sila Marie, Lalaine at Gizelle kasama ang mag kakatapatid na Villereal. Sinundo ni Brix si Marie sa bahay nito para sumunod nalang sila sa bar kung nasaan ang mga hipag at kapatid ni Brix. Tahimik lang si Brix na nag mamaneho kaya wala din namang imik si Marie. Iniisip ni Marie ay baka pagod lang ito sa trabaho. Pag dating ay umiinom at kumakain na ang dalawang pares na sina Lalaine at Barron pati si Gizelle at Bernard. "Sissy!" sigawan ng tatlong babae na akala ba'y matagal na silang hindi nag kikita kita. Umupo na din sila at nag inom. Pansin ng lahat ang pagiging wala sa mood ni Brix. "Are you ok Bro?" tanong ni Bernard. "Yeah, I'm just tired." sagot ni Brix. Pero alam ni Bernard na halos wala namang ginawang trabaho si Brix sa trabaho ng araw na yon. Natapos nalang sila ay hindi parin nag bago ang mood ni Brix. Maaga palang ay tinapos na nila ang inuman nila dahil may pasok pa si Marie sa school kinabukasan. Hinatid ni Brix si Marie sa bahay nito. Bago bumaba si Marie sa sasakyan, "Sorry! Pagod lang talaga ako." wika ni Brix. "It's okay! naiintindihan ko." nakangiting sagot ni Marie, at bumaba na ito ng sasakyan. Pag pasok ni Marie ng bahay nya at nahiga ay napa tingin sya sa kanyang cellphone, nakita nya ang message ni Gizelle at Lalaine sa gc nilang tatlo. -"So kinausap mo na ba si Brix?" -"Kayo na ba?" -"Sinagot mo na ba?" mga message ng dalawa. "Hindi pa!" sagot ni Marie. "huh?" "Bakit?" tanong ng dalawa. "Masama talaga ang mood ni Brix. Hindi magandang timing." sagot ni Marie. "Ano ba yan!" sagot ng dalawa. Kinabukasan sa opisina ng mga Villareal: May kailangan iabot si Bernard kay Brix na mga papeles kaya pinuntahan nya si Brix sa opisina nito. "So anong nang yari sayo kagabi?" tanong ni Bernard. "Bakit?" tanong ni Brix "Ang wierd mo kagabi!" sagot ni Bernard. "Pagod lang!" sagot naman ni Brix. "Hindi yun ang dahilan!" mabilis na sambit ni Bernard. "Si Kath ba?" pahabol pa nito. Hindi umiimik si Brix pero tila alam na ni Bernard ang sagot sa tanong nya. "Alam mo bang plano ka ng sagutin ni Mae kagabi? Kaya nag set kami ng ganoong pag labas natin. Mahigit na isang taon mong niligawan si Mae, ayun na sasagutin ka na sana." wika ni Bernard. Nagulat naman si Brix. "Hindi ko alam, pero hindi na pwede." sambit ni Brix na may lungkot. "What do you mean? Don't tell me binalikan mo si Kath?" naiinis na mga tanong ni Bernard. "Hindi pa naman kami ni Mae, right?" wika ni Brix. "Oh, c'mon!" inis na sambit ni Bernard, sabay labas ng opisina ni Brix. Pag dating ng biyernes ng gabi: "Where's bernard and Gizelle?" tanong ng ama nila Brix. "May party daw pong na pupuntahan si ate Gizelle sasamahan ni kuya Bernard." sagot ni Lalaine. "Two days ba yang party na yan kaya pati mga apo ko ay hindi inuwi dito?" tanong ng ni Juan. Hindi na umimik pa si Lalaine. Pero alam na ni Lalaine ang dahilan. "Hayaan mo na at minsan lang naman." sambit ni Bernadette. Walang imik si Brix dahil tila bawalan ng gana si Bernard umuwi roon sa sinabi nya tungkol kay Kath. Kinabukasan ay nakipag kita si Brix kay Marie. Nag tataka si Marie at bakit nakipag kita lang ito at hindinsya sinundo na sa apartment nya na sa tuwing may lakad naman sila ay sinusundo sya ni Brix. Kaya nung makita ang lungkot sa mukha ni Brix ay tila alam na nya ang dahilan. "Sorry! Dumating na si Kath, nagkausap kami. Gusto nya na ayusin namin ang lahat ng sa amin." wika ni Brix kay Marie. "Wag ka mag alala, naiintidihan ko!" sagot ni Marie. Hindi na nya hinayaan pang magpaliwanag pa ng husto si Brix. "Ituloy mo padin yung pag aaral mo, kasi si Mom and Dad naman ang nag papaaral sa inyong mag iina. Wag mo akong isipin." wika ni Brix. "Okay!" sagot lang ni Marie. Pero gusti nyang sumabog ng mga iras na yon. "Mag iingat ka lagi. Andito parin naman ako para sa inyo ng mga bata." sagot ni Marie. Umuwi si Marie na puno ng lungkot at sakit ang puso nya. Naiisip nyang hindi sya nag kamali ng iniisip at nararamdaman. Masasaktan lang muli sya pag nag mahal syang muli. Sana ay hindi nalang nya hinayaang makapasok sa buhay nya si Brix pati ang buong pamilya nito. Mas masakit pa para sa kanya ay nakapasok na si Brix sa puso at buhay ng mga anak nya. Hindi nya alam paano ipapaalamsa mga anak ang nangyari. Lumipas ang mga araw at linggo na umiikot ang buhay ni Marie sa trabaho, pag aaral, barkada at alak. Bihira na din syang umuuwi sa bahay ng kanyang ina dahil natatakot syang mag tanong ng kanyang mga anak. "Tama na yan sissy! You're too drunk." wika ni Gizelle habang pinipigilan si Marie sa pag tunga ng basomg may alak. "Ate Mae, paawat ka naman!" wika naman ni Lalaine na nag aalala na kay Marie. "Let's go! Ihahatid ka na namin ni Gizelle Mae." nag aalalang wika ni Bernard dumating ito sa bar na iniinuman ng tatlo at makita ang itsura ni Marie na lasing na lasing. "That Brix! Napaka gago nya!" mga sambit ni Bernard. Habang si Marie ay nakalupasay na sa backseat. "Hay nkuh! Si Kath ang may kasalanan. After what she've done, may lakas pa sya ng loob na balikan si Brix!" galit na sambit ni Gizelle. "Alam na ni Mommy at Daddy bakit hindi na tayo umuuwi doon. Naubusan na daw ng isasagot si Barron at Lalaine kaya nag sabi na sila. Tsaka nag tanong din kasi si Daddy bakit hindi na nag siseen at nag rereply si Mae sa gc." mga sambit ni Gizelle. "Tinatanong ni Mommy si Mae hindi naman daw sumasagot sabi ni Mommy, nsg kwento ni Lalaine." pahabol pa nito. Habang inis na inis si Bernard kay Brix sa ng yayari kay Marie. "Ano te? Nakita na kita gaano ka kashit pag nasasaktan. Hindi ako nag kulang ng paalala sayo." mga wika ni Daine na kaibigang katrabaho ni Marie. "Gwapo yun te. Mayaman. Kaya malabo talaga maging kayo." mga sambit pa nito kay Marie. Habang si Marie at nag iinom lang ng nag iinom. Kung saan-saan si Marie nakikipag inuman kasama ang mga kaibigan at mga katrabaho. Pero hindi padin nya nakakalimutan ang mga goal kaya patuloy parin sya sa trabaho at pag-aaral. "Oh my God! Ate Mae what are you doing?" pag dating ni Lalaine at Barron sa Bar na lagi nilang pinupuntahan nila Gizelle. Buti nalang at kilala na sila roon kaya binabantayan si Marie ng mga tauhan doon. "Buti nakayanan mo pa akong tawagan." wika ni Lalaine. "Let's go!" sambit ni Barron na binuhat na si Marie at isinakay sa sasakyan. "Did kuya Brix knows about this? Mga nang yayari kay kay ate Mae?" naiinis na sambit ni Lalaine kay Barron. "I don't know! Hayaan na natin sya. Kayo ni Gizelle imonitor nyo lagi si Mae kung saan sya pumupunta at sino ang kasama nya. Baka ano nalang mang yari dyan." inis din sambit ni Barron. "Oh my God! Ni hindi na nga yata yan umuuwi sa mga anak nya pag wala syang pasok sa trabaho at school eh. Buti nalang lagi paring pinupuntahan ni Mommy at Daddy si Marou at Macky." sambit ni Lalaine. "Kaya wala kaming tiwala ni ate Gizelle sa biglang pag paparamdam ni Kath sa socialmedia eh. That b***h!" galit pang sambit ni Lalaine. Madalas pumapasok si Marie sa trabaho at eskwela na masakit ang ulo dahil sa pag-inom ng alak. "Ano kaya pa?" tanong ni Hazel at Diane na mga kaibigang katrabaho ni Marie habang kumakain sila sa isang fastfood chain malapit sa trabaho nila. "Maiinlove kasi sa gwapo, ayan! Oh ano ka?" sambit ni Hazel. "Nakuh pagod nakoh mag salita jan. Hindi naman yan nakikinig eh." sambit naman ni Diane. Si Marie naman ay pinipilit idilat ang mata sa antok dahil wala pa syang halos tulog dahil galing sa inuman kasama ang mga kaibigan sa pinang galingang kumpanya. "Restday naman kasi mamaya pag out!" sagot ni Marie. "Oo nga kaso, nakikita mo ba itsura mo?" sambit naman ni Hazel. Pag out sa trabaho ay sinundo ni Gizelle si Marie. "Saan tayo pupunta?" antok na antok nang tanong ni Marie kay Gizelle. Huminto sila sa isang restaurat. "Oh andito na pala si Lalaine eh!" wika ni Gizelle. "Oh umorder na ako. Baka nauubusan ka na ng sustansya sa kakainom at kakapuyat mo Sissy!" nag aasar na wika ni Lalaine habang marahang tumatawa . "Ay nakuh sigurado yan, tignan mo nga itsura nyan oh!" sagot ni Gizelle. "Nag woworried si Mommy Brenda sayo. Nakikita nya pa yung mga post mo lagi sa sss and insta." sambit ni Lalaine. "Sinabi ko naman sa kanya na okay lang ako." sambit ni Marie. Matapos kumain ay nag punta ang tatlo sa salon and spa. Nakakatulog na si Marie sa mga treatment na ginagawa sa kanya. Matapos sa salon ay nag punta sila ng mall para mag shopping. Buti nalang ay pinagawan si Marie ng Creditcard ni Bernadette na si Bernadette ang nag babayad. Pero nililimitahan parin naman ni Marie ang pag gamit nito kasi nilalamanan naman ng mag asawang Villareal ang bank account ni Marie sa pang gastos nito sa eskwela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD