Bitterness Overload turns into Kilig Overload.

3158 Words
Ilang linggo na ang lumilipas. Tumatagal na ang pag uusap thru chat and voice call ni Brix at Marie. Lalo pag nakauwi na si Mae galing trabaho bago ito matulog at habang nasa trabaho naman si Brix. Nag kakakilanlan na ng maigi ang dalawa. Nag aupdate nadin ang dalawa sa kanilang araw araw na ginagawa. At nag sesendan ng pictures kung nasaan sila, anong ginagawa nila at sino ang kasama nila. Friday morning: "Mae, naka pag out ka na ba? Pauwi ka na ba?" Message ni Brix kay Mae. "Yup naka pag out na ako. Pero hindi pa ako uuwi nagka yayaan yung team namin na mag inom sa bahay ng kateam namin." reply ni Marie. "Oh saan yon? Ingat ka. Wag ka mag paka lasing." reply naman ni Brix. "Yes sir, hindi ako mag papakalasing. Uuwi ako ng may ulirat. Sa cubao lang." reply ni Marie. "Alright, take care. May meeting ako I'll call you after my meeting." reply ulit ni Brix kay Marie. "Sure! Thanks." maikling reply ni Marie. Habang nasa meeting si Brix ay hindi sya mapakali at gusto na nyang matapos agad iyon para matawagan na nya si Marie. -Marie side: Nag iinom na sila ng mga katrabaho pero hindi sya nag iinom masyado dahil iniisip nya na uuwi pa sya. "Ano te? ang hina uminom ah. Bakit binabawalan ka na ba mag inom ng ng Brix na yan?" Wika ng kaibigang si Diane. "Hindi bakla ka. Ayaw ko lang uminom ng marami kasi uuwi pa ako." sagot ni Marie. "Sus! Ikaw pa." sambit ni Diane kay Marie. Kilala na nito si Marie sa tagal na nilang mgakasama at magkaibigan. Alam nya na pag may kaharap na alak si Marie at para na itong uhaw na uhaw. "Hindi pa kayo nag kikita nag papaapekto ka na sa kanya. Pag nasaktan ka dyan wag kang iiyak sakin ah. Nakakapgaod kang payuhan." muli pang wika nito kay Marie. "Oo nga. Pag inom inom." buyo ng mga katrabaho ni Marie sa kanya. Pero hindi naman nag paapekto si Marie.- -Brix side: "Meeting is done. Tawagan no na sya, hindi ka na mapakali dyan kanina pa." wika ni Bernard kay Brix. At ngumingiti lang ang kapatid nilang si Barron. Pag tayo naman ni Brix sa kanyang upuan ay agad nitong hinugot sa bulsa ang cellphone. At agad na tinawagan si Marie habang nag lalakad papunta ng kanyang opisina.- "Mae, nasan ka na? Lasing ka na?" tanong agad ni Brix pag sagot ni Marie ng tawag nito. "Sus! pag inom inom lang walang tawagan sa jowa." asar ng mga katabaho ni Marie sa kanya. "Hindi pa. Uuwi nga ako ng may ulirat diba?" sagot naman ni Marie kay Brix. "I have other meetings outside the office. Please update me. Susunduin kita agad if hindi mo na kaya." agad na wika ni Brix kay Marie. "Okay sige." maiksing sagot ni Marie kay Brix. After ng isa pang meeting ni Brix ay muli nyang tinawagan si Marie. "Hindi pa kayo tapos?" tanong nya kay Marie. "Hindi pa!" sagot naman ni Marie. "Patingin nga ng mukha nyan Marie. Hindi pa kayo nag kikita nyan kahit thru video call baka naman ang chaka nyan." pang aasar ng mga medyo lasing ng katrabaho ni Marie sa kanya. Ang ibig sabihin ng mga ito ay mag video call sila para makita ng mga ito ang mukha ni Brix. "Ayaw ko! Makikita nya kung gaano ako ka chaka mga bakla kayo." sagot ni Marie sa mga katrabaho. "Sus baka mas gwapo pa ako jan!" asar naman ng katrabaho ni Marie na si James. Agad na nag video request si Brix kay Marie. Ayaw iaccept ni Marie pero inagaw ng katrabahong si Hazel ang cellphone ni Marie at inaccept ang video request at inabot ng mabilis kay Marie ang cellphone nito. "Holly!" sambit ni Marie sa gulat. "Kaya pa?" tanong ni Brix ng makita ang namumula ng mukha ni Marie dahil sa nainom nito ng alak. "Yes, kaya pa!" sagot ni Marie. "Patingin nga. Patingin!" sigaw ng mga katrabaho ni Marie. At agad iniharap ni Marie ang cellphone sa mga katrabaho. "Ay shuta ang gwapo naman pala eh." wika ng ilan sa mga ito. At muli iniharap ni Marie ay cellphone sa kanya. "Matatapos na. Uuwi na din ako pag natapos toh." wika ni Marie. Naka inom na sya kaya malakas na ang loob nyang ipakita ang mukha kay Brix. "Good! kaya pa? May meeting pa ako, but, I can cancel it to pick you up." sambit ni Brix kay Marie. "Kaya ko pa maka uwi. Okay? Wag ka na mag abala pa." sagot ni Marie. "Okay take care. Please update me. Please!" nag aalalang wika ni Brix kay Marie. Nakauwi na si Marie at naka tulog agad ito. Hindi na nya nasagot ang mga tawag ni Brix. Satuday: 1am: nagising si Marie na napakarami palang tawag ni Brix. "Sorry nakatulog agad ako pag uwi ko. Kakagising ko lang. Di na ako naka pag update sayo." message ni Marie kay brix. Agad na nag ring ang cellphone ni Marie. (Video call) Sinagot naman ni Marie. "Oh bakit gising ka na? anong oras palang?" sambit ni Marie pag sagot nya ng cellphone nya. "Nag aalala ako sayo. Hindi ka nag update, hindi ka nag rereply at hindi ka sumasagot sa mga tawag ko. Kaya pag tunog ng cellphone ko nagising agad ako" agad na sagot ni Brix sa kanya. "Sorry!" maiksing sagot ni Marie rito. "That's okay. at least ngayon alam ko na, na okay at safe ka." sambit ni Brix kay Marie. Hindi naman umimik si Marie. "Video call na to. Nakita ko na yung masungit mong mukha." sambit ni brix. Natatawa naman si Marie na nahihiya nung narealized nya na magkaharap na nga sila sa camera. "So lagi na tayong mag bivideo call simula ngayon." wika ni Brix na tumatawa. Tango naman ni Marie na pilit tumatawa dahil sa nararamdamang sakit ng ulo sa pagka lasing. Napapadalas na ang video call ng dalawa, habang nasa byahe si Marie papasok ng trabaho, habang si Brix naman ay nasa bahay na at nag papahinga na. Ganun din sa umaga habang pauwi si Marie at papasok naman ng opisina si Brix hanggang sa makauwi si marie sa bahay nya at habang nag tatrabaho si Brix sa opisina. Maliban nalang pag may meeting ito. Friday morning: Pag out ni Marie ay uuwi sya sa bahay ng kanyang ina para puntahan ang mga anak nya. Magkausap pa si Brix at Marie habang nasa byahe si Marie. Mahaba haba din ang byahe ni Marie. Pero pag naka rating na si Marie sa bahay ng ina ay hindi na muna kinukulit ni Brix si Marie dahil alam nya na bihira lang ni Marie makasama ang mga anak nito kaya lahat ng oras ni Marie ay nasa kanyang mga anak lang. Sunday morning: Pauwi na muli si Marie sa Quezon City. "Good Morning!" Masayang bati sa kanya ng tumawag sa kanya, si Brix. "Kamusta naman kayo ng mga bata?" tanong ni Brix kay Marie. "Okay naman. Ayun masaya. Pero pag alis ko nanaman don kanina ang hirap nanaman." sagot ni Marie kay Brix. "Eh bakit nga kasi hindi ka na nga lang mag trabaho malapit don?" tanong ni Brix kay Marie. Na matagal ng kinukulit si Marie na lumipat ng trabaho sa probinsya. "Nah! Mahirap nga mag hanap ng trabaho don diba." sagot ni Marie. "Okay okay! Disisyon mo yan. Hindi kita pinapangunahan. Pinapayuhan lang kita." wika ni Brix kay Marie. Nag sumunod na linggo: Friday: Restday ni Marie kinagabihan: Walang gaanong gagawin si Brix sa opisina kay nag desisyon itong wag na munang pumasok. Maaga syang gumising. "Oh akala ko bay hindi ka papasok? Saan ka pupunta?" tanong ng ina ni Brix sa kanya ng bumaba ito para mag almusal ng naka bihis naman ng maayos. "May pupuntahan lang Ma." sagot ni Brix sa ina. "Pupuntahan nya si Mae, Ma." sabat naman ni Barron na umuwi sa kanilang bahay nung gabing bago ang araw na yon upang makasama ng kanyang pamilya ang ina ng weekends dahil wedding anniversary ng magulang sa araw ng linggo. "C'mon Barron!" wikang pag saway ni Brix kay Barron. "Go kuya Brix!" asar naman kay Brix ng asawa ni Barron na si Lalaine. Ngumiti lang naman ito sa hipag. "Tama yan anak. Matagal na din kayong nag kakausap pero hindi pa kayo nag kikita ng personal." wika ng ina. Habang nangingiti at naiiling lang ama. At mabilis na nag almusal. Alam ni Brix ang opisina na pinapasukan ni Marie at alam nya din ang schedule nito dahil sa araw-araw naman silang mag kausap at nag aupdate sa isa't isa. Dumaan si Brix sa isang flower shop na maaga ng bukas para sa order nyang bulaklak nung gabi bago ang araw na iyon. May naka hanada ding mga chocolate na nasa sasakyan na nya. Ang bulakbak ay isang malaking boquet na may ibat ibang klase ng bulak na ang mga kulay ay ang mga paboritong kulay ni Marie. Tulad ng pink, yellow at violet na hinaluan ng rosas na red at puti. Masayang nag aanaty si Brix sa parking lot ng opisina nila Marie at pag nag text si Marie na naka pag out na ito at pababa na, ay agad naman syang lalabas ng parking lot para salubungin si Marie. Kabisado na nya ang mga itetext ni Marie sa kanya dahil araw araw ay ganuon naman ang kanilang usapan. "Naka out nakoh! Pababa na kami. Yosi lang saglit." message ni Marie kay Brix. "Okay ingat!" maiksing reply nito kay Marie. Nag tataka naman si marie na hindi ito tumatawag. Dahil pag nag message sa ng ganun ay tumatawag agad sa kanya si Brix. Bago pa matapos si Marie mag yosi ay nag mesaage sya agad kay Brix. "Uuwi nakoh." Pag patay ni Marie ng sigarilyo ay may humintong sasakyang sa harap nila ng kanyang mga katrabaho at tinawag sya, "Mae" nanlaki ang mata nya na napalingon sa naka bukas na bintana ng kotseng huminto ng marinig ang boses ni Brix. "Ohhhh!" agad namang hiyawan ng mga katrabaho nya. At agad sya lumapit. "Anong ginagawa mo dito? hindi ba dapat papasok ka na?" agad na tanong nito kay Brix. Nang may bumusinang sasakyan sa likod ay agad nag sigawan ang mga katrabaho nya na, "Oy sakay na!" Agad syang nag paalam sa mga katrabaho at sumakay sa sasakyang ni Brix. Pagsakay nya ay agad na pinaandar ni Brix ang sasakyan. Nahihiya si Marie na tumingin kay Brix dahil sa kagwapuhan nito. At iniisip nya napaka panget nya para rito. Nag pag lagpas sa ng kaunti sa opisinang pinapasukan ni Marie ay dinahan dahan ni Brix ang patakbo sa sasakyan nya at agad na kinuha ang bulaklak sa sa back seat ng kanyang sasakyan. Nagulat si Marie sa ganda at laki ng boquet. Inabot nito kay Marie ang bulaklak at agad na sinunod kinuha ang isang may kalakihang paper bag na puno ng tsokolate. Dahil alam nya na mahilig si Marie sa tsokolate. At gad syang hinagkan nito sa kanang pisngi. Tuwang tuwa si Marie sa mga binigay nito pero nahihiya talaga sya. Dahil pakiramdam nya'y nananaginip lamang sya. -iba parin pala talaga pag kaharap na tong taong toh. para akong nakakakita ng artista- nasa isip ni Marie. Nang lumalayo na, ay napansin na ni Marie parang iba na ang daan at parang papasok na ito ng south expressway. Masyado sya naaliw sa ganda ng bulaklak at mukha ni Brix. "San tayo pupunta?" tanong ni Marie. "Trust me!" sagot naman ni Brix. At habang nag babyahe ay masaya na silang nag kukwentuhan na para bang matagal ng hindi nag kakausap. Huminto ito sa isang garden hotel sa tagaytay. Ayaw pang bumaba ni Marie sa hiya, dahil mukhang pang sosyal ang lugar na iyon. Bumaba si Brix at pinag buksan sya ng pintuan. "Let's go?" Tanong nito sa kanya. "P-pero" sagot ni Marie. Buti nalang ay naka dress sya pero naka sneakers sya. "That's okay! Walang dress code dito." birong sambit nito sa kanya. Pag baba nya ss mataas na sasakyan nagulat sya, dahil hindi pa sya aabot sa balikat nitong si Brix. Pag pasok ay may isang lamesa at dalawang upan sa gitna ng mga halaman at bulaklak. -May God. Ano toh?- tanong sa isip ni Marie. Nang mapalapit sila sa lamesa ay hinila ni Brix ang isang upuan at inalalayan syang maka upo. Ang pakiramdam nya noon at naka suot sya ng heels at animo ba'y napaka ganda nya. Nag lapag ng mga pagkain sa harap nila ang lalakeng taga silbi na naka suot ng puting longsleeves ng mga napakà sarap na pag kain at napaka ganda ng pag kakagawa na tila ba ay ayaw ipagalaw ng nag hanada sa ganda ng pagkaka ayos nito. Nag kwentuhan lang sila ng nag kwnetuhan at nag tawanan na tila ba matagal na silang nagkakasama ng ganuon. Palagay na ang loob ni Marie kay Brix. Kitang kita nya kung gaano ka gentleman si Brix. Malayo sa una nyang impresyon nag magkakilala sila thru socila media. "Nag enjoy ka ba?" tanong ni Brix sa kanya. "Oo naman!" sagot ni Marie. "Mabuti naman." sagot din nito. "Aba naman, ganyan ba naman kagwapo maka harap ko eh hindi ba ako mag eenjoy? Busog na yung tyan ko sa mga pag kain, busog pa yung mga mata ko sayo." biro ni Marie kay Brix habang tumatawa. "Sira ka talaga. How about the flowers? Did you like it?" tanong ni Brix. "Yes ofcourse! sa tana ng buhay ko, ngayon lang ako naka tanggap ng bulaklak. Napaka ganda pa, galing pa sa gwapong katulad mo." tumatawang sambit ni Marie rito. Halos apat na oras din silang magkasamang nag kukwentuhan at nag tatawanan habang kumakain. "Tara na? alam ko pagod at antok na antok ka na. Kelangan mo ng magpahinga." aya ni Brix kay Marie. "Oo nga eh. Tara na!" sagot naman ni marie. Pinag bukasan ni brix ng pinto ng sasakyan si Marie. Kilig na kilig naman si Marie sa mga ipinapakita ni Brix. Habang nag babyahe ay "Masaya ka ba na nakita at nakilala mo na ako ng personal?" tanong ni Brix kay Marie habang nakahawak ang kanang kamay sa kaliwang kamay ni Marie. "Oo naman! Ikaw nadismaya ka ba ng makita mo ako ng personal?" natatawang tanong ni Marie. "Grabe ka talaga sa sarili mo!" sambit ni Brix. Natatawa lang naman si marie. "Alam mo hindi ka kasing ganda at kasing sexy katulad ng ibang babae dyan. Pero alam ko worth it kang mahalin at pag laanan ng oras. At para malaman mo hindi ka panget. Mas maganda ka parin naman sa ibang mga babae." seryosong wika nito sabay halik sa kamay ni Marie. Hindi naman alam ni Marie kung matutuwa ba sya o maiinsulto sa mga simabi ni Brix. "Salamat!" maiksing sagot ni Marie. "Tsaka ayos nga yon na hindi ka maganda para wala akong magiging kaagaw sayo." sambit ni Brix sabay tawa ng malakas. Kunwari naman ay tiningnan ni Marie ito ng matalim. "Biro lang. Pinapatawa lang kita kasi baka umiyak ka. Ang babaw pa naman ng luha mo. Tila ba kilalang kilala na ni Brix si Marie. Dahil sa araw araw nilang pag uusap ay naiikwento rin ni Marie ang mga problema nito sa trabaho at ilang mga bagay. Isinandal naman ni Brix ang ulo ni Marie sa kanyang kanang balikat at naka tulog na si Marie sa sobrang pagod at puyat galing trabaho. Nag patugtog naman ng mahinang love songs si Brix. Nang malapit na si Marie sa tinitirhang bahay ay nagising na ito. "Mag pahinga ka agad pag dating mo sa bahay mo." sambit ni Brix kay Marie. Tumango lang naman si Marie. "Anyway, I know you have work on sunday, pero baka pwede wag kang pumasok that day. Punta ka sa bahay, susunduin kita. Wedding Anniversary ng Mommy at Daddy ko." sambit ni Brix kay Marie. "P-pero" wika ni Marie. "Please!" mabilis namang sambit ni Brix. "Okay, I'll try." sagot ni Marie. "Please don't try." sambit naman ni Brix na tila ba nag mamakaawa. "I can pay your hours if yun ang iniisip mo." pahabol ni Brix dahil alam nyang ayaw ni Marie na nag aabsent sa trabaho dahil takot itong kapusin sa pangangailangan nilang mag-iina. "Okay okay." sagot ni Marie. Naka uwi na si Marie. Masaya sya sa nararamdaman nya pero may takot at pag dududa sa puso nya. Natatakot sya sa nararamadaman na baka muli syang magka mali at masaktan muli. Duda, dahil iniisip nya na imposibleng mahalin sya ng ganoon ka gwapong si Brix. Nag pahinga na si Marie. -Brix side: 6pm na naka uwi si Brix at pag uwi nya ay naroon na din ang kapatid na si Bernard kasama ang pamilya nito. "So, what's up? Napasagot mo na ba si Mae?" tanong ng kapatid na si Bernard. "Shut-up! Nanliligaw palang ako. Pero baka pumunta sya dito sa sunday." sambit ni Brix. "Oh that's great kuya!" wika ni Barron kay Brix na tila ba excited, habang ang ibang pamilya ay nangingiti naman. "Finally, sa haba ng panahon eh nakita rin ulit kitang ngumiti ng ganyan." wika ng amang tila masayang masaya para sa anak. Sunday afternoon: Tumunog ang cellphone ni Marie. "Are you ready?" mabilis na tanong ni Brix pag sagot ni Marie ng tawag nya. "Not ye-t?!" sagot ni Marie na tila ba hindi sigurado dahil sa kaba na nararamdaman nya. "C'mon, wag kang kabahan. Okay? Mabait ang pamilya ko, hindi sila na nganggat." sambit ni Brix na mejo natatawa. "O-kay!" sagot ni Marie na tila ba hindi parin sigurado. "Susunduin na kita." sambit ni Brix. Si Marie ay naka dress at sneaker lang dahil hindi naman sya mahilig mag suot ng sandals or any girly shoes. Sinundo na ni Brix si Marie, habang nasa byahe ay malakas ang kaba na nararamdaman ni Marie. Iniisip nya na baka masungit ang pamilya ni Brix. Pero inaasahan na nya na hindi sya magugustuhan ng mga ito dahil sya ay may dalawa nang anak. "Relax!" sambit ni Brix kay Marie. "Trying." sagot ni Marie na puno ng kaba sa dibdib. Nang makarating sa bahay nila Brix ay nag lalakad syang nanginginig ang buong katawan. Dumeretso sila sa hardin kung saan may malaking lamesa puti na may maga malalaking sofa na puting puti rin ang kulay. "Here they are!" wika ng hipag ni Brix na asawa ni Bernard. Pag lapit ng dalawa sa mga ito ay ipinakilala ni Brix si Marie. "Hey guys! this is Marie. But you can also call her Mae." pag papakilala ni Brix kay Marie sa pamilya. Agad namang lumapit isa-isa ang mga ito ng may magagandang ngiti at ibineso sya sa pisngi sabay sabing "Welcome to the family!". Ngiti lang ang naisagot ni Marie sa mga ito. Pakiramdam ni Marie ay para syang idinuduyan sa aalapaap sa mga narinig nya. Pero may takot at pangamba padin siyang nararamdaman. "Let's eat!" masayang aya ng ina sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD