Matapos ang isang buwan na pag pabalik balik ni Brix at Marie sa gym at clinic.
Sinundo ni Brix si Marie sa bahay nito at dinala sa bahay nila para mag hapunan kasam ang buong pamilya ni Brix.
"Wow! You look prettier and secier sissy!" wika ni Lalaine kay Marie.
"Oo nga ate Mae!" sambit naman ni Gizelle nag salubungin sya ng mga ito na tila ba miss na miss sya kahit nag kikita naman sila sa tuwing idinadaan sya ni Brix sa bahay ng mga ito at bahay nila brix na naroon sila.
"Ay nakuh! Wag nyo akong chinacharot dyan." sambit ni Marie sa mga ito na sanay naring makipag biruan sa kanila at buong pamilya ni Brix.
Nag tawanan sila ng malakas.
Habang nag hahapunan.
"Hindi ba alam na ng mga anak mo ang pang liligaw sa iyo ni Brix, Marie?"
"Yes Daddy! Nakakausap na po nila si Brix pag kasama ko sila" sagot ni Marie na gusto din ng ama ni Brux na Daddy na rin ang itawag ni Marie sa kanya.
"Oh eh bakit hindi mo pa isinasama ang mga bata rito ng makilala na namin sila at makilala na rin nila kami." sambit ng ama ni Brix.
"Ah eh-" walang maisagot si Marie at nahihiya rin sya.
"Oo nga naman Marie! Okay lang naman na isama mo na sila dito kahit hindi mo pa sinasagot ni Brix eh." sabat ng ina ni Brix.
"Sige po sa susunod po." sagot ni Marie.
"Aasahan ko yan!" sambit ng ama ni Brix.
Nakangiti lang naman si Brix kay Marie.
Lumipas ang mga linggo na lagi magkakasama si Marie, Gizelle, Lalaine at ina ni Brix na si Bernadette para pumunta sa salon, mag shopping at kumain sa mga mamahaking restaurant. Binibilan rin nito ng mga laruan at damit ang mga apo at mga anak ni Marie.
Sagot ni Beenadette ang lahat ng gastos nila.
"Ang sarap talagang maging biyenan ni Mommy diba?" pabirong wika ni Lalaine.
"Syempre Mom is the best mother in-law in the world!" sambit naman ni Gizelle.
"Tigilan nyo ako ng kakabola nya. Kaya madali nyo ako nauuto dahil sa mga pambobola nyong ganya eh." wika naman ni Bernadette. At nag tawanan sila.
"Kaya Marie sagutin mo na kasi si Brix!" sambit naman ni Bernadette kay Marie.
"Mom-" naputol na sambit ni Marie.
"Biro lang, hindi naman ako nag mamadali. Disisyon mo yan. Ako eh nag papaalala lang." sambit ni Bernadette. At nag tawanan sila.
Paglipas ng dalawang linggo umuwi si Marie sa bahay ng ina para makasama ang mga anak na bitbit ang lahat ng laruan na binili ni Bernadette para sa kanila.
Kinagabihan ay nag videocall si Brix at Marie habang nag hahapunan sila Brix.
"Nagustuhan nyo ba mga pasalubong ng Mommy nyo?" tanong ni Brix kay Marou at Macky na mga anak ni marie.
"Yes po!" sagot ng mga ito.
"Oo at alam nila na kay Mommy galing ang mga to noh." sabat ni Marie.
"Gusto nyo ba makilala Mama Berna nyo?" tanong ni Brix sa mga bata.
"Opo!" mabilos na sagot ng mga anak ni Marie.
"Oh etoh sya." sabay harap ng laptop sa ina nyang si Bernadette.
"Hi Marou, hi Macky!" bati ni Bernadette sa mga anak ni Marie.
"Hello po Mama Berna!" bati naman ng mga ito kay Bernadette.
"Ito naman ang Papa Juan nyo." pakilala ni Bernadette sa asawang si Juan Gabriel.
"Hello mga apo!" masayang bati ni Juan sa mga anak ni Marie.
"Hi po!" masaya ring bati ng mga ito kay Juan.
"Mga apo pasyal kayo dito sa bahay namin." masayang wika ni Bernadette.
"Sige po sige po!" sagot ng mga anak ni Marie.
"Kailan ba Mae?" tanong ng excited na si Bernadette.
"Ah-eh, sige po next week mag lileave po ako sa trabaho ng Thursday and Sunday para mapuntahan ko po sila agad dito ng Thusday morning and hatid ko po sa kanila dito eh Monday morning na po." nag aalangang sambit ni Marie.
"Ay nakuh Mama Berna is really excited na mga apo!" masyang sambit ni Bernadette.
"Kami din po!" sagot ng mga apo ni Marie.
"Mae, are you sure?" nag aalalang tanong ni Brux kay Marie dahil alam nyang ayaw nito na hindi nakakapasok sa trabaho, dahil nag hihinayang ito sa mababawas sa sasahurin nya.
"Yes sure ako!" naka ngiting sagot ni Marie.
"Okay! Sabi mo eh." sagot ni Brix.
Masaya naman si Marie sa mga nang yayari sa kanya nag nag daang mga buwan sa buhay nya. Walong bwan na din nan liligaw si Brix sa kanya. Masaya sya na parang nang yayari ang mga pangarap nya na masayang isang relasyon kahit hindi pa man nya sinasagot si Brix. Malapit na sya sa buong pamilya nito. Malapit na ang mga anak nya rito at mukhang napapalapit na rin ang mga ito sa pamilya ni Brix.
Thursday Morning: "Ingat sa byahe Mae." sambit ni Brix nang makausap sila habang nasa bayahe na si Marie papunta sa bahay ng ina.
"Salamat!" sagot ni Marie.
"So hindi ako papasok ng opisina bukas. Tapos susunduin ko kayo ng 9am." wika ni Brix kay Marie.
"Wag na mag ga-grab nalang kami." sagot ni Marie.
"No! Susunduin ko kayo." matigas na sagot ni Brix.
"Okay!" maiksing sagot ni Marie.
"Then Monday Morning hindi ulit ako papasok sa opisina. Si Bareon or si Bernard nalang ang papapuntahin ko sa mga meeting ko para maihatid natin ang mga bata para mahatid ka sa bahay mo." sambit ni Brix.
"May mga meeting ka pala ng Monday, wag na mga gagrab nalng kami." sagot ni Marie.
"Hindi pwede! I'm sure they will understand me!" matigas na sagot ulit ni Brix.
"What ever!" sagot ni Marie na walang emsyon dahil labis na pagka antok.
"Good!"
Pag dating ni Marie sa bahay ng ina ay mag aayos na sana sya ng mga damit ng mga anak nya na babauinin papunta sa bahay ng mga Monteverde ng bigalang tumawag si Brix.
"Hello!" wika ni Marie ng sagutin ang tawag ni Brix.
"I forgot to tell you, don't bring any anything!" sambit ni Brix.
"Ha? Kahit damit ng mga bata?" nag tatakhang tanong ni Marie.
"Yes kasi pinamilhan ko na sila." naka ngiting wika ni Brix na ramdam ni Marie na excited din si Brix sa pag punta ng mga anak nya sa bahay nila.
"Hay nakuh-" naputol na wika ni Marie naniinis pero lumulundag ang psyo dahil ramdam nya ang saya ni Brix
"Wag ka na kumontra!" wika ni Brix.
Natulog ng maaga ang mag iina dahil maaga silang gigising para mag gayak papaunta sa bahay ng mga Monteverde.
Kinabukasan ay maaga mga silang gumising para mag handa sa pag alis.
Maya-maya pa'y may huminto ng sasakyang sa bahay ng ina ni Marie. 10minutes before 9am. Never pa nalate si Brix. Dahil kahit isa ito sa mga boss sa opisina ay diaiplinado ang oras nito. Dahilan kung bakit nag kakasundo ang dalawa fahil parehas silang hindi nalelate sa oras.
"Oh pano mo nalaman dito?" tanong ni Marie.
"Sa tuwing uuwi ka dito magkausap tayo thru video call, remember? hindi ko pa ba makakabisado ung mga nadadaanan mo?" sambit ni Brix.
Bumaba si Brix ng sasakyan at "Hi boys! Are you ready?" wika ni Brix sa mga anak ni Marie. Ipinakilala naman m ni Marie ito sa kanyang ina. May bitbit ding masarao na almusal ito para sa ina ni Marie na hanada ng kanyang inag si Bernadette.Nagkipag kwentuhan saglit.
"Mauna na rin po kami. Baka maabutan po kami ng tanghali sa daan. Nag hahanada na po ang Mommy ko ng tanghalian sa bahay." paalam Brix sa ina ni Marie. "Ihahatid ko din po sila sa lunes ng umaga" pahabol pa nito.
"Mag iingat kayo!" wika ng ina ni Marie. "Ay tela bakit walang dalang damit tang mga yan?" nag tatakang tanong ng ina ni Marie.
"Hindi na po, kasi pinamilhan ko na po sila nung nakaraan pang sabado." sagot ni Brix.
Nagulat nagulat naman si Marie. At ipinatakbi ni Brux ang sasakyan.
"Nung sabado ka pa namili ng damit ng mga bata?" nag tatakhang tanong bi Marie kay Brix.
"Yes, yun lang ang may time ako. Dahil Monday to Friday busy ako sa office. Alam yon diba? Kaya nung Friday night na sinabi mong pupunta sila sa bahay, kinabukasan maaga akong nag punta ng mall para mamili ng damit nila." sagot ni Marie.
"Kaya pala parang maghapon ka sa mall. Hindi mo man lang sinabi. Pano kung hindi kasya mga pina mili mo?" sagot naman ni Marie.
"Ehdi mamimili tayo!" sagot pa nito kay Marie.
"Napaka gastos mo!" naiinis na sambit ni Marie.
"Para sa kanila, para sa inyo hindi pagiging magastos yon." wila ni Brix. Napangiti lang si Marie sa tuwa.
"Hey Boys! Okay lang ba kayo jan? Maraming foods dyan kung gusto nyong kumain habang nag babyahe."
wika ni Brix kay Marou at Macky.
"Yes po Tito Brix!" sagot ng mga ito sabay bukas ng mga pagkain na naaa tabi nila.
Marou is 11years old and Macky is 5years old.
"Good! Are you excited?" tanong Brix.
"Opo!" mabilis na sagot ng mga ito. At nag kwentuhan sila. Aliw na aliw naman sa pag kabibo at makwento sa kanya ng mga anak ni Marie. Habang si Marie ay masaya lang silang pinakikinggan sa mga kwentuhan nila.
Hanggang nakarating na sila sa bahay nila Brix. Nagulat ang mga anak ni Marie sa nakitang laki at ganda ng bahay nila Brix. Nag aantay naman ang ina ni Briz sa upuan sa tabi ng pintuan nila. Nag narinig ang busina ng sakyan ni Brix ay agad itong tumayo at lumabas para salubungin ang mga ito.
"Hi mga apo!" masayang bati ng nito sa mga anak ni Marie.
"Hello Mama Berna!" masayang bati rin ng mga ito kay Bernadette.
"Halina kayo mag lunch na tayo." aya ni Bernadette sa mga ito.
Pumunta na sila sa malaking dinning table na talaga namang namangha ang mga anak ni Marie. Sila lang lima palang ang naroon dahil nasa trabaho pa ang ama ni Brix, mga kapatid at hipag. Ang mga pamangkin naman ay susunduin palang ng druver nila mamayang hapon dahil may pasok sa school ang mga ito. Pinag absent lang ni Marie ang mga anak nya para maaga silang maka punta roon.
Habang nananang halian masaya namang nakipag kwentuhan si Bernadette sa mga anak ni Marie na hindi nauubusan ng mga kwento na para bang lolang matagal nilang hindi nakita at nakausap si Bernadette. Masaya naman si Bernadette dahil kita nyang palay na aagad ang loob ng mga ito sa kanya.
Pagakatapos manang halian ay pinaakyat na muna ni Brix ang magiina sa tutulyan nilang kwarto na katabi lang ng kwarto ni Brix para maka pag pahinga muna sila. Inihatid sila ni Brix roon at ipinakita ang mga damit na pinamili nito para sa kanila. Masaya namang tiningnan isa-isa ni Marou at Macky ang mga ito.
Pumunta na din si Brux sa kanyang silid para maka pahinga rin muna. Habang naka higa ang mag iina ay "Mommy, boyfriend mo na ba si tito Brix?" tanong ng mga anak ni Marie.
"Hindi pa! Hindi ko pa sya sinasagot. Nanlikigaw palang." sagot ni Marie.
"Eh bakit apo na atawag samin ng Mommy nya, tapos dito tayo matutulog ng isang araw?" tanong pa ng mga ito.
"Eh gusto na kasi nila kayong makilala eh." sagot ni Marie.
"Eh pano kung hindi mo sagutin si tito Brix?" solong tanong ni Marou kay Marie.
"Ewan ko!" maiksi sagot ni Marie sa anak.
"Ano ka ba, sasagutin ni mommy si Tito Brix noh. Yun na kaya yung gusto kong maging daddy!" sabat naman ni Macky. Natawa naman si Marie.
"Ewan ko sa inyo matulog na muna kayo!" natatawang sagot ni Marie sa mga anak.
Hindi naman nakatulog ang mga ito. Nag cellphone lang sila. Habang si Marie ay naiglip. Maya-maya ay nagising si Marie sa katok sabay bukas ng pinto ng silid kung nasan sila.
"Baba na muna tayo para mag meryenda." aya ni Brix sa mag iina.
Pag baba nila ay naroon ang mga anak ni Bernard at Gizelle na sina Brinelle na 9years old at Brandon na 6 years okd. At anak ni Barron at Laline na sina Louie na 7years old at si Elaine na 4years olds. Agad namang lumapit at yumakap ang mga ito pagkakita kay Marie.
Ipinakilala naman ni Brix si Marou at Mackey sa mga ito.
"Kid, this is kuya Marou and Mackey, Tita Marie's sons!" pakilala ni Brix.
"Pinsan din namin sila?" tanong ng bibong si Elaine.
"Yes Elaine, mag pipinsan kayong lahat." naka ngiting sabat ni Bernadette. Nangingiti lang naman ni Marie at Brix.
"Okay kids, lets eat!" aya ni Bernadette sa mga bata. At lumakad na sila papunta sa malaking lamesa sa hardin. Sumunod naman si Marie at Brix na hawak ni brix ang kamay ni Marie habang paulit ulit na hinahalikan ang kamay ni Marie habang nag lalakad.
Habang nag memeryenda ay nakipag kwentuhan at nakipag laro na ang mga anak ni Marie sa mga pamangkin ni Brix.
Masayang masaya naman si Brix na pinapanood ang mga ito at kinukuhaan ng litrato ang mga bata. Pati ang ina at si Marie ay kinukuhaan nya ng litrato.
Dumating na ang ama at mga kapatid ni Brix kasama ang mga asawa nito.
"Hi guys!" wika ni Lalaine.
"Wow! ito na ba yung mga anak mo sissy?" tanong naman ni Gizelle kay Marie.
Agad silang ng beso-beso. Agad naman din bumeso si Marie sa mga iba png dumating. Ang mga bata ay bineso at niyakap ng mga dumating.
"Ang gagwapo naman pala ng mga pamangkin namin!" wika ni Bernard.
"Syempre mana sa Mommy nila." sambit ni Brix.
"Eh gwapo naman din ang magiging Daddy nila." wika ng ama ni Brix.
"So kamusta kayo kids?" tanong ng ama ni Brix na si Juan sa mga bata.
"Yes Papa Juan!" sagot ng mga ito.
"Layo kamusta mg apo?" baling na tanong naman nito sa mga anak ni Marie.
"Okay lang po kami, masaya po dito." sagot naman ng mga anak ni Marie.
Masaya si Marie sa nakikita nya at nararamdaman nya. Habang si Brix ay walang patid ang kuha ng larawan sa mga nang yayari.
Kinagabihan habang nag papahinga na ang lahat pumunta si Brix sa kwarto na tinutuluyan nila Marie at niyaya ito pumunta sa beranda. Nag kwentuha sila sa mga nang yari buing araw. Masaya nilang tiningnan nila mga larawan na kuha ni Brix.
"Salamat Mae, salamat kasi pumayag kang dalin ang mga bata dito. Napasaya nyo lalo ang pamilya at mga magulang ko. Masaya ako na nalapit agad ang loob nila sa magulang ko." mga wika ni Brix habang hawak ang mga kamay ni Marie.
"Mahal kita at lalong mamahalin pa. Pati narin ang mga anak mo." pahabol pa ni Brix.
Nagulat si Marie sa mga narinig nya mula kay Brix, parang gustong lumundag ng puso nya sa sobrang kasiyan na kanayang nararamdaman. Matapos ang matagal na panahon na inakalang hindi na sya makakaramdama ng ganoon eh nakaramdam sya. At sa ilang buwan na panliligaw ni Brix sa kanya non langnnya narinig ang mga salitang iyon kay Brix, na mahal sya nito, na isa sa nag paparamdama sa kanya ng pag dududa sa nararamdaman nito kahit pa nakikita naman nya sa mga gawa nito.
Kinabukasan ay 7am: Bumaba na ang lahat para mag almusal:
"Ano mga apo mag sikain na at mamamasyal tayo." wika ni Bernadette sa mga apo. Nilagyanan nya ang plato ng mga anak ni Marie ng pagkain.
Matapos kumain ay nag bihis ang lahat para mamasyal. Ang mga bata ay nasa isang kasama ang mag asawang Villareal. Nagpa drive naman ang mag asawa sa kanilang driver upang makasama ang mga bata ng maayos. At nag disisyon ang ang mga kapatid ni Brix at mga asawa nito na sa isang sasakyan nalang din silang sumakay para maka pag kwentuhan sila. Si Brix ang nag maneho. Habang nasa byahe,
"Ay nakuh happy family na talaga to. Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Brix sissy?" sambit ni Gizelle kay Marie.
"Oo nga naman ate Mae? Duda ka pa ba sa kanya after all? Pinatunayan na nya sayo na seryoso sya sayo at kung gano ka nya kamahal." wika naman ni Lalaine.
"Eh baka naman kasi kuya hindi mo pa sinasabi kay Marie na mahal mo sya?-" tanong ni Barron na dapat ay may kadugtong pa sana ng sumabat si Bernard na,
"Si Brix kasi gentleman yan. Mabait sa mga nakakarelasyon nya kahit pinag lalaruan nya lang yang mga babae, pero hanggat hindi nya sinabihan ang babaeng yon na mahala nya yon eh, ibig sabihin hindi parin sya seryoso sa babaeng yon.",
"Boom! you got it bro!" sabat naman ni Barron.
"Diba hon?!" baling naman nito sa asawang si Lalaine.
"Oh yeah nasabi mo na yon sakin nung ang girlfriend ni kuya Brix ay si Jane." wika ni Laline.
"Ah yeah I remember that, yung tinatanong tayo ni Jane bakit more than two months na sila ni Brix eh nevee daw syang nasabihang mahal sya." wika naman ni Gizelle.
"And then hiniwalayan ni Brix nung saktong 3months nila." sambit ni Brenard.
"Okay na! Tama na!" saway ni Brix sa mga ito. Si Marie ay nakikitawa lang naman sa mga ito.
"Si Marie ba eh nasabihan mo na na mahal mo sya kuya Brix?" pang uurirat ni Lalaine. "Matagal tagal ka na din nanliligaw sa kanya, don't tell us na hindi ka pa seryoso sa kanya nyan. Eh ang alam after Kath wala ka nang niligawan sa mga naka fling mo." pahabol pa nito.
"Ay nakuh, as her!" malakas na sambit ni Brix.
Nag sigawan ang apat habang ngumingiti lang naman si Brix at Marie.
"So, so, ano na nga sissy?" tanong ni Gizelle kay Marie. "Narinig mo na ba?" habol pa nito.
"Yu-'p!" sagot ni Marie. Nag sigawan muli sila.
"So bakit hindi mo pa sinasagot Marie?" tanong ni Bernard.
"To- be- honest-, parang masyado kasing syang gwapo para sakin." nag aalangan wika ni Marie. Agad namang namula si Brix. Mulo nanaman nag sigawan ang mga kapatid at mga hipag ni Brix.
"Lumalake ang teng ah!" sambit na pasigaw ni Bernard.
"Ate maganda, okay? kasi kung hindi ka maganda hindi ka magugustuhan ni Kuya Brix." wika ni Lalaine.