Habang naka upo silang nag memeryenda ay masaya silang nag kukwentuhan ang pamilya.
"How about you Marie? Mag kwento ka naman. Sabi ni Brix you're a call center agent?" tanong ng ina ni Brix kay Marie. Nagulat naman si Marie ng marinig nya ang kanyang pangalan.
"Y-yes po!" sagot ni Marie. "Sa One resulution po sa Mandaluyong." pahabol pa nito.
"Wow! ang rinig ko ay napaka hirap makipag usap sa mga nag wawalang American customers nyo. Buti kinakaya mo?" tanong ng hipag ni Brix na asawa ni Barron.
"Kinakaya naman. Wala naman akong choice yun nalang naman ang pwede kong pasukin sa pwede akong kumita ng sasapat sa pangangailangan." sagot ni Marie kay Laline na asawa ni Barron.
"Well oo nga naman napakahirap nga naman talaga pag hindi enough ang salary." sagot naman ni Gizelle na asawa ni Bernard.
"As per Brix may dalawang anak ka na?" tanong ng ina ni Brix kay Marie. Bigla namang nanigas si Marie sa pag kakaupo nya.
"A-ah opo!" kinakabahang sagot ni Marie.
"Oh eh kailan mo naman sila dadalhin dito para makilala namin?" nakangiting tanong ng ina ni Brix kay Marie.
"Ah-eh--" nauutal na sagot ni Marie.
"Ma, wag nyo sya ipressure. We're not yet together, I'm still courting her." nangingiting sabat naman ni Brix.
"Oo nga naman, you're getting to fast, hon." sabat naman ng ama ni Brix at nag tawanan ang lahat. Habang si Marie ay nangiti lang naman. Alam na ng pamilya ni Brix ang lahat ng nalalaman ni Brix kay Marie. Naikwento na lahat ni Brix sa mga ito.
Masaya silang nag kwentuhan habang nag tatawanan.
Ilang sandali pa ay inaya muna ni Brix si Marie na umakyat sa kanya silid.
"May ipapakita ako sayo." wika nito kay Marie. Pag pasok ng kwarto ni Brix ay nakita nya na napaka ganda at napakayos ng kwarto ni Brix. -kung gaano kagwapo tong lalakeng to eh ganun din kagwapo tong kwarto nya- sa isip ni Marie.
"Eto ang susuotin mo sa Dinner mamaya." wika ni Brix at ipinakita nito kay Marie ang binili nyang simpleng formal dress na pwede parin namang ternuhan ni Marie ng sneakers. Nilabas din ni Brix ang isang sapatos na walang heels na iteterno ni Marie sa dress.
"Halah, kelangan ba talaga mag ganyan?" tanong ni Marie.
"Ofcourse, every wedding anniversary ni mommy and daddy hindi kami nag paparty. Laging isang simpleng dinner lang na kumpleto ang family pero dapat lahat ay naka ayos kasi mag pafamily picture." sagot ni Brix kay Marie.
"Pero-" sagot ni Marie. Mabilis na putol ni Brix naman kay Marie. "No but's okay?"
"Alright!" sagot ni Marie.
"Are you happy? Sabi sayo mabait ang family ko." wika ni Brix kay Marie.
"Yes. Oo nga eh ang bait nila tsaka mukhang alam na nila lahat ng tungkol sakin eh." natatawang sagot ni Marie.
"ah- oo nakwento na kita sa kanila." sagot ni Brix sabay tawa ng mlakas. "Sorry!" habol pa bi Brix.
"Okay lang. Chinichismis mo lang naman ako eh." pabirong sagot ni Marie kay Brix.
Bumaba na si Marie at Brix para sa Wedding Anniversary dinner ng magulang ni Brix. Masaya silang nag pakuha muna ng mga litrato.
Habang nag hahapunan ay nagkukwentuhan muli sila.
"Mae, pano yan ang sabi ni Brix ay ayaw na ng mga anak mo na magka boyfriend ka pa? So ibig sabihin ba ay hindi mo sasagutin si Brix?" Tanong ng ama ni Brix.
"Ahhhh," walang maisagot si Marie. Dahil hindi nya talaga alam kung ano ba talaga ang nag yayari nung mga oras na yoon ang alam lang nya ay masaya sya at wari'y nananaginip sya. -Bakit parang alam na nila bawat detalye sa buhay ko?- sa isip ni Marie.
"That's okay. Kuya can easily get their heart. Dahil mabilis naman syang mapalapit sa mga bata." sambit ni Bernard at tumango naman ang asawa nitong si Gizelle.
"Please, work on that Son." wika ng ina ni Brix sa kanya.
"Yes Mom I will!" nakangiting sagot ni Brix sa ina.
"You should, because that is the only way para mapasagot mo si Marie." sambit ng ama ni Brix sabay tawa. At nag tawanan ang lahat, si Marie naman ay nakikitawa nalang din pero hindi sumasaisip nya ang mga pang yayari.
"Kayang kaya yan ni kuya Brix." sambit naman ni Lalaine. "Ofcourse!" sabat din ni Barron.
Matapos nilang mag hapunan ay muli silang nag pakuha ng mga larawan sa kilalang photographer na kinuha ng ina ni Brix.
Matapos mag pakuha ng larawan ay ianayang muli ni Brix si Marie sa taas para mag palit na muna ng damit na magiging komportable si Marie na gumalaw.
Pag baba ay pumunta sila ulit sila sa hardin pero doon sa isang parte ng hardin na may bilog at hindi kalakihang lamesa at magagarang upuan. May bubong at may hindi kalakihang tv.
Nandoon na ang mga kapatid at magulang ni Brix na masaya namang nag tatawanan. Nakipag kwentuhan na din si Marie sa kanila. Nag kantahan sila sa sa videoke sa TV na naroon.
"Marie I wanna shar some story about Brix's name, well, alam mo naman siguro na Brix is an engineer, even Bernard, Baroon ,her Mom and I are engineers. Well, unang anak excited kami sa magiging pangalan nya, nag isip kami na related sa buhay namin ang ibigay na pangalan nya. Ang panget naman kung cement, steel or bulidings ang pangalan nya, nung naisip namin na bricks eh isa ding parte para makatayo kami ng isang bulding. Do we decided na Bricks ang ipangalan sa kanya pero hindi maganda ang spelling ng pangalan eh Bricks kaya ginawa nalang naming Brix. Kung makakarating ka sa opisina makikita mo yung picture na idrinawing na magkasama kaming mag asawa na para bang nag lalakad at may pasan akong bricks, That is our family picture na pasan ko si Brix nung dalawang taong gulang palang sya ilang linggo bago maitayo ang kumpanya na noon naman ay buntis ang Mommy ni Brix kay Bernard." mahabang kwento ng ama ni Brix.
Namangha naman si Marie sa narinig na kwento ng pamilya.
Maya-maya naman ay,
"Can we take selfie?" tanong ng hipag ni Brix na si Lalaine. Kumuha ng mga larawan.
"Can we add you on sss?" tanong ni Lalaine kay Marie.
"Yes iadd din kita!" sambit naman ni Gizelle.
"Sure!" maiksing sagot ni Marie. Agad naman inaccept ni Marie ang mga ito nung natanggap ang friend request.
Agad naman nag upload ng pictures si Lalaine. At naka Tag dito si Marie at buong pamilya ni Brix.
Marami namang nag react sa mga larawang iyon lalo na ang malalapit na kaibigan ng mag kakapatid na Villareal at mga malapit na kamag-anak ng mga Villareal.
-comments: "Nice dude!" -Rafael
"Ganda na ngiti mo bro." -Jacob
"Happy for you kuya Brix." -pinsan ni Brix sa kanyang ina.
"Is that her?" -younger sister ng Daddy Brix. Nakwento na kasi ng Mommy Brix rito si Marie.
"I'm happy for you Son." -malapit na tyuhin ni Brix na nakababatang kapatid ng Mommy nya.
at marami pang iba.
"Happy family!" isang comment na ikinagulat ng lahat.-
Nagkatinginan sina Gizelle and Lalaine na halos manlaki ang mga mata sa pagkaka gulat.
"Hey! What's going on?" tanong ni Bernard na nagulat din sa nakitang ang reaksyon ng dalawa.
Nag tinginan lang ulit ang dalawa. Agad namang dinampot ni Bernard at Barron ang cellphone nila.
"Holly Craft!" pabulong na sabi ni Barron.
Nagulat naman si Brix dahil katabi nya lang sa kanyang kaliwa si Barron, at inagaw nito ang cellphone ni Barron. Habang nasa kanan nya naman si Marie. Pagtingin naman ni Brix ay napangisi nalang si Brix.
"Sorry! She just added me the last day. Inaccept ko nalang." wika ng ina na nahihiya naman kay Marie.
Nabasa ni Marie yung mga comment pero naguguluhan sya kung ano ang nang yayari sa pamilya Villareal.
"It's okay Mom. Nothing to worry about. Okay na ako. I am now happy!" masyang mga sambit ni Brix.
Pag tingin ni Brix kay Marie ay agad naman itong nag paliwanag.
"It's nothing. Meron lang matagal ng patay na biglang nag paramdam." wika ni Brix kay Marie.
"Sino?" takhang tanong parin ni Marie. Na sa dami ng mga nag comment na babae eh hindi nya matukoy kung sino sa mga yon ang pinag uusapan ng mga ito.
"Si Kath Silvia." sagot ni Brix.
"Oh! yeah! Yung matagal na nag pamukmok sayo. Yung dahilan kung bakit mo nagawang maglaro ng maraming babae? Zombie apologize?" naka ngiting wika ni Marie.
"Exactly!" mabilis na sagot ni Barron.
"Don't mind her iha. Sigurado namang wala ng nararamdaman si Brix roon matagal na. At kita naman namin na ikaw na ang mahal ni Brix ngayon. At masaya sya sayo." mga wika ng ama ni Brix.
Ngiti lang ni Marie sa mga ito. Sabay hawak ni Brix sa kamay ni Marie na may pag pisil.
Hating gabi na ng naihatid ni Brix si Marie sa bahay nito.
"Sana naging masaya ka this day. And hindi kita minamadali, gusto lang kitang ipakilala sa kanila kasi gusto kong makita mo kung gaano ako kaseryoso sayo." seryosong mga wika ni Brix,
"Tsaka gustong gusto ka na nilang makilala eh." pahabol ni Brix na marahan tumatawa, habang nasa loob sila ng sasakyan bago pababain ni Brix si Marie.
"Okay! Sige na. Bababa na ako." paalam ni Marie. Agad namang bumaba si Brix ng sasakyan para pag buksan si Marie ng pintuan.
Pag baba ni Marie ng sasakyan ay niyakap sya ni Brix at hinagkan sa ulo.
"Goodnight!" wika pa ni Brix kay Marie.
"Goodnight!" sagot din naman ni Marie.
Pag uwi ni Brix sa kanilang bahay ay agad nyang tinawagan si Marie. "Hi! Just want to say thank you. Kasi pumayag kang pumunta dito sa bahay. Nag stay ka din ng matagal." wika ni Brix pag sagot ni Marie ng tawag ni Brix.
"Wala yon. Nag enjoy naman ako eh." masayang sagot ni Marie.
"Kung alam mo lang kung ano yung nararamdaman ko ngayong saya." seryoso pero masyang sabi nito kay Marie.
"Talaga ba?" sagot ni Marie sabay tawa na parang nang aasar.
"Oo noh. Sige na mag pahinga ka na. Message kita pag gising ko." sambit ni Brix.
"Alrighty!" masayang sagot ni Marie.
"Good night!" sagot ni Brix.
"Nighhhht!" sagot muli ni Marie.
Masyang natulog si Brix. Habang si Marie ay masya pero nangangamba. -Pano kung ginagawa lang din akong libangan ni Brix katulad ng ginawa sakin ng iba?, pano kung nag likibang lang sya sakin ngayon habang inaantay yung pag balik Kath Silvia?, ang gwapo nun masyado, napaka imposibleng magustuhan talaga nya ako.- Mga salitang naiisip ni Marie.
Bigla nyang naisipang kalkalin ang sss account ni Kath Silvia. -napaka ganda naman netong babaeng to, ang sexy, ang layo ko, hindi nakakapag taka na sobrang minahal ni Brix to, malabo talagang magustuhan ako non.- Ilan pa sa mga nasa isip ni Marie ng makita ang mga larawan ng dating girlfriend ni Brix na si Kath Silvia.
At hanggang naka tulog na sya.
6:30am Monday: "Good Moning Mae!" masayang message ni Brix kay Marie.
"Good Morning Brix!" agad na masayang reply din ni Marie.
Agad namang tumawag si Brix kay Marie ng nabasa agad ang reply ni Marie.
"Kanina ka pa gising?" mabilis na tanong ni Brix pag sagot ni Marie.
"Mejo, 6am." sagot ni Marie.
"Kanina ka pa gising pero di ka nag chachat? kung di pa ako nag message hindi ko malalaman na gising ka na pala?" pabirong mga salita ni Brix kahit medyo naiinis sya.
"Sorry!" maiksing sagot ni Marie.
"Okay sana sa susunod pag nagising ka mag message ka agad." sambit ni Brix. "Sige na, mag breakfast ka nag mag aasikaso na din ako." pahabol pa ni Brix. Bumaba na si Brix mula sa kanyang kwarto para pumasok na sa Opisina.
"Good morning!" masayang bati ni Brix sa lahat na nasa haoag kainan na.
"Ganda ng umaga ah!" nang aasar na sambit ng kapatid na si Bernard.
"Maganda ang gising kamo!" nang aasar na sagot ni Gizelle.
"Keep it up bro!" nang aasar din namang sambit ni Barron.
"Ano kelan ulit pupunta dito si Marie?" tanong ng ina ni Brix.
"Ma, kakagaling lang ni Mae dito kagabi, namimiss mo agad?" nang uurirat na tanong ni Lalaine. Nangingiti lang naman ang ama ni Brix.
"Pag wala syang pasok sa trabaho at wala ring ako trabaho sa opisina, dadalin ko ulit sya dito Ma!" sagot ni Brix sa ina.
"Ay nakuh, nag sisimula na akong mag selos Mom ah. Kakakilala mo palang sa kanya eh parang mas love mo sya at sya na agad ang paborito mong manugang." birong sambit ni Gizelle sa ina ni Brix habang nag lulungkot lungkutan at naka nguso pa.
"Oo nga Mommy pano na kami?" sambit din ni Lalaine na ngumuso din at kunwari din ay nalungkot.
"Ay nakuh tigilan nyo ako sa mga drama nyo!" natatawang sagot naman ng ina ni Brix. Sabay nag tawanan silang lahat. Sanay na silang lahat sa mga biruan dahil napaka mabuti naman kasi magulang at byenan ni Mr. and Mrs. Villareal.
Pag araw na walang pasok si Marie sa trabaho minsan ay pumapasok parin ito para maka dagdag sa sweldo nya para sa pangangailangan nya lalo ng mga anak nya. Bihira naman sumama si Marie sa mga pag aaya ng mga katrabaho nito. Minsan ay dumadalaw ito sa bahay ng ina para makasama ang mga anak nya. Madalas ay hinahayaan naman ni Brix na masolo ni Marie ang araw ng pahinga nito dahil alam nya kung gano kahirap ang araw-araw na pinag dadaanan ni Marie sa trabaho. Kaya sya nalang ang gumagawa ng paraan para makasama si Marie. Maaga syang lumalabas ng opisina para sunduin si Marie sa bahay nito at ihatid sa trabaho. Minsan naman at nag papahuli ng pasok sa opisina para masundo ito at mahatid sa bahay nito. At pag araw ng pahinga ni Marie sa trabaho ay nanunuod lang toh ng movies sa cellphone nya kaya ang ginagawa naman ni Brix ay sinasabayan ito sa panunuod ng movies. Naka sharescreen lang cellphone ni Marie kay Brix. At sa tatlong buwan na lumipas ay dalawang beses palang naka balik si Marie sa bahay nila Brix. Nag kakausap naman thru chat si Marie at ina ni Brix.
-"message request: Villareal Family: Bernadette Villareal added you on the group:"
Mga notifications na nabasa ni Marie, at ikinagulat nya ito. Sunod-sunod ang pag tunog ng cellphone ni Marie.
"You're here na Mae." message nang ina ni Brix na si Bernadette.
"Welcome sissy!" mga mensahe ng mga hipag ni Brix.
"Welcome to our family gc Mae." mga mensahe ng mga kapatid ni Brix.
"Miss mo na talaga si Mae ano?" message ng ama ni Brix.
"Thanks Ma!" message ni Brix.
"Nakuh tita. Salamat po. Miss ko na din naman po kayo." reply ni Marie.
"You should call me Mom or Mommy, Mae. Hindi pwedeng tita. Ikaw lang nag iisa dito na tatawag sa aking ng tita." message muli ni Bernadette.
"Yes sissy. Mom is right, diba ate Gezelle?" reply naman ni Lalaine.
"Hahaha" reply lang ng mga lalakeng Villareal.
"Hahaha. Sige po Mom." reply naman ni Marie na tila nag aalangan sa hiya.
"Good!" "Yey!" reply naman ng mga kapatid at hipag ni Brix.
"Thanks Mae!" message ni Brix.
"Nakuh lalo magiging magulo at maingay tong gc na toh. Oh Lord!" message ng ama ni Brix na si Juan Gabriel at mas kilalang Juan.
"true" "Correct!" "yes" "Ofcourse" ang mga reply naman ng lahat.
Saturday Morning:
"Mae, matagal na akong di nakaka pag gym. Samahan mo ako." sambit ni brix nung tumawag sya kay Marie.
"Ikaw na, kaya mo yan. (Hahaha malakas na tawa ni Marie.)Hindi ako marunong mag gym tsaka wala akong damit pang gym." sagot ni Marie.
" Basta maligo ka na at susunduin na kita." sagot ni Brix.
"Pero-" sasagot pa sana si Marie pero pinatay ni Brix ang tawag sabay message nito kay Marie, "No but's, please!"
Tinatawagan at minemessage ni Marie pero walang reply kaya mabilis na syang naligo at nag ayos.
Maya-maya pa ay "Andito na ako sa labas." agad na sambit pag sagot ni Marie ng tawag nya. Lumabas naman agad si Marie naka dress at naka sneakers.
"Mag jigym tayo hindi tayo paparty or mag momall." sambit ni Brix habang tumatawa.
"Sino ba nag sabi sayong mag jigym ako? sasamahan lang kita." mabilis na sagot ni Marie. Agad namang may kinuha si Brix na kahon at paper bag na may lamang mga damit at sapatos pang gym sabay abot kay Marie.
"Seryoso ka talaga?" tanong ni Marie pag kita ng mga inabot ni Brix.
"Mukha ba akong nag bibiro Mae?" tanong ni Brix.
Nag bihis si Marie at sinuot yung black shorts, cycling at pink sando.
"Oh bagay, diba?" sambit ni Brix na tuwang tuwa sa nakitang suot ni Marie.
Pag dating sa gym ay nakita ni Marie ang mga sexy at magagandang babae.
"May gym naman sa bahay nyo gusto mo lang mag pacute sa mga chiks dito eh " biro ni Marie kay Brix.
"Ofcourse not! Ehdi sana, hindi na kita sinama dito kung yun ang pakay ko dito!" mabilis na sagot ni Brix kay Marie.
"Maganda to para sayo. Pang pawala din to ng stress sa isip at katawan mo." sambit pa ni Brix.
"What ever!" inis na sambit ni Marie.
Naging bonding na ni Marie at Brix ang pag jigym tuwing sabado at linggo. Kapag linggo ay saglit lang ang oras nila sa gym dahil may pasok pa si Marie kinagabihan at tanghali ay dapat maka tuliog na ito.
Pag lipas ng dalawang buwan. Sunday:
Nag babyahe si Marie at Brix: "Oh san pa tayo pupunta? Hindi dito ang daan papunta ng gym ah?" tanong ni Marie.
"Masyado ka ng sexy. Baka maagaw ka na sakin ng iba." sagot ni Brix.
"Baliw! So saan nga tayo pupunta?"
"Basta!" sagot ni Brix. Pag hinto ng sasakyan, -skin and derma clinic? anong gagawin namin dito?- isip ni Marie.
"Sir Brix. More than two months kang di napasyal ah." bati ng babae sa front desk.
"Yes, naging busy kasi eh." sagot naman ni Brix dito.
-suki ng skin and derma to? kaya naman pala napaka gwapo eh- isip ni Marie.
"Dito na po kayo Maam" yaya kay Marie.
"Ha, ah, eh-" hindi alam ni Marie isasagot nya.
"Go!" sambit ni Brix sa kanya. Pumasok na din sa kabilang silid si Brix.
Hindi alam ni Marie ang ginagawa sa kanya ng mga kasama nya sa silid. Pero pakiramdam nya ay para ba syang binabalatan mula ulo hanggang paa ng mga ito.
Makalipas ang halos dalawang oras ay lumabas na ng kwarto si Marie.
"Bye Sir, Mam!" paalam ng mga tao roon sa kanila. Pag sakay ng sasakyan ay agad namang nag tanong si Marie, "Anong ginawa sakin ng mga yon? Bakit parang binalatan nila ako ng buong buo at buhay?"
Tumawa naman ng malakas si Brix sabay sabing, "Pero masarap sa pakiramdama diba?"
"Oo, yun nga lang masarap nga talaga sa paki ramdam!" pina facial at full body massage and bleaching ni Brix si Marie.
"Mas relax na ba lalo pakiramdam mo ngayon?" tanong Brix.
"Oo! Salamat!" sagot ni Marie.
Dumeretso sila sa isang malapit na restaurant para kumain.
"Dahil sobra na ang ipinayat mo gusto ko mag pakabusog ka ng soba!" sambit ni Brix.
"Ayos ka! Ayaw ko nga. Tapos papagurin mo nanaman ako sa kakagym?" sagot ni Marie.
"Joke lang. basta kumain ka ng kaya mong kainin. At, teka akala mo ba tapos na yung pag jigym natin?" tanong ni Brix.
"Bakit hindi pa ba?" tanong ni Marie.
"Hindi pa!" sagot ni Brix.
"Oh my-, akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko Brix!" naiinis pero naka ngiting sambit ni Marie.
Tinuloy nila ang pag jigym tuwing sabado at tuwing linggo ay sa skin and derma clinic naman sila pumupunta.