RASHMIN EL SALVADOR
Hinatid ko siya ng tanaw, patuloy na pinagkakantiyawan. Nang mawala siya sa paningin ko nagpabalik-balik muna ako ng langoy sa pool bago umahon. Dumeritso ako sa kusina para lang ma-stress sa aking dinatnan.
"Daig pa sa dinaanan ng bagyo." nakairap sa hangin na wika ko. "Ano araw-araw siyang magkakalat para araw-araw din akong maglinis? Hmp... akala niya susundin ko siya pagkatapos ng ginawa niya sa'kin? Pwes ma-stroke siya sa galit!" humakbang ako palapit sa built-in mirror sa sala at sinipat ang mukha. "Subrang sakit ng hawak niya sa panga ko--peste siya--ouch..."
Inilapit ko lalo iyon sa salamin at pinakatitigan.
"Maganda naman ako pero bakit wala man lang epekto sa kanya ang beauty ko? 'Di hamak na mas maganda naman ako at sexy sa traydor na Darleen na yun na mukhang arinola."
Bigla akong napangiti sa pumasok na idea sa aking utak.
"Ano kaya kung akitin ko siya? Bibigay kaya siya? Mukhang nawiwili naman siya kakahalik sa'kin--eeeii," kinikilig na napapadyak pa ako habang nakahawak ang kamay sa aking labi. "In fairness gumagwapo siya lalo. Ala Brad Pitt sa kagwapuhan--t'ngna ang sarap niyang humalik!"
Kaagad ko din kinaltukan ang sarili sa kalandian ng maalala ko ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa poder niya.
"Hmmm paibigin ko kaya siya tapos kapag nakumbinse kong lumuwas kami ng syudad para mamasyal saka ako tatakas para makaganti sa animal na Wrath at Joaquin na yun." nagngitngit ang kalooban ko sa subrang galit, wala sa sariling naikuyom ng mahigpit ang mga kamao. "Will get even with you too Darleen, my traitor best friend. Sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya. Sisirain ko ang love life mo, ang pangalan mo, ang reputasyon mo, ang buong buhay mo kagaya ng pagsira mo sa pagkamit ko ng hustisya sa pagkamatay ng mga magulang ko. Uubusin ko kayong lahat. Maghihiganti ako. Hindi ako papayag na mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko!"
Extreme waves of anger surge into my nerve. Sinipa ko ang couch. Hindi ako nakuntento, buong lakas ko iyon tinulak hanggang sa matumba. Hindi lang yun kundi lahat ng bagay na mahawakan ko pinagbabalibag ko. Nagwala ako ng walang humpay.
DAYS... WEEK has PASSED.
Walang Gonzalvo'ng nagpakita sa'kin.
Namuti ang mga mata ko kakahintay.
Nabokya ang plano ko.
Natorete ang utak ko.
Na stress lalo ako.
Anxiety attacked me!
"Where the hell did he goooo?!" singhal ko sa lalaking nabungaran ko sa gitna ng sala. Tulala, nakanganga, namimilog ang mga mata, hindi makapaniwalang iginagala ang paningin sa buong paligid. "Nasaan ang boss mo? Bakit hindi siya umuuwi dito? Bakit 'di siya nagpapakita sa'kin?! Saan pumunta si Raaaaaald?!"
"Oh Good Jesus," wika nito sabay sign of the cross. "Ikaw ang may gawa ng lahat ng 'to?"
"I said where's Rald!!"
Malakas itong humagalpak ng tawa sa hindi ko malaman na kadahilanan. Lalo tuloy akong na bwesit ng halos gumulong na ito sa sahig kakatawa. Mabilis kong dinampot ang basag na flower base at malakas itong binato. Kaagad naman itong nakailag habang patuloy akong pinagtatawanan.
Inilang hakbang ko lang ang floor mop na nasa sahig at gigil na pinaghahambalos ang lalaki na todo sangga naman niyon.
"Sorry--awat na," nakatawa pa din na wika nito. "Na shock lang ako sa gulo ng bahay. Tiyak uusok ang ilong no'n ni James sa galit kapag nakita niya ang mga 'yan. Allergic pa naman yun sa dumi si Mr. Clean."
Natigilan ako sa tinawag nito kay Rald. "James? Hindi ka niya tauhan lang?"
He chuckled. "Hindi mo ako kilala?"
"Magtatanong ba ako kung OO?"
"Grabe... hindi sa pagmamayabang pero famous car racer ako."
"O so anong connect no'n sa tanong ko? Famous pangalan mo at Car racer naman apelyido mo or buong pangalan mo na yun?"
Muli itong napahagalpak ng malakas ng tawa. "You know what, I like your sense of humor. Hindi ka siguro boring kasama."
I rolled my eyes, then turned back at him. Humakbang ako pabalik sa loob ng bahay.
"Wait--! Best friend ko si James."
Huminto ako saka tinatamad na nilingon ito.
Nakangiting humakbang naman ito palapit sa akin sabay lahad ng kamay. "I'm John Wayne Santiago. Best friend ko si James."
Tiningnan ko lang ang nakalahad na kamay nito saka muling nag-angat ng tingin sa kanya.
"Kung best friend mo siya malamang alam mo kung nasaan siya. Where is he, then?"
"Diba pinapahirapan ka lang niya? Ba't mo pa siya hinahanap?"
"Masama bang hanapin yung EVIL tőrmentor ko?"
"Tőrmentor talaga--"
"Sinasaktan niya ako physically."
"You deserved it because you killed his sister."
"I'm not the kîller. I didn't kîll her."
"How much you so sure about that? The fact that you had an amnesia--"
"Pwedeng makalimot ang isip pero hindi ang puso. And I'm so certain in myself that I never killed anyone, especially an innocent girl like Rald's sister. Hindi ako ganun kasama...OO, sabihin na natin na assassin ako, spy, at meron naman talaga akong mga pinatay pero yung mga halang ang bituka at salot sa lipunan lang."
"So, ba't mo hinahanap si James? Miss mo na siya?"
I clicked my tongue and rolled my eyes.
Makahulugan naman ako nitong nginisian. "He's out of town."
"Where?"
"Italia."
"Italia? Bakit siya bumalik do'n?"
"To find the truth."
Mapakla akong tumawa. "Why? Na confused na ba siya sa--"
"Anong ginawa mo noong nakaraan?" sabad nito. "Anong sinabi mo to trigger his temper?"
"So, dahil nga sa'kin kaya lumuwas siya ng bansa." tumango-tango ako. "That's good news to me. Sana mawalan siya ng tiwala kay Darleen. He doesn't deserve a traitor like her."
"They were together more than a decades now."
"So what?"
"Walang makakapagpahiwalay sa dalawang yun."
"Walang forever. Maghihiwalay din sila. Mark my word."
Pailalim ako nitong tinitigan. "Pa'no mo nasabing traydor si Darleen?"
"Trinaydor niya ako--"
"Trinaydor ka niya?" muling sabad nito. "In what way?"
I scan his face intently. "You're fetching infos?"
He shrugged his shoulder, then sighed. "As a matter of fact, YES."
"Nice... straightforward."
"I'm here to help you--"
"Whooo," sabay tawa. "That's not the right phrase. It should be, you're here because you need MY help. Am I right, Mr. Santiago?"
Napahilamos ito ng kamay sa mukha. "Kung hindi ka makikipagtulungan sa akin, papatayin ka ni James!"
"Who cares? Hindi ako natatakot. Kaya kong makipagpatayan sa kanya."
"Ganun ka kakomplikadong kausap?"
"I don't trust my rivals, BFF."
"I can be your bff too IF you cooperate with us."
"Sinabi na 'yan sa'kin ni Darleen before."
"Tutulungan ka namin."
"Sinabi niya na rin 'yan."
"Fück--anong gusto mong gawin ko para--"
"GET ME OUT OF HERE." madiin na agap ko. "Tulungan mo akong makaalis--"
"You know na imposibleng mangyari 'yang sinasabi mo."
I shrugged my shoulder. "OK. Wala akong sasabihin."
He released a pissed groan. "Inuulit ko... pa'no ka trinaydor ni Darleen?"
"Wow, biglang naging inspector. Baka pwedeng kausapin mo na lang din ang abogado ko."
"Hindi ako sayo nakikipaglukuhan--"
"Tingin mo nakikipaglukuhan ako sayo? Inuulit ko rin, Mr. Santiago, WALA AKONG SASABIHIN," sabay muwestra ng kamay sa bibig na parang nilagyan iyon ng zipper. "Close the door na kaya..." tinuro ko sa kanya ang daan paalis. "...you may go now."
"Shît--"
"'Wag mo akong mamura-mura diyan na t'ngna mong gago ka."
He paused, then chuckled. "Tama nga sila. Mukhang hindi talaga ikaw ang kîller or sadyang magaling ka lang magtago ng sekreto. Malaking palaisipan din sa'min kung bakit nag-match yung dugo mo sa blood sample na nakuha namin do'n sa tumangay at pumatay sa kapatid ni James."
Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. He looks very handsome like Captain America. Mukha ding mabait. Unlike Rald na mukhang naipit na dragon. Sarap ihawin.
Muli naman itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"Hindi alam ni James na nag-match yung DNA mo. Tinago namin sa kanya."
Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Kayo-kayo mismo nagtatraydoran--"
"Didn't you get it?" angil nito. "Ikaw ang pinagtatakpan namin!"
"O, galit ka na niyan?"
Manghang napabuga ito ng hangin. "Now I get why James is always furious towards you. Nakakapang-init ka ng ulo."
"Ows--di nga? Subrang kalmado na ako niyan ha, pa'no na lang pala kung galit na ako? E 'di na stroke ka."
"Damn," umiling-iling ito. "I'm done here. Linisin mo na yung kalat mo bago pa yun abutan--"
"Aalis ka na ng wala man lang nakukuhang info sa'kin?? Tsk tsk, napakahinang nilalang."
Tinapunan muna ako nito ng nakamamatay na tingin sabay talikod.
"Naghahanap din ako ng hustisya sa pagkamatay ng mga magulang ko." wika ko bago pa ito tuluyang makalayo. Huminto naman ito saka nilingon ako. "Kaya napadpad ako sa kuta ni Wrath. Yun lang ang tanging naaalala ko. Yung iba malabo pa sa akin. May mga tao akong palaging napapanaginipan. Kapag may naririnig akong pamilyar na pangalan bigla na lang sumasakit ang ulo ko."
"So, may amnesia ka nga talaga." kumpirma nito. "Sino at anong mga pangalan ng mga napapanaginipan mo? Anong klaseng panaginip?"
Nilingon ko ang bahay saka muling nag-angat ng tingin sa kanya. "Marami akong nakitang hidden camera sa buong bahay. Magagawan mo ba yun ng paraan para 'di makita ni Rald na--"
He cursed then hurriedly took out his phone on his pocket. Saglit itong may tinawagan sa phone, named Clayde.
Humakbang naman ako papunta sa dalampasigan. Sumunod ito sa akin. "Yung panaginip ko parang may birthday party sa garden ng mansyon ng batang babae na nangangalang... Crisha. Pakiramdam ko din parang ako yung bata kaya nagsusumidhi lalo ang galit ko na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Mommy at Daddy ko. Tapos may dumating na panauhin, tinawag na Gov yung Daddy ko, Uncle Zeron yung pangalan niya. Tapos yung asawa niya si Aunt Leonie. May binatilyong anak silang kasama, Luke ang pangalan. Maraming bisita. Tapos may apat na payasong last na dumating."
Hindi ko alam kung bakit sunod-sunod ng pumatak ang luha sa aking mga mata. Mabilis ko iyon pinalis. Parang libo-libo ding karayom ang tumusok sa dibdib ko. Naninikip na iyon sa sakit.
"N-Nagkakantahan sila ng Happy Birthday song. Then, right after the little girl blown the candle naglipana ang mga bala, mga putok ng baril sa buong paligid. Yung apat na payaso ang may gawa. Nagkagulo ang mga tao, nagsigawan. Kung ako nga yung bata sa panaginip ko... kitang-kita ko kung paano nila pinatay ang mga magulang ko. Tapos..." pumiyok ang boses ko pero kaagad ko din nakontrol ang emosyon ko. "...tapos binuhat ng payaso yung bata, tinakbo palayo. Pero may babaeng nakaitim na overall na damit na tumulong sa bata."
"Gov... Zeron, Leonie, Luke..." anas nito.
Huminto ako sa paghakbang. Pagbaling ko napakunot-noo ako sa nakita kong reaksyon ng mukha nito; namimilog at walang kurap-kurap ang mga matang nakatitig sa'kin, awang ang mga labi na tila ba hindi makapaniwala sa narinig.
"Something wrong?"
"I-Ikaw ang nawawalang... ikaw--anak ka ni Gov. Crisanto Ledesma?"
Tumango ako. "Carmelita Montealegre ang pangalan ng Mommy ko."
"Shît--ikaw nga."
"What do you mean ako nga?"
"Yung mga pangalan na binanggit mo mga kakilala ko sila. At hindi isang panaginip lang 'yang mga napapanaginipan mo. Totoong nangyari yun sa buhay mo."
"Meaning??"
"Ikaw ang batang matagal ng hinahanap ng pamilya ng kaibigan naming si Mayor Luke Esquivel."
"Ibig sabihin naniniwala ka na ngayon na hindi talaga ako ang kîller ng pamilya ni Rald?"
Napahilot ito bigla sa sentido. "Yun ang hindi ako sigurado."
"Hindi nga ako kîller!"
"Nag-match yung DNA niyo. Paano natin yun maipapaliwanag kay James, aber? Siguradong papatayin ka agad no'n kapag nakita niya yung result!"
"Ganun kakitid ang utak niya? Huhusgahan niyo ako agad dahil sa lintik na DNA na yan? Pareho din naman kami ni James naghahanap ng hustisya ng pagkamatay ng mga pamilya namin ah. Kung tutulungan mo akong makaalis dito--"
"Hindi ka pwedeng umalis. Dilikado ang buhay mo kaya dito ka lang. Kami na lang ang kikilos."
"Hindi pwede! Wala akong maaalala sa nakaraan ko kung mananatili lang ako dito!"
Muli nitong kinuha ang phone sa bulsa. Kinalikot iyon saka binigay sa akin. "Panoorin mo ang video."
Alanganin ko iyon kinuha then played na video. Nanliit ang aking mga mata ng makita ko si Darleen kasabay ng pagkirot ng ulo ko ng matitigan ko ang mukha ng lalaki.
"He... he looks familiar." nag-angat ako ng tingin sa kanya. "P-Parang kilala ko siya. Parang nakita ko na ang lalaking 'to--"
"Hugo ang pangalan niya. Hugo Mancini Fontana."
Hugo. Hugo. Hugo.
Paulit-ulit na umalingaw-ngaw iyon sa aking utak. Mariin akong napapikit ng may tila pumitik na ugat sa loob. Madiin kong hinawakan ang ulo ko sabay abot ng cellphone sa kanya.
Napapitlag ako sabay mulat ng mga mata ng maramdaman kong dumantay ang kamay nito sa braso ko. Nag-aalalang mga mata nito ng sumalubong sa'kin.
"OK ka lang ba?"
Umiling ako. "Lately, madalas sumasakit ang ulo ko. May mga naririnig akong iba't ibang boses, babae, lalaki, mga sumisigaw, mura, mga putukan ng baril, pagsabog."
"Kung totoo lahat ng mga sinabi mo sa'kin, isa lang ibig sabihin no'n... may kinalaman nga si Darleen sa nangyari sayo at tinatraydor niya rin kami."
"Pati 'yan nililihim niyo rin kay Rald?"
"He's in love with Darleen. Magkababata sila. Sila ng dalawa ang magkasama simula ng mamatay ang pamilya ni James. Si Darleen ang comfort zone niya. Hindi yun makikinig sa'min ng walang solidong ebidensya."
"Anong balak niyo?"
"Keep this secret between you and me. Kapag may naalala ka sabihin mo kaagad sa'kin. Will conduct further investigation. Yung hindi malulusutan ni Darleen. Tutulungan ka din namin para malinis ang pangalan mo."
"Anong gagawin ko kay Rald?"
"Continue what you're doing. We loved watching and eavesdropping, you know."
"Oh my God--" napatakip ako ng kamay sa bibig. Uminit din ang mukha ko sa hiya. "May audio device din kayong nilagay?!"
He grinned "Sa sala lang naman."
"O so, dinig niyo lahat--"
"Loud and clear." sabay tawa.
"Alam ni Rald?"
"Kung alam niya e 'di tigok na kami." nakatawa pa ring wika nito. "Grabe yung sagutan niyo ha, tapos may laplapan--"
"Shît kaaaa!"
Inis na pinaghahampas ko ito. Natusta ako sa subrang hiya na lumukob sa'kin. Todo naman ito sa pagsangga sa kamay ko habang patuloy na humahalakhak.
Hanggang sa natawa na din ako, nahawa sa kanya.
"El Salvadooor!!" dumadagundong na boses ni...
Marahas ko iyon nilingon. Madilim na mukha ni Rald ang sumalubong sa akin. Para siyang susugod ng gyera. Malalaking hakbang na lumapit sa'min.
"Uh-oh... here comes the ugly ogre." wika ko na ikinahagalpak lalo ng tawa ni Wayne.
Hinablot ni Rald ang braso ko saka hinatak papunta sa likuran niya.
"What are you doing here, Santiago?"
Ipinamulsa nito ang mga kamay. "Looking for you--"
"Alam mong lumuwas ako ng bansa!"
"Pero hindi namin alam kung saan ka pumunta sa nakalipas na isang linggo. We're worried sick about you."
"Bumalik ka na sa hotel. Will talk later,"
Niyuko ako ni Rald. Humigpit din ang pagkakahawak ng kamay sa braso ko sabay kaladkad sa akin pabalik ng bahay.
Pabalya akong binitawan pagkapasok sa loob. Gigil na dinuro pa ako.
"At ikaw... pokpok ka talaga e no. Isang linggo lang ako nawala nakikipagladian ka na--"
"Wow ha, feeling boyfriend?" sabad ko.
He paused for a moment. Saka umigting ang panga. Tinuro ang sandamakmak na kalat sa sala. "Inuna mo pa talaga ang pakikipaglandian mo kaysa linisin 'yang kalat mo!" napangisi ako sa lakas ng boses niya pero kaagad din akong napangiwi ng hawakan niya ng mahigpit ang aking panga. Binaklas ko ang kamay niya pero lalo lamang iyon dumiin. "Sinasagad mo ba talaga ang pasensya ko ha, El Salvador?"
"R-Rald nasasaktan ako--"
"Masasaktan ka talaga sa'kin kapag 'di ka tumigil sa ginagawa mo!"
"Bakit, ano bang ginagawa ko?"
"Punong-puno na ako sayong babae ka. Alam mo ba yun ha?!"
"Malamang hindi ko alam. Tsaka hindi ka naman timba, pa'no ka mapupuno? Dam ka ba? Taga supply ng tubig?"
He furiously cursed me. "Malapit na akong mabaliw sayo," halos hindi bumuka ang mga labing wika niya.
"E 'di GOOD--aaaw!" hiyaw ko sabay tulo ng luha ng pisilin niya ang panga ko.
Mabilis niya naman akong binitawan sabay suntok sa pader. Tumataas baba ang kanyang dibdib. Lalong umigting ang panga. Tinuro niya ang mga kalat sa sahig.
"Linisin mo ang mga yan at SIGURADUHIN mong pagbalik ko tapos ka na dahil kung hindi..." sunod-sunod itong umiling. "...hindi ka na aabutan pa ng gabi dito sa pamamahay ko."
Napahawak ako ng kamay sa dibdib. "Thrêat ba 'yan, Love?"
Dinuro niya ako. "That's my LAST WARNING." sabay labas ng bahay.
Sinundan ko siya ng nagtatanong kong mga mata. "May nangyari ba sa Italia kaya ganun na lang yung galit niya?"
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023