Beloved Tyrant 10

2817 Words
THIRD PERSON's POV WRATH MARINO RUSSO “Is everyone here already?” I gathered all my trusted men, spy agents, and assassins inside the hall. Nakahilira silang lahat sa harapan ko. I know.., I just know.., And I can feel it that Rald James Gonzalvo eventually know the truth! Hindi siya babalik dito sa Italia kasama ang grupo niya kung hindi. Palpak ang plano! Either hindi siya naniwala na si El Salvador ang pumatay sa pamilya niya or kumanta ang hayuf na yun! Alin sa dalawa na lang. But she's nowhere to be found! Wala akong balita kung pinatay ba siya ni Gonzalvo or nakatakas kaya hinahanap sa'kin? Not sure and it made me utterly furious! Hindi ko akalain na ganun kabangis at katapang ang panganay ng mag-asawang Jaime at Regina Gonzalvo. Vicious, wise man, manipulative, dominant... he's too good in hiding his true feelings and expression on his face. Hindi ko kayang basahin ang isip niya, unlike sa ibang Bud Brothers member. Madaling mapaikot. “Si Capo!” chorus nila which means 'YES BOSS' “I gathered all of you here because we have a big mission.” anunsyo ko. “Utos ni Red Dragon which the main core is... mabuwag ang grupo ng six Bud Brothers kagaya ng grupo ng mga magulang nila para wala tayong aberya sa negosyo. CHRISTIAN,” Christian stepped forward. “Si Capo..?” “Ikaw ang sa mga Del Carpio. Gawin mo ang lahat na makapasok sa kompanya nila by hook or by crook. Will use their company with our international transactions.” “Pardon, Capo. Sinubukan ko na 'yan noon pa but I failed. Fernando Del Carpio turn down my proposal--” “Do it again!” sigaw ko. “Use another strategy. Kung hindi niyo kaya ang ama, puntiryahin niyo ang dalawang anak nila. Mag-imbestiga kayo. Alamin niyo ang kahinaan nila. You'll be accompanied with Sofia. Including you Liz, your mission will be in the Philippines, kailangan mong makapasok sa kompanya ng mga Del Carpio... sa DCC Corp. Ikaw ang magiging mata namin doon.” Liz and Sofia Collins stepped forward. “Si Capo.” sabay na wika nila. “Lahat ng maririnig, makikita at makukuha niyong impormasyon e-report niyo kaagad lahat kay Christian. And you Christian will report it all to me or Joaquin Steves... detail by detail. Understand?! You three may go now.” Nagkatinginan ang tatlo saka lumabas ng hall. “Maureen, Trixie,” baling ko sa dalawa, both stepped forward. “Kayong dalawa sa mga Santiago. Kailangan niyong mapaibig ang panganay nila. Gamitin niyo para mapabagsak ang kompanya nila. Limasin niyo ang yaman nila or sirain niyo, guluhin niyo ang mag-ama pati ang kompanya ng asawa ng anak na babae ni Jherwin, si Nathan Lloyd Thompson. Hindi pwedeng patuloy silang namamayagpag sa tuktok. Masyado na tayong nauungusan.” “That's all?” wika ni Trixie. “Sisiw.” “Wala na bang mas mahirap diyan, Capo?” banat pa ni Maureen. Pinanliitan ko sila ng aking mga mata. “Hanapin niyo din si El Salvador. Dalhin niyo sa akin, dead or alive.” “Gladly,” “Kasama din yun sa misyon mo Catleya,” She stepped forward too. “Sa mga Altamonte at Sullivan ka naman nakatuka. You will be accompanied with Misha and Scarlet.” humakbang din sa unahan ang dalawa. “Subaybayan niyo ang mga galaw nila. Alamin niyo rin kung may nakalap ba silang info tungkol sa pagkamatay ng Daddy ni Sheriff Martin at sa dalawang anak ng mga Sullivan. Alam niyo na ang gagawin sa mga yun.” “Si Capo,” chorus nila saka lumabas. “Miss RS, Mhariss, Monaliza, Juliet, Rochelle, Katniss, Irine, Miss D,” they all stepped forward. “Kay Gonzalvo at Aragon pa rin kayo nakatuka. Pero ngayon kasama na si El Salvador sa listahan niyo. Bring that traitor to me dead or alive. Do it fast bago pa niya maalala ang lahat at ikanta ang mga yun kay Gonzalvo! Kung hindi...” galit na dinuro ko sila. “...malilintikan kayong lahat sa akin. Buhay niyo ang magiging kapalit. Naiintindihan niyo ba?!” “Copia, Capo.” chorus nila. “GOOD! Hanapin niyo rin ang asawa ni Raymond Aragon... eliminate her for good. Protect the Princess as well. Hindi pwedeng malaman ng mga Sullivan ang totoong pagkatao ni Stacey. You may go now.” Binalingan ko ang mga kalalakihan. “All of you... proceed to the basement. We have a shipment to finish. After that, Joaquin will give each of you a new mission.” **** RALD JAMES GONZALVO Nakangiting niluwagan ni Darleen ang pinto. Sabay lambitin ng kamay sa leeg ko at walang babalang siniil ako ng halik sa labi. I heard Migz cleared his throat but Darleen doesn't mind at all. Naistatwa din ako sa aking kinatatayuan. “I miss you.” “Ahw--” “Oh my God--you're bleeding!” hysterical na bulalas nito pagkakita sa braso na napuno ng dugo galing sa balikat ko. Kinaladkad ako nito papasok. “What happen? Bakit may sugat ka?” lumampas ang tingin nito sa likuran ko. “Saan mo na naman ba dinala 'to si James ha, Miguel?” “Wow ha... trouble maker ba ako?” “Ako ang nagyaya sa kanya pumunta sa Re Drago Edificio--” “Sumugod kayo sa building ni Wrath--oh my God, James! Seriously?” namimilog ang mga matang bulalas ulit nito. “Hindi mo man lang siya pinigilan Miguel?” “Wait--ba't ba ako lagi ang sinisisi mo sa tuwing napapa-trouble yan si James?” “Ikaw naman lagi ang pinag-uugatan ng gulo--” “Tama na, babe.” “Hindi e... ito kasing Miguel na 'to wala ng magandang naidudulot sayo. Bukod sa adik na, basagulero, babaero pa! Baka naman gumaya ka na sa kanya. Naku James, sinasabi ko sayo--” “Watch out your fücking words, Darleen. Hindi ako nananakit ng babae pero ngayon baka masampulan kita--” “I said enough!!” sigaw ko. Natahimik ang dalawa. Pati sina Rob, Craig and Cyrus napahinto sa pagpasok, nagsikuhan, umatras, biglang umalis. Pinukol naman ng matalim na tingin ni Migz si Darleen bago nag-angat ng tingin sa akin. “Will flight back to States tomorrow night. Tawagan na lang kita bro when I get home.” sabay talikod paalis. Sumunod sa kanya si Darleen. Akala ko aalis na rin pero hindi... ni-lock lang ang pinto. Pumihit ito paharap sa akin, nakabusangot ang mukha. “I really hate, Miguel.” “Ba't mo naman pinagsalitaan yung ng ganun? Tsaka, why are you here?” “W-Why? Am I not welcome here anymore?” tinuro nito ang pinto. “May special guest ka bang darating kaya ayaw mong nandito ako?” “What?” salubong ang mga kilay na bulalas ko. “What are you talking about? I'm just asking you why are you here. Anong special guest ang pinagsasasabi mo?” Tinalikuran ko ito. Dumeritso ako sa kusina. Kinuha ang aid kit sa cabinet at ipinatong sa ibabaw ng mesa. “Wala nga ba?” Nilingon ko ito habang hinuhubad ang suot kong damit. “Anong pinupunto mo? Ba't 'di mo pa ako deritsahin?” “Ba't bigla ka na lang lumuwas ng bansa? Ba't hindi ka man lang nagpaalam sa'kin? Ba't 'di mo man lang sinabi sa'kin na susugurin mo yung lungga ni Wrath?” “Dahil lang doon kaya napabyahe ka din pabalik dito--” “Dahil nag-aalala ako sayo!” sabad nito. “Nag-aalala ako sa maaaring mangyari sayo kaya--” “You don't have to worry about me, babe. I'm fine.” “Seriously, James? Ayaw mo ng mag-alala ako sayo kaya hindi ka na nagpapaalam sa'kin? James, fiancee mo ako! Natural na mag-alala ako sayo.” “You're just overeacting, sweetheart.” hinugasan ko ang sugat sa balikat ko saka sinimulan iyon gamutin. “I'm totally fine.” “Still--hindi ka pa rin nagpaalam sa'kin!” Marahas ko itong nilingon ng umiba na ang tono ng boses nito. Salubong ang mga kilay na tinitigan ko ito ng mariin. Sa tagal ng panahon naming magkasama ngayon lang ako nito pinagtaasan ng boses. Ngayon lang din ito nag-alala ng subra-subra. Ngayon lang din naging big deal yung pag-alis ko ng walang paalam sa kanya. Ngayon lang din ito sumunod sa lugar na pinuntahan ko. Unlike before na wala pa sa'kin si El Salvador. Why she's acting weird this past few days? “I--uhm... I'm sorry baby,” malalaking hakbang ako nitong nilapitan sabay yakap sa likod ko. “Nag-alala lang talaga ako ng subra sayo. Sinabi ko naman na sayo na kuta yun nina Wrath diba? Mahirap pasukin yun. Tingnan mo, nasugatan ka pa. Pa'no kung napuruhan ka?” her voice cracked followed by her tears roll down on her cheeks. “Pa'no na ako? Iiwanan mo akong mag-isa? Alam mo naman na wala na din akong pamilya diba? Bukod tanging ikaw lang ang meron ako. Ayokong pati ikaw mawala sa'kin James.” Binitawan ko ang bulak saka hinatak ito sa harapan ko, pinunasan ang mga luhang namalisbis sa kanyang mukha. Niyakap ito ng mahigpit. “Napaparanoid ka lang. Hindi ako mawawala sayo. Hindi kita iiwan. Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam pa sayo. Wala naman sana akong balak lumuwas ng bansa e... kaso nako-curious ako sa kuta nila kaya pinuntahan ko. I just wanna make sure kung doon nga ba talaga nagtatago si Wrath.” “M-Meaning hindi ka naniwala sa mga sinabi ko sayo?” “NO, it's not that--” “Ganun yun e,” galit na sabad nito sabay layo sa akin. “Kaya ka pumunta para ma-sure mo kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo. Gusto mong masiguro kung nandun ba talaga si Wrath. Ano? Nandun siya diba? Nakita mo siya?” “Ba't ka ba nagkakaganyan? Ba't ganyan ang mga sinasabi mo--” “Because you started not to trust me anymore matapos kong dalhin sayo ang Rashmin na yun! Ano? Siniraan niya na ako sayo? Anong mga kasinungalingan ang sinabi niya sayo? Ba't mo siya pinaniwalaan e mamamatay tao siya! Ba't ka nagtitiwala sa kanya kaysa sa'kin na fiancee mo't karamay simula pa noon?” “A... I don't know what you're talking about.” “Hindi mo alam?” mapakla itong tumawa. “Itatanggi mo ba sa'kin ngayon na pinapaimbestigahan mo ako sa private investigator mong si Curtis?” “What?” Dismayado ako nitong tiningnan. Puno ng hinanakit ang kanyang mga mata na tila ba hindi makapaniwalanang nakaya ko iyong gawin sa kanya sabay talikod ng walang paalam. Naguguluhan pa rin ako sa mga pinagsasasabi nito lalo na sa kanyang mga ikinikilos pero nagawa ko pa rin itong habulin. “Wait--Darleen sandali!” Papihit na ito ng seradura ng maabutan ko. Mabilis kong hinaklit ang kanyang bewang. “Don't go, please. Wala akong alam sa mga sinasabi mo.” “W-Wala kang alam?” Sunod-sunod akong umiling. “Ba't ko naman gagawin yun sayo e matagal na kitang kilala? I trust you and I believed in you. Hindi tayo aabot ng dekada kung hindi.” Humarap ito sa akin, ipinulupot ang mga braso sa leeg ko. “Bakit kasi hindi pa tayo magpakasal? Subrang tagal na no'ng plano natin, bakit hindi pa natin ituloy? Tumatanda na tayo James. Gusto ko ng magkaroon ng sariling pamilya, ng mga anak. Ayaw mo ba no'n? Ayaw mo bang magkaroon ng tahimik na buhay? Tama na ang paghihigante, please. Unahin mo naman tayo. Please? Please...” “Syempre gusto pero--” “Yan na naman yang PERO mo e.” frustrated na sabad nito. “Ano pa bang pumipigil sayo? Ang mga kaibigan mo ba?” “Hell--NO!” “E 'di sino? Si Rashmin? Nasaan na ba ang babaeng yun at ako mismo ang papatay sa kanya?” “She's...” huminga akong malalim. “She's... she's dead.” Namilog ang mga mata nito, umawang ang mga labi. Muli naman akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang may malakas na pwersang pumipigil sa'kin. Kanina pa ako naguguluhan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagpalpak ni Clayde. Kung nagkataon baka namatay na ako kanina. “S-She's dead? Patay na siya? How come? Sino ang pumatay--” “I killed her myself. The justice I'm aching to have for my sister's death has been serve.” Binitawan ko si Darleen saka muling naglakad pabalik sa kusina. Naramdaman kong sumunod ito sa akin. Nilinis at niligpit ko ang mga ginamit panglinis at gamot sa sugat. “So, case close na yung kaso sa pamilya mo? Nabigyan mo na ng hustisya ang pagkamatay nila. Wala ng dahilan pa para hindi natin ituloy ang kasal nating dalawa. I'm so excited, baby!” masiglang boses nito. “Tatawagan ko na ba yung wedding coordinator natin?” “Wrath and Joaquin are still alive.” muli ko itong hinarap. “Hindi pa tapos ang paghihiganti ko. Hindi ko pa nahuhuli ang pumatay sa mga magulang ko. Ang kapatid ko pa lang ang nabigyan ko ng hustisya dahil kay El Salvador.” Her face became gloomy. “So maghihintay na naman ako? Ilang dekada pa? Maghihintay ako hanggang sa mamuti ang mga mata ko--” “NO--” “O e ano?!” natigilan na naman ako sa muling pagsigaw nito. “Ba't hindi mo na lang kasi ako prangkahin na wala ka naman talagang balak pakasalan ako dahil hindi boto sa'kin ang mga kaibigan mo!” “That's not true--” “Ayoko ng maniwala sayo.” sunod-sunod itong umiling habang lumuluha. “Lagi na lang e. Palagi mong idinadahilan yung mga magulang mo e wala naman na sila. Hindi mo na sila maibabalik pa. Samantalang tayo bawat taon dumadagdag ang edad. Kailan mo pa balak magsimula ng pamilya? Kung kailan uugod-ugod na tayo ha, James?” Frustrated akong napahilamos ng kamay sa mukha. “Just understand me please--” “Understand? Hindi pa ba sapat yung dekadang sinayang mo sa kakaintindi ko sayo? James, babae ako. May expiration kami, samantalang kayong mga lalaki kahit umabot pa ang edad niyo ng sixty magkakaanak pa rin kayo. Pero ako? Paano ako?” “Babe--” “NO,” iwas nito ng akma kong hahawakan. “Tapos na ang misyon kong hanapin ang pumatay sa kapatid mo. This time sarili ko naman ang uunahin ko and I want to settle down. Bibigyan kita ng oras para makapag-isip. Hindi kita pupwersahin sa desisyon mo. You know where to find me naman diba? Kapag buo na ang desisyon mo, puntahan mo na lang ako.” anito sabay talikod. “Saan ka pupunta?” “Sa Mars!” “Darleen!” sigaw ko pero hindi ako nito pinansin, deritso lang ang lakad palabas ng pinto. Pabagsak pa iyon isinara. “Damn..!” malakas kong sinuntok ang pader. ISANG LINGGO akong nanatili sa Italy. Isang linggo din akong walang kinausap. Sa Penthouse ako nag-stay. Nagkulong doon habang nilulunod ang sarili sa alak saka umuwi ng Pinas. I didn't contact Darleen. If she really loved me, she'll understand my reason. Mahal ko siya and really wanted to marry her but damn--! Ang dami ko ng problema dumadagdag pa siya. Nasaan na yung dating Darleen na kilala kong super sweet, understanding, caring and very supportive not a demanding girlfriend like what she is now? Ang tanda kong sabi nito dati piece of paper lang ang kasal kaya hindi iyon importante sa kanya kahit ilang ulit ng naudlot ang planong pagpapakasal namin. Ang importante mahal namin ang isa't isa pero bakit ngayon bigla naman yata nag-iba yung takbo ng kanyang isip? “Tumawag sa'kin si Boss Keith pati si Boss Ryan,” boses ni Cyrus pagkababa ko ng chopper sa rooftop ng rest house. “They're worried sick about you. Tinawagan daw sila ni Migz. Nag-alala sayo no'ng hindi ka makontak,” “Tell them I'm busy,” aniko saka malalaking hakbang na tinungo ang pinto pababa ng rooftop. Pagdating ko sa ibaba hinanap ko kaagad si El Salvador. Uminit din kaagad ang ulo ko ng halos maikot ko na ang paboritong tambayan niya hindi ko siya makita. Kahit gahibla ng buhok ng babaeng yun hindi ko maaninag. I even checked the footage in my phone pero wala--t'ngna! Saan pumunta ang babaeng yun? Muli akong lumabas, nagpalinga-linga sa paligid. I didn't see any trace of her but I can hear her sweet laugh, loud and clear! Hindi lang yun, may humahalo pang malakas na tawa ng lalaki. Bigla akong natigilan sa aking narinig. Wait... boses ng lalaki? Patakbo kong sinundan ang mga boses nila. Dinala ako ng aking mga paa sa dalampasigan para lang matigilan sa aking natanaw. Si El Salvador at si... “Fück--! Isang linggo lang ako nawala may kalandian na siyang iba? Pokpok talaga!” ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD