RALD JAMES GONZALVO
"Bakit parang biglaan naman yata ang pagluwas natin ng bansa, Boss?"
We were inside my private plane bound to Italy. Kanina pa ako nanggigigil. Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang galit na nararamdaman ko sa El Salvador na yun.
Iwan ko ba.
Unang kita ko pa lang sa mukha niya sa picture na bigay sa'kin ni Darleen kumukulo na ang dugo ko sa kanya, sumusulak na para bang nangangati ang mga kamay kong pilipitin ang leeg niya. Lumalaban pa siya sa akin ng sagutan. Ayaw magpatalo. Nakakapang-init ng ulo!
"Gusto kong puntahan yung building na sinabi ni Darleen na pagmamay-ari ni Wrath."
"Why?" nilingon ko si Migz. Salubong ang kanyang mga kilay na nakatingin sa akin. Nakaupo siya sa kabilang gilid na upuan, kapantay ng kinauupuan ko. Nasa likuran niya naman sina Cyrus, Rob and Craig. "May backup plan ka ba--"
"NO worry, I'm always prepared, Migz." agap ko sa kanya. "It's payback time. Kung hindi kayang bigyan ng mga pulis ng karampatang hustisya ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko pwes ako na mismo ang gagawa ng paraan. Lahat ng suspek buburahin ko. Hindi ko hahayaan mamuhay sila ng masaya samantalang ako hito't nagluluksa pa rin at inabot na ng dekada namuti ang mga mata ko kakahintay ng hustisya pero wala namang nangyari."
"Boss," napatayo si Craig sa kinauupuan at hinarap ako. "Mafia ang kalaban natin hindi pipitsuging tao lang. Pwede kang mapahamak sa padalos-dalos--"
"Do you think I still care?" sabad ko sa kanya. "Kinuha nila ang buhay ng mga mahal ko kaya buhay din nila ang kukunin ko!"
"Pero boss--"
"Sumama ba kayo dito para suportahan ako or para pigilan ako?" galit na sabad ko kay Rob. "Kung hindi kayo sang-ayon sa plano ko, pwede na kayong bumaba."
Bigla itong napatingin sa bintana sabay tawa. "Grabe ka na talaga."
"Hindi kayo ang namatayan kaya hindi niyo maintindihan ang nararamdaman ko." muli akong bumaling sa bintana sa gilid ko. "Nangako ako sa puntod ng mga magulang ko na ipaghihigante ko sila. Na hindi ako titigil hanggat hindi ko nakakamit ang hustisya ng karumal-dumal na pagpatay sa kanila. Lintik lang ang walang ganti."
Namayani ang katahimikan.
"Nakausap ko na si Clayde," maya-maya basag ni Migz. "Napasok niya na yung server ng security system nila. Mag-iingat ka sa loob. Kami ng bahala sa buong perimeter ng building, from ground floor to rooftop."
"Thanks bro. Alam niyo na kung saan ang building. Abangan niyo na lang ang paglanding ko."
"Ako na lang ang mag-aabang," wika ni Migz. "Will take the motorbike. Kayo na lang ang backup, Cyrus."
"Copy."
Tumayo ako at tinungo ang private room ko. I took the ring inside the box, then slid it in my finger, sinuot ko din ang wristwatch, and sunglasses with green lenses and built-in aural device at the edge near in my ear. Hinubad ko ang damit, pinalitan ng sando saka ikinabit sa katawan ang tali deritso sa black belt na imbento ni Clayde bago pinatungan iyon ng toxedo matching with black slacks and black leather boots.
Paglabas ko nakasunod ang kanilang mga mata sa akin hanggang sa makaupo ako ulit sa kinauupuan ko kanina.
"What's that look for?"
"You look like a cold billionaire." komento ni Craig.
"Kung nakakatakot si Hitler parang na-exceed mo yun ngayon, boss James." segunda ni Rob. "Pero 'yang awrahan mo I don't think na hindi ka kapkapan nila pagbungad mo pa lang ng pinto."
I evily smirked. "Wala silang madi-detect sa'kin kahit e full-body scan pa nila ako."
"Wala na ba talagang atrasan yan?"
Nilingon ko si Migz. "Nakalimutan mo yatang si Tito Fernan yung last victim ni El Salvador. Kung hindi dahil kay Darleen e 'di sana nilalamayan niyo na ngayon ang Daddy mo."
"Darleen," Migz t'sked. "Kahit anong gawin niya hindi pa rin ako boto sa kanya."
I chuckled. "I don't care. Hindi naman kayo ang makikisama sa kanya kundi ako, and I love her. Invited pa rin kayo sa kasal ko."
"Kasal daw,"
Tawanan sila. Pinanliitan ko naman sila ng aking mga mata.
"Alam mo bro gasgas na yang salita mong 'yan--"
"Seryoso ako sa sinasabi ko," inis na sabad ko kay Cyrus. "Kasama ko na siya simula ng mamatay ang mga magulang ko. Siya ang karamay ko ng mawala din ang kapatid ko. Importante siya sa'kin."
"Wow, na-elbow kami bigla," nakatawang wika ni Migz. "Karamay mo din naman kami noon pa diba?"
"Yeah but not every minute, every single day of my life. Iba yung comfort ng best friend sa comfort ng lover ok."
"FINE," chorus nila.
Wala ng nagsalita pa sa buong byahe.
Kausap ko si Clayde habang naglalakad kami palabas ng arrival area ng may bumangga sa akin. Napaatras ako sa lakas ng impact. Nabitawan ko pa ang hawak na cellphone. Nagkalat din sa lapag ang laman ng bag ng stewardees. Uminit ang ulo ko sa babae pero kaagad din akong natigilan ng marinig ko ang lengwaheng ginamit nito.
"Sorry Ser. Sorry. Pasensya na po. Hindi po kita nakita nagmamadali kasi ako." anito saka mabilis ang mga kamay na sinamsam ang mga nagkalat na gamit sa lapag.
Dinampot ko ang nabitawan kong cellphone. Akmang tutulungan ko ito ng malingunan ko yung lalaking naglalakad palapit sa kinaroroonan namin ng babae. Napahinto pa ito ng makita akong nakatingin sa kanya.
Hindi ako maaaring magkamali. Isa ito sa mga nanloob sa mansyon namin noon. Kasama ito ni El Salvador na nakatakas matapos matangay ang kapatid ko.
Humakbang ako palapit dito. Umatras naman ito.
"Bro!" boses ni Migz pero 'di ko siya pinansin. Nanatili akong nakatitig sa lalaking makailang ulit na umatras sa tuwing humahakbang ako. "Sino bang tinitingnan mo diyan? Tara na!"
Niyuko ko ang babaeng humawak sa binti ko sabay tadyak sa mukha nito bago pa ibaon ang patalim na hawak nito. Pagtingin ko sa lalaki wala na ito doon. Tinakbo ko ang kinatatayuan nito kanina, nagpalinga-linga sa paligid sabay karipas ng takbo at hinabol ito ng makita kong nakipagsiksikan ito sa mga tao palabas.
"T'ngna--James! Saan ka pupunta?" habol pang boses ni Migz. "Tulungan niyo yung babae, hahabulin ko siya!"
Nakipagsiksikan din ako sa mga tao. Wala akong pakialam kung may naitulak man ako or may nabangga sa pagmamadali kong mahabol yung lalaki.
Paglabas ko sa unahan, nawala na yung sinusundan ko. Hingal na napahilamos ako ng kamay sa mukha. Nagpalinga-linga sa paligid pero wala na ito. Tumakbo ako papunta sa kabila, nang hindi ko makita bumalik ako at doon ko naman sa kabila tiningnan but I didn't see any trace of him anymore.
"James--what's wrong?" tanong ni Migz na sumulpot sa tabi ko.
Frustrated na sinipa ko ang poste doon. Pinaghahampas iyon sa subrang galit na lumukob sa akin. May nahagip pa akong lalaki sa kabilang kalsada na sumakay sa motorsiklo....
Marahas ko iyon tinanaw muli. Nang makilala ko yung lalaki...
"Fück--!"
Tinakbo ko ang kabilang kalsada pero kaagad din akong napabalik. Muntik-muntikan pa akong mabangga ng truck--damn it!
Muli akong tumakbo pagkalampas niyon, nakadipa ang aking mga kamay magkabilaan. Nagsipagpreno naman ang mga sasakyan pero lahat ako binusinahan. Mabilis akong tumawid sa kabila, hinabol yung lalaki na pinaharurot na paalis yung motor.
"T'ngna--James! Wait up!"
Pinara ko naman yung dumaan na taxi at kaagad sumakay sa back seat.
"Habulin mo yung red motorbike--hurry!" sigaw ko sa driver na nataranta yata sa lakas ng boses ko, lumabas ng taxi. "Shît--!"
Lumipat ako sa driver seat at kaagad iyon pinaharurot. Nakita ko pa si Migz sa side mirror na nakikipagpatintero sa mga sasakyan sa gitna ng kalsada.
Halos paliparin ko sa bilis ang taxi maabutan ko lang ang t'ngnang lalaking yun.
Kung saan-saan sumuot na kalsada ang hinayupak. Pinagod ako. Nadoble tuloy lalo ang nagliliyab na galit sa kaibuturan ko.
Inabot yata kami ng oras sa tagal ng habulan naming dalawa.
Hanggang sa lumusot ito sa makitid na eskinita. Hindi makapasok ang taxi. Malutong akong napamura sabay atras, umikot papunta sa kabila.
Napangisi ako ng makita kong may isa pang malaking kalsada doon. I speed up the car. Sakto, pagliko ko sumalpok ito sa taxi na iniharang ko sa daraanan nito. Tumilapon ang lalaki pero kaagad din bumangon na tila ba hindi man lang nasaktan kahit nakita ko ang tumutulong dugo sa damit nito galing sa loob ng helmet. Tinanggal nito iyon sabay bato sa akin paglabas ko ng taxi.
Kaagad naman akong nakailag. Muli ko itong hinabol ng kumaripas ng takbo.
My anger rose even more to the highest level.
My hands were both aching to catch him.
My inner being roaring for justice.
I run as fast as I could.
Nang abutan ko ang lalaki, malakas ko itong ibinalya sa pader. Napaigik ito pero kaagad din bumangon. Malakas ko itong tinadyakan, muli din itong bumagsak sa semento. Paulit-ulit iyon nangyari, babangon ito, tatadyakan ko naman at muling babagsak ito sa semento saka babangon ulit at muli kong tatadyakan.
Hinaklit ko ang kuwelyo ng damit nito. "Sino nag-utos sa inyo para dukutin at patayin ang kapatid ko?"
"W-Wala akong kinalaman--"
"Oh--you can speak tagalog ha... Sino nag-utos sa inyo? Sinoooo?!"
"Wala--arrgh!" daing nito matapos kong undayan ng sunod-sunod na suntok sa mukha.
Inikot ko ang singsing, lumabas doon ang maliit na karayom. Ipinakita ko iyon sa kanya.
"See this?" napangisi ako sa naging reaksyon nito pagkakita sa karayom. "There's a poison in it. Kapag tinusok ko 'to mismo diyan sa mga mata mo, you'll be dead right away. Pero madali naman akong kausap. Just tell me the truth, will spare your life."
"W-Wala akong--"
"Sinooo?!"
Nabitawan ko ang lalaki kasabay ng pagtama ng bala sa ulo nito. Pag-angat ko ng tingin paalis na yung isa pang lalaking nakaitim na overall na damit sakay ng motorsiklo. Saglit akong natigilan sabay takbo at hinabol iyon. But he was fast! Likod na lamang nito ang natanaw ko matapos lumiko sa sangandaan.
"Damn it--shît--!"
Frustrated na sumipa ako sa hangin, napasabunot sa buhok. Pero kaagad din akong natigilan at napalinga-linga sa paligid ng makilala ko ang lugar. Malapit lang dito ang building na pagmamay-ari ni...
Too much anger surge through my nerves even more. Inayos ko ang sarili at nilisan ang lugar. Dumeritso ako sa Re Drago Edificio, lugar na pagmamay-ari ni Wrath Marino Russo.
Bungad pa lang pinigilan na ako ng dalawang guwardiya.
"May I have your name, please?"
"Rald James Gonzalvo."
Nagkatinginan ang dalawang guwardiya. Pasimple pang pinindot no'ng isa ang gilid ng suot na relo. Hawig iyon sa relong nakuha ko kay El Salvador... a communication device.
"Do you have any appointment to our boss?"
"He's my best friend." muling nagkatinginan ang dalawa. "You don't believe me? You can call him if you want."
Kinuha ng lalaki ang walkie-talkie radio na nakasabit sa kanyang bewang. May kinausap doon pero ang mapanuring mga mata nanatiling nakatitig sa akin. Hindi ako nilulubayan ng tingin. Yung isa nagpalinga-linga naman sa paligid na tila ba naaamoy nila ang dala kong panganib.
"Capo, lui è qui... Rald James Gonzalvo." wika sa Italian na lengwahe ng guwardiya pero naintindihan ko ang sinabi nito. "NO, è solo ma ne sono sicuro ha un backup... si Capo."
Pinapasok nila ako sa loob. Dalawang full body scanner ang dinaanan ko. Ni isa walang tumunog. May nag-escort pa sa akin na apat na lalaki sa loob ng elevator hanggang sa top floor.
Paglabas namin ng elevator muli akong pinul-body scan bago pinapasok sa loob ng opisina ni Wrath. He's eyes darted with mine right after I walked in his office.
"Mr. Gonzalvo," nakangiting bati nito sa akin. "What a surprise visit..."
Huminto ako sa gitna ng kanyang opisina. Iginala ang paningin sa buong paligid saka muli itong tiningnan. He remain seated on his seats. Wide friendly smile flattered on his damn face. May bote at baso ng alak sa ibabaw ng mesa sa kanyang harapan.
Matamis ko itong nginitian. "I came visit you to thank you personally... I really had a wonderful night with that girl named Mhin. Hindi ko in-expect na she's a virgin. First time akong nakatikim ng ganung putahe sa buong buhay ko. And she's kinda wild..! I like her."
Wrath satisfactorily laughed. "I guess I know already why you're really came here... not to thank me personally but to have her again."
I chuckled. "I'm ashamed to admit it but... YES. Will triple again the payment just to have her again for a night. Will sign your business proposal too. Just meet me in my office tomorrow morning."
"Oh wow, seriously? You must be kidding!"
Tinuro ko ang phone niya. "Check your bank account. I already sent the half payment. Will send you the full payment right away if you lend her again to me... TODAY."
Wrath laughed wholeheartedly. Nagulat pa ako ng bigla na lang itong naglaho sa kinauupuan nito. Tinakbo ko iyon, sinilip ang kabila ng mesa. Naabutan ko pang sumasara ang sahig niyon--shît..!
"Take that moron!" boses ni Wrath na um-echo pa sa buong kwarto kasabay ng pagbukas ng glass door ng opisina nito.
Mabilis ang kilos ko, gumulong ako at nagpadulas sa sahig papunta sa mga tauhan nitong nagsipagsulputan sa loob ng opisina. Inikot ko ang singsing sabay tusok sa mga binti nito. Nabitawan nila ang baril. Sinalo ko naman iyon, pinaputukan ang mga kalaban.
Bumangon ako sabay takbo palabas ng opisina, tinungo ang makitid na hallway pero kaagad din ako napakaripas ng takbo pabalik at umikot papunta sa kabilang hallway pero marami din doon na nagsipagsulputan na grupo ng mga kalaban galing elevator, pinaulanan nila ako ng bala. Gumanti ako ng putok sabay sampa sa paikot na railings na nasa harapan ko at walang pakundangan na tumalon pababa. Pinindot ko ang button sa belt ko. Lumabas doon ang mahabang tali, tumusok ang matalim na dulo sa pader. Lumambitin ako doon habang nakikipagpalitan ng putok ng baril.
Pagdating ko sa baba, umapak ako sa railings doon sabay sipa ng malakas sa mukha no'ng lalaki bago pa ako paputukan ng baril. I pressed the button in my belt again, bumalik ang tali doon kasabay ng pagbagsak ko sa marmol na sahig. Hinawakan ko yung baril no'ng lalaki at iyon ang ginamit pagbaril sa mga kasamahan nito.
"Clayde--!" sigaw ko ng matanaw ko ang pagkarami-raming kalaban kasabay ng nagmamadaling mga yabag. "Help me!"
"Exit door behind you. Pagpasok mo sa loob 'wag kang umakyat sa hagdanan, sa gilid na hallway ka dumaan." wika niya sa kabilang linya. "Pagdating sa unahan may pinto doon at hagdanan sa loob. Doon ka umakyat. Deritso yun sa rooftop. Nandun na si Cyrus naghihintay sayo. Bilisan mo't na-reverse nila yung ginawa ko sa server ng security system nila!"
"Thanks bro," sabay bitaw sa lalaking duguan. Nakikipagpalitan ako ng putok ng baril habang tumatakbo papunta sa exit door. "Fück--!" hiyaw ko ng daplisan pa ako ng bala sa balikat.
Halos pangapusan ako ng hininga sa bilis ng takbo ko sa hagdanan. Pagdating ko sa rooftop...
"Boss..!" patakbong nilapitan ako ni Cyrus. "Shît--may tama ka!" bulalas nito.
Hinatak ko ito sa braso, malalaking hakbang na tinungo ang pinakadulo ng rooftop. Sabay kaming nagpatihulog, sabay din pinindot ang button sa magkabilaan ng belt. Tumusok ang matalim na dulo ng tali sa pader.
Pag-landing namin sa ibaba nandun na si Migz, naghihintay sakay ng motorbike. Sumulpot din sina Rob and Craig sakay ng pulang kotse.
"Magkita-kita na lang tayo sa condo ko," sabi ko sa kanila pagkasakay ko sa likuran ng motor ni Migz sabay suot ng helmet.
Pinaharurot naman nito iyon paalis.
"Kumusta yung lakad mo?" tanong ni Migz habang lulan ng elevator paakyat sa unit ko. "May tama ka pa. Masyado kang careless."
Hindi ko siya sinagot hanggang sa makarating kami sa unit ko. Naguguluhan ako sa nangyari. Pakiramdam ko may mali. Ngayon lang pumalya si Clayde sa computer.
I typed my password to open the door pero hindi iyon bumukas. Akmang uulitin ko iyon ng biglang may bumukas ng pinto. Nagulat pa ako sa mukhang sumungaw doon.
"What are you doing here?" bulalas ko.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023