Beloved Tyrant 29

2699 Words
THIRD PERSON's POV CURTIS Sitting alone in a dark room. Tanging sa siwang ng maliit na bintana ang nagsisilbing liwanag sa akin sa loob. Nakatali ang mga kamay at paa sa upuan. Kontrolado nila ang buhay ko. Hawak nila ang cellphone ko. Even the communication device I had with Santos and Suarez was confiscated. I did try to fight with them, but its not enough. Wala akong magawa. Naghihintay na lang sa hatol ng pinunong nagpadukot sa akin. Seconds. Minutes. Hours and some more hours passed. I heard footsteps approaching. Huminto sa tapat ng pintuan ng kwartong kinaroroonan ko. Nag-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto niyon. Kumalat ang liwanag sa buong kwarto. Pumasok ang apat na lalaking tumambang sa akin three weeks ago. “Untie his hands.” Kaagad tumalima yung isang lalaki na may malaking pulang dragon na tattoo sa braso. Yung dalawa itinutok ang baril sa akin. Yung nag-utos nanatiling nakatayo sa harapan ko. Nang makalagan ang mga kamay ko, humakbang ito palapit. Inabot ang cellphone ko sa akin. “Send those files to Mr. Gonzalvo--” “Ba't 'di niyo e send--arghh!” daing ko ng hampasin ng lalaking nasa likuran ko ang ulo ko. “Say it in English!” sigaw nito. “Kabobohan niyo--arghh!” namilipit ako sa sakit ng tadyakan naman ako ng pinakalider nila sa sikmura. “You hardheaded son of a bítch!” binalingan nito ang kasama. “Call Boss Louie to come over here! Tell him I can't understand the language of this punk,” sabay tadyak ulit sa akin. Patakbong lumabas ng kwarto yung lalaking panay nguya ng chewing gum. All of them had a red dragon tattoo. “Turn on the monitor!” Marahas akong napalingon sa kanang gawi ko ng marinig ko ang pumapalahaw na iyak ng babae't batang lalaki, begging for their lives. Nanlaki ang aking mga mata. Nakalimutan kong huminga. Nanginig ang katawan sa takot sabay tayo ng makilala ko ang asawa't anak kong napapalibutan ng mga armadong kalalakihan. Tinututukan ng baril. “Open the camera so they can see him, too.” “NO... NO! Erin! Shan!” “Dadddddddy--” “Shut the cam off!” Kaagad naman tumalima ang lalaki. Tumaas baba ang dibdib ko sa subrang galit. I angrily clenched my fist. Hinarap ko ang pinakalider nila. Tinitigan ng nagbabaga kong mga mata, but he didn't budge. Pinagtawanan pa ako. “Oh--angry like a beast? Tsk tsk tsk...” umiling-iling ito. “Don't. We just need your little bit of cooperation.” “Let. Them. Go.” He laughed again, mocking me. “Not unless you follow my instructions. The more you obey me, the more your family will be safe.” muling inabot nito sa akin ang cellphone. “Send those files--” “Mga hayop kayo--Let them go! Wala silang kasalanan para idamay niyo!” “Curtis!” sabad ng baritonong boses. Pumasok yung lalaking inutusan. May nakasunod na isa pang matangkad na lalaki. Blonde ang alon-alon na buhok hanggang balikat. Napakunot-noo ako ng matitigan ko ng malapitan ang kanyang mukha. He looks... familiar. “Where's his phone?” inabot sa kanya ng pinakalider ang cellphone ko. Tinitigan nito ang screen niyon saka muling nag-angat ng tingin sa lalaki. “Give Katniss an oversees call. Tell her to bring Miss D here ASAP. Gonzalvo's men hunting her.” “Right away, boss.” sabay labas ng kwarto. Inabot naman sa akin ni Louie ang cellphone. “E-send mo ang lahat ng 'yan kay Gonzalvo--” “Pakawalan niyo muna ang mag-ina ko!” “Magiging abo sila kapag 'di mo sinunod 'tong pinapagawa ko sayo.” May dinukot ito sa bulsa. Maliit na remote control. Pinindot iyon. I loudly cursed. Sunod-sunod tumulo ang luha sa aking mga mata ng makita ko sa monitor na may nakakabit ng bomba sa mag-ina ko. Mabilis kong hinablot ang phone kong inaabot nito sabay send ng mga files sa email add ni Boss. Paulit-ulit akong umusal ng dasal sa isip para sa kaligtasan ng mag-ina ko at humihingi ng tawad kay Boss James baka ako pa ang maging dahilan para masira ang samahan nilang magbabarkada... naming magbabarkada. I don't want that to happen, but I have no any other choice! “FYI your phone is bugged. Lahat ng pumapasok diyan at lumalabas ay nakamonitor sa'min. So don't you dare do such stupid things. In just one click, your wife and beloved son will explode in no time.” Inabot ko sa kanya pabalik ang phone. “Nagawa ko na--” “We just started, Curtis.” sabad nito. “Hindi pa diyan matatapos ang trabaho mo.” “What?” He evily smirked, then nodded to the guy behind me. Malakas akong napasigaw ng bigla na lang ako nito tinusok ng matulis na bagay sa braso. “No worry, hindi yan lason. Tracking device lang yang ibinaon sa balat mo.” “f**k--” Napatingin ako sa phone ko ng mag vibrate iyon. Third calling... Hinablot iyon ng lalaking tumurok sa akin saka muli ring ibinalik. Nasagot na ang tawag and in loudspeaker. “Yes, hello?” boses ni Third sa kabilang linya. Tiningnan ko si Louie na seryosong nakatitig din sa akin. Nilingon ko ang nakabukas na monitor saka muling niyuko ang screen ng phone ko. “Bro--” “Hinahanap ka ni Beast--” “Sinong beast?” “Sino pa ba sa tingin mo? Pinapapunta ka dito mismo sa bahay niya ASAP as in NOW NA!” Muli kong tiningnan si Louie. Tumango ito. I gulped. “P-Papunta na ako--” “Bilisan mo! Double time!” “I'm on my way na--” “Ano na naman ba yung senend mo sa kanya, ha?” “Si Boss na lang tanungin mo.” “Wala--galit na galit. Winasak yung phone niya. Sige na. Bilisan mo na.” then he ended up the call. Malakas na umalingaw-ngaw ang ibang call ringtone sa buong kwarto. Dinukot ni Louie ang phone nito sa bulsa saka sinagot ang tawag. “Yes speaking...” ilang minuto itong nakinig lang sa kausap sa kabilang linya habang nanatiling nakatitig sa akin saka tumango-tango. “Copy.” “Makipagkita ka kay Gonzalvo.” wika nito habang sinusuksok pabalik sa bulsa ang cellphone. “I'm sure magtatanong siya about do'n sa mga pinadala mo sa kanyang report. Alam mo naman na siguro ang mangyayari sa mag-ina mo kapag nagkamali ka ng sagot, Curtis. And one more thing, kapag nagtanong about sa hideout namin sabihin mo sa West Harlem--” “Sa East Harlem kayo diba?” “I said WEST HARLEM! Hihintayin namin sila doon.” tinanguan nito yung lalaki sa likuran ko. Ngali-ngaling sipain ko ang mukha ng kasamahan nito ng kalagan ang tali sa aking paa. Kinaladkad pa ako palabas. Patulak na pinapasok sa loob ng van. Nagsipasukan din sila. Tinutukan pa ako ng baril saka nilagyan ng piring ang aking mga mata. Umusad ang sasakyan. Iwan kung saan nila ako dadalhin. Nakailang paikot-ikot na kalsada ang dinaanan. Ilang minuto din ang tinagal ng byahe at muli iyon huminto. Tinanggalan ako ng piring saka hinatak palabas. Tinulak pa ako papunta sa nakaparadang motorsiklo ko doon. Kung pa'no yun napunta doon hindi ko alam. Bumaba ang bintana sa pinakaunahan. Lumitaw doon ang seryosong mukha ni Louie. “After niyong mag-usap bumalik ka kaagad dito. Kung gusto mong makita pang buhay ang mag-ina mo, you better watch out your mouth.” I glared at him murderously. “'Wag kayong magkakamaling kantihin ang mag-ina ko. Hindi niyo alam kung pa'no ako gumanti.” “Is that a threat, Curtis?” “Ginagawa ko ang sinasabi ko.” “Walang kaming paki. Walang puwang ang takot sa puso ng grupo namin, especially in our high and mighty boss.” “Hindi ikaw ang... big boss?” He laughed. “Thanks. I'm flattered, you know. Hindi ko in-expect na pag-iisipan mong boss ako.” then laughed again. Inabot ko ang helmet at isinuot iyon sabay sampa sa motorsiklo. Binato naman sa akin ni tattoo guy yung susi. Mabilis ko iyon nasalo. “May apat na oras ka lang sa labas, Curtis. Two hours sa bawat byahe balikan na yun. Estimated minutes lang yung pakikipag-usap mo kay Gonzalvo. I heard he's a cold-blooded guy, so, malamang may punching bag na magaganap, BUT limit your words. Less talk, less mistake, and your family will be safe.” tiningnan nito ang relong pambisig saka tinuro ang daan paalis. “Your time starts now. You may go.” Nakakuyom ang kamaong tinitigan ko ito ng matagal. He stared back at me. More fiercer and more dangerous. “Alam kong gwapo ako but don't waste your time staring at me, Curtis. Hindi ako pumapatol sa lalaki BUT your WIFE--” Mabilis kong pinaharurot ang motor paalis na ikinahagalpak ng tawa nito. PAGDATING ko sa mansyon ni Boss, nanginig ang kalamnan ko ng makita kong lampas dalawang oras yung byahe ko. Dali-dali akong bumaba. Ipinarada lang sa labas ng gate yung motor. Patakbong pumasok matapos pagbuksan ng gate ng guwardiya. “Bakit ngayon ka lang--” Napakunot-noo si Third ng mabistahan ang itsura ko. Pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hinablot pa ang braso ko. “Aww--!” nakangiwing daing ko ng mahawakan nito yung tinurukan saakin ni tattoo guy. Pailalim ako nitong tinitigan at diniinan lalo iyon. Pinigilan kong huminga. I gritted my teeth, hard... trying to hide the pain. “What happened to you?” “Wala--” “Liar.” binitawan ako nito. “Nandito silang lahat except boss Wayne. Wala din sa huwisyo si Boss James dahil sa report mo. Kilala mo kami. Hindi kami nang-iiwan ng kaibigan sa ere. Lumalaban kami ng p*****n. 'Wag mo sanang kalilimutan yun, Curtis. At sana hindi mo pagsisihan 'yang ginagawa mo sa huli.” “You don't know what you're talking about, Third.” “You know who and what I am.” napalunok ako ng wala sa oras. “And I know you very well.” anito sabay talikod. Sumunod ako sa kanya. Pumasok ng secret door. Namutla ako ng makita ko ang itsura ni Boss. He was in full gear. Bigla akong nakonsensya sa nakikita kong sakit sa kanyang mukha. Pero may choice ba ako? Hindi ko alam kung ano ang laman ng mga files na pinapasend nila lagi sa akin. Bawal basahin, bawal tingnan. Maling galaw ko, maling sagot ko, bugbog ang inaabot ko. I felt sorry for Rashmin. Though she's the one who kídnapped my boss sister, but... she's not the real kìller! May fòul play na nangyari! Malapit ko na sanang matunton kung sino ang totoong gumawa no'n but... they caught me! Wala ding nakakaalam kung sino at nasaan ang mag-ina ko maliban sa mga malalapit na kaibigan ko pero pa'no nila nakuha ang mga 'yun? Paano nila natunton? Paano nila napasok ang bahay ko na maraming bantay? Not unless Darleen is the one who's behind of this crìme. I recently investigated her family background though. And I found out that her Dad... may kinalaman sa pagkamatay ng mag-asawang Gonzalvo. Tinanggap ko lahat ng suntok ni Boss. Natigilan pa ako ng sabihin nitong negative yung DNA result e alam naman ni... Tiningnan ko si Boss Ry pero senenyasan ako nito gamit ang mata. So, Santos and Suarez were right all along. Pinagtatakpan ni Darleen ang totoong kriminal. Or maybe siya ang totoong pumàtay sa kapatid ni Boss at si El Salvador lang ang idinidiin? Kaya ba tinatago ni Clayde yung positive result ng DNA test ni El Salvador? Kaya ba napasugod pabalik ang babaeng yun sa Italia hindi dahil sa nag-aalala siya kay Boss James kundi pinatawag sila ni Wrath para hanapin si El Salvador? Malamang siya rin ang dahilan kung bakit na-reversed nila agad yung ginawa ni Clayde sa security server sa Re Drago Edificio. And I conclude that Wrath's spy agent and assassin named Miss D is none other than Darleen--fùck! Ba't ngayon ko lang naisip yun--t'ngna! Bumalikwas ako ng bangon. Walang paalam na tumakbo palabas. Nagkabanggaan pa kami ni Santos sa pagmamadali ko sa sala. “f**k--Curtis--hey wait!” Hindi ko ito pinansin. Deri-deritso akong tumakbo palabas ng gate. Kaagad sumakay sa motor. “Curtis!!” narinig ko pang sigaw nito ng paharurutin ko ang motor palayo. Nakita ko pa sa side mirror na sumakay din ito ng kanyang motor. Hinabol ako. I cursed then speed up the motorbike. Kung saan-saan ako lumusot para lang mailigaw ito. Nakahinga akong maluwag ng makita kong hindi na ako nito nasundan pa ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng may biglang humarang na itim na van sa daraanan ko. Luckily, I hit the brakes right away. Pero nasubsob pa rin ako sa unahan. Hindi pa nga ako maka-get over sa nangyari nang may dalawang maskuladong lalaking lumabas doon, basta na lang akong dinampot at kinaladkad papasok sa loob niyon. Haragan pang tinanggal ang suot na helmet ko, binigay sa kasamahan nito bago pinasibad ang sasakyan palayo. Hindi na nila nilagyan ng piring ang mga mata ko kundi kaliwa't kanan na suntok at sipa ang pinadapo nila saan mang parte ng katawan ko. I groaned in pain. Ininda ko ang lahat ng iyon hanggang sa huminto ang sasakyan. Lupaypay na kinaladkad palabas. Pumasok sa elevator. Umandar iyon pataas. Pagbukas niyon muli rin akong kinaladlad. May dinaanan kaming pasilyo. Paglabas sa dulo, basta na lang nila akong hinagis. Gumulong ako sa lapag. Nauntog pa ang ulo ko sa paanan ng sofa. Napadaing ako sa sakit. Hanggang sa napabalikwas ako sa kinahihigaan. Hinanap ang TV na nag-iingay. Nanlaki ang aking mga mata sa nakitang balita. Nakalimutan kong huminga. Nablangko ang utak ko. Saglit na huminto sa pag-ikot ang mundo ko sabay... “Nooooooooooooo!” Bumulwak ang masaganang luha sa aking mga mata. Nanghihinang bumagsak ng nakaluhod sa lapag. Malakas na humagulhol habang nakatutok ang mga mata sa TV. Hindi makapaniwalang nagawa nilang sunugin ang mag-ina ko. Ganun kahalang ang bituka nila! “Louie!!” dumadagundong na sigaw ko. Nagliyab ang buong katawan ko sa subrang galit. Dahan-dahan akong tumayo. Nakakuyom ang kamaong nilingon ang mga tauhan sa likuran ngunit matigas na bagay ang sumalubong sa akin. Mabilis ko iyon nahawakan sabay sipa ng malakas sa isa pang lalaking sumugod sa akin. Dinakma ko ang buto sa lalamunan nito at binali iyon. Gamit ang pamalong nabitawan nito, malakas kong hinataw ang ulo ng isa pang tauhan. And gave a spinning back kick to the other one. Hanggang sa pinagtulungan na nila ako. Hindi ko hinayaan na ni isa makatama man lang sa akin. Lahat sila binalian ko ng leeg. “Dadddddy--let me gooo!” “Shut up!” Marahas akong napalingon sa likuran ko. Nabitawan ko ang kahoy. Umawang ang labi sa aking nakita. Nakatutok ang mga baril sa asawa't anak ko. But... how does that happen? How come they're still alive--oh fùck! Humakbang palapit sa'kin si Louie. Pagkahinto sa harapan ko malakas akong sinikmuraan sabay hablot sa kuwelyo ng damit ko. “How dare you disobey me--” “Sinunod ko lahat--arrggh!” daing ko ng suntukin ako nito sa mukha, bumagsak ako sa lapag. Muli ako nitong kuwenilyuhan. “Didn't I tell you that your phone is bugged?” kinapa nito sa bulsa ko ang phone saka pinakita sa akin ang likod niyon. Napamura ako sa isip ng makita kong may nakadikit din doon na audio device. “See this, huh?” sabay suntok ulit sa aking mukha. “Sa susunod na suwayin mo ako, hindi lang kagaya no'n sa balita ang gagawin ko sa mag-ina mo.” pabalang ako nitong binitawan. “Ayusin mo 'yang sarili mo. Umuwi ka sa inyo. Act as if mag-ina mo talaga ang nasunog. Wala ng lamay-lamay, ipalibing mo kaagad.” “Wala kayong kasing sama!” He scratched his nose. “Patay na ang mga yun. Galing morgue. Tsaka may puso pa rin ako kasi na libre na sila ng crèmate.” tinuro nito ang mag-ina kong namumutla't nanginginig na sa takot. “I'll give you another chance, and this gonna be my last warning. If you disobey me again, pasensyahan na lang tayo.” ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2024
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD