Beloved Tyrant 28

2936 Words
RALD JAMES GONZALVO “TAWAGAN MO SI CURTIS.” halos hindi kumibot ang mga labing wika ko kay Third na tulalang nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at sa nawasak na cellphone. “Gusto ko siyang makausap bago tayo umalis.” Hindi ito umimik. Humarap ako sa kanya at tinitigan ng nagbabaga kong mga mata. “Ralph Allen Third Manrique--” “Ah--yes...” napakurap-kurap ito sabay tikhim. “Bakit, ano na naman ba yung ni-report niya sayo? Tsaka saan tayo pupunta? May jetlag--” “I SAID CALL HIM!” dumadagundong na sigaw ko sa kanya. “Tawagan mo silang lahat except Santiago! Papuntahin mo dito. Kung ayaw pumunta, 'wag mo ng pilitin. Kaya kong harapin 'to mag-isa. I'm not afraid to die anymore, but make sure Curtis is here. I need to talk to him in person ASAP!” “Pero Bro kakagaling lang natin sa bakbakan--” “Just do as I said!” muling sigaw ko. “Gawin mo kung ayaw mong mabaling sayo ang galit ko.” sabay talikod. “Sucks--you're an uncontrollable beast--yes, hello? Hinahanap ka ni Beast--sino pa ba sa tingin mo? Pinapapunta ka dito mismo sa bahay niya ASAP as in NOW NA! GOOD! Bilisan mo! Double time!” narinig ko pang wika nito. Pumunta ako sa kwarto ko. Nagpalit ng itim na overall na damit. Saka malalaking hakbang na tinungo ang secret door bitbit ang itim na jacket. Dumeritso ako sa underground. Kumuhang bulletproof vest sa loob ng built-in glass cabinet at isinuot iyon. Then, I wrapped the thigh holster around my legs, both sides. And took two knives, a couple of magazines, and two silencer guns, too. Sinuksok ko sa magkabilaan ng hita ko. “We heard you have been kidnapped yesterday tapos pagdating na pagdating mo dito sa States naghahanap ka na naman agad ng gyera?” boses ni Migz kasabay ng pagbukas ng secret door. Hindi ko sila nilingon. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa. Dinig ko ang mga yabag nilang naglalakad palapit sa akin. “Nagsasawa ka na ba sa buhay mo, Bro?” segunda ni Ryan. “Hindi mo kailangang sumama kung naduduwag ka.” kumuha pa akong dalawang baril at isinuksok sa likuran ko, yung isa naman sa harapan ng bewang ko. Dinampot ko ang jacket sa lapag saka hinarap sila. “Pumunta ba kayo dito para samahan ako or para sermunan ako?” “Tingin mo superhero ka 'di tinatablan ng bala?” hindi makapaniwalang bulalas ni Keith. “Muntik ka ng mamatay, bro!” “Siguro kung namatay nga ako baka natuwa pa kayo--” “JAMES!” galit na sigaw ni JM. “Nababaliw ka na ba talaga?” Umiling ako saka tumawa ng mapakla. “I'm telling you, bro, you couldn't have a guts to ask me that if you were in my shoes. Hindi niyo ako maintindihan kung bakit nagkakaganito ako dahil yung panlabas na anyo ko lang ang nakikita niyo. Pero ito...” malakas kong sinuntok ang dibdib ko ng paulit-ulit pati ulo ko kasabay ng pagtulo ng masaganang luha sa aking mga mata. “Itong dalawang 'to kunti na lang... kunting-kunti na lang malapit ng bumigay.” “O ba't hindi ka mag-open up saamin kung hirap na hirap ka na? Tropa tayo, bro! Pamilya ang turing namin sayo. Kung pagod ka na e 'di magpahinga ka sa'min!” “Alam kong may kanya-kanya din kayong problema. Ayokong magdaing ng magdaing ng problema ko sa inyo.” “Akala ko ba OK na ang lahat kasi nahuli mo na yung SPY ni Wrath--” “Na inasawa niya,” sabad ng boses ni Third. Lumabas ng secret door kasama ang namumutlang si Curtis. “Tapos binuntis niya pa. They're having a baby soon.” “What?!” bulalas nina Keith, Migz and JM. Si Ryan tahimik lang na nakatingin sa akin. He seems like he knows everything. Sabagay tauhan nito si Third. Ano pa nga bang aasahan ko sa tsismosong lalaking yun? “A-Anong inasawa?” “Anong binuntis?” “Ano yung... you mean yung...” naguguluhan na tinuro ako ni Migz kay Third. “...yung kasal nila no'ng t'ngnang Darleen na yun...” bigla na lang itong humagalpak ng malakas na tawa. Hinampas-hampas pa sa balikat si JM. Binatukan naman ito ni JM. “Tumahimik ka nga!” “Joke yung wedding?” Migz laughed even more. Halos gumulong na sa sahig kakatawa na para bang may nakakatawa sa pinag-uusapan namin. Ako na lulugo-lugo, siya na tawang-tawa at yung dalawa na gulong-gulo. Meaning... Third, telling me the truth. Na-wrong send lang siguro ang Santiago na yun sa GC kaya nalaman nila and since tahimik lang si Ryan, para sa kanya malamang yung mensahe. “Isa, Miguel. Lulusot ka sa pader na yun kapag 'di ka pa tumigil.” “Sorry Kuys, but I just can't help it to laugh.” maluha-luhang wika nito. Tinaas pa ang isang kamay sa harapan ko. “Sorry Bro ha... hindi ko lang in-expect na may plot twist pala yung wedding niyo ni Darleen. Like... what the f**k? Nagluksa ako no'ng kinasal ka tapos ngayon malalaman ko na peke pala yun... Bro parang gusto ko magpa-Party ngayon--really. And I want to meet your real wife in person. Gusto ko siyang pasalamatan sa pagsalba sayo sa kumunoy.” natigilan ito ng makita ng reaksyon naming lahat. Tiningnan pa kami isa-isa. “What's wrong? May mali ba sa sinabi ko?” Tinuro ako ni JM. “Problemado ang isang 'to tapos nagagawa mo pang tumawa diyan--” “Problemado saan?” tiningnan ako ni Migz. “Pinuproblema mo yung SPY ni Wrath na inasawa't binuntis mo?” kunot-noong napatitig ako sa kanyang mukha. “Oh--come on, wake up, man! Open your eyes! Hindi ka gagawa ng panghabambuhay na desisyon kung wala kang kakaibang nakita sa spy na yun!” “That's the biggest mistake I've made, but my heart keeps telling me that... that's the best ever choice I've ever chosen in my entire life. Pakiramdam ko tama lang yung desisyon ko pero...” tinanaw ko si Curtis na tahimik lang sa tabi ni Third. “Sabihin mo sa akin ang totoo. Sabihin mo sa'kin na tampered ang lahat ng 'yun. Na... hindi totoo ang mga yun, please? Tell me that my wife is innocent. Na ginamit lang siya ni Wrath at sinisiraan ng grupo ni Darleen.” Sunod-sunod itong umiling saka yumuko. “Curtis...” untag ni Ryan. Kaagad naman itong nag-angat ng tingin. Worries, fears, and anger were visible on his face. Saglit lang iyon nakiraan. Lumungkot ang kanyang mukha saka nawalan ng reaksyon. “Tell him the truth, Curtis.” Tiningnan nito si Ryan saka lumipat sa akin ang kanyang mga mata. “L-Lahat nang yun...” he paused, then took a heavy sigh. “Reliable ang source ko--” Malalaking hakbang ko itong nilapitan sabay suntok ng malakas sa kanyang panga. Bumalandra ito sa lapag. Gigil kong dinaklot ang kuwelyo ng kanyang damit saka dalawang magkasunod na sinuntok sa kanyang mukha. “Magsabi ka ng totoo!” dumadagundong na sigaw ko sa kanyang mukha pero hindi ito nagsalita. Patuloy lang sa pag-iling. Muli ko itong inundayan ng suntok. “Tell me the fúcking truth!” “Yun ang totoo! Siya yung tumangay sa kapatid mo!” “Kung siya, bakit negative yung result ng DNA niya? Bakit hindi nagtugma dun sa nakuhang blood sample sa kidnapper, ha? Bakit?!” Natigilan ito. Nilingon ang gawi ni Ryan saka muling sinalubong ang aking mg mata. “Mag-iimbestiga ako ulit--” “You better do that, Curtis!” sabad ko sa kanya. “Siguraduhin mong detalyado ang lahat ng erereport mo sa akin with matching video. Do you understand?!” “Y-Yes boss.” “Saan ang lungga ni Hugo Mancini Fontana?” “H-Hindi ko--” “Saan?!” “Delikado pasukin--” “Sabihin mo kung saan?!” “West Park Tower!” “Nalaman niyo na ba nina Suarez at Santos kung nasaan ang main den nila dito sa States?” He shook his head again. “N-NO. H-Hindi pa.” Mabilis kong hinugot ang baril at tinutok sa kanyang noo. “Sasabihin mo sa akin o tutuluyan kita?” “Sa... sa--” “Saan?!” “Sa East Harlem ang hideout nila! And I'm warning you all, delikado sa lugar na yun! Kapag pumasok kayo, hindi na kayo makakalabas pa ng buhay!” Pinanliitan ko ito ng aking mga mata. “Bakit parang... takot na takot ka--I mean--” “T-They are... terrifying! Don't go there!” Pabalang kong binitawan ang kuwelyo ng damit nito saka umayos ng tayo. “Imbestigahan mo si Darleen. I want a new report. Gusto kong kalkalin mo ulit yung nakaraan na nangyari sa mga magulang ko from the start. Isama mo yung Daddy niya. Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit nandun siya mismo sa loob ng kwarto ng mga magulang ko at kung sino ang bumaril sa kanya. You may leave--” “'Wag kayong pumunta ng East Harlem--” “I said leave! NOW!” “'Wag kayong pumunta, please.” bumalikwas ito ng bangon. Walang paalam na tumakbo palabas. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga saka sumunod dito pero kaagad din akong natigilan ng pigilan ako ni Keith sa balikat. “Hindi tayo susugod sa kuta nila ng walang plano.” “Hindi niyo na kailangan--” “James,” pinigilan din ako ni Ryan sa kabilang balikat ko. “Sasama kami sayo pero 'wag ngayon. Pagplanuhan muna natin.” “I second the motion.” masayang wika ni Migz. “Walwal na lang tayo!” “Mabuti pa.” segunda ni JM. “You can have our shoulders to cry on, Bro.” “Pag-usapan natin 'yang problema mo.” wika ni Keith. “Will cook special pulutan para diyan.” sabad ni Third sabay layas. Pinagtulungan nilang tanggalin lahat ng mga armas at bulletproof vest sa katawan ko saka ibinalik sa lalagyanan. Pagkatapos kinaladkad ako papunta sa theater room. Pinaupo ako sa pinakagitnang recliner sofa with two cup holders. Nagkanya-kanyang alis. Pagbalik, may kanya-kanya ding dala; ilang bote ng alak, may nakalagay sa bucket at can beer, mga goblet, tube ice, mga pagkain. Nilapag ang mga iyon sa gitna ng mahabang mesa na nasa harapan ko. “What are we going to watch?” tanong ni Keith. “Star wars or Tekken. Maganda ang mga yun!” excited pang wika ni JM. “Or baka gusto niyong e try yung K-drama?” nagkatinginan kami sa sinabi Ryan saka kunot-noong napatutok sa kanya ang mga mata. “O ba't ganyan kayo makatingin?” Muli kaming nagkatinginan sabay hagalpak ng tawa. “Ito,” nakatawang turo ni Keith kay Ryan. “Tatahi-tahimik lang pero lakas magpatawa. Mahilig ka pala no'n? Para kang si Aishleen, nakow, adik yun. Magdamag dilat ang mga mata.” “What a coincidence. Albor ko na lang siya para may kasama ako sa bahay--” “Ogag 'to--anong albor?” “Hoy--tama na 'yan baka kung saan pa 'yan mapunta.” tinulak ni JM palayo si Keith. Umiiling na napakamot naman sa ulo si Ry, inayos ang bucket ng alak sa mesa. “Pumunta tayo dito para damayan si James hindi yung magrambulan kayong dalawa.” “Ito kasi e--hmp!” sabay amba ng suntok. “Niluluko ka lang, sineryoso mo naman agad.” muli nitong tinulak si Keith. “Check mo na yung projector ng makapanood tayo ng magandang palabas.” “Umayos ka Aragon.” duro pa nito kay Ry. “Baka nakakalimutan mong kapatid ko yun and a fúcking minor! Baka gusto mong matapyasan ng itlog?” “Hoy--relax lang, ano ba!” saway ni Migz. “Partida, wala pang tama ng alak 'yan ah.” “Ang lala no'n ah.” nakatawang sabad ng papasok na si Third, may bitbit na dalawang malaking tray na puno ng pagkain. Humahalimuyak ang bango sa loob ng theater room. “Hindi pa nga maka-first base si boss tatanggalan mo naman kaagad ng kaligayahan.” Ryan chuckled, too. “I just found her kinda cute and like a baby to me--I mean baby sister. No worry, she's safe with me bro. Will protect her as always.” I took a heavy breathe and lean back on the couch. “I feel like I just wanna be alone.” “Sabi na nga, Alone In The Dark daw gusto niya.” banat ni Miguel. “Ano pang hinihintay mo Keith? Kilos na! Hanapin mo na yung movie. Bagal-bagal ahy.” “Baka gusto ni Boss James kumanta ng Alone by Celine Dion?” tiningnan ko ng masama si Third. Tumawa naman ito sabay dampot ng can beer at pabagsak na naupo sa katabi kong sofa. “Opo. Yes po. Nakukuha po ako sa tingin, Boss.” “Hindi ako natutuwa sainyo. Alam niyo ba yun?” “Echos lang 'to oy! To divert your mind--” “Kumilos ka na kasi. Daming sinasabi!” Tinulak muli ni JM si Keith. Nakatawa itong tumalima. Dinampot naman ni Migz ang isang bote ng Red Horse at inabot sa'kin. “O hayan. Walwal na. Ilabas mo lahat ng sama ng loob diyan sa dibdib mo.” nakairap ko iyon hinablot sabay tungga. Natigilan sila ng e bottoms-up ko iyon. Pabagsak na inilapag ang bote sa mesa saka humingi pa ng isa. Nagkatinginan sila pero kaagad din akong binigyan ni Migz. Muli ko iyon tinungga. Hanggang sa tinamaan na ako't nagsimula ng magdrama. Hinainan ako ng hinainan ni Migz ng alak. “Pa'no kung na in love ka sa babaing binihag mo? Anong gagawin mo?” “Susundin ko yung puso ko.” sagot ni Migz. “Mahirap yun kalabanin e.” “But use your head too.” dagdag ni JM. “Sundin mo yung puso mo pero 'wag mong kalimutan yung utak. Kahit mahirap paganahin mo pa rin. Kaya nga nakalagay sa ulo yung utak at yung puso sa chest e. Think before you decide. 'Wag puro utak. 'Wag din puro puso. Dapat balance. Dapat tugma yung dalawa.” “Pa'no kung siya pala yung dahilan kung bakit namatay yung kapatid mo? Anong gagawin mo?” “I told you, hindi ka ma-e-in love sa kanya kung wala kang nakitang mabuti sa ugali at personality niya.” sagot ni Third. “Agree,” segunda ni Keith. “Yung mga taong likas na masasama at nagbabalatkayo lang, kahit anong tago nila, lalabas at lalabas pa rin ang tunay na kulay nila.” “Pa'no kung pinapasakay niya lang pala ako?” “Use your eyes.” sagot ni Ryan. “Makikita mo't mararamdaman yun sa kilos niya kung pinapasakay ka lang or kung totoo yung pinapakita niya sayo. Yung words pwedeng e-sugarcoat, yung action pwede rin. Pero yung eyes? That's the mirror of our soul. Doon mo makikita kung nagsisinungaling ang isang tao o hindi. You can see it in her eyes even just the slightest reaction that she's trying to hide. Both innocence and evilness.” “What if she's expert on it?” “Like I said, you can feel it, bro. Minsan mape-feel mo na parang may kakaiba sa taong yun. Someone once said... If you want to know someone's mind, listen to their words. But if you want to know their heart, watch their actions.” “What if pati yung mga taong pinagkakatiwalaan mo ng subra pinagkakaisahan ka rin pala? Pa'no kung pati sila may tinatagong sekreto? Pa'no kung involve din sila at hinahadlangan ang hustisyang matagal mo ng hinahangad na makamit? What would you do?” “Ang mundo puno ng kasinungalingan.” wika ni Keith. “Puno ng mapagkunwari. Puno ng mandurugas. Puno ng kasamaan. Pero 'wag mong lahatin dahil sa bilyong taong nabubuhay dito sa ibabaw ng mundo meron pa ring tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sayo. Handa kang damayan at itaya ang buhay para sayo. Lagi mong tatandaan bro, lahat tayo nagiging masama depende sa kwento ni Marites. Pero kahit ganun, sana 'wag mong kalilimutan ang lalim ng pinagsamahan nating magbabarkada. Pag-isipan mo na ng masama yung iba, 'wag lang kaming lima.” “Teka, kayong lima lang?” angal ni Third sabay turo sa sarili. “Others ako? Alalahanin niyo sa tambak ng tauhan niyo ako lang ang nandito.” “Malay namin baka spy ka--” “T'ngna niyo!” biglang napatayo si Third sa kinauupuan saka tiningnan si Ry. “Ipagtanggol mo naman ako, Boss.” “You have my full trust. Luto ka ulit ng pulutan. Ubos na e. Ginawang kanin ni Migz yung sisig.” Biglang naibuga ni Migz yung laman ng bibig. Sunod-sunod na napaubo. Then laughed wholeheartedly. Lumipas ang oras. Hindi ko na din alam kung ano na ang ginagawa ko, kung ano na yung mga sinabi ko sa kanila, kung ano yung paulit-ulit na tanong ko. Namalayan ko na lang nasa banyo na ako. Nakasalampak sa lapag. Nakayakap sa bowl at nagsusuka. May humahagod sa likod ko. May pabalik-balik na yabag. May nagpupunas ng malamig na yelo sa mukha ko habang nagtatalo-talo sila ba't ako nilasing ng todo. “That's the purpose diba? Ang lasingin siya.” “Lalasingin lang hindi papasukahin. Halo-halo yung binigay mong inumin--boang ka.” “Boss!” humahangos na boses ni Third. “Nasa balita yung pamilya ni Curtis!” “Anong nangyari?” chorus nila. “Nilooban yung bahay ng 'di kilalang mga armadong kalalakihan. Hindi lang yun, sinunog pa yung bahay kasama yung mag-ina niya! Hindi ko na rin siya makontak!” “Ano?!” ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2024
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD