RALD JAMES GONZALVO
“Luluwas ka ng bansa?” bulalas ni Third. “Why?”
“Basta.” binalingan ko ang mag-asawang Calderon. “Dito po muna kayo pansamantala kay Clayde--”
“Hindi pwede--”
“Sa ayaw at sa gusto niyo hindi po kayo pwedeng umalis dito.” sabad ko kay Tito Cedric. “Siguradong babalikan kayo ni Giuseppe Fontana.”
“Yung mga anak naming sina Luigi at Caitlin ang babalikan nila kapag--”
“Mga tauhan ko na po ang bahala sa dalawang anak niyo.” agap ko kay Tita Zaniyah.
“Tiyak hahanapin kami ng mga yun!”
“You can talk to them whenever you want gamit yung phone ni Clayde. Pero hindi niyo pwedeng sabihin sa kanila kung nasaan kayo or anything about sa nangyari sa inyo. Ayaw niyo naman po sigurong maapektuhan ang pag-aaral no'ng dalawa at mag-alala sa inyo diba po?”
Matagal akong tinitigan ng mag-asawa saka nagkatinginan sila. Saglit na nag-usap sa mga mata saka muling nag-angat ng tingin sa akin at tumango.
“Salamat James.” chorus nila.
I nodded. “Mind if I ask kung... saan niyo po natutunan yung fighting skills niyo Tita? Masyado po kayong magaling makipagbarilan kanina sa paningin ko. Yung bilis ng kilos niyo, yung stance, paghawak ng baril pati yung galaw ng mga mata niyo... kakaiba. Iisang tao lang ang nakitaan ko ng ganung galawan.”
Muling nagkatinginan ang dalawa saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Tita.
“Spy agent din ako before. Daddy ko si Jefferson Cooper. Deputy director ng CIA na kinabibilangan ng Daddy mong si Jaime Gonzalvo at mga kaibigan niya.”
“S-Spy agent po kayo?”
She nodded. “Military nurse din ako before.”
Umawang ang labi ko sa gulat, muli din iyon isinara sabay lunok.
“Where can I find your Dad, Tita? Pwede ko po ba siyang makausap?”
“Why?”
“Gusto ko lang po magtanong sa kanya about sa Daddy ko.”
Lumungkot ang mukha nito. Nilingon ang asawa saka muli din akong tiningnan.
“He's dead. Pinatay siya ni Marverick Lewis.”
“Marverick Lewis?”
“Yeah. He's one of the CIA agent na hawak ng Daddy ko at nagtraydor sa grupo.”
Tumingin ako sa malayo. Malalim na nag-isip. Pero walang ibang umiikot sa utak ko kundi ang maamong mukha ni Rash at nakakatuliling boses ni Ona habang sinisigaw ang pangalan niya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at ipinilig ang ulo. Sunod-sunod akong nagpakawala ng marahas na buntong hininga. Trying to control my anger that is continuously boiling.
“Si Clayde na lang po bahala sa inyo. Excuse us.” tiningnan ko muna si Third bago humakbang palabas at tinungo ang rooftop.
SAKAY ng chopper nagpaderitso ako kay Third sa isa pang bahay ko sa Makati.
Pagkalapag sa rooftop, kaagad akong bumaba.
“Hindi ka man lang ba magpapaalam sa asawa mo bago umalis ng bansa?” habol sa akin ni Third.
Huminto ako sa paghakbang saka nilingon ito.
“Wala akong matandaan na sinabihan na may asawa na ako. Sino nagpakalat ng tungkol diyan? Si Cyrus--”
“NO! Si Boss Wayne!” sabad nito sabay mura.
I cursed, too. “Mahigit dekada na kaming magkaibigan pero ngayon ko lang nalaman na tsismoso pala ang Santiago na yun.”
“Actually na wrong send lang siya sa GC. Denelete din kaagad.”
Nagdugtungan ang mga kilay ko sa sinabi nito. “Na wrong send sa GC? So kanino niya dapat yun esesend kung ganun?”
Nag-akto itong nilagyan ng zipper ang bibig. “Ikaw na lang magtanong sa kanya--”
“Malamang alam niyong lahat--t'ngna!”
“Best wishes, bro.” nakangiti pang bati nito. “Sasama ako pabalik ng States. Libre mo na yung ticket ko ah, back and forth.” sabay layas.
“Aba't--Third!!”
Nakangiting humarap ito sa akin. Naglalakad pa din pero paatras na.
“Bayad yun sa pagligtas ko sa buhay mo. Since twice kitang niligtas ngayong araw, twice mo din akong lilibrehin. Ngayon na yung una. Yung pangalawa pag-iisipan ko pa, OK? Thank you in advance--oh, wait... you owned the plane pala. Patulog na din sa cabin mo buong byahe ah.” saka tuluyan akong iniwan.
Naitulos naman ako sa aking kinatatayuan. Hindi makapaniwala sa aking mga narinig. Nakasunod ang mga mata sa kanya hanggang sa mawala sa paningin ko.
Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga. Humakbang papunta sa mahabang bench na nasa gilid. Pabagsak na naupo doon. Itinukod ang mga siko sa ibabaw ng hita ko. Problemadong sinapo ng dalawang palad ang ulo.
My wife is now pregnant with my child.
My first unborn child.
Bakit ngayon pa kung kailan lumalala lalo ang sitwasyon?
Bakit kailangan siya pa--fùck!
Tumayo ako. Tumanaw sa malayo.
I wanna see her.
I wanna hold her.
I wanna kiss her and make love to her till dawn.
But my uncontrollable anger... flame of hatred boiling inside of me. Growling for revenge. Hindi ako sigurado kung makokontrol ko ang sarili kong hindi siya saktan. Baka mapatay ko... siya. And I don't want that to happen!
I don't wanna hurt her!
I don't wanna hurt her!
I don't wanna hurt her--fùck!
Malalaking hakbang na bumaba ako ng rooftop.
Naabutan ko si Third na feel at home na feel at home na nakasalampak sa sofa. Naka de kwatro ang binti. Nakabukas ang malaking flatscreen TV sa harapan. Sari-sari din ang pagkain na nasa center table. Meron pang ilang beer in can.
Nakapamewang na tumayo ako sa harapan nito. Blocking his view to the flatscreen TV. Bigla itong napabangon sabay senyas sa akin.
“Hoy--umalis ka diyan! Hindi ko makita yung pinapanood ko!”
“Sarap ng buhay ah.”
“Ito yung pangalawang kapalit--”
“Tawagan mo yung ibang tauhan, yung piloto, including Steffi.” sabad ko. “Babyahe tayo mamayang--”
“Hindi mo pa sinasabi nagawa ko na kanina pa--layas na diyan! Tapos na yung palabas--fùck!”
Hindi makapaniwalang tinitigan ako nito ng damputin ko ang remote control at pinatay ang TV.
“Seriously?”
“Tawagan mo si Jelyn. Kumustahin mo ang lagay ni Darleen sa Hospital. Sabihan mo rin si Cyrus na magpadala ng tauhan doon. Ikulong nila ang babaeng yun kasama nina RS at Mhariss--”
“FYI tinutugis siya ng mga tauhan ni Giuseppe Fontana sabi ni Jelyn. Last na kita niya kay Darleen duguan na tumatakbo sa kalsada, hinahabol ng mga armadong kalalakihan.”
Napaisip ako bigla sa sinabi nito. Naalala ko yung nangangalaiting boses ni Giuseppe sa tauhan.
“You mean--”
“Yep. Jelyn saw everything. Senend niya kay Boss Wayne yung photo ng van na tumangay sayo kaya nahabol kita. Hindi pa naman ako nakakalayo masyado that time.”
“Bakit pinapatugis--”
“I dont know exactly the reason, but you see... this investigation is messy and full of chaos.” sabad nito. “'Wag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo, Boss. At higit sa lahat 'wag kang magpapadala sa bugso ng galit mo, utang na loob. Hindi mo alam baka inosente yung taong pinaghihigantihan mo. Ikaw rin, baka magsisi ka sa huli.”
My forehead creased at what he said. Parehas pa sila ng sinabi ni Clayde.
“So you're in my wife's side, too?”
He chuckled. “WIFE. Nice... good to hear na tanggap mo na siya as your wife.”
“THIRD--”
“OO naman YES!”
“Hindi ako nakikipaglukuhan sayo, Third.”
He took the beer and then sipped on it. “Base sa nasagap kong balita may amnesia ang asawa mo. Tapos naghahanap din siya ng hustisya sa pagkamatay ng mga magulang niya kaya pumasok siya sa teritoryo nina Wrath at Joaquin. Just like what you're doing, diba? Naghahanap ka din ng hustisya sa pagkamatay ng pamilya mo kaya pinasok mo ang kuta ng mga sindikato. Nag invest ka pa nga sa mga negosyo ng kalaban mo e.”
“'Magkaiba--”
“Pareho lang kayo, Boss.” sabad nito. “You two seeking both justice and revenge. Both innocent and deserve happiness. Can't you see? Pinagtagpo kayong dalawa ng tadhana.” tinitigan ako nito ng matagal. “Why don't you just let go of the grudges you were carrying more than a decades now inside your heart? Why don't you give yourself a chance to be happy? Maikli lang ang buhay dito sa mundo, Boss. Baka akala mo habang lumilipas ang taon bumabata ka.”
“Hindi mo alam ang sinasabi mo--”
“All your men highly praised your wife's Rashmin.” muling sabad nito na tila bang ayaw akong pagsalitain.
Kung kanina subrang galit ang bumabalot sa buong katawan ko ngayon naman matinding selos ang sumalpok sa akin. Nagdilim ang paningin ko ng pagtawanan ako ni Third habang nakatitig sa aking mga kamaong hindi ko namalayan na mahigpit ng nakakuyom pala.
“There's no denying that you really had feelings for her. That you really loved your wife so much. Why don't you pursue her? Why don't you just forget the past and move on?”
Umiling ako saka marahas na nagbuga ng hangin. Humakbang ako papunta sa single couch, bandang kaliwa nito at pabagsak na naupo doon. Inabot ko din ang isang can beer at tinungga ang laman niyon. Nakasunod sa bawat galaw ko ang kanyang mga mata. He even stared back at me when our eyes met and sent him my dagger eyes.
He sighed, then took his can beer too and gulped the whole content of it. “Kahit naman mabigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid mo wala na din naman sila. Hindi mo na sila maibabalik pa. Pati yung mga oras, araw, buwan at taon na lumipas na sinayang mo--I mean sinayang mo yung buhay mo. Nabulag ka ng subrang galit kaya hindi mo makita kung sino talaga ang totoong kakampi o kalaban. Hinayaan mong lamunin ang sistema mo ng subrang galit at paghihiganti na lang ang laman ng isip mo dahil sa nangyari sa pamilya mo pero naiisip mo ba Bro, kung nandito ang pamilya mo, tingin mo masaya kaya sila sa makikita nilang ginagawa mo sa sarili mo?”
“Hindi ako magiging ganito kung nandito sila.”
“Hindi yun ang pinupunto ko.”
“Nasaktan ko siya ng maraming beses... physically. Emotionally,” umiling ako. “Hindi ako sigurado kasi pinagtatawanan niya pa nga ako e. Nire-reverse psychology niya ako. The more I get angry, the more she's happy. Na para bang wala lang sa kanya yung masasakit na salita ko, mga pang-iinsulto ko sa kanya. Pero kapag pinipisikal ko naman siya at nakikita kong nasasaktan ko siya, imbes na matuwa ako doble yung sakit na nararamdaman ko. Naaawa ako sa kanya. Nakikita ko sa kanya yung kapatid kong si Raina Jayne. I even tried to drown her under the sea. Gusto ko siyang patayin. Pero no'ng nakita ko siyang nalulunod na... natakot ako. Takot na takot na baka mamatay siya. Subra-subra yung pag-aalala na naramdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Naguguluhan din ako sa sarili ko. I must admit na plinano ko talagang paibigin siya para makakuha akong info sa kanya pero hindi ko namalayan na hulog na hulog na pala ako sa kanya. Na natatakot ako na mawala siya sa akin kaya todo protekta ako sa kanya kay Darleen.”
I blink back my tears in my eyes, but some still drop on my cheeks. I quickly wiped out of it. Inubos ko ang laman ng can beer saka muling nagbukas ng isa at tinungga iyon.
“New HOPE is a vision of new tomorrow to forget the pattern in the past and face the present and think what would happen next, Bro. Ilang taon ka pa lang? You were financially stable. Million ang kinikita ng mga negosyo mo loob at labas ng bansa. May bahay at lupa na. You have your beautiful wife and may parating ng baby. Bakit hindi mo ayusin yang sarili mo and settle down?”
Sunod-sunod akong umiling. “Honestly, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin, kung ano ang dapat paniwalaan ko, kung ano ang gagawin ko... I'm on the verge of seeking revenge and protecting my wife at the same time. Natatakot ako sa maaari kong magawa sa kanya kapag nakita ko siya dahil sa t'ngnang report ni Curtis na nabasa ko. But I do really want to see her. Really. I wanna be with her.”
“O e 'di magpalamig ka na muna. Isantabi mo na muna 'yang napakabigat na bagahe mo. Kumikilos naman ang mga tauhan mo, including us. Ipapasan mo na muna sa kanila 'yang problema mo. Pinapahanap ko na rin pala si Darleen.”
“Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko napapatay sina Wrath at Joaquin.”
“Sino naman ang mga yun?”
“'Walang... nakwento sayo si Wayne or si Ry--OH f**k--never mind. Alam kong sinungaling ka rin kagaya nila.”
He laughed wholeheartedly.
KINAGABIHAN lumuwas kami ng bansa.
Pagdating ko sa bahay namin sa States kaagad kong tinawagan si Cyrus.
“How's my wife?” bungad ko kaagad sa kanya.
“She's not OK. Been emotional simula pa doon sa SM. She's worried sick about you, too.”
“Where is she? Can I talk to her for a moment?”
“Nandito ako sa control room--”
“Yung asawa ko ang hinahanap ko hindi ikaw.”
“Kaya nga. Nandito ako ngayon sa control room. Pupuntahan ko siya do'n sa kabila para makausap mo siya. Wait for a moment,” sabay baba ng tawag.
I waited for a couple of minutes. And some more minutes.
Hanggang sa nainip na ako sa tagal. Nagpabalik-balik na ako ng lakad. Muli kong tinawagan si Cyrus pero ring lang iyon ng ring. Natigilan pa ako sa sunod-sunod na pumasok na email galing kay Curtis.
Binuksan ko iyon. Nanginig ang mga kamay ko sa nakita kong mga litrato ng duguang kapatid ko at si...
“Hello..?” namamalat na boses ng babaeng pinakamamahal ko sa kabilang linya. “Rald?”
Tila niyamukos ang puso ko sa pinaghalong subrang sakit at galit. Bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata. Malakas akong napasigaw sabay bato ng cellphone sa pader. Nawasak iyon. Nagsipagtalsikan ang bawat parte sa kung saan-saan.
“Why does it have to be like this?!”
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2024