THIRD PERSON's POV
DARLEEN
Todo arte ako. Nangunyapit sa kanya. Subrang sakit ng tama ng bala sa tagiliran ko pero wala ng isasakit pa yung nakikita kong pag-aalala sa kanyang mukha na hindi naman para sa akin.
I heard Rashmin's voice!
Sigurado akong siya iyon hindi ang t'ngnang babae ni Wayne! Buhay ang malanding babaeng yun! Buhay siya at pinoprotektahan ni James!
Akala ko gagana yung plano ngunit kabaliktaran ang nangyari. Lumala lang ang sitwasyon!
Hindi ko akalain na basta na lang akong ilalapag ni James sa stretcher. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya pero binaklas niya iyon sabay dukot ng cellphone sa kanyang bulsa. Nagmamadali pang kinalikot iyon at may tinawagan. Nadurog ang puso ko ng makita kong lumiwanag kaagad ang kanyang mukha, nakatanaw sa malayo. Akma akong babangon para sana sundan ang tinitingnan niya...
I want to confirm it in myself that that bítch is still alive!
That my James is now in love to someone else!
And that girl none other than Rashmin El Salvador the traitor bìtch!
Pero yung t'ngnang medic na yun basta na lang akong ipinasok sa loob ng ambulansya.
“Aww--James!!” sigaw ko. I cried as if I'm in great pain. Trying to get his attention.
“Ma'am--”
Tinulak ko palayo ang lalaki saka muling sumigaw.
“James--baby!! I want you here beside me, please! Come here!”
“Teka, teka, teka, teka--Sandali! James--ano baaa!”
Pero imbes na siya ang pumasok, ang putanginang Jelyn ang--
“Jaaaaaaaaaaames!!”
Halos pumutok ang litid ng ugat sa aking leeg sa lakas ng sigaw ko ng basta na lang isinara ni James ang pinto. Kaagad din umandar ang ambulansya paalis.
Nagwala ako. Bumangon sa kinahihigaan pero kaagad din akong pinahiga no'ng lalaki. Pinagtulungan pa nila ako ng kasamahan nito. Pinagtutulak ko silang dalawa.
“Stop this damn ambulance!”
“Will you shut up!” singhal sa'kin ni Jelyn. “Ang ingay-ingay mo! Pati yung dalawang rumesponde sayo sinasaktan mo! Ba't hindi ka na lang kaya tumahimik diyan sa kinahihigaan mo ha?”
”Ikaw ang tumahimik! Si James ang tinatawag ko ba't ikaw ang pumasok?! Sino ba may sabi sayong sumama ka dito ha? Kaano-ano ba kita?”
Gigil na dinuro ako nito. “Tumahimik ka na!”
I glared at her with my dagger eyes. Binalingan ko yung lalaki.
“Sabihan mo yung driver na ihinto 'tong ambulansya! Bababa ako!”
“Gusto mong ibalibag kita sa labas?” sabad ni Jelyn.
Hindi ko ito pinansin. Hinatak ko yung braso no'ng lalaki na humihingi pa yata ng saklolo kay Jelyn.
“Tumayo ka na diyan t'ngna--ihinto niyo 'tong ambulansya--aww!”
Hiyaw ko ng tadyakan ako sa binti ni Jelyn.
“Pagdating sa Hospital, ederitso niyo ang babaeng 'yan sa mórgue.” turo nito sa'kin. “Ako ng bahala sa death certificate niya. Dead on arrival--”
“Damn you--ouch--t'ngna mo!” muling hiyaw ko ng pagtatadyakan ako nito.
Inawat ito ng dalawang lalaki, pinagsabihan pero hindi pa rin ito tumigil.
“Ma'am tama na po--”
“Bigyan niyo ako ng syringe! Ituturok ko sa ngala-ngala ng babaeng 'yan ng manahimik!”
PAGDATING SA HOSPITAL may sumalubong saamin na mga nurse. Patakbo akong isinugod sa emergency room.
Saglit lang din akong inasikaso ng Doctor. Natanggal kaagad yung bala sa tagiliran ko. Pagkatapos inilipat ako ng kwarto. Hindi ko na rin makita pa yung impaktang Jelyn sa labas.
I felt so weak and drain. And felt even more weaker when I heard what Katnis said next line in our wristwatch communication device.
“Pinapa-hunting ka ni Hugooo!” sigaw ni Katnis.
“Irine is dèad!” segunda ni Juliet. “Nakita namin sa balita. And Monaliza is missing!”
“What do you mean Ona's missing?”
“Someone took her for sure!” sabad ni Rochelle. “We track down Irine's belongings on the road; her wristwatch, ring and earrings. Sigurado yung pumatay kay Irine at dumukot kay Monaliza ay iisa. Same location lang sila. Kung saan namin nahanap yung mga gamit ni Irine dun din mismo nawalan ng signal si Ona!”
“And guess what we found out?” chorus nila.
“What?”
“Malapit lang sa lugar na yun yung hideout nina Hugo. Nakita namin yung tauhan ng Daddy niya!”
“A-Ano--”
“Papunta na sila diyan! Umalis ka na! Dalian mo!”
Dahan-dahan akong bumangon. Pinagkakalas ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Nakangiwing bumaba ng kama. Nanginginig ang mga binti ko habang hinahakbang ko iyon palabas ng kwarto. Nagpalinga-linga sa paligid saka binaybay ang mahabang pasilyo.
Subrang sakit ng sugat pati puson ko, buong katawan ko na yata. Ang gaan-gaan ng ulo ko. Pero ininda ko iyon lahat... nakalimutan... tinakasan ng sakit ang buong katawan ko ng pagliko ko natanaw ko ang mga--shet!
Umatras ako sabay takbo pabalik habang nakahawak ang kamay sa aking sugat. Nagpalinga-linga sa paligid, naghahanap ng malulusutan.
Dumaan ako sa fire exit pero...
“Si Darleen!” sigaw no'ng tauhan ng Daddy ni Hugo pagkakita sa'kin.
Tarantang napakaripas ako ng takbo pabalik. Dumaan sa kabilang pasilyo. Tumakbo ng tumakbo.
Pagdating ko sa unahan natanaw ko sa kabilang dulo yung ibang mga tauhan. Napatingin ako sa magkabilaan ng pasilyo. Bahagyang napaatras, hindi malaman kung ano ang gagawin. Pagtingin ko sa likuran ko may malaking bintana doon. Dumungaw ako sabay sampa, tumalon pababa. Bumagsak ako sa bubong na yero. Napaigik ng sumakit lalo ang sugat ko. Pagtingin ko sa kamay ko puno na iyon ng dugo.
Tumayo ako, dali-daling naglakad sa bubong na yero. Pagdating sa unahan, muling tumalon pababa sa lupa. I endure the searing pain. Na halos takasan ako ng hininga sa subrang sakit.
Pag-angat ko ng tingin sa bintana nandun yung mga tauhan na humahabol sa akin. Bumalikwas ako ng bangon ng makita kong iniumang ang baril sa gawi ko. Mabilis akong kumaripas ng takbo sa kalsada.
I run as fast as I could. Wala akong pakialam sa mga sasakyan na humahagibis sa tabi ko. Malakas akong binubusinahan.
Nilingon ko ang pinanggalingan ko habang tumatakbo. Nakalimutan kong huminga ng matanaw kong humahabol pa rin sila sa akin.
Tumawid ako sa kalsada. Some drivers angrily shouted at me. Pero hindi ko sila pinansin. Patuloy ako sa pagtakbo. Kamuntikan pa akong mabangga ng truck.
Then suddenly, a bullet hit me at my shoulder. Bumagsak ako sa semento. Nagpalinga-linga sa paligid. Tinanaw ang matataas na gusali. Namilog ang aking mga mata ng makita ko ang sniper sabay gulong. Nahigit ko ang aking hininga ng tumama ang bala sa semento. Bumalikwas ako ng bangon saka muling tumakbo. Kung saan-saan na kalsada sumuot. Hinahabol naman ako ng bala.
“Darleeeen!!” matining na sigaw ni Katnis kasabay ng pagbagsak ko sa semento ng tamaan ako ng bala sa binti.
Napahawak ako sa puson ko ng sumakit din iyon. Patindi ng patindi. Namilipit ako sa sakit. Napasigaw ng makita ko ang pag-agos ng dugo sa aking hita.
Huminto ang kotse sa harapan ko. Bumaba sina Katnis at Juliet. Nakipagbarilan si Katnis, dali-dali naman akong binuhat ni Juliet papasok sa loob ng kotse.
“Katnis tara naaa!” sigaw ni Rochelle.
Patuloy akong humihigaw sa sakit. Bumukas ang pinto sa gilid ko. Humahangos na pumasok si Katnis. Kaagad naman pinaharurot ni Rochelle ang kotse palayo kasabay ng pagdilim ng paningin ko.
*****
RALD JAMES GONZALVO
Confused akong tiningnan ni Clayde saka bumaba ang mga mata sa nagkalat na files sa lapag. Mabilis ang kamay na dinampot iyon. Kagaya ko gulat na gulat din ito. Namilog ang mga mata, awang ang mga labing dahan-dahan na tumayo. Muli akong tiningnan.
“May... kinalaman ang Daddy ni Boss Keith--”
“Keith is my best friend. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Pangalawang magulang ko na rin ang mga magulang niya. And Rash told me na walang kinalaman si Tito Kristoff sa pagkamatay ng mga magulang ko.” mabilis kong pinalis ang luha na tumulo sa aking mga mata pero patuloy iyon umagos. “But how can I trust her kung pati siya paulit-ulit na lumalabas sa imbestigasyon na pinatay niya talaga ang kapatid ko? Tell me Clayde... sino ba ang paniniwalaan ko? Yung asawa ko na mahal na mahal ko ngunit pinapaikot lang ako or ang private investigator ko na dekada ng naninilbihan sa pamilya ko? Tell me... tell me, please?”
“Boss--”
Mabilis ko itong tinalikuran. Malalaking hakbang na tinungo ang daan palabas ng control room.
“She's pregnant!!”
Napahinto ako sa paghakbang sa tono ng boses ni Clayde lalo na sa sinabi nito. Pero hindi ko ito nilingon.
“Your wife is three weeks pregnant!”
Marahas ko itong nilingon. “W-What did you say?”
“Buntis siya. Three weeks and three days to be exact sabi ni Doc.”
“What? How?”
Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga.
“Galing sila dito ni Cyrus. Nahimatay siya kanina dito kaya pinatawag ko si Doc.”
“Dinala dito ni Cyrus ang asawa ko without my consent?!”
“Cyrus said she wants to meet me in person--”
“At kailan ka pa nagkainteres sa asawa ko ha, Clayde?” galit na sabad ko sa kanya. “Pati ikaw nagsisinungaling ka na rin sa akin? Ano magkakasabwat--”
“Hindi ako naniniwalang may kinalaman si Tito Kristoff lalo na ang asawa mo.” sabad nito. “'Wag ka sanang magpadalos-dalos sa desisyon mo, Boss. 'Wag kang magpadala sa bugso ng galit mo. Baka pagsisihan mo yun sa huli--”
“Ano bang nalalaman mo? Ba't hindi mo pa ako deritsahin, ha?”
Nagkibit-balikat ito. “Kagaya ng sinabi ko sayo noon... nag-iimbestiga kami. Hindi pa namin sayo sinasabi lahat because we don't want to give you a false hope. We're still gathering a solid proof. But I'm telling you bro, Tito Kristoff and your wife Rashmin are innocent.”
“So you're telling me that my private investigator is lying to me and feeding me a false information? Is that what you're implying to say, ha, Clayde?”
“I didn't say that. I know Curtis but I know Tito Kristoff and Boss Keith, too, very well.”
I took a heavy breathe. “Tell me the real reason why they came here, Clayde.”
“I told you--”
“Clayde.” tiningnan ko ito ng pailalim. “Did you tell her about our marriage--”
“NO! Of course not. H-Hindi namin sinabi sa kanya.”
Lalo ko itong pinaningkitan ng aking mga mata. “Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling, Clayde.”
Napaayos ito ng tayo. He even cleared his throat. Napahimas pa sa batok. He looks suspicious to me and probably hiding something from me.
“Clayde--”
“The truth is... nag-aalala siya sayo at nagseselos siya kay Darleen. Sabi ni Cyrus walang tigil daw na humagulhol yung asawa mo sa loob ng sasakyan pagkaalis mo kanina at sinundan sa Hospital si Darleen. Hindi niya naman mapatahan kaya dinala niya dito. Tsaka yung taong nagtangkang bumaril sayo sa SM nahuli ng asawa mo.” hindi humihingang wika nito sabay turo sa pasilyo palabas sa kabilang dulo ng control room. “Nandun siya, nakakulong. Sabi ng asawa mo Monaliza ang pangalan ng babaeng yun. She looks familiar to me though. Kamukha niya yung Ona na bff ni Darleen.”
“S-Si Ona?”
“Yeah. See it for yourself.”
Tinitigan ko muna ng matagal si Clayde saka patakbong tinungo ang kinaroroonan ni Ona.
I pressed the combination letter to open the door. Uwang ang labi ko sa gulat ng makita kong si Ona nga yong babaeng nabungaran ko sa loob. Parehong nakakadena ang magkabilaan na kamay at paa. Duguan ang mukha. Nakalupaypay.
Humakbang ako papasok sa loob. Dahan-dahan naman itong umangat ng tingin sa akin. Shock and fears were visible on her eyes.
“J-James--”
“Ona?”
“Help me--”
“Pinagtangkaan mo ang buhay ko?”
Sunod-sunod itong umiling. “No. They misunderstand everything. Hindi ko makakayang gawin yun sa asawa ng bestfriend ko. Pamilya na ang turing ko sayo James. 'Wag kang maniwala kay Rashmin. She's too good at lying--”
“SHUT UP!!” dumadagundong na sigaw ko dito. Nilingon ko ang likuran ko. Tahimik na nakatayo sa bungad ng pinto si Clayde. Tinuro ko si Ona. “Who did that to her?”
“Your wife, Rashmin El Salvador Gonzalvo.”
Ona loudly gasped in shock. “A-Asawa mo si Rashmin? How does that happen? Diba ikinasal kayo ni Darleen? Pa'no mo naging asawa ang traydor na Rashmin na yun?”
“Simple lang naman... fake yung kasal nila ni Darleen dahil fake din naman yung paring kinuha ng kaibigan mo para ikasal silang dalawa. Right, Monaliza?”
“Nag-iimbento ka lang!” sigaw nito. “Sinisiraan mo lang si Darleen para pagtakpan ang kasalanan ng Rashmin na yun!”
Nang-iinis pang humalakhak si Clayde.
“You can deny all you want Ona, Monaliza or who ever you are. But still, it doesn't change the fact na si Rashmin ang legal wife, and Darleen end up to be a mistress. No hard feelings yun kasi yun din naman ang gusto ng kaibigan mo diba?” binalingan ako ni Clayde. “And your innocence Darleen is four weeks pregnant with Hugo's baby--”
“Hindi totoo 'yan!” hysterical na sigaw ni Ona. Naglikha ng ingay ang mga kadenang nakagapos dito sa paggalaw nito. “Sinisiraan mo lang si Darleen!”
Muling tumawa si Clayde. Naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan. Hindi makaimik. Naguguluhan sa takbo ng sagutan nilang dalawa. Nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila.
“Siraan ko man siya sa hindi, si Darleen na din mismo ang sumisira sa buhay niya. Tsk tsk.” umiling-iling si Clayde. “Sinayang niya lang ang lahat. Ginto na yung nasilo niya, humanap pa siyang batong walang halaga na ipupukpok niya sa ulo niya.”
Ona keep wiggling angrily her arms.
“Liar! 'Wag kang maniwala sa kanya James!! Darleen loves you so much! Hinding-hindi ka no'n makakayang lukuhin!”
Clayde laughed even more... mocking her. “Talaga ba? Idi-deny mo din ba na spy kayong dalawa pareho ni Wrath?”
“Fool! You're a fool believing such nonsense thing!”
“Bihag din namin sina RS at Mhariss.” bigla itong namutla. Nawalan ng kulay ang buong mukha. Nanginig ang mga labi. Sunod-sunod na napalunok. “Kinanta nila kayong lahat.” pagsisinungaling ni Clayde
Nagdilim ang paningin ko ng unti-unting maproseso ng utak ko ang pinag-usapan nilang dalawa. Mabilis kong hinatak ang silencer gun sa likod ko sabay kasa at tutok niyon kay Ona.
Namimilog ang mga matang napatingin ito sa akin. Literal sa hawak kong baril.
“Kuya... J-James...”
“Tell me... sino ang dumukot at pumatay sa kapatid ko?”
“Si... si Rashmin--arrrgh--!” hiyaw nito ng paputukan ko sa magkabilaan na binti.
“Tell me the truth!”
“Si Rashmin nga--aaaargh--!” sunod-sunod tumulo ang luha nito ng paputukan ko din sa magkabilaan na braso.
“You know I hate LIARS Ona.”
“Nagsasabi ako ng totoo! Si Rashmin--aaah--!”
Pinaputukan ko ito sa kanyang tagiliran. Humakbang palapit dito saka idiniin doon ang dulo ng baril. Napasigaw ito sa sakit.
“Sino nag-utos sainyo at saan ang main den ni Wrath?” hindi ito umimik kaya lalo kong idiniin ang dulo ng baril sa kanyang sugat na ikinahiyaw nito. “Sino--”
“Si Wrath--si Wrath ang nag-utos kay Rashmin--”
“Kay Rashmin or sainyong dalawa ni Darleen? Sagoooot!”
“Kay Rashmin--aaaah--!” napahagulhul ito ng idiin ko lalo ang baril at pinaputukan ulit doon.
“Saan ang main den ni Wrath?”
“Sa Re Drago--”
“Hindi doon!”
“Yun lang ang alam ko! Wala na akong alam!”
“Ah ganun?” hinugot ko ang baril saka inilipat sa kanyang noo. Nanginig ito sa takot, napahagulhol lalo. “Wala ka palang alam. Kung ganun wala ka ng silbi.” then shoot her forehead.
Binitawan ko ang baril. Hinarap ko si Clayde na tulalang nakatitig sa akin.
“Linisin niyo 'yan. Including the gun.” aniko sabay hakbang palabas.
“Saan ka pupunta?” habol ni Clayde.
“Pananagutin ko lahat ng dapat managot.”
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2024