RALD JAMES GONZALVO
I don't know how long I was unconscious. Naalimpungatan akong subrang dilim ng paligid ko. Subrang sikip ng kinahihigaan kong nakabalot sa'kin. Subrang init. Tumutulo ang pawis sa buong katawan ko. Wala din akong masagap na anumang hangin. Pinapangapusan ako ng hininga. Yung mga kamay at paa ko parehong nakagapos, pati bibig ko may tali.
I heard a couple of footsteps. Mga boses na nag-uusap-usap palapit sa kinaroroonan ko. Tapos parang may humahangos na tumatakbo.
“Master..!” sigaw ng lalaki.
“What happened?” wika naman ng pamilyar na baritonong boses ng lalaki. “Did you catch her?”
“Forgive us Master, but she get away from--arrrgh!”
“MGA INUTIL!!! HANAPIN NIYOOO!! 'WAG KAYONG BABALIK DITO NG HINDI KASAMA ANG BABAENG YUN!”
“Opo, Master!” chorus ng mga kalalakihan kasabay ng nagmamadaling mga yabag paalis.
“Ang tatanga! Isang babae lang hindi mahuli-huli!” nangangalaiting boses no'ng Master. “Tabunan niyo na 'yang t'ngnang Gonzalvo na 'yan bago pa magising at makatakas. Dalian niyooo!”
“Opo, Master!”
Sumunod na narinig ko mga papalayong yabag, mga mura at pag-ulan ng bagay sa katawan ko... lupa? Shít--!
Gumalaw ako, nagpumiglas, nagsisigaw, pero wala ding silbi. Lalo lang akong pinangapusan ng hininga. Tinakasan ng hangin sa aking baga.
“f**k--he's awake!”
“Dalian niyo!”
Dumami ng dumami. Bumigat ng bumigat. Ang sakit din ng bawat pagbagsak ng lupang ipinapangtabon nila saan mang parte ng katawan ko.
I'm losing hope, but I still prayed and asked God for help.
Pero habang tumatagal na patuloy nila akong tinatabunan, patuloy na tumitindi ang galit at takot sa puso ko. Galit sa mga lalaking dumukot at nagpadukot sa akin.
Takot...
Nangingibabaw yung subrang takot na baka katapusan ko na.
Na baka hanggang dito na lang ako.
Na baka walang dumating at magligtas sa akin.
Na baka ito na ang huli't hindi ko na siya makita pa; hindi ko na masilayan ang maamo niyang mukha, hindi ko na siya mahawakan, hindi ko man lang masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal... mahal na mahal ko na siya!
Nawala ang buong pamilya ko, siya ang plano kong gawing kapalit.
Siya ang magiging sentro ng buhay ko.
Siya ang magiging ina ng mga anak ko.
Siya lang...
Ang asawa ko...
“Rashmin...”
Sunod-sunod dumaloy ang luha sa aking mga mata kasabay ng commotion sa paligid ko. The air inside my lungs is getting thin and thin. Unti na lang... hindi ko na kaya...
“Boss??” ani ng familiar na boses.
“Bro??” ulit nito.
“James--f**k--!”
Wala na akong narinig pa. Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Tuluyan na akong na-suffocate. Tuluyan na akong iginupo ng kadiliman. Unti-unting pumikit ang aking mga mata.
Then suddenly, someone ripped the cover wrapped around my face.
“James!” sigaw nito. Kinalas ang tali sa bibig ko sabay hampas sa dibdib ko.
My eyes wide open. Napanganga ako. Sumagap ng hangin na tila ba galing ako sa kailalim-laliman ng dagat na kakaahon lang. Pinuno ang baga. Saka sunod-sunod na napaubo.
Malutong siyang nagmura. Mabilis ang mga kamay na pinagtatanggal ang iba pang lupa na nasa ibabaw ng iba pang parte ng katawan ko saka pinunit ang nakabalot sa'kin. Kinalas ang mga nakagapos sa mga kamay at paa ko saka inalalayan akong makatayo.
“OK ka lang?” nag-aalalang tanong niya. “Kaya mo ba?”
Tumango ako. Kumapit sa nakaumang niyang kamay saka nanghihinang tumayo. Iginala ang paningin sa buong paligid. Nasa loob kami ng hukay pati yung mga tauhan. Hindi iyon gumagalaw. Wala naman akong narinig na putok ng baril kanina but knowing Third, malamang wala na silang buhay.
“Thanks for saving me, man--”
“Tinakot mo 'ko do'n ah. Nahampas tuloy kita, sorry,” sabad niya saka nagpalinga-linga rin sa paligid. “C'mon, let's get out of here.”
Tinulungan niya akong makaahon sa hukay. I searched the area right away. Mukhang liblib ang lugar. Napapaligiran ng puno ang paligid... magubat.
“Lets go--”
“Wait...” pigil ko sa braso ni Third habang patuloy na sinisiyasat ang paligid.
“What's the matter? Kailangan na natin umalis dito.”
“Tabunan mo muna--”
“Nagawa ko na.”
Marahas kong nilingon ang hukay. Natabunan na nga iyon pero hindi puno. But it still made me surprised by his speed. Namangha ako sa aking nakita saka nag-angat ng tingin sa kanya.
“How did you--”
“No sweats.” nakangiting wika niya sabay punas ng tumutulong pawis sa kanyang noo. “Tara na--”
Hinatak niya ako paalis pero kaagad ko rin siyang hinatak pabalik.
“Bakit?”
“Nandito yung Daddy ni Hugo.”
“Ano?”
“Siya ang nagpadukot sa'kin. Narinig ko yung boses niya.”
“Fùck--!” bulalas niya. “So, Jelyn was telling the truth.”
“What do you mean--”
“Saka na tayo mag-usap. Will check the area.”
Maingat naming tinahak ang daan palabas ng masukal na kagubatan.
Malayo-layo rin ang nilakad namin. Pagdating sa unahan may napakalaking kalsada doon. Mabilis kong hinatak ang damit ni Third nang may matanawan akong dalawang lalaking naninigarilyo 'di kalayuan sa itim na van. That exactly the van they used to bring me here.
Nagtago kami sa puno. Pinanood ang mga iyon. Sabay pa kaming nagkatinginan ng may isa pang puting van na dumating, pinagtulungang kinaladkad palabas niyon ang mag-asawang Calderon.
“Will rescue them.”
“Wait--” nagtatanong ang mga matang nilingon ko siya. “Kaya mo na ba? Marami sila. Hintayin mo na lang kaya ako doon sa taxi--”
“I'm fine. Kaya ko.” sabad ko sabay talikod.
Sumunod siya sa akin.
Patakbong binaybay namin pabalik ang masukal na kagubatan. Nanghihina pa rin ako. Nananakit ang buong katawan pero ininda ko na lang ang sakit.
My mind bombarded with lots of questions, too.
Confused at what I saw.
Anong kailangan ng Daddy ni Hugo na si Mr. Giuseppe Fontana sa mag-asawang Calderon?
Bakit ako nito pinadukot at balak pang ilibing ng buhay?
Sino yung babaeng pinapahuli nito sa kanyang mga tauhan?
NAPAHINTO ako sa pagtakbo ng matanaw ko ang malaking bahay. May ilang tauhan na nakabantay sa labas. Lahat naninigarilyo. Yung iba busy magkalikot sa cellphone habang nagtatawanan.
“Nooooooo--Cedric!” humahagulhol na sigaw ng boses ng babae.
Muli kaming nagkatinginan ni Third. Umikot sa kabila ng bahay. Maingat na lumapit doon. Nagtago sa pader.
“Doon ka,” turo ko sa gawing kanan. “Dito ako sa kabila. Mag-iingat ka.”
He nooded. Inabot niya sa akin ang naka-silencer na baril. Napatingin ako doon saka nag-angat ng tingin sa kanya.
“You need this.”
“Pa'no ka?”
“I have a knife.” kusa niya na iyon nilagay sa kamay ko. “See you around. Be safe.” saka mabilis ang kilos na tinalikuran ako.
Kaagad na rin akong tumalima. Mabilis ang lakad, kalkulado. Binaybay ang kahabaan ng pader. Pagdating ko sa unahan, napaatras ako sabay tago ng may isang lalaking nagmamadaling naglakad papunta sa gawi ko. Yun yung humatak sa'kin papasok sa loob ng van kanina.
Ibinababa na nito ang zipper ng pantalon ng matigilan pagkakita sa'kin. Gulat na nag-angat pa ng tingin at tinitigan ako ng matagal.
I smirked. “Surprise...” wika ko sabay palo ng baril sa kanyang ulo.
Sinalo ko ito sabay hatak bago pa man bumagsak sa lupa. Then angrily twist his neck. I even heard the crack sounds of what I did. Pinaupo ko ito, isinandal ang likod sa pader saka iniwan.
Lakad takbo ang ginawa ko. Pagliko ko may dalawang lalaking nagtatawanan habang nag-uusap 'di kalayuan. Halos pigilan ko ang hininga. Patingkayad na naglakad. Idiniin pa ang likod sa pader. Saka pumasok sa loob ng nakabukas na pinto doon.
Namilog sa gulat ang aking mga mata sa bumulaga sa akin sa loob niyon. Tambak ang sandamakmak na armas!
Akma ko iyon lalapitan ng makarinig akong sunod-sunod na daing ng lalaki na tila ba ginugulpi iyon. Tapos yung babae lumakas lalo ang hagulhol, nagmamakaawang sumisigaw at tinatawag ang pangalan ni Tito Cedric.
Sinuksok ko sa likod ng pantalon ko ang baril na bigay sa'kin ni Third. Binuksan ko yung box. Kumuhang dalawang baril doon. Sinuksok ko din sa bewang yung isa, yung armalite binitbit ko sabay takbo. Sinundan ang pinagmumulan ng ingay.
“Tell me where's the blue book and disquette!” dumadagundong na boses ni Giuseppe, Daddy ni Hugo. “Tell meeee!!”
“Hindi ko alam!” sigaw ni Tito Cedric. “Wala akong alam diyan sa hinahanap niyo--arrrghh!”
Kumubli ako sa pader. Nagpalinga-linga sa paligid saka sumilip sa loob. Nahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang duguang si Tito Cedric na nakahandusay sa lapag. Ang asawang si Tita Zaniyah nakaluhod din sa lapag. Impit na humahagulhol, nakataas ang dalawang kamay habang tinututukan ng baril ng tauhan sa ulo.
Lumingon si Giuseppe sa likuran. Namilog ang aking mga mata ng abutan ito ng tauhan nito ng baril. Kinasa nito iyon saka itinutok kay Tito Cedric. Lumampas ang tingin ko sa nakabukas na salaming bintana. Nakita ko doon si Third. Nag-ok sign pa sa akin.
“Ano Cedric? Aamin ka o pasasabugin--”
Marahas akong napalingon sa biglang bumukas na pinto sa kaliwang dulo ko. Natigilan ang tatlong lalaki pagkakita sa'kin. Nagkatitigan pa kami sabay tutok ng baril sa'kin. Kaagad akong gumulong sa sahig ng paulanan nila ako ng bala. Saka paluhod na bumangon at ginantihan din sila ng putok. Duguan at wala ng buhay bumagsak ang mga ito sa lapag.
Narinig ko ang nangangalaiting boses ni Giuseppe kasabay ng mga mura, pagkabasag ng salamin, palitan ng putok ng baril at nagmamadaling mga yabag papunta sa akin. Kaagad akong tumayo sabay takbo at sinalubong ang mga ito.
Mabilis kong pinaputukan ang dalawang lalaking humahangos na nakasalubong ko. Paglabas ko sa pinto...
“Tito Cedric!!” sigaw ko sabay paputok kay Giuseppe na halos lumuwa ang mga mata pagkakita sa'kin.
Tinamaan ito sa braso. Nabitawan si Tito Cedric. Kumaripas ng takbo paalis. Hinabol iyon ni Third matapos paputukan ang iba pang tauhan na sumunod dito. Patakbo ko namang dinaluhan si Tiya Zaniyah, tinulungan makatayo saka inalalayan papunta kay Tito Cedric.
“J-James--”
“Kailangan na po nating umalis. Kaya niyo po bang maglakad--”
“James!!” humahangos na nilapitan kami ni Third sabay buhat kay Tito Cedric at tinulungang makatayo, ipinulupot ang mga braso nito sa leeg niya. “Tumawag sila ng backup! We need to leave!” sabay hatak dito palabas ng pinto papunta sa likod.
Hinatak ko naman si Tita sa braso. Nagulat pa ako ng bigla nitong hinugot yung baril na nasa bewang ko. Sinipa pa paitaas yung armalite na nasa lapag na dinaanan namin at sinalo. Hindi lang yung subrang galing pang umasinta ng kalaban na bigla na lang nagsipagsulputan sa kung saan-saan. Lahat iyon tinamaan sa ulo. Tulala akong napatitig sa kanya. Hindi makapaniwala na halos ito na lang ang nagpapaputok habang kino-cover namin sina Third at Tito Cedric. Tumatakbo sa kakahuyan. Hinahabol kami ng mga tauhan ng Daddy ni Hugo. Pinapaulanan ng bala.
“Oh--f**k!”
Halos lumuwa ang mga mata ko ng bigla na lang may mahigpit na bagay na pumulupot sa isang paa ko. Mabilis namang nadakma ni Tita yung braso ko kaya kasama ko siyang lumutang sa ere. Nakabitin akong patiwarik samantalang siya patayo.
“Boss!!”
“Mauna na kayo!” sigaw ni Tita kay Third sabay paputok sa mga kalaban.
Tumulong na rin ako sa kanya. Mula dito sa itaas kitang-kita ang mga humahabol saamin na mga tauhan ni Giuseppe. Malaking advantage iyon saamin pero yung paa kong may tali ng baging surrender na sa bigat ni Tita.
Nginitian ako nito ng makita ang nakangiwing mukha ko. Nagpalinga-linga ito sa paligid saka pinaputukan ng dalawang beses ang baging. Adrenaline rush hit me to the core when we quickly plunged down. Nakatayo itong bumagsak. Buong akala ko yung mukha ko ang unang babagsak. Hindi ko inaasahan ang ginawa nito. Subrang bilis ng kamay. Hinatak paitaas yung braso ko kaya yung pang-upo ko ang bumagsak sa lupa. Kaagad din pinaputukan yung baging malapit sa bukong-bukong ko. Naputol yung mahabang baging pero yung nakapulupot sa paa ko nandun pa rin.
I saw lots of armed men approaching us. Sabay namin iyon pinaputukan ni Tita.
“Tara naaa!”
Hinatak ako ni Tita sa braso. Bumalikwas naman ako sa kinauupuan. Mabilis kaming kumaripas ng takbo. Umilag sa umuulan na bala. Kumubli sa mga puno. Tumakbo ng tumakbo ng walang direksyon.
Pagdating namin sa liwasan may limang armadong kalalakihan doon na bumulaga saamin. Lahat tinutukan kami ng baril.
“Throw your gun!” sigaw no'ng lalaking may maliit na pulang dragon na tattoo sa kaliwang pisngi.
Nagkatinginan kami ni Tita. Lips both bit parted. Both panting and gasping some air. Parehong tumutulo ang pawis sa mukha. Inikot ko ang mga mata sa paligid. Hindi mo makita kung nasaan si Third at kung saan nakaparada yung taxi niya.
“I said throw your gun!” ulit nito.
Itinapon ni Tita yung kanya kaya itinapon ko na din yung hawak ko. But not the silencer gun behind my back.
“Hands on your head!” tinuro nito gamit ang baril ang lupang kinatatayuan namin. “Get on your knees!” muli kaming nagkatinginan na dalawa.
“Quickly!!” sigaw nito kasabay ng pagbulagta nilang lahat sa lupa, duguan at lahat may tama sa ulo.
I didn't hear any gunfire, so it must be...
“Boss!”
Marahas akong napalingon sa kanan. There; I saw Third holding a silencer gun. Nakatayo sa tabi ng puno. Natanaw ko din sa kalsada ang umaatras na taxi. Paglingon ko sa kakahuyan may ilan akong natanaw na--oh shít--!
“Tara naaa!” muling sigaw ni Third sabay paputok sa mga iyon.
Hinablot ko naman yung braso ni Tita saka patakbong hinatak ito papunta sa kinapaparadahan ng Taxi. Halos manginig pa ang kamay ko sa pagmamadaling buksan ang pinto niyon. Patulak ko pang pinapasok ito sa loob, sumunod ako sabay sara niyon. Tinulungan ko din si Tito na nanghihinang umaalis sa driver seat at lumilipat papunta sa kabilang upuan. Dali-dali ding pumasok sa loob si Third at pinaharurot iyon palayo.
Pabagsak akong sumandal sa upuan matapos kong matanggal ang baging sa paa ko. Mariin na ipinikit ang aking mga mata. Thinking my wife Rashmin. I thought... oh--f**k!
Sunod-sunod akong nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga. Trying to calm myself. Trying to set aside the pain pricked in my heart. Yung pag-aalala. Yung takot. Yung galit. Sari-saring emosyon na lumulukob sa akin. Pinigilan ko iyon pero may umalpas pa rin na luha sa aking mga mata.
Napatingin ako kay Tita ng dumantay ang kamay nito sa balikat ko. Marahan iyon na pinisil. Her motherly touch. Motherly smile, reassuring me that everything is fine. Staring at her face made my tears pool down in my cheeks. She reminds me of my Mom, my Dad, my sister...
Tuluyan akong napahagulhol sa kanyang balikat ng hatakin ako nito palapit sa kanya. Mahigpit na niyakap. Tinakasan akong hiya. Wala akong pakialam kung nagmukha akong bata. Umiyak ako ng umiyak. Ibinuhos lahat ng sakit, galit, lungkot, pangungulila. I miss my family so much!
“Where are we headed to?” namamaos ang boses na tanong ko kay Third ng ihinto niya ang sasakyan sa loob ng compound at pinasakay kami ng chopper. “Hindi mo dadalhin si Tito--”
“Pupunta tayo kay Clayde. May Doctor na doon na titingin sa kanya. Doon na muna sila pansamantala. Hindi sila pwedeng umuwi. Na-message ko na din si Fifth. Magpapadala silang mga bantay sa dalawang anak nila.”
“OK. Magpapahatid na lang ako kay Matt--”
“You need to be there too. May kailangan kang makita.”
Hindi na ako nakaprotesta pa ng paandarin niya na iyon.
MAKALIPAS ang mahabang oras na byahe, Third landed the chopper on top of the rooftop. Nandun na si Clayde nakaabang saamin, isinama ako sa underground control room namin. Si Third naman ang umasikaso sa dalawa.
“Ano 'yan?” tanong ko sa brown envelop na nasa ibabaw ng round table.
“Mga report na pinadala ni Curtis.”
“Tiningnan mo na ba?”
“NOPE. May note na nakalagay e. Confidential daw and exclusively yours only. Confusing ngayon si Curtis ah. May tinatago ba kayong sekreto?”
Hindi ko ito sinagot. Binuksan ko ang envelop para lang magulat sa aking nakita. Nabitawan ko iyon. Bahagyang napaatras. Napahawak ako sa edge ng table ng bigla akong manghina.
“NO. Hindi totoo 'yan. Hindi pwede. Mali ang mga 'yan!”
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023