Beloved Tyrant 24

2827 Words
RALD JAMES GONZALVO Sakay ng Taxi nagpahatid ako sa pinakamalapit na Hospital na pinagdalhan kay Darleen. Still confused at what had just happened. Maraming katanungan ang gumugulo sa aking utak. First; why Darleen lied to me about Ona or Monaliza or whoever she is? Kung Spy ni Wrath ang babaeng yun... siya? Ano siya? Spy din siya kabilaan? How does that happen without me knowing? We were together more than decades now--damn it! Secondly; bakit napaaga yung uwi niya? Akala ko ba bukas pa siya uuwi dahil yun yung text niya sa'kin. Hindi ako naniniwalang gusto niya lang akong e-surprise. Tsaka bakit pinagtirik nilang itim na kandila at nilagyan ng bulok na bulaklak yung pekeng puntod ni Rash? Bumisita ba sila doon para lang e-make sure kung nagsasabi ba akong totoo--damn! Third was; bakit sinalo ni Darleen yung bala? Anong purpose niya? Kasamahan niya kaya yung bumàril sa'kin? “Salamat po Manong--Third..?” kunot-noong bulalas ko ng makilala ko ang mukha ng driver. “What are you doing with this Taxi?” He chuckled. “How are you, bro? Long time no see.” Lalong nalukot ang noo ko. “Tinatanong kita kung anong ginagawa mo dito sa Taxi? Kailan ka pa umuwi? Where's Ryan?” “To answer your last question... nasa States pa rin si Boss. No'ng hindi ka nagparamdam ng isang linggo umuwi ako dito sa Pinas. And I don't want to explain the obvious why I am a taxi driver now.” Binalik ko sa bulsa yung pera. “Alam mo ba kung nasaan si Jed? Hindi ko mahagilap ang isang yun.” “Uh si Jed... kailan lang nakita ko yun kasama nina Jorge at Nixon.” “What are they doing?” “May inutos daw sa kanila si Boss Wayne.” “Anong inutos ni Wayne?” “Hindi ba nagpaalam sayo?” tiningnan niya ako sa rearview mirror. I stared back at him with my dagger eyes. “Oh--me and my big mouth.” “Anong inutos ni Wayne?” ulit ko pero hindi niya ako sinagot. “Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko 'yang inuutos sainyo ng gàgong Wayne na yun dahil kung hindi... pati ikaw idadamay ko sa galit ko sa tarantadong yun.” sabay baba ng Taxi. Pabagsak ko pang isinara ang pinto niyon sa subrang inis na lumukob sa akin. Humarurot naman ito kaagad paalis. Hinabol ko iyon ng tanaw pero kaagad din akong napabaling sabay hawak sa braso kong parang tinusok ng matulis na bagay. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala akong ibang nakita kundi yung batang pulubi na tumatakbo na palayo. Napahawak ako sa ulo ko ng umikot ang paningin ko. Parang nanghihina din ako. Namamanhid ang buong katawan ko. Napatingin ako sa itim na van na huminto sa harapan ko. May dalawang lalaking lumabas doon. Hindi na ako nakakilos pa ng pagtulungan nila akong dalawa ipasok sa van kasabay ng pagdilim ng paningin ko. Nawalan ako ng malay. ***** THIRD PERSON's POV JELYN DE CORDOVA Hindi mapakaling nagpabalik-balik ako ng lakad sa harapan ng emergency room. Banas na banas. Inis na inis. Gigil na gigil sa ginawa ni James. Pwersahan ba naman akong pinasakay sa loob ng ambulansya. Hindi lang yun, pinagsarhan pa ako ng pinto sa mukha! Seconds. Minutes. A couple of minutes have passed. Pero wala pa rin ang damuhong na yun! Nilingon ko ang pinto ng emergency room. “Anong balak niya? Ako magbantay sa praning na babae niya--bwesit siya! Ni hindi niya nga ako masagot-sagot kung nasaan si Wayne tapos gagawin niya akong babysitter sa kerida niya na kung makamura sa'kin akala mo may naiambag sa buhay ko ang pangit na yun? Sinapak niya si Wayne dahil kay Rashmin tapos... isusumbong ko sila sa asawa niya! Akala nila.” Nagdadabog na nilisan ko ang emergency room. Malalaking hakbang na lumabas ng Hospital. I took my phone in my bag. Tinawagan ko si James pero hindi man lang ang bwesit na yun nag-abalang sagutin ang tawag ko. Ring lang iyon ng ring. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naghanap ng Taxi na masasakyan. Lalong kumulo ang dugo ko ng matanaw ko si James na lumabas sa Taxi na kakaparada lang. Akma ko siyang lalapitan pero kaagad din akong napaatras ng pabalya niyang isinara ang pinto niyon. Natigilan pa ako saka sinundan ng tingin yung batang pulubi na kumaripas ng takbo palayo. Natakot siguro sa kanya. Pagbaling ko kay James nakahawak na siya sa kanyang ulo. Bahagya pang gumiwang. Muli kong tinanaw ang bata. Nakailang hakbang ako papunta sa unahan. Napakunot-noo ng matanaw ko iyon na may kausap ng may-edad na matangkad na lalaki. Naka-business suit. Hindi ko makilala ang mukha dahil nakasuot na itim na sunglasses pero parang mukhang banyaga. Binigyan ng pera yung pulubi na tuwang-tuwang tumakbo kaagad paalis. Tapos nakangising tinanaw naman nito si... Mahigpit kong nahawakan ang bag ko ng makitang kong pinagtutulungan ng ipasok ng van ng dalawang lalaki ang walang malay na si James. Muli kong nilingon yung kinaroroonan ng matandang banyaga pero wala na ito doon. Sinalakay ako ng subrang kaba. Hinalinhan ng subrang takot. Nanginig ang kalamnan ng makita kong may mga armadong kalalakihan na lumabas sa isa pang itim na van. Sinuksok yung baril sa likod ng pantalon, tinakpan ng jacket. Kinausap yung driver no'ng van na kinalulunaran ni James saka naglakad papunta sa... Sunod-sunod akong napalunok ng makita kong papasok sila sa loob ng Hospital. Bigla kong naalala yung babae ni James. Lalo akong sinalakay ng takot sabay takbo para sundan ang mga iyon pero kaagad din akong napabalik ng maalala kong dinukot nga pala ng mga kasamahan nila si James. Dali-dali kong binuksan ang camera ng phone ko para kuhanan sana ng litrato yung plate number ng itim na van na papaalis na ngunit--shet... walang plate number! Pero kinuhanan ko pa rin iyon ng ilang litrato, senend ko kay Wayne kahit hindi sinasagot ang mga tawag at text messages ko. I even composed a message; van na dumukot kay James. Walang plate number. He's been kidnapped! Ngayon lang. Hindi ko kilala yung mga lalaki! Pati sa mga pinsan niya senendan ko din sabay takbo papasok ng Hospital. Humahangos na tinungo ang emergency room. Pinagtitinginan ako ng mga tao at ibang nurse na nakakasalubong ko pero wala akong pakialam. Deri-deritso lang ako. Pagdating ko doon, nag-iiyakan sa labas ang dinatnan ko. May bagong duguang pasyenteng ipinapasok sa loob ng emergency room. Nang makilala ko yung mukha no'ng lalaking nurse na nagmamadaling lumabas sa pinto niyon kaagad ko itong hinabol. “Nurse--Kuyaa wait lang!” huminto ito saka nilingon ako. “Nasaan na po yung babaeng kasama--” namilog ang aking mga mata ng matanaw ko sa likuran nito yung mga lalaki. Tila nagmamadali. “'Wag na lang pala. Salamat. Pasensya na po sa abala.” saka patakbong sinundan ang mga iyon. Umawang ang labi ko sa pagkamangha ng matanaw ko ang mga iyon na basta na lang sumampa sa malaking bintana, isa-isang tumalon doon. Tinakbo ko naman iyon. Dumungaw sa baba. Mabilis ang mga kilos nila, maliksi. Nakalimutan kong huminga ng matanaw ko si Darleen na tumatakbo sa kalsada. Nakahawak ang kamay sa duguang tagiliran. Palingon-lingon pa ito sa mga... “Oh--Ssshît..!” ***** RASHMIN EL SALVADOR Tumayo ako sa likuran nito. Wala akong mahawakan na buhok nito kaya ang kanyang tainga ang dinaklot ko. “Aww--animal--aaaah!” Hiyaw nito ng higpitan ko lalo ang kamay doon saka malakas na sinampal ang kanyang mukha. “Sinong animal?” “Putangina--” Muli ko itong sinampal. “Minumura mo ako?” “Hindi--!” Sinampal ko ito ulit. “Sinisigawan mo ako?” “Hindi--” “Nagsisinungaling ka pa--” “Hindi nga--ano baaa!!” Tinuro ko ang manibela ng makita kong umusad na ang ibang sasakyan. “Igilid mo 'tong kotse.” “Tanggalin mo muna 'yang kamay--” “Susunod ka or tatapyasin ko tong tainga mo?” “Damn--aww! OO na! Ito na!!” singhal nito sabay maniobra ng sasakyan matapos kong batukan sa ulo. Malayo-layo rin ang tinakbo ng sasakyan bago nito iyon inihinto. Napakunot-noo pa ako ng makita kong umiilaw yung phone ni Rald sa ibabaw ng upuan. JELYN calling... Tinuro ko iyon kay Cyrus. “Sino 'yang tumatawag kay Rald?” hindi ako nito sinagot. Hinatak ko naman ang kanyang tainga. “Haaww--putangina naman Miss El Salvador--” “Akala ko ba totoong Misis ako ng Boss mo?” “Ikaw naman talaga!” “O bakit Miss El Salvador--” “Para yung lang--aaah oo na! Misis Gonzalvo!” “Yung totoo?” “Una kayong kinasal kaysa kay Darleen kaya peke yun!” “Anong una kaming kinasal--” “Without your knowledge, of course!” “How?” “Yung pinapirmahan ko sayong resibo ng bulaklak, remember?” “Anong connect no'n--” “Kinuha ko yung pirma mo--I mean pinakuha ni Boss. May form na rin na naka-ready galing sa judge na Uncle ni Boss Ryan.” “Anong form?” “Form para makakuha kayo ng marriage license ni Boss.” “Ba't naman yun gagawin ni Rald e galit na galit nga siya sa'kin?” “Hindi mo man lang ba naramdaman na kagaya mo nahulog din siya sayo?” “Nahulog din? Meaning plinano niya rin talagang paibigin ako? Tama?” “Hindi yun ganun--aww!” hiyaw nito ng muli kong batukan sa ulo. Tiningala ako nito. Tiningnan ng masama. “Nakakarami ka na ah.” Inis na binaklas nito ang kamay kong nakahawak sa kanyang tainga. Natanggal iyon pero muli ko ring dinaklot iyon at hinakawan ng mahigpit. Napaigik ito sa sakit. Nilapit ko ang mukha sa kanya. “Alam mo bang muntik na akong mamatay ng kasamahan ni Darleen kanina? Itong sakit na nararamdaman mo kulang pa sa sakit na dinanas ko sa kawalanghiyaan nila. Plus yung pananakit sa'kin dati ni Rald. Alam mo ba yun, ha?” “Hindi mo alam kung anong klaseng sakit ang pinagdaanan ni Boss dahil sa nangyari sa pamilya niya.” “Wala akong kinalaman do'n--” “Sa mga magulang niya maaaring wala nga pero sa kapatid niya... meron.” “O so bakit niya ako pinakasalan?” hindi ito umimik. “Umamin ka na Cyrus habang kalmado pa ako.” “Ano namang aaminin ko sayo e wala--” “Meron!” singhal ko sa kanya. “Hindi niya gagawin iyon ng walang dahilan--” “Dahil mahal ka niya! Yun lang yun!” “Mahal niya ako?” “OO.” “Mahal niya talaga ako?” “Oo nga!” “Hindi ko marinig. Lakasan mo!” “T'ngna--” “Sabi ko lakasan mo! Hindi ko sinabing murahin mo 'ko.” “Mahal ka ni Boss!” “Kulang. Gusto ko marinig yung kasama mismo buong pangalan ko.” “Ano ba--” “Dalian mo na!” “Mahal ka ni Boss. Ikaw ang totoong asawa niya Misis Crisha Joy Ledesma Gonzalvo. Yun ang totoong pangalan mo hindi Rashmin El Salvador. Pero hindi yun alam ni Boss. Hindi rin namin sinasabi sa kanya ang totoo hanggat wala pa kaming solidong ebidensya. May traydor sa grupo. Not really sure kung si Darleen lang. Matalik na kaibigan ng Daddy ni Boss ang Daddy mo, ikaw din ang tumangay sa kapatid niya. Kapag sinabi namin ngayon sa kanya baka pati grupo ng Bud Brothers bosses namin mabuwag kagaya ng grupo ng mga magulang nila. Pati kami damay. Including you of course. Nakwento ko na yun sayo diba?” Tumango-tango ako. “So... sino yung Jelyn na tumatawag?” “Babae ni Boss Wayne.” “Babae ni Wayne? Hindi girlfriend?” “Yeah, they were best friends too. On and off ang relationship nila. Tsaka maraming babae yun, malay ko kung sino totoong girlfriend no'n.” “Bakit yun ginawa ni Rald? Anong dahilan para pakasalan niya ako ng lihim?” “Damn--balik na naman tayo diyan--aww!” hiyaw nito ng pati ang kanyang kabilang tainga hinawakan ko ng mahigpit. “Sumagot ka kung ayaw mong masaktan.” He cursed. My hands grip tightened on his ears even more. “Hindi mako-conssumate ang marriage niyo kung hindi ka no'n mahal! Pihikan yun sa babae si Boss.” “Ang layo ng sagot mo--” “Mahal ka nga niya kaya niya yun ginawa!” “Paulit-ulit. Ayaw mo pang umamin ah.” Inikot ko ang suot na singsing. Lumabas doon ang maliit na karayom. Nagulat ito ng hawakan ko ang kanyang batok saka pinakita iyon sa kanya. Namilog ang kanyang mga mata ng ilapit ko lalo iyon sa kanya. Bahagya pang napaurong ang ulo palayo. “Gandara--” “Aamin ka o itutusok ko 'to diyan sa mata mo?” “Hindi mo ba alam na masama maglaro ng karayom? Sakit 'yan makatusok--wait! Wait wait wait--wait lang naman!” nakapikit ang matang pigil nito sa braso ko. Idiniin ko lalo iyon palapit sa kanya, todo tulak naman ito palayo ng braso ko. “Aamin na--aamin na sabiii!” Nakatawang binitawan ko ito. Tiningnan ako nito ng masama. I stared back at him murderously. “Ano? Hindi mo pa sasabihin?” “Malalagot ako kay Boss--” “Wala dito si Rald.” sabad ko sa kanya. “Sa akin ka malalagot.” He took a heavy breathe. “Ginawa niya yun para maging peke ang kasal nila ni Darleen.” “Does that mean... wala na sila?” Umiling ito. “Nagbago si Boss simula ng dumating ka.” “Meaning?” “Nagulo lahat ng plano niya. Yung utak niya. Yung puso niya. Yung kilos niya. Yung tiwala niya saamin. Lahat yun ginulo mo!” Inis na binatukan ko ito sa ulo. “Hinaan mo 'yang boses.” He cursed. Dinama ang pumutok na labi, ang mga braso at ulo na kaliwa't kanan ang bukol. I mentally laughed while staring at him. “Ano na?” maya-maya untag ko sa kanya. “Lihim kasi hindi niya naman talaga sana tototohanin. Ipapawalang bisa din after. But the opposite happened.” My lips parted in shock. “Ano yun kinasal ako ng hindi ko alam tapos ea-annul ng hindi ko rin alam? Ang tindi ng plano niya sa'kin ah. Pinagbibintangan niya na nga ako ng hindi ko ginawa tapos gagamitin--” “I told you the opposite happened!” sabad nito. “Nahulog siya sa sarili niyang plano. Parehas lang kayo. Tsaka isa pa, siya na rin mismo nag-utos na e process kaagad iyon.” “Kailan niya inutos?” “No'ng araw mismo na umalis siya. Nagpakasal lang sila ni Darleen ng masiguro niyang hawak na namin yung marriage contract niyong dalawa.” “Hawak niyo na?” tumango ito. “E 'di nakita ni Rald yung--” “Gumawa syempre si Clayde ng isa pa na Rashmisn El Salvador mismo ang pangalan. Yung ang pinakita namin sa kanya. Yung orig nakatago.” “Gusto kong makita--” “Hindi pwede--” “Sasabihin ko kay Rald--” “OO na--t'ngna!” tumaas baba ang dibdib nito sa galit. Matamis ko naman itong nginitian saka tinuro ang manibela. “Paandarin mo na.” humakbang ako pabalik sa upuan ko. Tinapunan muna ako nito ng nakamamatay na tingin bago pinasibad paalis ang kotse. Pinatay ko naman ang cellphone ni Irine. Kinuha ko yung mga hikaw, singsing at relo sa bulsa ko saka itinapon sa labas ng bintana. INABOT din kami ng oras sakay ng chopper. Iwan kung saang lupalop ng Pilipinas ako nito dinala. Kagaya do'n kay Rald; napapalibutan din ng dagat ang buong paligid. Subrang ganda ng lugar. Subrang tahimik at payapa. Dinala ako ni Cyrus sa underground ng napakalaking bahay. Kung sa labas nakakamangha, sa loob halos mapanganga at lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita. “This is the biggest, widest and spectacular control room I've ever seen in my whole life. Mas malaki pa 'to kaysa do'n kina Wrath.” “Hindi tayo pwedeng magtagal dito.” tinuro nito yung maskuladong matangkad na lalaking nakangiting naglalakad pababa ng hagdanan, nakatitig sa akin. Wearing black fitted shirt and ripped jeans. “That's Clayde.” “Hi Misis Gonzalvo.” kaway nito. “Anong sadya?” “She wants to see their marriage contract.” Clayde bark a laughter. “Wise,” Tinulak nito ang pader. Bigla iyon bumukas. Pumasok ito sa loob. Paglabas may bitbit ng white folder. Inabot iyon sa akin pagkahinto sa harapan ko. Nakatingin ako sa kanya ng abutin ko iyon. He nodded then smile at me. “Suit yourself.” Niyuko ko ang folder. My hands almost trembled as I opened it. Nahigit ko ang aking hininga ng tuluyan ko iyong makita. Hindi makapaniwalang napatakip ng kamay sa aking bibig. “Is... is this for real?” “Legit and authentic, Misis Crisha Joy Montealegre Ledesma Gonzalvo. That's your real name. And you're now a Gonzalvo. Our Boss Rald James Gonzalvo's one and only wife.” ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD