Beloved Tyrant 23

2861 Words
THIRD PERSON's POV DARLEEN “Where's your boss?!” sigaw ko sa katulong na kanina pa namumutla pagkakita sa'kin. “Madame--” “Where's Hugo?!” tinulak ko ito, deri-deritso pumasok sa kabahayan. “Hugooo! Lumabas ka diyan--t'ngna mo! 'Wag mo akong pagtaguan! Hugooo!” Natigilan ako sa nakitang balingkinitang babaeng lumabas sa kwarto ni Hugo. May hawak na pocket pistöl, iniikot-ikot pa sa daliri ng kamay. “Who are you? Where's Hugo--” “Inside.” nakataas ang kilay na sabad nito saka nilampasan ako. Mabilis ko namang hinablot ang braso nito pero kaagad ko din nabitawan ng ipiksi nito iyon. “You have no right to touch me.” itinutok sa akin nito ang pistol. Nahigit ko naman ang aking hininga sabay taas ng dalawang kamay. “Dare to lay even the inch of your dirty fingertips in my skin, and surely you'll be dead in no time.” “I remember you--” “I remember you too.” nakangising muling sabad nito. “You're one Hugo's fück buddy, right?” Mapakla akong tumawa. “Nagmamalinis pa ang hitad na 'to--” “Watch your word, slüt.” “Aba't--” Natigilan ako sa akmang pagsampal ko sa kanya ng ilapit nito lalo sa akin ang pistöl. “Sige... subukan mo lang at pasasabugin ko yang bungo mo.” I was taken aback for a sec. Gulat sa biglang salita nito ng... “You... you can speak tagalog?” “Por supuesto niña estúpida.” “How dare you call me stupid girl?!” “'Cause it's really suits you.” Gigil na naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao. Tinitigan ito ng nanlilisik kong mga mata. “STAY HERE.” turo ko sa sahig. “May pag-uusapan--” “I have no business to do with you. He's just my evil guardian, not my lover--Eww--yücks! Kinuha ko lang yung allowance ko, bigay ng parents ko.” sabay pakita sa'kin ng pera at tinuro nito gamit ang hawak na pistöl ang nakasaradong pinto. “Pero sa t'ngnang Hugo na yun malamang meron. Kung ako sayo hindi na ako mag-aaksaya pa ng segundo, papasukin ko na sa loob. Para malaman mong niluluko ka lang din niya.” she tapped her head using her pistöl, too. “Iniiputan ka sa ulo ng jowaer mo at bff mo pa ang other woman, bieee!” “A-Ano--” “Pinapahanap niya yung Sugar RS and Darling Mhariss niya, that's what I heard. Komprontahin mo na lang siya. Seketch nyeern.” she evily smirked and winked at me. “Babosh.” sabay talikod. Pakending-kending pang naglakad palabas ng mansyon. Uminit ang ulo ko. Lalong kumulo ang dugo sa sinabi nito. Pumihit ako, malalaking hakbang na nilapitan ang pinto ng kwarto ni Hugo at pabalya iyon binuksan. Napatalon pa ito sa gulat, nabitawan ang cellphone. “WhatTheFuck--Darleen!!” dumadagundong na sigaw nito sabay dampot niyon. “Don't you know how to knock on the door first before you enter this room?!” “Pagkatapos mo akong pagtaguan ng ilang linggo sa tingin mo may pakialam pa ako sa t'ngnang pinto mong yan?” balik sigaw ko sa kanya. “Gusto mo gibain ko yan?” “What are you talking about?” clueless pang tanong nito--t'ngna niya! “Hindi kita pinagtataguan--” “So, why the hell didn't you even bother yourself to take my call or even answer my damn messages, huh?! I bombarded you, yet you just turned a deaf ear!” nangangalaiting sigaw ko sa kanya. “Pinapatayan mo pa ako ng tawag!” Biglang dumilim ang kanyang mukha. Umigting ang panga. Kumuyom pa ang kamao. But, to hell with him. I'm damn furious, too! “Diba nagpakasal kayo ni Gonzalvo? Anong gusto mong maramdaman ko ha? Tumalon sa tuwa? Magpa-party kasi yung löver ko nagpakasal na sa iba?” “Pinag-usapan na natin 'to diba? Tsaka peke yung kasal. Hindi totoong pari yung kinuha kong nagkasal sa'min ni James kaya malaya pa rin ako Hugo.” “Pineke mo yung marriage niyo?” Tumango ako. “I told you, ayokong magpatali sa kanya.” “Walang nangyari sa inyo? Hindi kayo nag-honeymoon?” Sunod-sunod akong umiling. “Imposible--” “Nagdahilan ako sa kanya.” “Hindi man lang siya nagalit or nag-insist--damn! Kakakasal niyo lang. Imposibleng hindi yun--” “Hindi yun hayok sa laman kagaya mo, Hugo.” sabad ko sa kanya na ikinadilim lalo ng kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit nagagalit na siya sa akin ngayon. Hindi naman siya ganito dati. We talked about this damn marriage already pero bakit--t'ngna. “Hugo, buntis ako!” “Whaaaat?!” I shifted on my feet. Nagulat sa lakas ng boses niya. “B-Buntis ako.” ulit ko. “Anong buntis? ” “Nagdadalantao ako.” “P-Pa'no nangyari yun? Sino ang ama--” “Ikaw ang ama--t'ngna naman Hugo! Kailan pa bumaba ang IQ mo't hirap na hirap naman yata prumoseso yang utak mo?” “Sigurado ka bang ako ang ama?” “Seriously? Tatanungin mo talaga ako ng ganyan?” “You're a loose woman. Gaano ka nakakasigurong ako nga talaga ang ama ng dinadala--” Malakas kong sinampal ang kanyang mukha. Halos manginig ang kalamnan ko, tumaas baba ang dibdib sa subrang galit. Muli ko siyang sinampal. Uulitin ko pa sana ngunit mahigpit niyang nahawakan ang braso ko. “No woman had ever hit me, don't you know that, huh, Darleen?” napaigik ako ng haklitin niya lalo ang braso ko. “Do that again, and you'll surely regret the day your path ever crossed with mine.” “How dare you call me loose woman after submitting myself to you?” halos 'di kumibot ang labing wika ko. “Ikaw ang una sa buhay ko. Sayo ko ibinigay ang sarili ko noon instead na kay James na boyfriend ko! Tapos pagsasalitaan mo ako ng ganyan?” Pabalya niya akong binitawan. Napaatras ako sa impact sabay hawak sa braso kong nasaktan. Namumula iyon, bumakat ang kanyang mga daliri sa balat ko. Tinungo niya ang misita at nagsindi ng sigarilyo doon. Humithit at ibinuga ang usok paitaas. Inabot ang baso ng alak at tinungga iyon lahat. Muli ring nagsalin. “I offer you marriage before, not just once but many times. But you repeatedly rejected my proposal. Kahit may fiancee ka na kung kani-kanino pang lalaki ibinibigay mo 'yang sarili mo. Tingin mo maniniwala akong ako nga ang ama niyang dinadala mo?” “Hugo--” “Hindi lingid sa aking kaalaman na magkasama kayo sa iisang bubong ni Gonzalvo. Malay ko kung may milagro din kayong--” “Simula ng dumating ang El Salvador na yun kay James nawalan na siyang oras sa'kin!” galit na galit na sigaw ko sa kanya. “Puro pag-iimbestiga ang inaatupag niya. Puro paghihiganti! Never kaming nagsîping--ikaw lang!” turo ko sa kanya. “Ikaw lang at bukod tanging ikaw ang ama ng dinadala ko! Kailangan mo 'tong panagutan kung hindi ipapalaglag--” “E 'di gawin mo! Wala akong pakialam!” tinuro niya ang pintuan. “Leave... Patong-patong na ang inaasikaso kong problema dumadagdag ka pa talaga--t'ngna.” “Yun na yun--” “I said leave!” “Ganun lang yun? Wala kang pakialam sa bunga ng ginawa nating dalawa? Pagkatapos mo akong pagsawaan itatapon mo na lang akong parang basura? Bakit?” mabilis kong pinalis ang luhang sunod-sunod na bumalong sa aking mga mata. “Anong patong-patong na problema mo? Nawawala sina Sugar RS at Darling Mhariss mo?” Namilog ang kanyang mga mata sa gulat. Mapait akong ngumiti sabay tawa ng mapakla. That brat telling the truth! “Grabe... kung makatawag ka sa'king loose woman parang ang linis-linis no'ng mga babaeng kinahuhumalingan mo e mas laspag naman ang mga yun kaysa sa akin. Bulaklak yun ng clüb. Kung sino-sinong sinasamahan na mga lalaki. Kahit nga sa kanto pinapatos ng mga yun. Tapos mga kaibigan ko pa talaga ang tinuhog mo. Ang tindi mo din ano? Grabe ka.” “Wala akong alam diyan sa sinasabi mo--” “Ows talaga?” mapanuyang sabad ko. “Kung ganun sinungaling pala yung brat--” “Damn that bîtch!” aniya. Niyamukos sa subrang sakit ang puso ko sa kompirmasyon. “Alam din ba nina RS at Mhariss na pinagsasabay-sabay mo sila?” “Wala akong relasyon sa mga haliparot na yun!” I laughed like crazy. His jaw tightened, and his face became gloomy. I mentally cursed. “OK. Wala kung wala. But I will find them for sure and will ELIMINATE them for good. Mga baboy!” sabay layas. “Darleen--” “Go to hell!” “Darleeeeen!” SAKAY NG KOTSE dumeritso ako sa apartment ni Monaliza. “L--Leen..!” bulalas niya sabay salo sa'kin ng bumagsak ako sa lapag habang malakas na humahagulhol. “What happened?” “Si Hugo...” “Anong ginawa niya sayo--Irine!!” sigaw niya sa loob ng bahay. “Pakitulungan ako dito--dali! Si Darleen--Leen? Darleeeeen!” narinig ko pang sigaw niya bago tuluyang nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay. NASA LOOB na ako ng kwarto paggising ko. Nakahiga sa kama. Naalimpungatan sa nagtatalong boses nina Ona at Irine. “Ang ingay niyo naman.” Natigilan ang dalawa sabay takbo palapit sa'kin, sumampa sa magkabilaan ng kama. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Irine. “Anong nangyari?” segunda ni Ona. “Wala--” “Nang ganun kalakas na hagulhol at nahimatay pa, wala teh?” wika ulit ni Ona. “Malamang buntis kaya nahimatay, tanga nito.” sabad ni Irine na ikinagulat ko. “Ayusin mo 'yang bibig mo--” “E sa tanga ka naman talaga. Sinabi na ni Doc nagtanong kapa talaga. Dapat tinanong mo kung kumusta feelings niya at sino may gawa nang marisbakan.” “Doc?” sabad ko kay Irine. “Sinong Doc? Nagpatawag kayong Doctor?” Hinaplos nito ang braso ko. “Yeah, nag-alala kami ng subra kaya ayun... tinawagan ko yung kakilala kong Doctor.” nginuso nito ang impis ko pang tiyan na natatabingan ng kumot. “Sinong ama niyan? Si Gonzalvo ba?” “Congrats girl,” nakangiting hinaplos din ang braso ko ni Ona. “You did a great job! Wala na tayong puproblemahin pa kay Gonzalvo--” “Si Hugo ang ama.” Umawang ang labi ng dalawa sa gulat. Namilog ang mga mata. Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa isa't isa. “W-What did you say?” Nagpakawala akong malalim na buntong-hininga. “Hugo doesn't want the baby.” “ThatBastard--” “Gago--” “Anong gagawin ko?” Sabay pang napahilamos ng mukha ang dalawa. “Wala, tapos na--” “Ipaako mo na lang kay Gonzalvo,” sabad ni Ona kay Irine. “Ilang buwan na ba 'yan?” “Four weeks.” “Dugo pa lang. Pwede pa 'yan maresolbahan. May nangyari ba sainyo no'ng kasal niyo?” Umiling ako. Malutong na napamura naman ang dalawa. “Nasaan na si Gonzalvo?” tanong ni Ona. “Kailangan may mangyari sa inyong dalawa.” “Umuwi na sa Pinas. Tsaka mukhang naghihinala na siya sa akin e. Till now pinapaimbestigahan ako ng mga kaibigan niya.” “Putcha--di gumawa tayo ng paraan para makuha mo ulit ang loob niya. Dagdagan mo na yung gamit natin.” baling niya kay Irine. “Dederitso tayo sa Pinas. Hanapin na rin natin sina RS and Mhariss.” “Dahil sa dalawang makati na yun kaya nagbago sa'kin si Hugo.” “Ano? What do you mean?” chorus nila. “Lihim din nilang tinuhog si Hugo.” Irine loudly gasped. “Ibig sabihin si Hugo yung lalaking tinatawag ni Mhariss na Darling sweetie pie?” “Tapos yung Sugar baby ni RS... don't tell me si Hugo din?” bulalas ni Ona. “T'ngnang feeling gwapo ang hayuf.” “May alam kayo?” “Ako, narinig ko lang na kausap ni Mhariss sa phone.” wika ni Irine. “Kailan pa?” “Subrang tagal na.” “SonOfABitch--!” nilingon ko si Ona'ng nakakuyom na ang kamao. “Ikaw Ona?” “Manlolokong hayuf na yun,” binalingan niya kami. “Resbakan natin ang ogag na yun but for now unahin natin si Gonzalvo at yung dalawang traydor na hitad. Bisitahin na rin natin yung puntod ni Rashmin kung totoo nga ba talagang pàtay na ang babaeng yun.” NEXT DAY; bumyahe kami pauwi ng Pinas. Hindi na kami nagpahinga, umalis din kaagad ng bahay. Dumaan kami sa flowershop. Bumili ng mga sira, pinilian na, tuyo at malapit ng mabulok na mga bulaklak. Binayaran ko ng malaki yung may-ari kaya sumunod sa ayos ng bulaklak na gusto ko. Pagkatapos, dumeritso kami sa memorial park. Inabot din kami ng ilang oras kakahanap ng puntod ni Rashmin. “Totoo nga. She's finally dèad.” kinuhanan iyon ni Irine ng litrato. “Bibili lang ako ng bagong sim. Send ko 'to kay Capo.” sabay alis. “Tawagan mo 'ko kaagad ng new number mo ah.” “Sure!” “Subrang lungkot naman ng bahay mo, Rash.” kausap ko sa lapidang may pangalang Rashmin El Salvador sabay lapag ng nabubulok ng bulaklak. “May dala akong magandang flowers sayo oh. How's your life there? Masarap bang mag-swimming sa kumukulong dagat ng apoy?” Ona and I both laughed. Sinindihan din ni Ona yung itim na kandila. “Ito pinagtirik din kita bhie para 'di ka naman magtampo sa'kin. Baka isipin mo kinalimutan na kita. Miss na miss ka na namin, alam mo ba yun? Wala na kaming pinagkakatuwaan e. Napakalaki mong engot. Ang sarap mo pa naman paikot-ikutin. Sayang nag-joyride ka kaagad papuntang langit... or hell?” muli kaming napahagalpak ng tawa. Ilang minuto pa kaming nanatili doon saka umalis. We were on the road ng makatanggap si Ona ng tawag kay Irine. Ipinarada namin sa gilid ang motorbike. Ilang minuto din silang nag-usap. “Galing daw sementeryo si Gonzalvo.” wika ni Ona pagkababa ng phone. “Baka nakita no'n yung bulaklak at kandila--” “Sino daw kasama?” “Yung Cyrus daw.” “Wala na bang iba?” “Yung dalawa lang daw yung nakita niya sa labas ng van. Parang may kausap daw si Gonzalvo sa cellphone.” I cursed. “Sinundan ba ni Irine?” “Yeah. They're heading to SM.” “Sabihan mo siyang doon na natin gawin yung plano bago pa ako paghinalaan lalo ni James--shet! Dapat pala 'di ko na siya minissage pa na bukas ako uuwi. Damn it!” ***** RASHMIN EL SALVADOR Humagulhol ako ng humagulhol. Iniyak lahat ng sama ng loob. Lahat ng kamalasan na sinapit ng buhay ko. Hinayaan lang din ako ni Cyrus. Nagpapasalamat ako do'n pero kumukulo yung dugo ko kanina pa. Napaka-insensitive... kanina pa patawa-tawa. Ayaw ko mag-assume pero sino pa bang pagtatawanan nito e kami lang namang dalawa ang magkasama dito sa loob ng kotse. Tiningnan ko ito ng masama ng abutan ako nito ng isang balot na tissue. “Ang sama naman ng tingin mo sa'kin--” “Kanina pa ako napipikon sayo, alam mo ba yun?” He laughed again. “That's new to me--I mean ngayon lang kita nakitang napikon.” “Ganun ka ba ka-insensitive?” “Uhm,” he shrugged his shoulder. “Bakit ka nga pala umiyak? Broken-hearted ka dahil sa sinabi ko about sa pagpapakasal no'ng dalawa?” Hinablot ko ang tissue saka gigil na ibinato sa kanya. Sapol ito sa mukha pero nagawa pa rin akong pagtawanan. Hinampas ko ang pinto ng kotse sa gilid ko. “Buksan mo 'to, bababa ako.” “Saan ka naman pupunta--” “Wala ka ng pakialam do'n!” “Ofcourse may pakialam ako kasi ako din mismo ang malilintikan kay Boss kapag hinayaan kitang umalis.” I chuckled in disbelief. “Kanina sabi mo--” “I told you that I'm just testing you, didn't I?” naguguluhan ko itong tiningnan. Tinuro naman nito yung Passport na nasa bulsa ko. Napasunod ang tingin ko doon saka muling nag-angat ng tingin sa kanya. “Lumang passport 'yan ni Boss, hindi sayo.” I gasped in awe then hurriedly took it out in my pocket. Halos manginig pa ang mga daliri sa kamay ko sa pagmamadaling pagbuklat ng pahina niyon para lang matigilan sa aking nakita. Lumang passport nga ni Rald! Pag-angat ko ng tingin kay Cyrus, sakto... red light. Umahon ako sa aking kinauupuan. Pinaghahampas ko ito. Pinaulanan ng suntok at tadyak. “Putangina--maghunos dili ka Gandara!” sigaw nito, todo ilag at sangga ng mga kamay at paa ko. “Paasa ka--t'ngna mo!” “Siniguro ko lang naman kung mahal mo ba talaga siya!” “Nagpapalusot ka pa!” “Aww--nagsasabi ako ng totoo! Mahal ka niya!” “'Wag mo akong utuin--bwesit ka!” “Peke yung kasal nila!” “Aba't--pinangatawanan mo pa talaga yang kasinungalingan mong damuho ka!” “Hindi nga! Ikaw ang totoong Misis ni Boss!” Natigilan ako pero malakas ko pa ring tinadyakan ang kanyang ulo. “Aww--putangina!” ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD