Beloved Tyrant 3

2134 Words
RASHMIN "Give that to her." "But Sir, she's still sleeping--" "Gising 'yan, nagtutulog-tulugan lang. Ilapag mo sa harapan niya." Narinig kong boses ni Rald at no'ng air hostess pero hindi ako nag-abalang magmulat ng aking mga mata. Ipinaling ko ang aking ulo sa kabila at sinubukan muling matulog. Ilang beses na akong binigyan ng pagkain no'ng stewardess na utos ni Rald kanina pa pero ni isa walang akong ginalaw. They're after me and my top opponent. A rival who killed Darleen. So why would I trust them and eat the food they served me? What if they poison me? O 'di na tsugi ako. We were inside the huge, luxury plane. Hindi ko alam kung pag-aari niya ito pero sa tingin ko oo dahil tanging kami lang ang sakay at tatlong tauhan niya. Plus the pilot and a sexy and very charming female stewardess. Na kay lagkit ng titig kay Rald. But that ugly ogre never gave her even a single little glimpse. Walang paki sa kanyang paligid. Ni hindi man lang tinanguan or ngumiti or bumati pabalik sa babae na nag-vow pa sa kanyang harapan. He walked pass her just like a cold statue. Parang gusto ko tuloy iharang 'yong paa ko sa daraanan niya kanina para mapatid siya. Tingnan ko lang kung 'di siya gumulong pabalik sa baba. Trice pa lang akong nakapasok ng airport pero 'yung dinaanan namin kanina first time ko doon. Naka-VIP kami or mas tama sigurong sabihin. . . MIP? Iba yung trato sa kanya e. Subrang dami pa ng bodyguards. It actually seems like he was the most important person. I scoffed. Dinaig pa 'yong Presidente. Asal hayop naman. "Here's your meal, Ma'am." malamyos na boses ng air hostess. Narinig kong may nilapag ito sa harapan ko but I didn't budge. "Kumain na daw po kayo sabi ni Sir." "NO." sagot ko habang nakapikit pa rin. "Take that food away from me kung hindi ibabalibag ko 'yan sa mukha ng Boss mo." Malakas na napasinghap ang babae sa sinabi ko. "You may leave, Steffi." maautoridad na wika ni Rald. Nagmamadaling yabag ng babae papalayo sa akin ang narinig ko. Saglit namayani ang katahimikan. Sinalakay din ako ng kakaibang kaba at takot pero palagi kong isinisiksik sa utak ko na hanggat wala siyang nakukuhang info sa akin. . . I'M SAFE. Hindi niya ako magagalaw dahil may kailangan siya sa akin. At 'yun ang alas ko. "Aww--!" Halos mabali ang leeg ko ng may biglang humatak no'n. Madilim na mukha ni Rald at umiigting na panga ang namulatan ko. "Kakain ka or ipapalunok ko mismo sayo pati ang malaking platong 'yan?" halos hindi bumuka ang mga labing wika niya. "E bakit ba pinipilit mo ako e ayoko nga? Kung gusto mo e 'di isaksak diyan sa ngala-ngala mo." The next thing I knew madiin na ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa aking leeg. Umawang ang labi ko sabay hawak sa kanyang malakadenang kamay na nakadiin sa lalamunan ko. Pilit na kinakalas iyon pero lalo lamang humihigpit. Sa laki ng kamay niya, halos masakop no'n ang buong leeg ko. "Pasalamat ka kailangan pa kita dahil kung hindi, kanina ko pa pinilipit 'tong leeg mo!" May dinukot siya sa kanyang bulsa saka pwersahan na pinasok sa loob ng bibig ko. Nakanganga ako kaya ramdam ko ang pagderi-deritso ng bagay na 'yon papasok sa aking lalamunan. Maliit lang iyon pero nabilaukan ako. "Kung ayaw mong kumain then fine. Manghihina ka lang naman, hindi ka pa mamamatay. And besides hindi ako ang magugutom kundi ikaw." he released my neck then evily smirked at me. Habol ang hiningang hinawakan ko iyon ng aking dalawang kamay. Coughing unceasingly. "Tiyak nasa Pinas na tayo niyan paggising mo. Hindi ka na makakatakas pa sa akin at mas lalong walang tulong galing kay Wrath na darating sayo." "Paki ko ba? Kung pwede nga lang sana dinamihan mo na ang pampatulog na pinalunok mo sa akin para 'di na ako magising pa. I hate seeing your evil face you know. Nakakasuka!" He sexily chuckled. "Well, my lady we felt the same way. I hate seeing a filthy slut. Nakakadiri." "Mas nakakadiri ka. Old Shreeek!" "Pokpok." "F*ck you!" "Oh sure! Will f*ck you hard and mercilessly after I get the info I need from you. At pagkatapos," nilapit niya pa ang mukha sa akin. "...will grind you alive like a corn beef or pata tim kaya? Pwede rin kitang gawing El Salvador humba or El Salvador lechon. O 'di kaya ilublob kitang buhay sa kumukulong mantika para maging Crispy pata ala Rashmin El Salvador." then he grinned. "Sounds masarap na ulam, isn't it? Kaso baka maumay ako. Mukha mo pa lang kasi nakaka-high blood na. Alam mo 'yung tinititigan mo pa lang pero nasusuka ka na? 'Yung ganun, alam mo ba 'yon, hmmm?" "Oh well, base sa mga naisip mong ulam na gagawin mo sa akin mukhang sarap na sarap ka sa katawan ko. I can't wait that to happen ugly ogre!" Nakita ko pa ang paggalaw ng kanyang panga sa sinabi ko habang unti-unting pimipikit ang aking mga mata at iginupo ng subrang antok. PAGGISING ko kakalapag pa lang ng chopper sa napakalawak na rooftop. Napabalikwas ako ng bangon sa aking nakita. "Kunin mo sa kabila kay Wayne 'yong mga pina-print ko sa kanya. Bumalik ka kaagad." "Copy Boss." Narinig kong usapan nila ng piloto pero 'di ko sila pinansin. Iginala ko ang paningin sa paligid. Iwan ko kung saang lupalop ng mundo niya ako dinala. All I can see from afar was the deep blue sea surrounded arround us. Napalunok ako. Paano ako makakatakas sa lugar na 'to kung puro dagat ang paligid? Hindi ko kakayanin lumangoy papunta ng syudad. Baka mag peekaboo-han kami bigla ng mga pating sa dagat. Tss. Saka ko na nga 'yon iisipin kung pa'no. For the meantime, I need to study the whole area first. At kung paano ako makakasurvive kasama ang bwesit na lalaking 'tong katabi ko. Sayang, gwapo pa naman sana. Haaays. "Finally, the sleeping chaka doll is awake." Nagpanting ang tainga ko sa tinawag niya sa akin pero hindi na ako nakasagot pa ng walang ingat niya akong hinatak palabas ng chopper. Hindi ako prepare. Nagugutom na rin ako at nanghihina kaya ayon nahulog ako matapos sumabit ng suot kong high heels. Buti na lang hawak niya ang braso ko at mabilis ang kanyang kilos. Nasalo niya ako. Nangudngud naman ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. His manly scent and balmy perfume permeate into my nose. Mahigpit akong napakapit sa kanyang damit. Pag-angat ko ng tingin nagtama ang mata naming dalawa. I can see a spark on his eyes pero saglit lang. Tila nandidiring winagwag niya ako at pinagtutulak palayo sa kanya. "You--yuck! Next time 'wag na 'wag kang makadikit-dikit sa akin ha!" Diring-diri na winagwag pa ang suit niyang kinapitan ko. Pati ang sa bandang dibdib niya kung saan nangudngud ang mukha ko pinunasan pa ng panyo. Hindi pa nakuntento ang hinayupak, hinubad pa ang black suit niya. Nakangiwing inamoy iyon sabay tapon sa kung saan. Naiwan ang pang-ilalim niyang white long sleeve. Nirolyo iyon hanggang siko saka binuksan ang ilang butones sa harapan ng kanyang dibdib. Nasisilip ko ang mga balahibo niya doon. Pati 'yung dibdib, mukhang matigas, mamasel. I rolled my eyes when I saw the corner of his lips rose. "Sus arte mo. Mukha ka namang tikbalang." His face darkened. Napangiwi ako ng haklitin niya ang braso ko. "Ayusin mo ang tabas niyang dila mo, El Salvador. Baka tapyasin ko 'yan." "So 'yong tabas ng dila ko lang ang nakikita mo samantalang 'yong sayo hindi? Hah, g*go mo." His gripped hardened. I winched in pain. "Nakakalimutan mo yatang nasa teritoryo kita?" "Hindi ako matandang ulyanin kagaya mo. Pagkatapos akong pagsabihan na 'wag dumikit sayo pero kung makahawak ka sa akin wagas. Pinagnanasaan mo pa yata ako e." Mabilis pa sa kidlat na pabalang niya akong binitawan. Napaatras ako sa lakas ng impact. Tumama ang binti ko sa landing skid ng chopper. Maluha-luhang hinimas ko ang brasong mahigpit niyang hinawakan. Bumakat doon ang pulang marka ng kanyang mga daliri. "Binabangungot ka ng gising kung iniisip mong pagnanasaan kitang mamamatay tao ka. I had enough supply of women. More decent, glamorous and fresh. Not someone like you na laspag na at. . ." suminghot-singhot siya sa hangin. "...bilasa." nagpaypay pa siya ng kamay sa kanyang mukha sabay pisil ng ilong. "Can't you smell that? Hindi mo ba naaamoy ang naaamoy ko?" I sniffed the air too like a dog. "Naku oo nga." maarteng nagpaypay din ako ng kamay sa aking mukha. Hinigitan ko 'yong ginawa niya. "Grabe nagto-toothbrush ka ba? Amoy na amoy ko kasi 'yung hininga mo," tinuro ko ang malawak na likuran ko. "Siguro aabot do'n 'yung amoy. Humahalimuyak e." Lalong dumilim ang kanyang mukha pero saglit lang. Malakas siyang tumawa. "You're very funny. Siguro dahil sa subrang daming lalaking tumusok sayo nasira na ang senses mo. Kahit sariling singaw ng katawan mo hindi mo na ma-pinpoint kung saan galing 'yung alingasaw. Hugas-hugas din kasi minsan. Ang lansa e." tinuro niya ang malawak na dagat. "Abot do'n 'yong amoy o. Tsk tsk. Kadiri ka talaga." "You--!" nanggigigil ko siyang dinuro. "Alam mo sa sarili mo na malinis ak--" "Ows talaga?" he chuckled mocking me. "Hindi lahat ng virgin malinis at inosente. Minsan 'yong iba..." pinasadahan niya ng nandidiring tingin ang aking buong katawan. "...mapait na ang laman. Siguro mabaho talaga 'yan kaya walang umaangkin sayo. Yucks." sabi niya sabay talikod. Tila hinagisan naman ako ng bomba sa aking harapan. Nakanganga at hindi makapaniwalang nasundan na lamang siya ng tingin. Hindi ako makagalaw habang paulit-ulit iyon prenoseso sa aking sabog na utak. A-Ano daw? Mapait na ang. . . at kaya walang umaangkin sa akin dahil mabaho pa daw ang. . . T'ngna! Too much anger rose in my nerve. Pikon na pikon na ako sa kanya kahapon pa. Dali-dali kong tinanggal ang suot kong heels saka buong lakas na binato sa kanya. Nanghihina ako sa gutom kanina pa pero nasapol ko pa rin siya sa kanyang ulo. Marahas niya akong nilingon. Hinanap ng mata ang tumama sa kanya saka malalaking hakbang na nilapitan ako matapos makita ang heels ko. Both his fist were clenched tightly. Kita ko rin ang umiigting na ugat sa kanyang mga braso. Namumula ang kanyang mga mata sa galit. Mukha siyang gutom na lobo na patakbong sumugod sa akin para lapain ako. Sinungaban niya kaagad ang braso ko pagkahinto sa harapan ko saka pakaladkad na hinatak. Nagpumiglas ako. Nagsisisigaw habang pinagsusuntok ang braso niyang parang bakal sa tigas. Pero wala siyang pakialam. Nahirapan ako sa paghabol sa malalaking hakbang niya dahil naka-heels ang isa kong paa. Ang init-init pa ng semento. Tila nakatapak ako sa lumiliyab na baga. Pinulot ko 'yong heels na binato ko sa kanya ng madaanan namin. Ngunit dahil parang hinahabol siya ng kabayo kahit nahawakan ko na iyon nabitawan ko pa rin. "Sandali 'yong heels ko!" sigaw ko habang nakikipaghilahan sa kanya ng braso at pilit iyon inaabot. Pero deritso pa rin ang lakad niya. "Sabi ng sandali lang! Subrang init ng semento, peste ka--ahhh!" Hindi ko inaasahan na bibitawan niya ang braso ko kaya ayon sumubsob ako sa semento. Napaigik ako sa sakit kasabay ng pagtulo ng luha ko matapos kong makita ang dugo sa aking tuhod, siko at binti. Nakakapaso at tumatagos sa balat ko ang tindi ng init ng sementong kinauupuan ko. Pinukol ko siya ng nakamamatay na tingin saka padaskol na dinampot ang heels ko at isinuot sa pulang-pula ko ng paa. Lumapit siya sa akin at akmang tutulungan makatayo pero malakas kong tinabig ang kanyang mga kamay. But ofcourse he's Rald James Gonzalvo kaya ayon walang babalang binuhat ako na tila ba isang sakong bigas at walang kahirap-hirap na isinampay lang sa kanyang balikat. "I hate you! I hate you! I hate yooooooooooou!" sigaw ko habang nagwawala ako at pinagsusuntok ang kanyang likod. "I hate you more, witch!" balik sigaw niya sa akin sabay palo sa pwet ko. Pagkapasok namin sa loob ng malaking bahay dumeritso siya sa isang kwarto at ibinaba ako sa tabi ng kama. Nanatili lang akong nakatayo doon habang nakasunod ang tingin sa kanya na nagmamadaling lumabas. Pagbalik may bitbit ng aid kit. Binato niya iyon sa akin. I didn't bother myself to catch it kaya malakas na tumama sa dibdib ko. Nasaktan ako pero nanatili lang ang nakamamatay kong tingin sa kanya. Sinundan niya naman iyon ng tingin ng gumulong sa tiles. "Gamutin mo 'yang sarili mo. Ayoko sa lahat 'yung may mga sugat at galis." then he stormed out the room. Pabagsak niya pang isinara ang pinto. A loud shout escaped in my mouth cursing him multiple times. Kasabay ng pagtulo muli ng luha ko dahil sa subrang galit. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD