Beloved Tyrant 4

2904 Words
RASHMIN Ilang oras lang ang lumipas simula ng iwan ako ni Rald pero pakiramdam ko taon na ang katumbas no'n. Niyuko ko ang mga sugat na ginamot ko. Hindi ako pwedeng ma-stock sa lugar na 'to. Tumayo ako saka lumabas ng kwarto para lang magulat sa nabungaran ko sa labas. Nagkalat ang sandamakmak na malalaking pictures ng 'di ko kilalang babae. She looks so beautiful, too young and innocent. Napakaganda ng kanyang ngiti. Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Lahat ng pader merong nakadikit pati sa itaas, napayuko ako sa aking natapakan. Wala sa sariling dinampot ko ang poster. Nagsalubong ang mga kilay ko ng mariin iyong matitigan. Why. . . she looks familiar? "Did you recognized her?" Marahas akong napalingon sa gilid ko. Mabangis na mukha ni Rald ang sumalubong sa akin. Nakasandal sa pader habang nakakrus ang dalawang braso sa hubad na dibdib. That devil still looking gorgeous and hot. Naglakbay ang paningin ko pababa para lang mapaso sa aking nakita. He's just on his boxer! I gulped then look away when I heard his evil smirked. "Drooling my nakedness, my Lady?" "Don't flatter yourself Gonzalvo. Hell would freeze first before I set my gorgeous eyes with you." "LOL. Didn't you just roamed my body with your lustful eyes--" "Shut up!" singhal ko sa kanya na sinuklian niya naman ng nakakapanggigil na ngisi. "Kahit siguro ikaw--" "Hep," pigil niya sa akin. "'Wag mo ng ituloy dahil pareho lang tayo." umahon siya sa pader saka humakbang palapit sa akin. Napaatras ako ng tumayo siya sa harapan ko at nilapit ang mukha sa akin. Lumapad lalo ang kanyang ngisi sa ginawa ko. "Like I said, hindi ako pumapatol sa mga mabababang uri na kagaya mo. Kahit maghubad ka pa sa harapan ko at ihain sa akin 'yang nakakadiring katawan mo, El Salvador." Nang-uuyam ko siyang tinitigan. "Talaga lang ha? Kaya pala sarap na sarap ka habang niyayamukos ako ng halik at naglalakbay ang mga kamay mo sa aking katawan. Remember when we were intimately together inside your room in Italy, baby?" Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata. Nakita ko pang bumaba iyon sa aking mga labi kasabay ng paggalaw ng kanyang adams apple. Napangiti ako sa aking isip. Pero ang sumunod niyang ginawa ang 'di ko inaasahan. Mabilis niyang hinaklit ng kanyang braso ang bewang ko. Nakulong ang tili sa lalamunan ko ng marahas niyang sakupin ang aking mga labi. Mapagparusa ang paraan ng kanyang halik. Pakiramdam ko dumudugo na ang mga labi ko. Nagpumiglas ako pero pabalang niya akong isinandal sa pader. Napaigik ako sa sakit. His kisses became brutal and painful. Bumagsak ang luha sa aking mga mata. Huminto naman siya at bahagyang lumayo sa akin. Tinitigan ang luhang lumandas sa aking pisngi. Nagulat pa ako ng marahan niyang pinalis iyon. Lalo na sa pagbabago ng kanyang mukha. Lumambot iyon na para bang nagsisi or nasasaktan siya habang nakatunghay sa akin. Pero saglit lang iyon nakiraan, kaagad napalitan ng bangis, galit na hindi ko mawari kung saan nanggaling. Nakakatakot! I never seen anyone like this before. Like. . . sa klase ng trabahong meron ako, buhay ko ang nakataya pero kahit kailan never akong nakaramdam ng anumang takot kung mamatay man ako sa gitna ng misyon ko. Ngayon lang. At hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng malakas na pwersang humahatak sa akin na para bang. . . Gusto kong alamin ang lahat ng tungkol sa kanya, Gusto kong pasukin ang kaloob-looban niya, Gusto kong pasukin ang puso niya, Gusto kong halungkayin ang misteryong bumabalot sa kanyang mga mata para mabigyan ng kasagutan ang gumugulo sa aking puso't isipan. But how? And why? Why would I do that? Tsaka paano ko gagawin iyon na mismong ang sarili ko ngang problema hindi ko masolusyunan? Paano nagagawa ng lalaking ito palambutin ang puso ko sa kabila ng kagaspangan na pagtrato niya sa akin? This is not right, diba? It means defeat. He defeated me in just a span of time. At kailan pa ako natutong sumuko sa laban? I am Rashmin El Salvador. Walang ni isang makapagpapabagsak sa akin! "Ahw--!" Napapikit ako sa sakit ng madiin akong hinawakan ni Rald sa aking panga. "How can I like you if your damn lips tasted like a dead fish in a market, hmm?" tuya niya sa akin. "Mas masarap pang halikan 'yong nguso ng marungis na pulubi kaysa sayo." Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Gigil na kinalas ko ang kanyang kamay pero lalo lamang iyon dumiin. "'Wag kang masyadong mayabang Rald James Gonzalvo. Dahil sinisiguro ko sayong kakainin mo lahat 'yang--ahw!" His face darkened. His hand gripped tightened. I winched in pain--damn him! "Wanna bet?" "Oh, you couldn't beat me!" "Will see, my dear." nakangising pinakawalan niya ang aking mukha. Pakiramdam ko nadislocate 'yong panga ko sa sakit. Umayos ito ng tayo saka iginala ang mata sa buong paligid. "From now on you're gonna be my slave. Susundin mo ang lahat ng iuutos ko sayo. Every. Single. One." "And what makes you think na susunod nga ako sayo?" "Easy," nakangising nilingon niya ako. "Will make sure na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo oras na 'di mo sundin ang gusto ko." "As if natatakot naman ako sayo." "Then try me." tinalikuran niya ako pero patuloy pa rin sa kakadada. "Ngayon ang gagawin mo ay labhan ang lahat ng nandun sa laundry room. Since mabait ako pwede mong gamitin ang lahat ng gamit doon instead na kamay mo lang. Pagkatapos ipagluto mo ako ng pagkain. Araw-araw mo 'yun gagawin. In short you're gonna be my all around maid. 'Yan lang for today. At para naman bukas linisin mo ang buong bahay." huminto siya sa b****a ng main door saka muli akong nilingon. "Any questions or clarifications, El Salvador the killer?" "F*ck you!" "Oh you wanna get f*ck?" he grinned. "Sorry my dear pero meron na akong kapartner para diyan. Not unless you wanna join--oh NO. I'm sure my girl will vomit once she smells your stinky tilapya just like the flower named Rafflesia Banahawensis. Alam mo ba kung anong klasing bulaklak 'yon? That's the biggest and stinkiest flower in the world. Ganun ang itsura at amoy ng tinatago mo sa loob ng panty mo. Yikes," kumulo ang dugo ko sa nakangiwing mukha niya. Tila ba diring-diri habang nakatingin sa akin. "But you can watch us anyway to your heart's content." "Jerk!" Umalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang malakas na halakhak niya. Lalong nagngitngit ang kalooban ko. "Don't just stand there like an idiot. Start your chores now. Siguraduhin mong tapos na lahat ang pinapagawa ko sayo pagbalik ko, El Salvador. Kung hindi. . ," umiling siya. "Ikaw mismo ang isasalang ko sa washing machine pagkatapos sa kalan naman. You'll be double dead at your first day here." sabay layas. I wanna shout! I wanna scream! I wanna took the riffles and fired him to death! Pero sa huli siguradong ako pa rin ang talo. And that brute surely will insult me to the bone. I need to fight him with same force. Napangisi ako sa aking naisip. Tingnan natin kung sino ang madodouble dead sa susunod na mga araw, Rald James Gonzalvo the ugly ogre! Dinampot ko ang mga poster at gigil na pinagpupunit iyon. Binaklas ko ang mga nakadikit sa dingding, nagwala ako ng walang humpay. Nang mapagod tinungo ko ang kusina. Pagbukas ko ng ref puno iyon ng pagkain. Kaagad akong nagluto ng pagkain. Good for one person only. Good. For. Me. Only. Ano ako tanga para paglutuan siya? Hah, manigas siya! Pagkatapos kumain hinayaan kong nakatiwang-wang sa lamesa ang pinagkainan ko. Pati lahat ng ginamit ko sa pagluto hinayaan ko lang ding nakakalat doon. Tila dinaanan ng bagyo ang kanyang kusina. Lalo na 'yong ref. Hinanap ko ang laundry room. Sa subrang laki ng bahay niya nalula ako kakahanap. May napasukan pa akong kwarto na nagkalat ang amoy niya sa loob niyon. Inisip ko 'yon ang inuukopa niya. Gusto sanang ikalat ang lahat ng gamit niya doon pero pinigilan ko ang sarili ko. One of this day, will do that for sure. Nakangising wika ko sa sarili. Lumabas ako ng bahay. Napanganga ako sa ganda ng tanawin na bumulaga sa akin. Hindi ko iyon gaano napansin kanina pagdating namin. Humahalimuyak ang bango ng iba't-ibang uri ng bulaklak na nakahilira sa harapan ko. Maraming nagliliparan na mga paru-paro doon, maliliit na ibon na nagsisiawitan sa mga puno, 'yung iba naglalakad sa bermuda grass saka lilipad palayo. Humakbang ako papunta sa dalampasigan na nakita ko. Subrang puti ng buhangin, napakalinis, napakaganda, napakapayapa ng lugar. Tinanaw ko ang magkabilaan na dulo ng dalampasigan. May natanaw akong mga maskuladong kalalakihan na puro nakaitim na damit. I wonder who they are? Nagsalubong ang mga kilay ko ng makita kong patungo sila sa kinaroroonan ko. Sukat doon napakaripas ako ng takbo pabalik sa bahay. Pero hindi ako pumasok sa loob, umikot ako papunta sa likod niyon. Napapaligiran ang napakalaking bahay ng sandamakmak na mga halaman. Napakaganda ng landscape design. Halatang ginastusan talaga. Lalo na 'yong fountain sa tagiliran ng bahay na dinaanan ko, malaking infinity fool with jacuzzi. Sinong mag-aakalang may halimaw na nakatira sa ganitong kagandang lugar? Sumuot ako sa naglalakihang mga puno. Pagdating ko sa pinakadulo niyon puro mga mangroves ang bumulaga sa akin at malawak na karagatan. Umatras ako saka muling tumakbo papunta sa kabila, ganun din ang bumulaga sa akin. Umikot ako, sinuyod ang malawak na kakahuyan pero wala akong makitang daan paluwas sa lugar na ito. Puro mga mangroves, nipa at 'di ko kilalang puno ang dead in niyon. Hingal na napasandal ako sa katawan ng niyog. "Damn that jerk! How can I escape here? This gonna be a tough one." "Hindi ka makakalabas sa lugar na ito without a chopper, Miss." Napapitlag ako sa baritong boses na nagsalita sa likuran ko. Marahas ko iyon nilingon. I gasped in awe ng makita ko 'yong apat na lalaking naglalakad kanina sa dalampasigan. "What are you doing here, Miss?" Napabaling ako sa kabila ng may magsalita din doon. Apat silang lalaking naglalakad palapit sa akin. Wearing same black shirt, same haircut, same body built. Lahat din walang ekspresyon ang mga mukhang nakatingin sa akin. Mga military ba sila? "You're off limits here." "A-Anong lugar 'to?" "Lugar na pag-aari ni Boss James." "Like a private--" "RJ Surf Camp Resort. That's what they called it. But this one is private. Exclusively for our Big Boss only." "Big Boss ehh? Where's that ugly ogre?" "Looking for me, My Lady?" Tila na stiff neck ako ng marinig ko ang boses ni Rald. Mariin akong napapikit saka dahan-dahan na bumaling sa aking likuran. I stretch my lips when I saw his handsome--shet damn face. Nakakrus na naman ang dalawang braso sa harapan ng kanyang hubad baro na dibdib. Nakasuot lang ng cargo jagger pants na malapit ng malaglag, litaw ang black briefs habang nakasandal sa malaking puno. Amused na nakatitig sa akin. Kung sa ibang pagkakataon baka nauna pa akong nahulog kaysa sa suot niyang jagger pants. Damn! Kahit mahaba ang buhok niya bumagay pa rin sa kanya. That guy oozing a s*x appeal that no one could ever resist! And his darn piercing blue eyes sent tingling sensation through my nerves. Iba ang kislap na nakikita ko sa kanyang mga mata sa tuwing tumititig siya sa akin taliwas sa mga mapang-insultong salita na lumalabas sa kanyang bibig. Though, kaagad iyon napapalitan ng apoy at bangis. "Naligaw ka yata kakahanap ng laundry room, El Salvador? 'Yan ba 'yong epekto ng pagiging masiba, nagiging makakalimutin? Ni hindi mo man lang nakuhang iligpit ang mga kalat mo doon sa kusina. How disgusting you are! Hindi ka lang pala sa katawan burara, pati sa pamamahay ko naghahasik ka ng pollution!" Natigilan ako sa lakas ng nangangalaiti niyang boses pero saglit lang. Oh, naka-score ako kaagad. Great! Malakas akong napahagalpak ng tawa sa aking naisip. Nakita kong napaayos siya ng tayo. Dumilim ang kanyang mukha. Lalo akong natawa na ikinaigting ng kanyang mga panga. "Take that b***h!" maawtoridad na wika niya sabay talikod. Humakbang palapit sa akin ang dalawang lalaki pero bago pa sumagi sa balat ko ang kanilang kamay kaagad umigkas ang aking mga paa at kamao sa mukha at dibdib nila. Parehong bumagsak ang dalawa sa lupa. Huminto sa paghakbang si Rald pati ang iba pang mga lalaki saka nilingon ako. Matamis ko siyang nginitian. Tiningnan siya ng mga tauhan niya sabay lapit sa akin. Humanap ako ng bwelo. Napataas ang kilay ni Rald sa ginawa ko. Kinindatan ko siya. Ubod tamis na nginisian. Pinanliitan niya naman ako ng kanyang mga mata saka nababagot na sumandal muli sa puno. Pinanood kami. Nagpupunas ng duguang ilong na tumayo 'yong dalawa. Pinalibutan nila akong lahat. I evily smirked. Using my middle finger, sininyasan kong lumapit sa akin 'yong lalaking pinakamatangkad sa kanilang lahat. Siya 'yong lalaking kasama niya sa Italy. "Don't underestimate me, little girl." anito. "Then show me your fighting skills big bull." Nilingon nito si Rald. "Why, are you afraid, Cyrus?" Ngumisi ito. "Ok lang ba sayong masaktan siya, Boss?" "Kahit balatan mo pa ng buhay ang babaeng 'yan wala akong pakialam." "Gladly," wika nito sabay sugod sa akin. Sunod-sunod na suntok at sipa ang pinakawalan nito pero lahat ko iyon nasangga at naiwasan. He was fast as expected and very well trained. "Ahw!" hiyaw ko ng tamaan ako ng kanyang spinning back kick sa tiyan na ikinasadsad ko sa lupa. "Is that all what you got, Miss?" I gave him a lopsided smirked. "Not bad." tumayo ako saka tiningnan ang mga kasama niya. "Catch me then if you can." They glance each other pero walang gumalaw na para bang nananatiya sa isa't isa. Then after a couple of minutes passed, someone from behind attack me. I bend my body sabay sipa sa kanyang gitna. Umayos ako ng tayo. Siniko ito sa mukha sabay pisil sa kanyang batok. Walang malay itong bumagsak sa lupa. Hanggang sa namalayan ko na lang na pinagtulungan na nila akong lahat. Lumilipad na suntok at sipa kung saan-saan, pero lahat ko iyon nailagan. Tumatakbo palayo, lumulusot sa ilalim nila habang gumaganti rin ng suntok, sipa, siko, at tuhod sa kanila. Pito sila kaya ang tanging pagpapatulog sa kanila ng 'di dumadaan sa antok ang advantage ko para mabawasan ang kalaban ko. And now they're just three remaining men. Using my right thumb, nakangising sinenyasan ko sila ng pagkatalo. Nakangising sinugod ako kaagad ni Cyrus. Mabilis kong nasangga ang kanyang kamao sabay sipa sa dibdib ng lalaking sumugod din sa aking likuran. Gamit si Cyrus, hinatak ko ang kamao niya bago niya pa ako masipa at ginawang pananggalang sa pangatlong lalaking tumalon sa ere. Tumama ang paa nito sa dibdib ni Cyrus na ikinabagsak nito sa lupa. Tumakbo ako palayo pero nahatak nito ang isang paa ko. Nawalan ako ng balanse kaya padapang bumagsak din ako sa lupa pero naitukod ko ang dalawang mga kamay sabay sipa sa tiyan no'ng pangalawang lalaki. Kaagad akong tumayo, mabilis ang kilos na hinawakan ang leeg no'n pero naunahan ako ng kasama nito sabay suntok sa akin. Nailagan ko iyon kaya tumama sa mukha ni Cyrus na papatayo pa lang na nasa likuran ko. Muli itong bumagsak sa lupa. Now, they're just two men. Nakangising nilingon ko si Rald. "Wanna join, Big Boss?" Tinuro niya ang harapan ko. Gumulong ako ng makita ko ang dalawang paang lumipad papunta sa akin. "C'mon Rald, help them." wika ko habang humahanap ng bwelo. Naghihintay sa pag-atake ng dalawang nasa harapan ko. "They're too weak to fight me." "Don't underestimate my men, El Salvador. Your fighting skills is good but they're beyond your capacity." "Talaga lang ha." Sinugod ko ang dalawa ngunit halos hindi ko matamaan ang dalawa sa bawat atake ko sa kanila. Kung hindi iyon nasasangga, lahat naiiwasan. Hingal na tumigil ako ng ngisian pa ako no'ng dalawa. Hinabol ang aking paghinga. "Tired, Miss?" "Suko ka na ba?" I chuckled. "Surely, you underestimate my capacity boys." wika ko sabay ikot sa suot kong singsing. Lumabas ang maliit na karayom doon with tranquilizer. My last weapon in case of emergency. Sinugod ko silang dalawa. Parehong sinangga ng kamay nila ang kamao ko. Napangisi ako ng magkasunod silang bumagsak sa lupa. Peacefully sleeping. Hinarap ko si Rald pero malaking kamay niya ang sumalubong sa aking leeg. Halos pangapusan ako ng hininga sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Pinagsusuntok ko ang kamay niya. "You killer b***h! I didn't expect Wrath trained you damn well." tiim bagang na aniya sabay sampay sa akin sa kanyang balikat na parang isang sakong bigas. Sunod-sunod akong napaubo. Muli kong inikot ang singsing ko. Ngali-ngaling tusukin ko ang likod niya no'n. But. . . I want to play with him. I want to trigger his patience. Gusto kong malaman kung ano ang gagawin niya sa akin kapag nagalit ko siya ng todo. Would he ever kill me? Nakangising hinatak ko pababa ang briefs niya. "Wow, nice ass---ahw!" hiyaw ko ng paluin niya ang pwet ko. "Take your dirty hands off, El Salvador." I giggled. Matunog kong hinalik-halikan ang likod niya. "Why? The view is breathtakingly beautiful. Mas matambok pa ang pwet mo kaysa sa akin, baby." aniko saka hinaplos iyon. Malutong niya akong minura saka binilisan ang paghakbang. Napahagalpak ako ng malakas na tawa. Soon, hihigupin mo ang lahat ng insultong binabato mo sa akin Rald James Gonzalvo. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD