RASHMIN
Pabalang niya akong ibinaba sa kusina. Muntik pa akong matumba buti nakakapit ako sa kanya pero kaagad niya tinabig ang kamay ko. Tila subra-subra ang pagpipigil niya sa sarili sa nakikita kong klase ng itsura niya na parang lion na gusto akong sakmalin.
Great!
Nang-iinis ko pa siyang nginisian na ubod tamis.
His face became gloomy. Dinuro niya ako. "Ulitin mo pa tong ginawa mo--"
"Sure," nakangising sabad ko. "Masunurin naman ako love kaya uulitin ko talaga para sayo."
"El Salvador--"
"Yes baby--ahww!" hiyaw ko ng haklitin niya ang braso ko. Tila bakal sa higpit ang pagkakahawak niyon. T'ngna.
"'Wag mo akong susubukang babae ka. Hindi mahaba ang pasensya ko. Baka gusto mong matulad kay Darleen, hmmm? Gusto mo ba ha?"
Hindi ako umimik sa sinabi niya. Binaklas ko ang kamay niya pero hinigpitan niya lalo iyon. Napaiyak ako sa subrang sakit.
"Rald--"
Patulak niya akong binitawan. Napaigik ako sa sakit ng tumama ang balakang ko sa kanto ng mesa. Dala ng bugso ng damdamin malakas ko siyang sinapak. Pumutok ang gilid ng kanyang labi. Napalunok ako ng wala sa oras ng punasan niya iyon ng likod ng kanyang kamay. Matagal niyang tinitigan ang dugo doon saka nag-angat ng tingin sa akin.
Nahigit ko ang aking hininga ng magtama ang mata naming dalawa. I gulped again and gulped some more. Dinadaga na ang dibdib ko sa talim ng titig niya sa akin.
He scoffed. "You really intrigued me, El Salvador." sunod-sunod siyang umiling. "Pero 'di uubra sa akin ang katigasan ng ulo mo. Kung kinakailangan ilublob ko yan ng magdamag sa kumukulong tubig para lumambot gagawin ko." muli niya akong dinuro. "Itaga mo 'to diyan sa kukute mo; my territory, my rule, my law. Kung ayaw mong mahirapan umamin ka na."
"Wala akong aaminin sayo dahil wala naman talaga akong kinalaman sa pagkamatay ng kapatid mo at mga magulang mo!"
Tinuro niya ang mga kalat sa mesa. "Linisin mo ang lahat ng yan. Kapag hindi mo sinunod lahat ng pinapagawa ko sayo I swear... matutulog ka sa loob ng drum na puno ng yellow submarine." sabay talikod.
I laughed. "Love! Anong gusto mong ihanda kong pagkain sayo mamaya?" hindi niya ako pinansin. Deritso lang ang lakad. Nakangising sinundan ko siya. "Or baka gusto mo akong kainin? Free taste lang love. I swear babalik-balikan mo sa sarap."
Huminto siya pagdating sa main door. Nilingon ako ng nagbabaga niyang mga mata. He didn't say anything. Just stared at me murderously then left.
Lalo akong napangisi. "Reverse attack lang pala ang katapat niya hmmmm. Mukhang exciting 'to ahw--"
Napangiwi ko ng maramdaman ko ang hapdi sa braso ko. Niyuko ko iyon at sinipat-sipat. Bumakat ang mga daliri niya doon, pulang-pula at parang namamaga. Puro pasa yata ang aabutin ko sa kanya. Pero di bale warm up pa lang 'to. Mukhang kaya niya pang magtimpi. Hindi ko pa nasasagad ang pasensya niya.
Sinimulan kong iligpit at linisan ang lahat ng ginawa kong kalat sa kusina.
Pagkatapos tinungo ko ang laundry area. Kaagad akong inatake ng pagod hindi pa man ako nakakapagsimula ng makita ko ang gabundok na labahin. Maliban sa puro na nga puti, lahat pa yata iyon bedsheets!
Akmang tatalikod na ako ng mahagip ng aking paningin ang malaking note na nakadikit sa harapan ng washing machine. Malalaking hakbang ko iyon nilapitan. Paulit-ulit na binasa saka ngumiti.
DON'T WASH IT AND YOU'LL BE SORRY
Dali-dali akong naghanap ng marker pen sa mga drawer. Nang makahanap, patakbo din akong bumalik sa laundry area at sinulatan sa ibaba yung note niya ng malaking...
OK LOVE AND NOT SORRY :)
"Yan with smiling emoji pa para lalong happy."
Parang tangang pakanta-kanta pa akong lumabas ng laundry area. Nagsalin akong orange juice sa baso saka nag-ikot-ikot sa loob ng bahay. Nakarating ako sa third floor. Ang sosyal ng terrace niya. May garden sa gilid. Tapos may gray half moon rattan sofa set sa gitna.
Nilapitan ko iyon. Nakapikit na ibinagsak ang katawan sa malambot na sofa. Hindi ako nakuntento itinaas ko pa ang mga paa habang umiinom ng malamig na juice. Pinangalahati ko iyon saka nilapag sa center table. Tinanaw ko ang maaliwalas na kalangitan.
"Haaays, sarap ng buhay ng Gonzalvo na yun. Gaano ba siya kayaman para ma-afford ang ganito kagandang resort?"
Ilang oras akong nanatili doon.
Nakaidlip pa yata ako. Hindi ako sigurado. Basta bigla na lang akong naalimpungatan tapos pagtingin ko sa paligid makulimlim na. Nagsasagutan na rin ang naririnig kong kuliglig. Sukat doon kaagad akong napabalikwas ng bangon.
Tumayo ako saka lumapit sa barandilya. Nanlaki ang aking mga mata ng matanaw ko si Rald sa dalampasigan. Naglalakad papunta dito at may nakalingkis sa kanya na sawa este babaeng kita na ang kaluluwa sa subrang iksi ng suot. Napasinghap pa ako ng malakas ng mag-angat siya ng tingin sa gawi ko. Nagtama ang mata naming dalawa. It takes a couple of minutes holding our gaze at each other. Palapit siya ng palapit.
Nang mahimasmasan napakaripas ako ng takbo pababa ng hagdanan. Kulang na lang liparin ko iyon sa pagmamadali. Pagdating sa baba dali-dali akong naghanap ng floor mop. Hindi ako magkandaugaga sa paglagay ng tubig sa bucket. Pati yung scuba brush at tabo dala-dala ko pa palabas kahit 'di naman yun kailangan sa pagma-mop ng sahig--t'ngna!
Nagma-mop na ako sa sala ng pumasok ang dalawa. Sweet na sweet na naghaharutan. Nabitawan ko pa ang tabong hawak ko sa gulat ng biglang isandal ni Rald ang babae sa pinto at sinibasib ito ng halik. Walang pakialam kahit nasa harapan lang nila ako.
Ngali-ngaling sipain ko ang tabo papunta sa kanila. Nagkibit-balikat na lang ako saka pinagpatuloy ang ginagawa.
"Uhm--Chemay... ipaghanda mo kami ng makakain. Good for two and make it fast." boses ni Rald pero 'di ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa pagma-mop ng sahig. Sinabayan ko na ng mahinang kanta. "Chemay!" mataas na ang boses niya pero 'di ko pa rin siya pinansin. Dinagdagan ko din yung volume ng kanta ko na may kasama ng sayaw habang patuloy sa paglampaso. "T'ngnang--El Salvador!"
Kunwari napapitlang ako sa lakas ng boses niya. Nakangiti ko siyang nilingon.
"Yes, Love?"
"Kanina pa kita tinatawag diba?"
"Ha? Kanina mo pa ba ako tinatawag? Ngayon ko lang kasi narinig--"
"Kanina pa!" gigil na sabad niya.
"Kanina--FYI hindi ako ang tinatawag mo. Yung Chemay. Malay ko ba kung sinong Chemay yun."
"Hindi mo alam na ikaw yun?"
"Ako," gulat na turo ko pa sa sarili. "Chemay ako?"
"Ikaw nga. Chemay. Cheap na nakakaumay."
Maarteng nagtakip naman ng kamay sa bibig ang babaeng kasama niya habang tahimik akong pinagtatawanan. Nakatikwas pa ang mga kilay na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ako? Cheap na nakakaumay?" aniko sabay tawa. Tinuro ko yung babae. "Diba siya yung kahalikan mo? So siya yung Chemay. Mukhang cheap at may labing nakakaumay." sabay hagalpak ng tawa.
"You--" nanlilisik ang matang akma ako nitong susugurin pero hinapit ito sa bewang ni Rald.
"O ano ha? Killer ako. Susugurin mo ako? Sige. Lapit ka dito. Tingnan natin kung saan aabot yang tapang mo."
"Let me go, James! Kakalbohin ko talaga ang babaeng yan!"
Nakangising kumembot-kembot ako habang nagma-mop. Ginawa ko pang mic yung hawak kong scuba brush.
"Then go ahead baby. Come to mama!"
"Don't lower yourself to her level, Cherry. She's just my barbaric maid. Baliw talaga 'yan--"
"So why the hell you hired her as your f-cking maid?!"
"Marami yang utang sa akin kaya I had no choice but to make her my slave."
"Ayoko pa rin sa kanya!"
"Oh c'mon sweetie just ignore her. Isipin mo na lang multo siya. Nagpaparamdam at naiinggit sa ating dalawa."
Inirapan ako no'ng babae. Nilabas pasok ko naman ang dila para inisin lalo ito.
Nag-akto pa akong parang nasusuka ng halikan ni Rald ang babae sa leeg na lalong ikinainis nito sa akin.
"Uhm--James baby,"
"Yes sweetie?"
"I'm starving, babe. Kanina pa. Sabi mo may magaling kang cook dito. Utusan mo siyang magluto please. I want Steak and vegetable salad. Tell her to do it in just 15 minutes. If she failed will cook her alive!"
Nilingon ako ni Rald. Kaagad akong umiwas ng tingin sabay mop with matching kanta 'Cheri, cheri Lady song by Modern Talking' yung tono pero sarili kong version yung lyrics na pang-inis sa kanila at kembot-kembot na sayaw.
Cheri, cheri pokpok
Going to the mens club
Sex is where she find it
Selling her petchay
"El Salvador," mabangis na boses ni Rald.
Matamis ang ngiting nilingon ko siya. "Yes Love--"
"Why you keep calling him with that s**t endearment?!" angil na sabad no'ng babae.
Si Rald nagbabaga na ang nagbabantang tingin sa akin pero patay malisya lang ako. May kasama siyang babae kaya malabong saktan niya ako sa harapan nito.
Poor Rald James Gonzalvo. Naka-puntos ako ulit sa kanya. Haha
"Alin yung LOVE? Hindi mo ba alam that..." tinapat ko sa bibig ang scuba at ginawang mic. "Love will keep us alive." pakantang sagot ko pa sa babae.
Lalo itong nanggigil sa akin. Kaso mahigpit itong hapit ni Rald sa bewang kaya hindi makalapit sa akin. Parang nakita ko rin siyang may sinusupil na ngisi sa mga labi or baka naipagkamali ko lang iyon. Hindi ako sigurado dahil kaagad din iyon nawala, nakiraan lang.
"Ano ba--just let me go!" gigil na nagpumiglas ang babae. "Bakit mo ba pinagtatanggol ang t'ngnang yan?"
"Papatulan mo pa talaga ang lunatic na yan or we just get in my room?"
Tumahimik ang babae. Ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Rald sabay siil ng halik sa kanyang labi.
"Ofcourse get inside me hard and deep sweetheart." maarteng wika nito. "Oh--wait what happen to your lips? Ngayon ko lang napansin 'to. Napaaway ka ba?" sinipat-sipat nito iyon at marahan na hinaplos.
"Kinagat ko yang lips niya kanina no'ng hinalikan niya ako--"
"El Salvador!" dumadagundong na sigaw sa akin ni Rald.
Kumaripas ako ng takbo paalis habang tumatawa. Dumeritso ako sa laundry area. Pinalitan ko ng bagong tubig yung bucket.
Ilang minuto ang pinalipas ko ng muli akong lumabas. Sinilip ko sila sa sala pero wala na ang mga ito doon. Lumipad ang tingin ko sa nakapinid na pinto ng kwarto malapit sa hagdanan. May narinig akong hagikhik ng babae doon.
Dahan-dahan ko iyon nilapitan. Bitbit ko pa rin yung floor mop at scuba brush. Muli akong nag-mop. Sinasadya ko pang pinatatamaan ng pole stick ang pinto para maistorbo sila. Tingnan ko lang kung hindi umusok ang ilong ng Rald na yun sa galit. Lalo na yung babae, kairita. Tawagin ba naman akong chemay? Peste siya.
Ngunit ilang minuto na ang lumipas tila walang pakialam naman yung dalawa. Huminto ako sa pag-mop. Idinikit ko ang tainga sa pinto. Pinakinggan kung ano na ang ginagawa no'ng dalawa ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng biglang bumukas iyon. Padapa akong bumagsak sa sahig.
Aw--tngna! Hiyaw ko sa utak.
Subrang sakit pero ininda ko na lang sabay kuskos ng hawak kong scuba brush sa tiles. Tumagilid ako ng higa. Itinukod ang siko sa tiles at ipinatong ko ang ulo sa kamay.
"Hi," nakangiting bati ko pa sa dalawang nakatunghay sa akin. "Cleaning service."
Pinanliitan niya ako ng mga mata.
"Anong ginagawa mo El Salvador?"
"Maglilinis ako ng kwarto, Love. To be continued niyo na lang do'n sa sala." sabi ko saka pagapang na pinagpatuloy ang pagkuskos ng scuba brush papasok sa loob habang kumakanta.
'Di ko mapigilan mapahagikhik ng pabagsak na isinara ni Rald ang pinto.
Tumayo ako saka sinipat ang kama. Hindi naman masyadong nagusot yung sapin. Tiyak nabitin ang mga yun. I laughed again. Pabagsak akong nahiga doon. Tumatalbog ako sa subrang lambot. Ang bango-bango at ang lamig pa ng buga ng aircon. Inabot ko ang malaking unan at pagigil iyon niyakap.
Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga. Nakatingin sa kawalan habang nag-iisip ng hakbang kung pa'no ako makakatakas sa lugar na 'to. Mukhang napaka-impossible pero siguradong may paraan. Kung ano at paano... well, I'm still finding and searching on it.
Hanggang sa lumipas ang oras at 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako dahil sa subrang init. Pagmulat ko ng mata mukha ni Rald ang kaagad na sumalubong sa akin. Nakatayo siya sa paanan ng kama. Patay na ang aircon. Nakahawi ang mga kurtina. Nakabukas ang pintuan. Napabalikwas ako ng bangon sa aking nakita.
"Feel at home ha."
"Kanina ka pa ba?"
"Sapat para tubuan ng ugat yung mga paa ko."
"Buti 'di ka namunga--ahh!" malakas na tili ko ng bigla nitong hatakin ang sapin ng kama. Ang lakas ng lagpak ko sa sahig--hayuf! Tumalbog yung pwet ko. Nakangiwing hinawakan ko ang balakang ko. "Aww--napakasama mo talaga!"
"E yung ginawa mo sa'kin kanina at do'n sa bisita ko? Napakabuti mo. Ikaw na ang pinakamabuti sa lahat ng mabuti na nakilala ko sa tanang buhay ko!"
Hinablot niya ang braso ko sabay kaladkad sa akin palabas ng kwarto. Hindi ako magkandaugaga sa pagtayo. Nananakit pa nga yung balakang ko tapos...
Dinala niya ako sa laundry area. Tinulak pa ako sa harapan ng washing machine kung saan nakalagay yung malaking note niya.
"Ano yan ha? Diba sinabi kong--"
"Sabi mo DON'T WASH," sabad ko. "O e di sinagot kitang OK LOVE. Very masunurin ako diba? Tapos sabi mo pa YOU'LL BE SORRY so ang sagot ko NOT SORRY with smiling emoji. Ba't naman ako magso-sorry diba e mas pabor nga sa akin na 'di yan labhan--"
Natigil lang ako sa pagsasalita ng sakalin niya ako sa leeg.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023