TEASER
TEASER
“Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!”
Isang babae ang nanakbo sa kalsada na nakayapak at nagmamadali. Nakatingin sya sa kanyang likuran habang nananakbo. Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Malapit na mag-alas dose ng gabi. Kumukulog at kimikidlat kasabay ng mabilis na t***k ng kanyang puso. Bumuhos ang malakas na ulan.
“Tama na!” sigaw ng babae habang tumatakbo. Biglang kumulog ng malakas.
Pumasok sya sa isang pintuan. Kinakapa nya ang mga nasa paligid nang biglang may narinig nya ulit ang tinig ng isang babae na parang kumakanta.
“Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!”
Nakakakilabot ang boses nito habang kumakanta at papalapit ng papalapit habang tumatagal.
Paulit-ulit ang tinig na naririnig ng babae. Nagtago sya sa ilalim ng mesa. “Tama na!” bulong nya sa sarili. Pigil na pigil ang kanyang iyak habang nakikita nyang papalapit ang nakalutang na paa ng babae.
“Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!”
Paatras ng paatras ang babae sa ilalim ng mesa at napasandal sya sa bangkay ng isang duguang lalaki na nagpasigaw sa kanya ng malakas.
“Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!”
Napalingon ang multong nakalutang at mabilis syang nilapitan.
Tumayo ang babae at mabilis na tumakbo papalayo sa multo. Puro bangkay ng tao ang kanyang nadadaanan. Mabilis syang umakyat ng hagdanan hanggang makarating sya sa rooftop.
Basang-basa na sya ng ulan. Wala na syang matakbuhan. Nasa harapan nya ang babaeng nakalutang at matigas ang mga buhok. May dugo ito sa kanyang mahabang damit. Papalapit na ang multong nakaputi sa kanya habang kinakanta ang “Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!” Nakayuko ang multo habang papalapit sa babae.
“Para mo nang awa. Huwag kang lumapit sa’kin!” Dahan-dahan syang umaatras hanggang makarating sya sa gilid ng rooftop.
Biglang nagbago ang tono ng multo. Naging nakakatakot at galit na galit ang boses nito. “Nahanap na kita, kaya’t sa akin ka na!!!!!!!!” Biglang humarap ang multo sa babae. Nanlilisik ang mga mata nya na kulay puti. Napatitig ang babae sa mga mata ng multo at hindi sya makagalaw.
Dahan-dahang nababali ang mga buto ng babae. Ang mga kamay nya ay napunta sa kanyang likuran, ang mga tuhod nya ay nabali at ang kalahati ng katawan nya ay bumagsak patalikod. Nagiging dugo ang mga luha nito at biglang umikot ang kanyang ulo paharap sa kanyang likuran. Ilang saglit pa ay nalaglag ito mula sa rooftop na bali-bali na ang buto, dilat ang mga mata at nakanganga.
Kumalat ang dugo nya sa simento kasama ng ulan.
“Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!”
Tumawa ng tumawa ang multo at bigla ding nawala.