29: LAST TWO! Hindi nag-akasaya ng panahon sina Katarina at nagmadali silang nagpunta sa bahay ni tiya Emer. Naghahanap sila ng kasagutan at solusyon sa lahat ng nalaman nila. Pagdating nila dun ay ipinahawak nila sa matanda ang invitation card na naglalaman ng dasal. Tila maninigas ang buong katawan ng matanda ng mapakiramdaman ang invitation. “Sa – saan nyo ‘to nakuha? Paano?” nanginginig na tanong ng matanda. “May nagbigay lang sa’min at ngayon lang namin nalaman na yan ang dahilan ng pagkamatay ng mga kaibigan namin na – ” bahagyang tumigil s Quinn sa pagsasalita. “ – na susunod din na mangyayari sa’min.” Hinawakan ni Katarina ang kaibigan sa balikat at tumingin sa matanda. “Please tiya Emer. Please help us. ALam naming gusto nya lang maghiganti sa nangyari sa anak n

