20: WHAT THE EYES CAN SEE! Dumating si Quinn sa lugar kung saan namatay si Phoemela. Pagbaba nya ng taxi may mga pulis na ang nagkalat. Dahan-dahan syang naglakad papunta sa may riles. Nang makita nya ang nagkalat na dugo ay napaatras sya ng mabilis at tsaka tumakbo. Hindi nya namalayan na may nakaharang sa kanyang likuran at nabangga nya ito. “Quinn? What are you doing here?” tanong ni Cooper. Tumingala si Quinn para tingnan kung sino yung nagsalita. “Cooper – ” niyakap nya ng mahigpit ang kaibigan at tsaka umiyak ng umiyak. “Quinn you’re shaking. Dadalhin ka na namin sa hospital.” Bubuhatin na sana ni Cooper ang kaibigan ng bigla nyang itinuro ang riles. Sabay-sabay namang tumingin sina Perry, Katari

