"Trisha Herzegovina, ang Rank 2 sa Ranking Wizard. Hawak niya ang papel at ang 5 senses. Kaya kung maaari, h'wag mong hahayaang masugatan ka ng Twin Sword niya dahil isa sa limang senses na mayroon ka ... malaki ang chance na maglaho" seryosong sabi ni Myles habang seryoso din siyang nakatingin kila Lio. "Nagkamali ka sa ginawa mo, Veichleo" rinig naming sabi ng Rank 1, si Ivan. "Anong ibig mong sabihin, Ivan?" Tanong ni Lio at tumalon siya palayo kay Trisha. "Pero--" putol pang sabi ni Ivan at bigla niyang hinagis kay Lio ang isa niyang Void at sinunod niya ang isa. Dahil sa sobrang pagkabigla ay hindi nakapagreact si Lio pero mas lalo kaming nabigla ng "Diastatikí pýli (Dimensional Portal)" Lumitaw sa harap ni Lio ang isang Portal na pinasukan ng dalawang Void ni Ivan at lumitaw ito

