"Sa pagbabalik mo ng Crest na 'yan, ang ibig sabihin lang nakapagdesisyon ka na. Pero, kung kailangang nag-aagaw buhay ka ng mapunta sa'kin gagawin ko. Maibalik ka lang sa'min! Ákyro pou kratá ti skóni (Void Who Hold Dust)" Seryosong sabi ni Ivan at mula sa itim na hangin ay nabuo ang isang espada. Nagsimula siyang tumakbo pasugod sa'kin at sinalubong ko naman siya "Diastatikí pýli (Dimentional Portal)" biglang may lumitaw na Portal sa harap ko at bigla kong naramdaman ang prisensiya ni Ivan mula sa likod ko. Masusugatan na ako ng Void niya ng mablock ko 'to. Halos mapudpud na ang suot kong sapatos para lang mapanatili ko ang pagtayo ko. "Eeh? Edi naging seryoso ka rin, No. 1" napapangiting sabi ko. "Ádeio chartí (Void Of Paper)" Sabi ni Trisha na bigla nalang sumulpot mula sa likod ko.

