"Kaaga-aga namang lovey-dovey na 'yan" sabi ni Myles na nakatayo na pala sa pintuan.
"L-Lovey-dovey ka diyan. Manong magsasalita ka kung nandiyan ka" sabi ni Rius.
"Naramdaman ko ang Mahika ni Veichleo kaya akala ko kung anong nangyayari pero ganto lang pala ang madadatnan ko" at tumalikod na siya para maglakad "Siguraduhin niyong nakalock ang pinto sa susunod, okay?" Dugtong pa niya na mukhang nagpakulo ng dugo ni Rius.
Kinuha ni Rius ang Dagger na hawak ko at bigla niyang hinagis kay Myles na nakaiwas naman "Pa-papatayin mo ba ko?!"
"Oo, kaya wag ka ng umiwas!"
Nagsumbatan lang sila ng nagsumbatan habang hindi ko napansin ang ngiti sa labi ko "Pwede ka naman kasing magsabi sa'min, Veichleo. H'wag mong sarilihin" sabi ni Myles na ngayon ay hawak na ang Dagger ko na hinagis niya sa'kin na nasapo ko naman.
"Hindi ko na alam, hindi ko alam kung paano ko lalaban. Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako nakaabot sa ganitong Floor. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang may masaktan para lang magamit ko ang buong Mahika ko. Ang hirap tawagin ng sarili ko na isa akong Wizard kung hindi ko magamit ng maayos ang Void at ang Mahika ko"
"Ang Dagger na ginagamit mo, may Dark Magic" sabi ni Myles
"P-paano mo nasabi?" Tanong ni Rius.
"Kung tungkol sa Dark Magic, mas marami kaming alam na mga Demon Wizard kaysa sa inyong mga ordinaryong Wizard. But unfortunately, hindi ko matukoy kung anong klaseng mahika. Ang alam ko lang, pinoprotektahan ng Dark Magic na 'yon ang Dagger na nasayo"
"Hm, naramdaman ko rin 'to nung una ko 'tong makita. Kahit bago palang ibigay sa'kin 'to ni Eli, nararamdaman ko na ang Dark Magic na nanggagaling dito" sagot ko naman na ikinabigla nila.
"Eli? Sino si Eli?" Tanong ni Myles.
Napatingin akong muli sa Dagger ko bago ko 'to binalik sa beywang ko "Kapatid ko na kasama sa mga namatay sa pag-atake ng Lernaean Hydra"
"S-sorry sa pagtanong" sabi ni Myles pero umiling ako.
"Anong klaseng Wizard ang Eli na tinutukoy mo? Gumagamit ba siya ng Dark Magic, Lio?"
"Si Eli, mabait siyang tao. Lagi niya akong pinoprotektahan dahil alam niya, mahina ako. Dahil ang alam niya takot akong lumaban. Siya ang nagtulak sa'kin na pumasok ako sa Ranking Wizard Battle. T-teka, Ano ba 'to, itigil na nga natin 'to. Maghahanda na ako ng breakfast natin, hihi" at kaagad na akong tumakbo sa kusina.
Eli, bakit kailangan na ganito? Bakit pati ako iniwan mo? .. bakit ..
Nang umaga ding 'yon ay bumalik na kami sa Floor 78 gamit ang Portal. Hindi na kami nagstay ng matagal duon kundi ay pumasok na kami sa Floor 79. Pero bago kami tuluyang makapasok, huminto muna kami. Nilabas ni Myles ang isang puting Gem na lumutang sa harap niya. Gamit ang isang karayom ay sinugatan niya ang hintuturo niya at pinatak ang dugo sa Gem "Fotíste ton kósmo mou (Lighten My World) katharíste ton drómo (Clear The Way) kai deíxte mou to monopáti (and Show me The Path)" dahan dahang sambit niya habang ang Gem ay nagiging pula dahil sa dugo niya. At hindi nagtagal ay lumiwanag ito pero hindi ganun kaliwanag, nagmistulang ilaw lang namin 'to sa daan.
"Okay na, magiging ligtas na tayo pero hindi sa Boss Floor" sabi ni Myles habang papunta sa mga palad niya ang Gem.
"First time mo bang magclear ng floor?" Tanong ni Rius.
"A-ano ba sa tingin mo?" Nahihiya pang sagot ni Myles sabay iwas ng tingin.
"Dont worry, malakas ka. Hihi. Kahit nga ikaw lang mag-isa ang makipaglaban sa Boss Floor yakang yaka hihi" at ngumiti ako ng napakalaki sa kanya.
"Hindi ko alam kung lalakas ba loob ko sa sinabi mo o lalo akong matatakot dahil sa mga pinagsasabi mo" sagot naman niya.
Ngumiti lang ako sa kanya at naglakad lang kami ng naglakad. Mga tulog na halimaw at mga walang pakialam na halimaw lang ang nakikita at nadadaanan namin hanggang sa makarating nga kami sa Boss Room. At isang Ape ang sumalubong sa'min. May mga puti at matutulis siyang mga balahibo at maya maya ay tumakbo siya pasugod sa'min kaya naghiwa-hiwalay na kami "Kenó aímatos (Void Of Blood)" at lumabas sa kamay ni Myles ang isang more like Katana na espada habang ang Gem naman na kanina ay nasa palad niya ngayon ay nakalutang nalang sa ere.
Napansin ko naman na nagtaka si Rius "See? Malakas siya, kung sino mang masugatan ng Void niya ay pwedeng sumabog dahil sa blood na dumadaloy sa katawan natin na kayang controlin ng isang Blood Demon Wizard na katulad niya" sabi ko at mukang nasagot na ang mga katanungan ni Rius at tinawag narin niya ang void niya at sabay na silang umataki at wala man lang iniwan na para sa'kin.
Ngumiti nalang ako sa likod nila habang pinupulot nila 'yung mga left items.
With this group for sure, malilinis namin ang floor na 'to. Maghanda ka na dahil kami ang makakaharap mo ... Dark Wizard.
Sa mga araw na lumipas ay madali lamang naming natalo ang mga Boss Floor, pero wait-- parang wala nga akong ginawa eh. Pero ang mahalaga ay nandito na kami sa Floor 92, yes bilis no? Hindi na kami nagstay sa mga Safe Zone dahil sa Gem na tumulong sa'min at dahil narin sa anyo ni Myles.
"Masyado ka ng napapahinga ah?" Birong hindi nakakatawa na nagmula kay Rius.
Nandito kami ngayon sa Safe Zone at hinahanap ang punong tinutukoy ni Myles. "Alam mo bang kating kati na ang mga kamay ko na pumatay ng mga halimaw? Gusto mo bang mauna? Dahil kung alam mo lang, uhaw na uhaw na sa dugo ang Dagger ko"
"No thanks, mahirap kayang humanap ng blood donator para sa dugo ko" sagot niya naman.
"Kung kailangan mo ng dugo pwede akong magdonate" sabi naman ni Myles na nangunguna sa paglalakad.
"K-kahit wag na" nag-aalangang sagot ni Rius.
"Tanggapin mo na ang offer ni Myles, sige ka ikaw rin. Sayang ang opportunity" biro ko naman.
"Marami pang opportunity ang darating. Nararamdaman ko"
"Nahanap ko na" sabi ni Myles na tumigil na pala sa paglalakad. Tinignan namin ang punong tinitignan niya. Isa itong napakalaking puno na walang bunga kundi pinuno ng kulay pulang mga dahon.
"Paano niyo nasabing umiiyak yan ng dugo?" Tanong ni Rius.
Naglakad papalapit sa puno si Myles "Hindi literal na umiiyak. Kenó aímatos (Void Of Blood)" at hinagis niya ang Void niya at tumusok sa puno. At napansin namin ang pulang likido na tumutulo sa ilalim ng Void niya.
Naglaho ang Void ni Myles at humarap siya sa'min. "Veichleo, pangunahan mo na ang ritual"
"A-ako talaga?" Pero ngumiti lang silang dalawa kaya napabungtong hininga nalang akong lumapit sa kanila.
Pinikit namin ang mga mata namin at nagrelease ng magic at may nabuong isang white magic circle sa lupa na kinatatayuan namin "Ischyró desmó pou den boreí na spásei (Strong bond that cant break)" naghawak hawak kami ng kamay at duon ko naramdaman ang mga mahika nila parang dumadaloy sa katawan ko "I empistosýni pou leípei (Trust that cant be gone)" dinilat namin ang mga mata namin at nakangiti silang nakatingin sa'kin "I agápi metaxý mas pou den boreí na perásei apó típota (Care that goes without saying. The love in between us that cant be cut by anything)"
Napansin kong lumapit ang kaninang dugong tumutulo sa puno sa amin. Pumunta ito sa gitna at duon pumatak sa magic circle na biglang naging pula "Desmevómaste, den epilégoume poté kápoion í káti állo gia kanénan (We pledge, we never choose someone or something else over anyone)"
"Desmevómaste na min vlápsoume kanénan somatiká kai synaisthimatiká (We pledge to not hurt anyone physicaly and emotionaly)" isang kakaibang crest ang lumitaw sa likod ng mga kamay namin "Orkízoume se aftí tin koryfí gia na min prodósoume kanénan. O desmós, i empistosýni, i frontída kai i agápi eínai aftó pou dínoume gia na polemísoume parállila me aftó to kómma (We swear in this crest to not betray anyone. Bond, Trust, Care and Love is what we give to fight alongside to this party)" parang isang napakalakas na mahika ang dumaan simula sa ibaba namin paitas ng dumaan ang Magic Circle at naglaho.
Napatingin ako Crest na nasa likod ng kamay ko. Ito ang tatak na iisa na kaming Party Group. Mas lalo kong nararamdaman ang mahika nila na parang nagpapalakas pa sa'kin lalo.
"Pakiramdam ko dumadaloy ang Mahika niyo sa katawan ko" nagtatakang sabi ni Rius habang nakatingin din sa Crest na nasa likod ng mga kamay niya.
"'Yan ang isa sa mga purpose ng pagiging isang Party Group. Once na nararamdaman na natin 'yan, ang ibig sabihin lang buhay pa siya at member siya ng Party Group naten na mapagkakatiwalaan at may tiwala sa'ten. So meaning din, walang makakapagrebelde sating tatlo" sagot ni Myles.
"Nice, hihi" tanging isang ngiti ang lumabas sa mga labi ko.
"Ramdam ko ang lakas ng Mahika mo, Veichleo" sabi ni Myles.
"Ngayon mo lang ba nalaman? Hihihi" biro ko naman pero sa totoo lang, gusto kong alisin ang pekeng ngiti ko dahil sa isip na malakas nga ang mahika ko pero anong saysay kung hindi ko naman magamit?
"Matagal na naming alam, sadyang ikaw lang ang siyang hindi matanggap na may malakas kang Mahika" sabi naman ni Myles na bigla nalang naglakad na nagpataka sa'kin.
Nabigla nalang ako ng tapikin ni Rius ang balikat ko ng dumaan siya mula sa likod ko at may ngiti niya 'tong ginawa "Nagiging duwag ka lang. Try to overcome that fear bago pa natin makaharap ang Dark Wizard na si Eliza"
Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact sa sinabi niya dahil hindi ko malaman kung pang-iinsulto ba ang sinabi niya dahil mas nararamdaman ko na pinapalakas niya lang ang loob ko.
To be continued ...