Someone's Pov
"No. 1 hindi ka ba naiinip?" Tanong ni No. 2.
"Kung ako lang, matagal na akong naiinip"
"Nararamdaman ko na ang Mahika ni No. 4 sa Floor 92, bakit hindi mo pa siya sunduin?"
"Gamit ang Mahika mo, madali mo na siyang masusundo at makakabalik pa kayo ng mabilis dito. Tignan mo ang mga Ranking Wizard, naiinip na sila" sabi ni Rank 3.
"Pag-iisipan ko pa" simpleng sagot ko.
Lio's Pov
Ngayon na isa na kaming Party, sa hinaba haba na ng panahon na nandito kami sa loob ng Dungeon ngayon lang kami naging isang Party Group. Pero, kakaiba 'to dahil sa Mahika na nararamdaman namin sa loob ng katawan namin. Ramdam na ramdam ko ang mga Mahika nilang dalawa--kung gaano ito kalakas. Miski ang pagtibok ng puso nila nararamdaman ko.
"Ang daming mga Frontliners" bulong ni Myles habang naglalakad kami sa Safe Zone ng Floor 92 "Panigurado, 'yan ang mga Frontliners na kasamang lumaban ang mga Ranking Wizard" sabi naman ni Rius.
"Balita ko maraming masasarap na pagkain dito! Hihi, pahinga muna tayo sa laban, enjoy muna tayo hihi" pagbabago ko naman ng topic na mukang naramdaman na naman nila kaagad.
"Tara" at binilisan nila 'yung lakad nila papunta sa mga mistulang bargain. Kung ano-anong mga bagay at mga pagkain ang nakita namin duon.
Halos inenjoy muna namin ang maraming bagay bago namin hinanap ang pinto papunta sa Floor 93. Pagpasok namin duon madilim na mundo ang bumungad sa'min. Gamit parin ang Gem na patuloy pa ring lumiliwanag. At katulad nuon, iniisnob lang kami ng mga Halimaw na nakakasalubong namin pero ang totoo sila ang umiiwas sa liwanag na dala namin.
"Naririnig niyo ba 'yon?" Sabi ni Rius na tumigil sa paglalakad at lumingon sa likod. "Ang alin?" Tanong ni Myles.
"Napakaraming Wizard ang nasa loob ng Floor 93"
"Party Group?" Tanong ko naman.
"Baka?"
"Magpatuloy na tayo sa paglalakad baka mamaya mga Demon Hunter ang mga 'yan hihi mapapalaban pa tayo" sabi ko naman at tumango sila sabay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Habang naglalakad kami kakaiba ang amoy na naamoy namin "A-ano 'tong amoy na 'to? Ambaho" reklamo ni Rius.
"Ang baho ng pabango mo, Rius" biro ko.
"Baka sabihin mo pabango mo?"
"Ito ang amoy ng lason" sabi ni Myles.
"Lason?" Pagtataka namin ni Rius.
"Lason na nagmumula sa mga bibig ng mga kakaibang Lycanthrope at ng mga Poisoned Plant. Panigurado ito ang simula na Floor na nagkalat ang mga Poisoned Lycanthrope at mga halaman. Wala namang problema kung maamoy lang natin 'to, ang problema lang kapag nasugatan o nakagat tayo ng mga Lycanthrope at nasugat tayo sa tinik ng Poisoned Plant"
"May lunas naman?" Tanong ni Rius.
"Rhodendrons Plant. Kulay Pink ito at napakahirap hanapin nito"
"Woah, sa susunod magkaroon tayo ng mission sa paghahanap nitong Rhoden-something Plant, hihi"
"Easy to say but not to do. Sa tingin ko sa milyong milyong tao dito sa Fake EnCharmzia, 4-8 lang na tao ang nakakakuha nito"
"Ganun nalang ba ka-rare ang halaman na 'to?" Bulong ni Rius.
Napatigil nalang kami sa paglalakad ng marating namin ang Boss Room. Handa ko na itong buksan ng pigilan ako ni Rius "Nandito na sila" seryosong sabi niya habang nakatingin sa kanina lang na dinaanan namin.
Kunwaring hindi ko nararamdaman ang kanina ko pang nararamdaman. Nararamdaman ko ang mga Mahika ng mga Wizard na malapit sa'min ngayon. "Magiging sagabal sila sa oras na maabutan nilang nakikipaglaban tayo sa Floor Boss" sabi naman ni Myles.
"Sa tingin ko rin. Sa tingin niyo, dapat ba natin silang pakiusapan o dapat maging pwersahan? Hihi" tanong ko.
Nagulat nalang ako ng ipokpok ni Rius ang Void niya sa ulo ko, di naman malakas parang pinatong niya lang. "Alam naman naming kahit piliin namin na pakiusapan sila, magiging pwersahan lang din sa huli"
"Nandito na sila" sabi ni Myles at naaninag na nga namin ang grupo ng mga Wizard. Pero habang papalapit sila ng papalapit at naaninag namin ang mga batang nakakadena ang mga kamay at paa. Kahit hindi mo pakiramdamin ang mga Mahika sa katawan nila ay kitang kita na sa mga payat nilang katawan.
Napansin ko na sinuot ni Myles ang hood niya. Binalik ko rin kaagad ang tingin ko sa mga batang halos nagluluha na ang mga luha. "Sino kayo?" Tanong ko.
"Oh, may bata pa dito. Pwede din natin siyang magamit, Leader" sabi ng isang lalaki habang ang napakahaba niyang espadang Void ay nakatusok sa lupa at may napakalaking ngiti habang nakatingin sakin "M-magamit?" Tanong ni Myles.
"Sa tingin ko ginagamit nila ang mga bata-- I mean ang mga Void ng mga bata. Pero bakit ang mga bata?" Sagot ni Rius.
"Naiintindihan ko na. Dahil ang mga Mahika lang o ang mga Void lang ng bata ang kaya nilang gamitin at hindi ng malalakas na mga Wizard. Hanggang sa pambatang Void lang ang kaya nilang gamitin base sa Mahikang taglay nila. How pathetic, hihi"
"Kung makabata ka parang napakatanda mo na ah?" Seryosong sabi ng sa tingin kong Leader nila na nagpakulo ng dugo ko. "HINDI AKO BATA!" Kinuha ko ang Dagger ko at mabilis na tumakbo at sinira ko ang isang posas ng isang bata at hinagis ko siya papunta kila Rius na kaagad naman nilang nasapo. Pero masyado pang maraming bata na kailangang mailigtas.
Tinignan ko ang Party Leader nila at umataki pero pinangharang niya lang ang shield niya reason para matulak ako.
"Pakawalan mo sila, Tanda" seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"At paano kung ayaw ko?" Nakangisi niyang sagot.
"Susundin mo 'ko sa ayaw at sa gusto mo"
"Lio, masyado silang marami para sa'tin!" Sigaw ni Rius.
"Wala akong pakialam" mabilis ko namang sagot.
"Okay, since nauuso naman ang kasunduan ngayon. Bakit hindi ka nalang makipagpalit ng posisyon sa mga walang kwentang batang 'to? Base sa nararamdaman kong Mahika na nagmumula sa'yo, walang dudang malakas ka" Sabi ng Party Leader.
Nakuha ko kaagad kung anong ibig niyang sibihin pero "Anong ibig mong sabihin?"
"Kapalit ng buhay ng mga batang 'to maninilbihan ka sa'min" seryosong sabi niya na nagpatahimik sa buong paligid.
"Manilbihan sa inyo kapalit ng mga bata? Seryoso ka ba?" Tanong ko.
"Muka ba akong nagbibiro?" Sagot naman nito.
"H-h'wag! H-h'wag kang papayag! M-matindi sila kung abusuhin ang Mahika .. namin! M-magdudusa ka lang!" Sigaw ng batang hawak nila Myles.
Humarap ako sa bata ng may ngiti na nagpabago ng expression ng niya. "Dont worry, sa maraming araw na nagdusa ako, wala lang 'to sa'kin. Rius, Myles h'wag muna kayong mangialam. Ako na bahala dito, ginigigil nila ang batang katulad ko. Hihi"
Tumayo ako at binalik ko ang Dagger ko sa beywang ko. "Okay, tinatanggap ko. Pakawalan niyo ang mga bata at lalapit ako sa inyo"
To be continue ...