CHAPTER 16

1022 Words
"Okay, tinatanggap ko. Pakawalan niyo ang mga bata at lalapit ako sa inyo" May hinagis siyang dalawang posas sa harap ko, "Isuot mo 'yan para alam naming hindi ka lalaban" sinuot ko nalang 'yon at tinulak nila ang mga bata papunta sa'kin kasabay ng paghagis ng mga susi ng posas nila. Malulungkot ang mga mata ng mga bata ng tignan nila ako pero malaking ngiti ang ibinalik ko sa kanila. "Ngayon lumapit ka sa'min" ang sabi ng Party Leader. Iniwan ko na 'yung mga bata at naglakad na ako papalapit sa kanila. "Ang Void ko ang kailangan niyo diba?" Tanong ko habang naglalakad. Tumango sila "Ákyro poios kratáei ton ánemo (Void Who Hold The Wind)" bulong ko at dahan-dahang nabuo ang isang Bow sa kamay ko. Iniwasan kong tignan 'to dahil pinagpapawisan na ako. Anu mang oras maglalaho 'to sa kamay ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Kaagad kong tinaas ang kamay ko pagkadating ko sa harap nila para iabot 'to "Woah, mukang jackpot tayo dito ah" sabi ng kanina lang na kausap ng Party Leader na ngayon ay nakangiti. "Mas malakas ang isang Void ko kaya sa tingin ko hindi niyo kayang bitbitin 'yon kaya 'yan nalang ang napili ko" nakangiting sabi ko. Nagtaka sila dahil duon pero kinuha parin nila sa kamay ko. "Ah oo nga pala, mag-iingat kayo diyan dahil nagwawala 'yan sa oras na iba ang humawak sa kanila. 'Yun naman talaga ang rules sa mga RW Void diba? Hihi" Lumakas ang hangin sa paligid hanggang sa isang wave ng hangin ang nabuo patulak sa mga Wizard. Naglaho ang RW Void ko sa kamay nila "S-Sino ka?!" Natatarantang tanong ng Party Leader habang tinitignan nila ako mula sa ibaba. "Veichleo Vali, at your service, hihi" nakangiti kong sabi pero tumayo sila at nilabas ang mga Void nila "R-Rank 4 Ranking Wizard?! Tsk. Hindi na nakapagtataka kung bakit pamilyar ang Void mo. Pero! Sa oras na matalo ka namin ang ibig sabihin lang nuon mawawala ka sa Rank diba? At kami ang magiging kapalit mo. 'Yan ang rules sa Ranking Wizard Battle!" Sabay sabay silang tumakbo papunta sa'kin. "Yup! 'Yun ay kung matatalo niyo nga ako, hihi" nakangiti ko namang sabi. "Tanga ka ba? O sadyang bobo ka lang? Nakaposas ang mga kamay at paa mo, kaya paano ka lalaban?" Tanong ng mukang secretary ng Party Group. "Ay ou nga no? Paano kaya 'to? Hihi" tinutok niya ang Void niya sa'kin at tatama na 'to sa mukha ko pero umiwas ako kaagad at pinangtungtong ko ang kamah ko pabaligtad at sinipa siya sa ulo at nagpaikot-ikot na ako sa ere "May naisip ako! Hihi Prosorinì anadíplosi (Temporal Rewind)" nag-unlock ang mga posas at bigla silang tumigil sa pagsugod sa'kin. "Okay! It's my turn! Veltióste tin tachýtita (Enchance Speed)" sabi ko matapos kong maabot ang sahig. Sa mabilis kong pagtakbo ay kinuha ko ang Dagger ko, hindi na ako nag-atubiling tawagin ang mga Void ko dahil ... alam ko naman na hindi ko 'to magagamit ng matagal. Tinignan ko ang Party Leader na halos hindi na ako masundan ng tingin at nabigla nalang sa paglitaw ko mula sa likod niya "Gusto mo bang iuna kita kay Eliza o itatali mo ang sarili mong kamay kasama ng mga member ng Party mo?" Naramdaman ko nalang ang panlalamig ng katawan niya. At sa huli, tinali nalang nga nila 'yung mga sarili nila. Para silang mga slaves na kasama namin pansamantala hanggang sa makarating kami sa Boss Room. "Maghintay kayo ng tahimik dito kung ayaw niyong ipain namin kayo sa Boss Floor. Hihi, alam niyo bang busog lusog 'yon pagnagkataon" sabi ko ng buksan na namin ang Boss Room.  Tumahimik naman sila dahil wala nga silang magawa dahil sa mga posas nila at sa hindi kalayuan sa kanila ay ang mga batang ngayon ay malaya na. "Kenó tis Fýsis (Void of Earth)" at lumabas na ang Void ni Rius. "Kenó aímatos (Void Of Blood)" sumunod naman ang Void na Katana ni Myles "D-De-Demon Wizard?!" Sigaw ng mga bihag namin. Hindi na ako nagtaka ng magdeath glare siya sa mga 'to "May problema ba tayo sa pagiging Demon Wizard ko? Wait Veichleo, bago natin unahin ang Boss Floor bakit hindi muna natin patahimikin ang mga 'to?" At sa'kin siya nagdeath glare na kala mo ako 'yung kaaway niya. "Mercy, Mercy hehe. Isusunod nalang natin sila after ng boss nila" sagot ko naman. "Itigil niyo na ngang dalawa 'yan. Geez, para kayong mga bata" sabat naman ni Rius. "Hindi ako bata!" Sigaw ko naman. Hindi rin nagtagal ang laban namin sa Boss Floor dahil mukang nanggigil ata si Myles sa nangyari. Pero sa pagpasok namin sa pinto ng Safe Zone, hindi ito ang mundong inaasahan namin na mapapasok namin "W-Walang Safe Zone ang Floor 93?" Tanong ni Myles. "Ang ibig sabihin, ang pintong 'to ay ang Floor 94?" Bulong ni Rius. A-ano bang klaseng mundo ang nilikha mo, Eliza ... "Wala tayong choice, tumuloy na tayo" sabi ni Myles. Naglakad na kami kasama ang mga nakaposas naming mga bihag at ang mga batang halos ayaw ng umalis sa tabi namin. "Anong balak mo sa kanila, Lio?" Tanong ni Rius habang naglalakad kami at tumingin siya sa mga bata. "Hihi, di ko rin alam pero once na maclear natin 'tong Floor 94 at may Safe Zone, siguro mas mabuting iwan nalang natin sila duon" "Paano naman ang mga 'to, Veichleo?" Gamit ang Void ni Myles ay tinuro niya ang mga bihag namin. "Hihi, ipakain nalang natin sa Boss Floor?" Biro ko naman. "Pumapatay lang ang mga Boss Floor, hindi nangangain" bulong ni Rius. Nilingon ko ang batang dahan dahang binabatak ang damit ko. Siya 'yung batang unang naligtas namin "V-Veichleo Vali, ikaw ba talaga 'yan?" "Lio ang itawag mo sa'kin. May problema ba? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Napapagod ka na ba?" "Paano ka niya sasagutin kung sunod sunod ang tanong mo?" Sabi ni Rius. "Ih! Wag ka nalang mangialam ... !" "Okay! Okay!" Muli kong nilingon 'yung bata at umiling siya "Okay lang ako. Ikaw hindi ka ba napapagod?" Umiling din ako bilang sagot "Hindi, at kung pagod man ako patuloy parin akong maglalakad" may ngiting sagot ko. Napansin ko ang ngiti sa labi niya "Ikaw ang magliligtas sa amin diba? Ikaw ang magbabalik sa'min sa totoong enCharmzia, diba?" "Hm, pangako 'yan" Hinawakan niya ang kamay ko at duon ko naramdaman ang pagdaloy ng Mahika niya sa katawan ko kaya kaagad kong hinawakan ang kamay niya gamit ang kabilang kamay ko "Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Mag-ipon ka ng lakas para sa susunod kasama ka na naming lalaban--pero hindi dito sa loob ng Dungeon o kahit dito sa Mundo ng EnCharmzia kung hindi pagprotekta ng totoong mundong mayroon tayo" To be continue ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD