CHAPTER 17

1081 Words
Hinawakan niya ang kamay ko at duon ko naramdaman ang pagdaloy ng Mahika niya sa katawan ko kaya kaagad kong hinawakan ang kamay niya gamit ang kabilang kamay ko "Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Mag-ipon ka ng lakas para sa susunod kasama ka na naming lalaban--pero hindi dito sa loob ng Dungeon o kahit dito sa Mundo ng EnCharmzia kung hindi pagprotekta ng totoong mundong mayroon tayo" "Pero 'yan lang ang matutulong ko sa ngayon dahil kahit ni isa sa'min ay hindi sanay humawak ng Void dahil simula ng magamit namin 'to, ibang tao na ang humahawak dito" "Ang ibig sabihin sa unang beses niyo palang na magamit ang Void niyo eh sila na kaagad ang humawak?" Singit ni Rius at tumango naman ang bata. "Panigurado kasama sila sa mga may dugong Wizard pero hindi kayang lumikha ng Mahika dahilan narin para pati sila ay mapunta dito. Hmmm, mukang mas maganda talagang ipain nalang natin ang mga 'to sa mga Halimaw dito sa Dungeon" at nagdeath glare naman si Myles sa mga bihag naming Wizard. "Hihi sa totoo nga niyan mukang kailangan talaga natin ng paen Hihi" pagsakay ko sa biro ni Myles. Napansin naman naming pinagpawisan silang lalo na nakakatuwang pagmasdam hihi. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng hindi naming inaasahan na bigla nalang sinipa si Rius at Myles ng mga Wizard. Kahit nakaposas ay mabilis niyang nakuha ang Dagger ko at tinutukan ako sa leeg. "H'wag kayong kikilos kung ayaw niyong mamatay 'to! At ikaw na bihag ko, isang maling galaw mo lang kamatayan haharapin mo" Tinignan ko sila Rius at Myles, kikilos na sana kaming tatlo ng bigla niyang hinagis ang Dagger ko patama sana kay Myles pero imbis na kay Myles tumama, sa kasamaang palad ay sumakto ito sa Gem. Nabasag ang Gem kasabay ng pagkawala ng liwanag na dala nito. Napansin namin na nilingon kami ng mga halimaw na kanina lang ay dirediretso lang sa mga paglalakad. Nagkatinginan kaming tatlo. Sinipa ko ang Wizard na nasa likod ko at kaagad akong lumapit sa dalawa. Lumapit sa'min ang mga bata habang ang mga bihag naman namin ay nagtataka. "Tsk, hindi mo ba alam na kaya tayo nakakapaglakad ng payapa dito ay dahil sa Gem na winasak mo?" Halatang nagtitimping sabi ni Myles. Napabuntong hininga ako at pinulot ang Dagger ko. Napansin ko naman na nilabas na nila Myles at Rius ang mga Void nila at nagsimula kaming atakihin ng mga Halimaw na kaagad naming inataki din. "Pagitnaan natin ang mga bata, Rius, Myles. Kayong mga Wizard, sumama kayo!" Utos ko na kaagad naman nilang sinunod. Sa paglalakad namin marami na kaming nakasalubong pero pinaslang lang namin sila. Sa pagsugod ng isang Lycanthrope sa bata ay kaagad ko 'tong dinipensahan gamit ang Dagger kong humarap sa bibig ng Lycanthrope na may matatalim na pangil. Umuusok ang bibig nito at ramdam ko ang init na nagmumula dito. Naamoy ko rin ang lason na nanggagaling sa bibig nito. Tinulak ko 'to at saka inataki. Napansin kong more on defense kami kaya nilingon ko si Rius na pinagpapawisan na katulad ni Myles "E-Ekpompí gis (Earth Wave Emission)" at sa pag-interact ng Void ni Rius sa lupa ay biglang gumalaw ito at tinulak ang mga Lycanthrope. "Ékrixi aímatos (Blood Explosion)" at bigla namang sumabog ang apat na Lycanthrope na nadaanan ng Void ni Myles dahil sa Void Ability niya. Sa paglingon ko sa mga bata bumungad sa'kin ang papalapit na tatlong Lycanthrope kaya tumakbo ako papunta sa harap nila at naataki ang isa habang nakaiwas ang dalawa kaya dumipensa ako at pinigilan 'yung isa sa bibig nito, hirap ako sa pagpigil ng pasugod naman ang isa. Hindi ko na alam, natataranta na ako sa mga nangyayari. Naguguluhan na ako kung ano ang dapat na gawin ko. Pumapasok sa isip ko na baka may mamatay nanaman sa amin dahil sa kaduwagan ko. Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang pumasok sa isip ko ang boses ni Rius "Wala ka ngang lakas sa ngayon pero balang araw babalik ang lakas mo. At bago dumating ang panahon na 'yon, kasama mo kaming lalaban. Hindi ka mag-isa" Gamit ang isang paa ko ay umikot ako at sinugatan sa bibig ang Lycanthrope. "Ákyro tou Chrónou (Void's Of Time)" halos maglaho na ang Lycanthrope ng tumama sa kanya ang Void ko.  May isang bagay akong nakalimutan, isang Party kami .. dahil sa isang Party Group na kami .. ramdam ko, nararamdaman ko na kahit maglaho ngayon sa mga kamay ko ang Lance na 'to, alam ko na nandiyan sila para protektahan ako. Hindi lang ako ang pumoprotekta sa kanila kung hindi maging sila ay pinoprotektahan din ako. Rius Pov Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit na hawak ni Lio ang Lance niya. Hindi katulad ng dati ang panginginig ng mga kamay niya. Nararamdaman ko ang lakas ng mahika niya na sa tingin ko ay nararamdaman din ni Myles ngayon dahil kakaibang expression ng mukha niya. Gamit ang Lance o ang Void niya, walang nakakaligtas na Lycanthrope sa kanya. Nagpatuloy ang pakikipaglaban namin hanggang sa malinis namin ang daan patungo sa Boss Room. "Mag stay muna kayo dito. Hindi naman 'to magtatagal, hihi" sabi ni Lio sa mga bata pagkabukas namin ng Boss Room. At isang napakalaking Lycanthrope ang bumungad sa'min. Hindi siya katulad ng Lycanthrope na nakalaban namin sa mababang Floor dahil ang Lycanthrope na nasa harap namin ngayon ay nasa katawan ng Shadow Demon, meaning to say ... hindi 'to madali para sa'min. Well, nandito naman si Lio kaya sa tingin ko naman, magiging okay lang ang lahat. "Tara na! Myles! Rius!" Sigaw ni Lio at tumakbo na kami sa kanina pang naghihintay na malaking Lycanthrope. "May dugo ba 'yan?" Tanong ni Myles habang tumatakbo kami. "Sa tingin ko wala. Pero! Kaya natin 'to! Kopí gis (Earth Cutting)!" Sigaw ko naman at kasabay nito ang paghati ng lupa sa ilalim ng Lycanthrope. Bumagsak siya dito at handa na sanang umataki si Lio ng bigla itong tumalon at atakihin ng mga kamay nito na may matutulis na kuko pero nablock ito ni Lio at natulak. Napigilan ni Lio na tumilampon siya gamit ang paa niya at kamay "Klonopoíisi aímatos (Blood Cloaning)" dumami si Myles, I mean nagkaroon siyang 7 clone na kahawig na kahawig niya at may dala ring Void na umataki sa Lycanthrope. "Ékrixi aímatos (Blood Explosion)" dugtong ni Myles ng mag-interact ang mga Void niya sa shadow na katawan ng Lycanthrope. Nagkaroon ng maraming explosion sa katawan ng Lycanthrope. "Veltióste tin tachýtita (Enchance Speed)" napansin ko namang casting ni Lio at mabilis siyang tumakbo pero malapit na siya sa Lycanthrope ng biglang maglaho ang Lance niya. Nabigla siya dahil pasalubong narin sa kanya ang claw ng Lycanthrope. "Gíino toícho (Earth Wall)" casting ko at may wall na humarang sa ataki ng Lycanthrope. "Thanks!" bigla siyang tumalon paatras gamit ang wall na nalikha ko. To be continue ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD