CHAPTER 18

1195 Words
Nabigla siya dahil pasalubong narin sa kanya ang claw ng Lycanthrope. "Gíino toícho (Earth Wall)" casting ko at may wall na humarang sa ataki ng Lycanthrope. "Thanks!" bigla siyang tumalon paatras gamit ang wall na nalikha ko "Ákyro poios kratáei ton ánemo (Void Who Hold The Wind )" habang nasa ere si Lio ay may lumitaw na Bow sa kamay niya at handa ng irelease ang mga arrow. "Sabi nga nila Eye to Eye pero mukang sa'tin, claw to claw. Nýchta tou anémou (Wind Claw)" at binitawan ni Lio ang mga arrow. "Klonopoíisi vélous (clone arrow)"  dugtong pa ni Lio at biglang dumami ang mga Arrow. Napansin namin na mukang may balak ding tumalon paatras ang Lycanthrope kaya naman kumilos  na kami ni Myles "Kopí gis (Earth Cutting)!" Muling bumagsak sa ilalim ang Lycanthrope sa ilalim pero this time nagcreat ako ng dalawa ng mistulang pinto na umipit sa kanya. "Tutulungan kita, Sýndesi aímatos (Blood Binding)" at napansin naman naming medyo natigil sa paggalaw ang Lycanthrope na parang pinipigilan ito ni Myles. Hindi rin nagtagal ay tumama ang maraming Arrow ni Lio sa Lycanthrope na nahati sa sobrang dami na halos hindi na nito magawang makabalik sa dating anyo hanggang sa unti-unti na ngang maglaho ang Lycanthrope. Naglaho narin ang mga Void namin at napabuntong hininga nalang kami. Tinignan ko si Lio at duon ko napagtanto na ibang tao siya pagdating sa oras ng laban. Napakaseryoso niya ... "Veichleo, sa tingin mo bakit hindi pa nagbubukas ang pintuan?" Tanong ni Myles at duon lang namin napansin ang hindi pa bukas na pintuan na nagdudugtong sa Floor 95. "Hindi kaya tayo mismo ang magbubukas nito, hehe" halos hindi pa siguradong sagot ni Lio. Busy kaming namumulot ng mga left items kasama ang mga bata ng makarinig kami ng ingay mula sa itaas. Ngunit sa paglingon namin halos wala ng salitang kayang lumabas sa mga bibig namin. Paano? Paano namin bibilangin ang halos milyon-milyong Lycanthrope na pabagsak sa'min ngayon? Hindi sila Shadow Lycanthrope pero naamoy ko mula sa kanila ang mga  lason. "So ito pala ang reason kung bakit hindi pa nagbubukas ang pinto" napapapilit na ngiting sabi ni Lio. "Ákyro poios kratáei ton ánemo (Void Who Hold The Wind)" Tinutok ni Lio ang Arrow mula sa itaas. "Fterá aiolikís enérgeias (Wind Wings)" casting niya bago niya binitawan ang Arrow. Napakalakas na hangin ipataas ang nabuo na nagtulak sa mga Lycanthrope. Pero hindi lahat ay naapektuhan nito "Kayong mga Wizard! Subukan niyo kung kaya niyong buksan ang pinto!" Sigaw ni Lio at mga natararanta namang sumunod ang mga bihag. "Kenó tis Fýsis (Void of Earth)"  ng lumitaw ang Void kong espada ay kaagad ko itong itinusok sa lupa "Epíthesi diáspasis gis (Earth Scatter Attack)" mula sa lupa ay may mga parte ng lupa na lumilipad paitaas paataki sa mga Lycanthrope. "Kenó aímatos (Void Of Blood)" lumitaw ang Katanang Void ni Myles at kaagad siyang tumalon pasalubong sa mga Lycanthrope "Sýndesmos aímatos (Blood Link) Ékrixi aímatos (Blood Explosion)!" May ilang Lycanthrope ang sumabog.  Hindi namin napigilan ang pagbagsak nila sa lupa at ngayon halos mas matindi pa sa Boss Floor ang kalaban namin dahil sa milyon milyong Lycanthrope na pumapalibot sa'min. Hindi ko masasabi kung anong pwedeng kalabasan ng laban na 'to. "Tsk! Hindi na ba matatapos 'to?!" Kasabay ng pag-ataki ni Lio sa mga nakapalibot sa kanila. "Ákyro tou Chrónou  (Void's Of Time)" napalitan ng Lance ang kanina lang na hawak niyang Bow. "H-hindi mo ba sila mababalik sa oras?!" Tanong ko kasabay ng pag-saksak at pagsipa ko sa dalawang Lycanthrope. "Nasisiraan ka ba? Okay sana kung magkakadikit sila! Pero kung ganito nagkalat at kadami  ....  hindi ko kaya! Hya!" "Tutulungan kita, Veichleo! Pero sa tantsa ko, wala pa sa 1/4 nito ang mawawala" singit ni Myles habang dumidepensa kami para sa mga bata at Wizard. "Paano?" Sabay pa naming tanong. Nagulat si Lio ng tumakbo si Myles papunta sa lugar niya at humawak ito sa balikat niya. Ako naman 'tong dumidepensa sa kanila "Sýndesmos aímatos (Blood Link)" sabi ni Myles. "Prosorinì anadíplosi (Temporal Rewind)" at sa isang iglap ay biglang nagfefade ang ilang Lycanthrope. Naulit 'to ng halos mga apat na beses pero napapansin kong pinagpapawisan na sila dahil sa sobrang paggamit ng Mahika "Ékrixi gis (Earth Explosion)" nagconcentrate ako at pininpoint ang mga Lycanthrope na nakatapak ngayon sa lupa pero halos wala pa sa kalahati ang naglaho dahil sa ataki kong 'yon. "V-Veichleo, a-ayaw mabukas ng pinto!" Sabi ng batang halos umiiyak na. "Subukan niyong gamitan ng Mahika. H-hindi tayo pwedeng macorner dito"  sagot ni Lio habang nagsimula na silang umataki ulit. "Sa tingin ko .... imposible na mabukas ang pinto hanggat hindi nauubos 'to" hingal na hingal na sabi ni Myles, well hindi lang si Myles dahil maging kami rin ni Lio ay halos hirap ng habulin ang hininga namin. Nakikipaglaban kami ng biglang sumigaw ang mga bata sa likod. Sa paglingon namin ay biglang tumakbo si Lio dahil may mga Lycanthrope na nakalusot sa'min. "Ve-Veltióste tin tachýtita (Enchance Speed)" at bigla nalang siyang lumitaw sa harap ng mga bata at duon umataki "Ékrixi gis (Earth Explosion)" casting ko sabay hiwa sa Lycanthrope na nasa harap ko. Napinpoint ko ang ilang Lycanthrope sa lugar nila Lio at naglaho sila. "Klo-Klonopoíisi aímatos (Blood Cloaning)" at muling dumami si Myles at sabay-sabay na umataki. Hindi rin nagtagal ay naglaho ito at halos matumba na siya. "Myles!" Sigaw ko dahil may Lycanthrope na biglang sumugod sa kanya. Nadepensahan niya ang sarili niya gamit ang Void niya at natulak pahiga. "Ákyro poios kratáei ton ánemo (Void Who Hold The Wind )" pagchant ni Lio at napalitan ng Bow ang hawak niyang Lance  "Klonopoíisi vélous (Clone Arrow)" pagbitaw ni Lio ng Arrow na nakaturo sa itaas at biglang umulan ng Arrow na tumama sa mga Lycanthrope. "Epíthesi diáspasis gis (Earth Scatter Attack)" "Ékrixi aímatos (Blood Explosion)" "Aaargh!" Sigaw ng mga bata at mga Wizard na inaataki narin ng mga Lycanthrope. May ilang nakagat na, may ilang Wizard na pilit dumidepensa. Habang pilit kaming dumidepensa nila Myles at Lio para sa mga Bata at mga Wizard at nabigla ako ng may kumagat sa binti ko. Kaagad ko 'tong sinipa at sinaksak ng Void ko. Nabigla naman ako ng itulak ako ni Myles para depensahan ang isang Lycanthrope pero ang mas ikinabigla ko ng makagat siya ng Lycanthrope sa beywang niya dahil sa isa pa "T-tanga ka ba? Ka-kapag may nangyaring hindi maganda sa'yo hindi ko mahaharap si Ryu" halos may dugo ng tumutulo sa bibig niya. "Mas tanga ka kung wala na akong Myles na maihaharap kay Rius!" at gamit ang Void ko at inataki ko ang Lycanthrope na pasugod kay Myles. Hindi nagtatagal napapansin ko na namamanhid na ang paa ko which is 'yung part na nakagat ng Lycanthrope. "V-Veichleo!" Sigaw nung bata at ang tanging nakita ko nalang ay yakap ni Lio ang tatlong bata na dinipensahan niya sa Lycanthrope. Duon napansin namin ni Myles na wala siyang hawak na Void at ang Dagger niya ay nasa lapag may kalayuan mula sa kanya. "Lio!" Sigaw ko ng mapansin ko na dumudugo ang braso at binti niya.  "I-ito na ba ang huli?" Umiiyak na tanong ng bata.  "A-as if namang hahayaan ko, Á-Ákyro tou Chrónou  (Void's Of Time)" lumitaw ang Lance na Void ni Lio at nagpatiloy sa pakikipaglaban.  Pahina na ng pahina ang Mahika na taglay namin at lalo na ang Mahika na taglay ni Lio. Someone's Pov "No. 1, humihina na ang Mahika ni No. 4 hahayaan mo nalang ba silang mamatay?" Tanong ni No. 2 "Nararamdaman ko, hindi mo na kailangang sabihin" tumayo ako at sinuot ko ang coat ko at napansin ko ang kakaibang ngiti niya sa mga labi niya "Ililigtas mo sila?" "Sila? Nagbibiro ka ba? Kukunin ko ang dapat na sa'kin" napansin ko pa ang mas lumaki niyang ngiti bago ko siya iwan. Wala akong pakialam sa iba, si Veichleo lang ang kailangan ko. To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD