Rius Pov
Nabigla kami ng may sunod sunod na ataki ang nangyari. Naglaho ang maraming Lycanthrope at nagpatuloy parin ang laban. Matapos nito ay duon namin nakita ang maraming Wizard.
Bumagsak sa sahig si Lio at Myles at halos mapaupo na ako. Napatingin ako sa paligid, pati mga bata ay naapektuhan na ng poison.
"Geo! Mga napoison sila ng Lycanthrope!" Sigaw ng isang Wizard na kasama sa mga tumulong sa'min pero ang mas ikinabigla ko ay ang pagbanggit niya sa isang pangalan. Kaagad akong lumingon lingon sa paligid at duon bumungad sa'kin ang isang lalaki na papalakad malapit sa'kin "Buhay ka pa, Rius?" Tanong ni Geo.
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Mga Frontliners kami, nakalimutan mo na ba? Any way, ang mga kasama mo malapit ng maputulan ng hininga dahil sa lason" sabi niya at lumingon siya sa paligid.
"Therapeftìs polýtimos lìthos (Healer Gem Stone) Therapèvo (Heal)" sabi ni Lio habang nasa harap niya ang maraming bata at Wizard na nahihirapan na sa paghinga.
"V-Veichleo, h-hindi iepekto ang Healing Gem Stone" sabi ni Myles na nakasandal nalang at hirap narin.
Oo, masakit sa dibdib. Parang may umiipit sa dibdib at sobrang init.
"Tama siya, bata. Tanging Rhododendron Plants lang ang makakapaglitas sa inyo ngayon" sabi ni Geo.
Hindi kumibo si Lio at naglaho ang Healing Gem Stone sa kamay niya "Pr-Prosorinì anadíplosi (Temporal Rewind)" pero maging ito ay hindi umiepekto.
"Lio .. tama na. M-masyado ka ng maraming nagamit na Mahika kaya hindi ito umiipekto" sabi ko naman.
Pinilit kong tumayo at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya at duon ko napansin ko ang nagluluha ng mga mata niya. Nararamdaman ko ang humihinang mahika na nagmumula sa kanya.
"Bata, wala ng pag-asa. H'wag kang mag-alala, kami ang tatalo kay Eliza at bubuhayin namin kayo" sabi ni Geo pero nabigla ako. Mistulang hangin na dumaan si Lio sa harapan ko. Nakita ko nalang siya na tinututukan niya si Geo sa leeg gamit ang Dagger na kanina lang ay nasa lapag.
"Kung may tatalo man kay Eliza, ako 'yon" seryosong sabi niya.
"Sa liit mong 'yan? Hahaha nagbibiro ka ba? Ano man ngang segundo mapuputulan ka na ng hininga" Sabi ni Geo.
"Muka ba akong nagbibiro?" Napansin ko ang kakaibang mata ni Lio. Katulad ito ng mga oras na mapaslang si Ryu.
Binlock ni Geo ang Dagger ni Lio gamit ang Void nitong espada dahilan para tumalon pabalik si Lio.
"Tandaan mo, subukan mo lang na sugatan si Eliza gamit ang madudumi mong kamay ... mauuna kitang paslangin bago siya"
Kakaibang atmosphere ang binubuo ni Lio dahil sa mga binibitawan niyang mga salita na nagpapatahimik ng buong paligid.
Kung titignan mo siya, parang wala siyang iniindang mga sakit at sugat sa katawan dahil sa napakaseryoso niyang mukha.
Nasira lang ang katahimikan ng may kakaibang lumitaw sa isang tabi. Mistulang bumukas ang mundo at lumabas dito ang isang lalaki.
"Veichleo" seryosong sabi nito. Lahat ng Mata napunta sa kanya at laking gulat nalang ni Lio sa paglingon niya rito.
"No. 1" bulong niya na nagpataka sa'min hanggang sa may mga taong lumabas pa mula sa nagbukas na mundo. "Halo! No. 4!" Ang sabi ng isang babae.
Sa tantsa ko ay nasa walo silang lumabas duon at idagdag pa ang naunang lalaki. Halos hindi maipinta ang mukha ni Lio dahil sa pagkabigla "H-Hindi ba dapat ay nasa Floor 100 na kayo? K-kaya anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Lio.
"Hinihintay ka namin No. 4, sabay-sabay nating iclear ang Floor 100 at tatalunin si Eliza" ang sabi ng babae at duon namin napagtanto. Mga Rank Wizards ang nasa harap namin ngayon. Hindi na nakapagtataka ang mga pamilyar nilang mga mukha at ang presensiyang dala nila.
"H-hindi ako sasama .. " mahina niyang sagot.
"Veichleo, kaya ka nahihirapan ngayon ay dahil sa mga kasama mo. Nagiging ligtas sila dahil sa Mahika mo" ang sabi nung kaninang lalaki na nakakasiguro ako, ang Rank 1.
Magsasalita na sana ako ng magsalita si Lio "N-nagkakamali ka!"
"No. 4, hindi ka ba masaya na magkakasama tayong mga Rank Wizard ulit?" Ang sabi naman ng Rank 3.
Tinaas ni Lio ang ulo niya at seryosong tumingin "Kapag sinabi kong hindi, lulubayan niyo ba ako?"
"Kahit na kailangan niyo nito ngayon?" May isang halamang lumitaw sa mga kamay ng Rank 1 na halos ikinabigla ni Lio at namin nila Myles "Handa ko 'tong ibigay sa'yo para mailigtas ang buhay mo at ng mga Wizard na 'to kapalit ng pagpabalik mo sa'min. Ano sa tingin mo Veichleo Vali?"
Nilingon ko si Lio ... bakas sa muka niyang hindi niya mahanap ang salitang kailangan niyang bitawan.
Gusto kong magsalita at pigilan siya pero ayaw kumilos ng mga paa ko dahil sa nakikita kong mga nagdudusang mga bata dahil sa lason.
"H'wag mo nga akong paglaruan! Ákyro tou Chrónou (Void's Of Time)" mabilis naglaho sa mga mata namin kay Lio at ngayon ay pasugod na siya sa Rank 1.
"Kenó tou Diastímatos (Void of Space)" sabi ng Rank 1 at may lumitaw na kakaibang espada na nagblock ng Lance ni Lio.
Sa pagtama ng mga Void nila, ramdam ko ang pahina na pahina na Mahika ni Lio. Halos sobrang baba na ng Mahika niya pero kung kumilos siya ay parang wala lang.
"Tanggapin mo nalang, Veichleo. Sumama ka na sa'min"
Hindi nagsalita si Lio at nagpatuloy siya sa pag-ataki habang depensa lang ng depensa ang Rank 1 na hindi umaalis sa lugar niya. Hindi nagtatagal ang mabilis niyang pagkilos nagiging mabagal.
"Alysída steganopoíisis (Sealing Chain). Tama na, No. 4. Kumakalat na sa katawan mo ang lason. Kapag pinagpatuloy mo pa ang paggamit ng Mahika mo, mas mabilis ang pagkalat nito" ang sabi ng isang babae na sa tingin ko ay ang Rank 3.
May puting Chain na pumalupot sa katawan ni Lio kasabay ng paglaho ng Lance niya at bakas na hindi siya makagamit ng Mahika dahil sa Chain.
Gusto ko siyang tulungan pero, apektado ng lason ang binti ko. "Veichleo, tanggapin mo nalang. Nagdudusa na ang mga kasamahan mo dahil sa lason"
Maikling katahimikan ang nabuo sa paligid bago magsalita si Lio. "Tinatanggap ko na .. " mahinang sabi niya at naglaho ang puting chain na kanina lang ay nakapalupot sa katawan niya.
"Paano namin mapagkakatiwalaan ang mga salitang sinasabi mo?" Nakangiting sabi ng Rank 2.
Lumingon samin si Lio ng may malulungkot na mata. Si Myles ay umiwas nalang ng tingin habang ako halos hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng dahil sa biglang nangyari.
Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko ng unti-unti niyang itinaas ang kamay niya. Kamay kung saan nanduon ang Crest na tanda na isa kaming Party Group. "Sorry, diaskorpízo (dispel)" lumiyab ang Crest na nasa likod ng kamay ni Lio. Nararamdaman ko rin sa Crest ko ang pag-init.
"therapévo (Heal)" ang sabi ng Rank 1 at biglang naglaho ang bulaklak sa kamay niya. Naramdaman nalang namin ang kaginhawaan sa katawan namin.
Naglakad pabalik ang mga Rank Wizard papunta duon sa parang Portal at naglalaho sila. Napansin ko na tumigil pa sandali si Lio bago tuluyang pumasok duon.
Sa pagtayo ko ay biglang hinarang ni Geo ang Void niya sa harap ko dahilan para mahinto ako.
"Ikaw, dont ever try get involve with her again, kung ayaw mong mamatay" seryoso ang mga mata niya at saka siya pumasok duon sa parang Portal na mabilis namang naglaho.
"Tsk, kaya pala ang lakas ng loob niya, isa pala siyang Rank Wizard. Aaaha, sundin niyo nalang sila para humaba pa ang buhay niyo" sabi ni Geo habang naglalakad papunta sa mga kaParty Group niya.
"Siya pa mismo ang nagdispel ng Crest niya, haha! Ano bang iniisip niya?" Dugtong pa niya.
Tumayo kami ni Myles "Geo!"
Nilingon naman niya kami kaagad ng may pagtataka "P-pwede mo ba kaming tanggapin sa Party Group mo? ... " tanong ko.
"Ano bang huling sinabi ko sa'yo? Sa pagkakatanda ko, sinabi ko na sa ayaw at sa gusto niyo babalik kayo sa Party ko ni Ryu pero mukang ikaw nalang ang makakabalik kasama ang isang Demon Wizard" sagot nito.
Nilingon ko si Myles at balik kaagad ng tingin kay Geo "Oo, tatanggapin ko ang isang Demon Wizard sa Party ko" sabi nito.
Halos lahat ng mga Wizard na kasama sa Party ay nabigla sa sinabi niya. "Ano bang choice ang meron ako? Tsk, binigyan pa ko ng problema nung batang Ranking Wizard na 'yon. Aaaaarh! Tara na nga! Oy kayo diyan, tulungan niyo sila Rius at 'tong Demon Wizard dahil gumaling lang ang sugat nila pero hindi pa bumabalik ang Mahika nila. 'Yung iba naman gabayan niyo ang mga bata at 'tong mga bihag nila. Aaaaaaargh! Bakit ko ba 'to ginagawa? Tsk. Tara na!" Sabi ni Geo at nagsimula ng maglakad.
Napatingin ako sa Crest na nasa likod ng kamay ko. Maghintay ka lang, Lio.
To be continued ...