Lio's POV Sa pagtawid ko, masasayang mukha ang bumungad sa'kin. Nandito nga silang Lahat, kompleto sila. Nandito kaming lahat na mga Ranking Wizard. "N-nasaan tayo?" Tanong ko kay Ivan. "Floor 99, isang Floor nalang makakaharap na natin si Eliza, Veichleo" nakangiti niyang sagot. Sasagot palang ako sa sinabi niya ng biglang umikot ang paningin ko at mapa-upo ako. Kaagad akong inalalayan ni Ivan. "Mabuti pang magpahinga ka na muna. H'wag kang mag-alala, makakapaghintay kami kung kailan ka magiging okay para sa pagClear natin sa last Floor" Tumango ako at hinayaan ko nalang na alalayan niya ako papunta sa isang kwarto. Duon humiga na ako at pumikit. Pero bago pa man ako tuluyang makatulog, naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko kaya kaagad kong iniwas ang ulo ko. "Sigur

