Nabigla kami ng bigla siyang tumumba pero napangtungtung niya kaagad ang kamay niya. Kaagad namin siyang nilapitan "O-Okay lang ako. Hindi lang kinaya ng katawan ko, hihi ang bata kasi! Hihihi" nakangisi niya pang sabi kahit pinagpapawisan na siya.
Tinulungan namin siyang tumayo "Kaya mo bang ibalik ang lakas mo?" Tanong ko.
Umiling siya "Therapeftìs polýtimos lìthos (Healer Gem Stone) Therapèvo (Heal)" at nawasak na ang Gem na kaninang lumabas sa mga palad niya.
"Okay na ako, hihi Magic perfectly restored!" Napapataas pang kamay na sabi niya.
Tumayo kami at naglakad na kami papunta sa safe zone. Hindi rin kami nagtagal sa Safe Zone at nagdirediretso na kami para magclear ng Floor. Pero matapos ang laban namin na 'yon sa Floor 60, hindi na namin nakita na muling ginamit ni Lio ang Void niya.
At ngayon nandito kami sa Floor 78, dahil sa hindi inaasahan Safe Zone ang Floor 70 na sa tantsa namin ay ang isa sa mga mahihirap na may Floor Boss. Pero sa paglabas namin sa Floor 78 papunta sa Safe Zone, maliyab na lugar ang bumungad sa'min. "Anong meron? Bakit nagkakagulo ang mga tao?" Tanong ni Ryu ng mapansin naming nagkakagulo ang mga Wizard.
"May kalabang Demon Wizard ang mga Frontliners! May kalaban ang mga Demon Hunter!" Sigawan naman.
Kaagad kaming nagkatinginang tatlo pero nabigla kami ng tumakbo kaagad si Ryu sa lugar kung saan nagkukumpol ang napakaraming tao. Sinundan namin siya at ang bumungad sa'min ay ang isang Demon Wizard na nakabalot ng dalawang Chain na kulay asul at pula na hawak ng dalawang bata. At ang Demon Wizard na puro sugat ay si walang iba kung hindi ang Wizard na laging nakasunod kay Lio. Ang lalo pang ikinabigla namin ay ang "Kenó tou nímatos (Void Of Thread)" biglang pagchant ni Ryu ng tumakbo siya papunta sa gitna "Kopí nímatos (Thread Cutting)" at pinutol ni Ryu ang Chain na ikinabigla ng dalawang bata.
Nabigla ang Demon Wizard na ginawa ni Ryu maging ang mga Wizard "Anong iniisip niyo! Bakit ninyo pinakawalan ang Demon Wizard?!" Tanong ng batang may Chain na kulay asul.
"Kenó tis ble alysídas (Void Of Blue Chain)" Dugtong niya dito at humaba ulit ang Chain na nasa kamay niya pero pinigilan siya ng isa pang batang lalaki na biglang lumitaw sa likod nila "Chloe, Chlio .. nandito si Veichleo Vali" seryosong sabi niya at tumingin ang dalawang bata kay Lio na hindi kalayuan sa'min.
"Eye of the Truth .." ang bulong ni Lio at nakangiting tumingin sa lalaking nasa likod ng dalawang bata. "Déno (Bind)" at nabigla kami dahil biglang may mga black chain na lumitaw mula sa ibaba at paluputin nito ang mga kamay at paa at maging leeg namin.
Naglakad papalapit kay Lio ang dalawang bata "Ikaw ba talaga si Veichleo Vali?" Tanong ng may pulang Chain.
"A-at kung ako nga?" Hirap pa sa pagsagot ni Lio dahil sa kadenang nasa leeg niya. "Bat nasa anyo siya ng bata?" Tanong ng batang may asul na Chain sa isa pang bata.
"Nagkakamali kayo! Paanong magiging si Veichleo Vali ang isang paslit na 'yan?!" Sigaw ng Demon Wizard.
"Tumahimik ka! Ah~ nagkakalimutan pala tayo. Ákres mávri alysída (Edges Black Chain)" at tutusok sana ang patulis na Chain sa Demon Wizard pero kahit na pinipigilan ng Chain si Ryu ay napilit niya na humarang sa harap ng Demon Wizard reason para siya ang masaksak. Sa sobrang bilis ng pangyayari halos hindi na kami makapaniwala na nangyari 'yon "Ryu!!!" Tanging lumabas sa bibig ko dahil sa pagbagsak niya.
"Too bad, dahil direct ang mga Chain ko sa puso ng mga tao" ang sabi ng batang lalaki at nagsilayasan ang mga tao sa paligid dahil sa takot.
"You son of b***h!" Bulong ni Lio na hindi mabasa ang expression ng mukha.
Pinilit kong makawala sa Chain pero kahit na tawagin ko ang Void ko hindi ko magawa dahil pinipigilan ako ng Chain na nagsiseal ng Mahika namin. Pinilit ring tawagin ni Lio ang Healing Gem Stone pero walang lumalabas sa mga palad niya.
"B-Bakit mo nagawang iligtas ako? ... " nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ng Demon Wizard "Hi-hindi ko rin alam .. k-kusang gumalaw ang .. ang katawan ko ng maisip ko .. na sa una palang .. i-ikaw na ang dahilan kung bakit nandito ako. Ku-kung hindi mo binalaan si Lio ... p-panigurado wala na ako ngayon dito. Demon Wizard--" putol ng Demon Wizard kay Ryu.
"M-Myles, Myles ang pangalan ko"
"Napakagandang pa-pangalan .. " at tuluyang bumagsak ang ulo ni Ryu kasabay ng luha naming tatlo nila Lio at lalo na si Myles.
Hindi ko na maramdaman ang Mahika ni Ryu. Hindi ... hindi .. hindi na pati si Ryu ay mawawala.
"Tsk! Anong utak ba mayroon siya para ibigay ang buhay nito sa isang Demon Wizard?" Bulong ng batang lalaki na may mahikang Black Chain at naglakad siya palapit kay Ryu.
"Ákres mávri--" putol na pagchant ng bata ng magsalita si Lio.
"Sino ba kayo?" Mahinahong tanong ni Lio kahit na nakatali parin kami ng mga Black Chain. "Demon's Hunter nalang ang itawag mo sa'min" nakangiting sagot ng batang lalaki.
"Ngayon, tanong naman namin sagutin mo? Ikaw ba talaga 'yan? Veichleo Vali?" Tanong ng batang may Pulang Chain.
"Ano namang kailangan niyo kay Veichleo Vali?" Tanong ni Lio.
"Hmm? Nawala kasi siya sa mundo ng Mahika matapos niyang maging Rank 4. So gusto namin siyang makita" sagot ng may Pulang Chain.
"And at the same time, talunin siya" dugtong ng isa pang paslit na may Asul na Chain. Hindi nagtatagal nakakaramdam ako ng malakas na mahika. At ang mahika na 'yon, nakakasiguro ako. Galing 'yon kay Lio. Bakas din sa expression ng mga bata ang nararamdaman na sobrang lakas na Mahika "Surpass ... gusto niyo siyang talunin" seryodong sabi niya.
"O-oo" sagot ng may Black Chain.
"Prosoriní anadíplosi (Temporal Rewind)" at sa pagchant na 'yon ni Lio ay biglang naglaho ang mga Chain na kanina lang ay pumipigil sa'min. Kaagad kong pinuntahan si Ryu na ngayon ay wala ng pulso. Hindi ko na rin maramdaman ang mahika niya. Salo-salo ng mga palad ni Myles ang ulo ni Ryu habang may maluha luhang mga mata "Hindi niyo ba kilala ang napaslang niyo? .. " tanong ni Lio ng may napakaseryosong boses habang naglalakad papalapit sa mga bata na ngayon ay napapaatras dahil sa nirirelease na mahika ni Lio.
"Alam niyo ba na isa 'yan sa buhay na pinipilit kong protektahan?! Ákyro tou Chrónou (Void's Of Time)" lumabas ang Lance na more like a spear sa mga kamay niya. Kulay itim ito at may matalim na blade sa dulo. Napansin ko ang medyo panginginig ng mga kamay ni Lio na panigurado dahil sa takot niyang paggamit ng mahika niya pero kaagad niya itong hinawakan ng mahigpit. Kaagad siyang sumugod at inataki ng sobrang bilis ang tatlong bata na kaagad nagtamo ng sugat sa katawan "Pipiliin niyo kakalabanin niyo" bulong niya.
"Déno (Bind)" sabay na sabi ng tatlong bata at napakaraming Chain ang bumalot sa kanya. Tatakbo na sana ako ng pigilan ako ni Myles "Higit pa sa inaasahan mo ang kakayahan niya" malungkot pero puno ng tiwala na sabi niya.
Tinignan ko ang walang tinag na si Lio "It's useless, Prosoriní anadíplosi (Temporal Rewind)" at biglang naglaho ng parang bula ang mga Chain.
"Ákres mávri alysída (Edges Black Chain)!"
"Ákres ble alysída (Edges Blue Chain)!"
"Ákres kókkini alysída (Edges Red Chain)!"
Sa sabay sabay na pag-ataki ng tatlong Chain sa kanya ay biglang naglaho ang Void niya sa palad niya na medyo ikinabigla niya pero kaagad niyang tinuon ang attention niya sa harap at tinapat niya ang palad niya sa papalapit na mga Edges Chain sa kanya "Prosoriní anadíplosi (Temporal Rewind)" at biglang naglaho ang mga Chain ng dumampi ito sa palad niya. Nagsimulang maglakad si Lio papunta sa mga bata.
"Kaya kong ibalik sa nakaraan ang mga bagay o mahika kung mas mahina sa Mahikang taglay ko. Dapat kilala niyo ko bago kayo nanghamon ng g**o .. Sa layo ng distansya ng Mahika ko sa Mahikang dumadaloy sa katawan niyo, maari ko kayong ibalik sa sinapupunan ng mga ina niyo. Pero what a waste kung gawin ko 'yon diba? Ákyro poios kratáei ton ánemo (Void Who Hold The Wind )" sa pagchant niya habang naglalakad ay lumabas ang bow niya at huminto siya hindi kalayuan sa mga bata "Hindi ako pumapatol sa bata pero since nasa katawan ako ng isang paslit .. sa tingin ko wala namang masama. Klonopoíisi vélous (Clone Arrow)" at binitawan niya ang Arrow na biglang dumami at direct na tumama sa mga damit ng mga bata na nagpako sa kanila sa mataas na pader.
"H'wag niyo kong piliting maging isang mamamatay tao ... dahil baka kayo ang unang maging biktima ko" seryoso niyang sabi ni Lio na bakas na bakas sa mga titig niya.
Naglaho ang bow niya at kaagad siyang tumakbo papalapit sa'min. Duon napansin ko na unti-unti ng naglalaho ang katawan ni Ryu. "Sorry Ryu kung naging duwag ako" naiiyak na sambit ni Lio.
"Veichleo, nararamdaman kong hihintayin niya tayo" nakangiti habang lumuluhang sabi ni Myles "Wala akong nagawa para protektahan ka Ryu. Pero gagawin namin ang lahat para talunin si Eliza. Maghintay lang kayo ni Tracy diyan" sabi ko.
Tumango siya "P-pangako 'yan. M-maghihintay ako" at tuluyan ng naglaho ang katawan ni Ryu.
Pinunasan ni Myles ang luha niya at nabigla ako ng tumayo siya "Veichleo, pwede ba akong sumama sa grupo niyo para talunin si Eliza? Gusto kong isang Party tayo na pamumunuan mo, Veichleo Vali" seryosong sabi ni Myles at tumayo si Lio.
"Bukas, gagawin natin ang rituals para maging isang party na tayo. Hihi" nakangiting sagot ni Lio na nagpangiti sa'min.
To be continued ...