Lio's POV
Pagpasok namin sa Safe Zone ng Floor 59 kaagad naming hinanap ang pinto papunta sa Floor 60 pero hindi 'yon ang natagpuan namin. "Nagkita tayo ulit, Veichleo" ang sabi ng Demon Wizard na nasa harap namin ngayon.
"Hindi ko alam kung anong objective mo pero nagpapasalamat parin ako dahil sa babala mo"
Napansin naming ngumiti siya "Hindi ko ineexpect na bababa ka nga para sa duon. Siguro kung hindi mo ginawa 'yon kasama ka na nila ngayon"
"Anong ibig mong sabihin? Sino ang tinutukoy mo?" Tanong ko.
"Ang mga Ranking Wizard na katulad mo. Hinihintay ka na nila sa Floor 99"
Napansin kong nilingon ako nila Rius at Ryu "Wala akong pakialam" seryosong sagot ko pero ngumiti lang siya.
"Inaasahan ko na na sasabihin mo 'yan pero-- marami pang magaganap sa hinaharap"
"Kenó tou nímatos (Void Of Thread) desmeftikós (Binding)" biglang may pumalupot na latigo sa kamay ng Demon Wizard pero hindi niya ito ikabigla "Sino ka ba talaga?" Tanong ni Ryu.
"Hindi ko sasabihin ang pangalan ko sa mga taong hindi kayang isugal ang buhay nila para sa laban na 'to" seryosong sagot nito.
"Pero ... anong binabalak mo?" Tanong naman ni Rius.
"Ginagawa ko na ang lahat ng makakaya ko ... hanggat nabubuhay ako" nabigla ako sa sinabi niya 'yon at duon ko lang napansin ang mga ilang galos nito sa katawan na panigurado kagagawan ng mga Wizard. Tumingin siya sakin ng may malungkot na ngiti "Ne Veichleo, nabibilang na ba ng Mahika mo kung ilang oras nalang ang natitira sa'kin dito sa mundo?" Nagluluha ang mga mata niya.
Naglaho ang latigo ni Ryu na kanina lang ay nakabalot sa kamay nito "Veichleo, tapusin mo na 'to ... " at bigla nalang siyang naglaho sa paningin namin.
"L-Lio? M-maliligtas ba natin siya?" Nilingon ko si Ryu. Seryoso siya. Pero kahit ako hindi ako makapaniwala sa nakita kong pagluluha ng mata niya. All this time tinutulungan kami ng Demon Wizard na 'yon. Sa tingin ko oras naman para bumawi kami "Hindi" nabigla siya sa sinabi ko.
Ngumiti ako "Hindi pa sa ngayon. Hahanapin natin siya at poprotektahan" at napansin ko naman na ngumiti silang dalawa.
"Pero ngayon, hanapin na muna natin ang pinto ng Floor 60? Okay hihi" at ito nanaman ang masasayang ngiting lumalabas sa labi ko na pinapanalangin kong h'wag mawala.
---
"Kenó tou nímatos (Void Of Thread)" at nagsimula na kaming umataki. Gamit ang mga Void nila at gamit ang Dagger ko, pinaslang namin kung sino man ang haharang sa dadaanan namin hanggang sa narating na namin ang Boss Room.
Dahan dahan namin 'tong binuksan at isang napakalaking Shadow Demon ang bumungad sa'min na halos magpaurung ng mga paa namin.
"P-paano na'tin 'yan matatalo?!" Sigaw ni Rius matapos kaming magkahiwahiwalay dahil sa bigla nilang pag-ataki.
"Hindi ko alam" tanging lumabas sa bibig ko habang nakatingin ako ngayon sa napakalaking Shadow Demon na nasa harap namin. Kahit ako mismo hindi ko alam kung paano ba namin 'to matatalo ... ni depensahan ang sarili namin hindi ko alam kung paano namin gagawin.
Someone's Pov
"No. 1, sigurado ka bang makakaabot si No.4 dito? Ang hihina ng mga kasama niya. At ang isa pa, may kumakalat na balita na hindi na niya ginagamit ang Void niya miski ang Mahika niya takot na niyang gamitin" ang sabi sa'kin ni No. 2.
Tinitigan ko siya at naghintay ng sagot na magmumula sa kanya "Para namang alam ko ang sagot? Bakit hindi mo nalang siya puntahan at ikaw mismo ang magtanong sa kanya bago pa tayo maghintay sa wala dito" nakangising sabi niya.
"Hindi matatalo si No. 4, hindi si Veichleo. Panigurado nagiging pabigat lang sa kanya ang mga kasama niya. H'wag siyang mag-alala once na makarating na siya dito sa Floor 99, tayo na ang makakasama niyang lumaban" tumango siya at ininum niya ang hawak niyang kape.
Sisiguraduhin kong sa amin ka sasama. Kung kailangan gamitan ka ng dahas, gagawin ko.
Lio's Pov
Tinignan ko ng maiigi ang Shadow Demon. Wala siyang dalang kahit na anong sandata. Sa tingin ko balak niyang iabsorb ang mga Mahika namin hanggang sa mawalan na kami ng buhay.
Tinaas niya ang mga kamay niya. Sobrang bilis niyang pinaikot ito sa baba at para itong ulap na dinaanan kami. Sa pagdaan niya pakiramdam ko ay tinangay niya ang buong lakas namin. Pinilit kong tumayo sa pagkakabagsak ko. "Oy! Rius! Ryu! Okay lang ba kayo?!" Tanong ko ng mapansin kong nasa lapag din sila at pinipilit na tumayo.
"O-Okay lang! Kalahati ng Mahika ko ang nawala!" Sigaw ni Rius at tinignan ko si Ryu na tumatayo narin at nagsign ng okay.
"So? Paano nga ba natin matatalo 'yan?" Tanong ni Ryu.
Kaagad kaming nagsitayo matapos ulit umataki ang Shadow Demon. Tumakbo kami at biglang talon pakanan para makaiwas. Sa sobrang lakas ng wave halos tumilampon kami.
Napatingin ako sa pinto sa likod niya na hindi nagbubukas dahil hindi pa namin natatalo ang Boss Floor.
"desmeftikós (Binding)" pero nahati lang sa dalawa ang braso ng Shadown Demon. Naglaho ang naputol na parte at may tumubo na panibago. Tsk. Para talaga siyang ulap!
Tumakbo ako papalayo sa kanilang dalawa "Rius! Bigyan mo ko ng ilang minuto! Ryu! Kailangan ko ng mas matinding pwersa!" Nung una nagtataka pa sila pero nagsimula silang kumilos.
Hindi ko muna sila pinansin at tumakbo ako sa pinakamalayo sa kanila at huminto. Humarap ako at huminga ng malalim at tumakbo na ako "Veltióste tin tachýtita (Enchance Speed)" naramdaman ko na bumilis ako at "Veltióste ta antanaklastiká (Enchance Reflexes)" diretso ang tingin ko sa nakikipaglaban na si Rius sa Shadow Demon. Kung mabilis ang paglapit ko sa kanya .. baka umipekto.
Rius Pov
Seryoso akong nakikipaglaban ng naramdaman ko na na nagsimula ng tumakbo si Lio papunta sa lugar namin "Á-Ákyro poios kratáei ton ánemo (Void Who Hold The Wind )" pagtawag niya sa Void niya dahilan para makuha niya ang attention ko. Kung titignan ang mga mata niya, natatakot parin siyang gamitin ang Void niya. Bakas sa mga nanginginig niyang kamay. Pero biglang humigpit ang hawak niya sa Void niya.
Mahigpit ang hawak niya sa Void niya na parang gusto niyang bitawan pero at the same time gusto niyang hawakan. Hawak niya ito habang tumatakbo siya ng sobrang bilis "desmeftikós (Binding)" pumalupot ang latigo ni Ryu sa beywang ni Lio at hinagis niya ito papunta sa Shadow Demon. "Gínete énas mazí mou kai akoníste ton eaftó sas gia na kópsete kommátia ston echthró (Become one with me and sharpened yourself to slice into pieces the enemy)" pagchant niya at umiwas na ako palayo sa Shadow Demon.
Binitawan niya ang isang Arrow patama sa Shadow Demon at bigla itong naglaho. Nabigla nalang kami dahil nahati sa maraming maliliit na piraso ang Shadow Demon.
Mabilis na naglaho ang Bow na hawak ni Lio kasabay ng unti-unting paglaho ng Shadow Demon. Kasabay din nito ang unti-unting pagbukas mg pinto sa harap namin.
"Ang lakas ng Void's Ability ng RW Void ni Lio ... " bulong ni Ryu na halos mapatulala na.
Nilingon ko si Lio na ngayon ay nakatingin nanaman ng may malulungkot na mata sa mga palad niya
"Ito ang totoong kapangyarihan ng Ranking Wizard na si Veichleo Vali--hindi, wala pa to sa kalahati ng Mahika niya. Ni hindi niya pa ginagamit ang sarili niyang Void" salitang kusang lumabas sa bibig ko.
"Pero, ako na si Lio. Hindi ko na nga dapat ginagamit ang Mahika ni Veichleo pero .. mas pipiliin ko na na gamitin 'to kaysa mawala kayo" malungkot pero nakangiting sagot niya ng marinig niya kaming dalawa.
To be continued ...