CHAPTER 10

1307 Words
"P-pagkagising na Ryu pumunta na kaagad tayo sa Floor 51" seryosong sagot niya pagkalipas ng ilang minuto na ikinangiti ko. Bumangon siya kaya binuhat ko si Ryu at umuwi bumalik kami papunta sa bahay. Pagkaayos ko ng higa kay Ryu ay napalingon ako kay Lio na seryosong nakatingin sa palad niya. "Anong problema, Lio?" Lumingon siya sa'kin "Naiwan ko ang dagger ko sa Floor 51" "Huh? P-paano 'yan?" "Ikaw kasi walang pasabi na hahatiin mo ang lupa. Nabitawan ko tuloy. Hay's pero hayaan mo na nga ... mababawi ko rin naman 'yon agad, hihihi" "Baliw ka ba? Paano ka lalaban kung wala kang dagger? Hindi mo naman magamit ng maayos ang mga Void mo, magpapakamatay ka ba?" "Hindi ko hahayaan na mamamatay ako ng hindi ko man lang natatalo si Eliza" seryosong sabi niya sa'kin at biglang ngumisi "Hihi, may tiwala naman ako na poprotektahan niyo ako diba?" Sasagot na sana ako ng hampasin niya ang likod ko which is 'yung part na may sugat dahil sa pagkakatama ko sa mga bato. "Aray!" "Ay masakit ba? Whahaha! Halika ka nga gamutin ko muna" at walang pasabi na kinuha na pala niya 'yung mga panggamot. Habang ginagamot niya na ang sugat ko sa likod ay bigla akong napatingin sa coat na nasa gilid ko lang na halos hindi na malaman kung coat nga ba o basahan na dahil sa sira. "Okay na sugat mo" sabi ni Lio at umalis na siya sa likod ko. Naglakad siya papunta sa coat ko at kinuha. Kakaiaba ang titig niya sa coat na hawak niya. Napakaseryoso niya na parang sobrang lalim ng iniisip niya "Prosoriní anadíplosi (Temporal Rewind)" mahinang sabi niya na ikinabigla ko. Unti-unti nabubuo ang ang coat. Ang kanina lang na sirang part nito ngayon ay okay na. "A-anong nangyari?" "Nakalimutan kong magsorry dahil nagsinungaling ako about sa kapangyarihan ko, isa akong Chronomancer ... kontrolado ko ang oras hihi, kaya kung hilingin kong ibalik ang oras kung kailan hindi ka pa nagkakasugat ay gugustuhin ko pero depende sa lakas ng mahika ko at sa bagay o mahikang ibabalik ko sa nakaraan" Kinapa ko ang likod ko .. hindi na masakit at ang matindi, nawala ang sugat ko. "Pero, hindi ko kayang magbalik ng buhay ng isang tao sa oras kung kailan nabubuhay pa siya. Hindi kaya ng mahika ko kahit na anong gawin ko. At h-hindi rin ako sigurado kung sa lahat ng oras ... kaya kong dalhin ang mabigat na nararamdaman ko sa oras na gumagamit ako ng mahika" seryoso ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya. As always, nakatingin siya sa mga palad niya ng may malulungkot na mga mata. "H'wag kang mag-alala, wala kang buhay na kailangang ibalik dahil wala tayong hahayaan na mamatay" nakangiting sabi ko. Napalingon kami bigla kay Ryu ng magising siya. Nagbago ang expression ng mukha niya ng mapansin niya kami na nasa tabi niya. "Sorry ... " Hindi ko alam kung anong klaseng sagot ang ibibigay ko sa kanya. Dahil syempre, ngayon lang kami bumagsak ng ganito. Napatingin ako sa kanila ng marinig kong hinampas ni Lio si Ryu "Baliw! Salamat sayo nalaman natin limitasyon natin. Pero, hindi pa naman huli ang lahat malalagpasan natin ang limit na 'yon! Hihihi, dahil tayo ang makakatalo kay Eliza" Ngumiti si Ryu dahil sa sinabi ni Lio at tumango. Hinawakan ni Lio ang balikat ni Ryu "Prosoriní anadíplosi (Temporal Rewind)" Sinubukan ni Ryu na umupo at nagawa naman niya. "Woah, hindi na natin kailangan ng Healing Gem Stone ah?" "Kailangan pa din. Actually kailangan na natin na simulan ang Rituals para maging isang Party na tayo. Kasooooo, nawawala ang papel na binigay sa'tin nung lolo sa Jstore. Kaya mas mabuti pang maghati hati na tayo sa mga Healer Gem Stone Therapeftìs polýtimos lìthos (Healer Gem Stone) Hindi ko kayo mapapagaling kung hindi ko kayo hawak, hihi unless nalang kung gusto niyong magpakamatay HIHI" at tinanggap nalang namin ang mga Healer Gem Stone. "Sino ba gustong mamatay? Katawan pambata .. isip bata din. Diyus ko" napapaface palm na sabi ni Ryu kaya ayun nakatikim siya ng sapito kay Lio. "Tutal okau ay na kayo. Tara na sa Dungeon, kailangan ko pang bawiin 'yung Dagger ko" nakangising sabi ni Lio at sinuot na niya 'yung coat. Sinuot na namin ang mga coat namin at lumabas na kami ng bahay. Nagtungo na kami papunta sa pinto ng Floor 51. This time, sisiguraduhin na naming tatanggapin kami ng Floor 51. Naglakad lakad na kami at hindi rin nagtagal marami na kaming nakasalubong sa Shadow Demon. Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng magsalita si Lio "Tingin niyo nasan kaya 'yung Dagger ko? Hindi kaya ginagamit na 'yon ng mga Shadow Demon?" "Baliw ka ba? Wala ngang Physical na anyo ang mga Shadow Demon diba, kaya paano nila magagamit 'yon?" Sagot naman ni Ryu. "Oo nga pala, hihi. Pero malay mo naman diba?  Mahalaga pa naman para sa'kin 'yun" "Saan mo ba nabili 'yon?" Tanong ko naman. "Hihi, di ko rin alam. Regalo sa'kin ng kapatid ko 'yon nung makuha ko ang Rank 10. Marami ng napagdaanan 'yun no" "Ilan ba kayong magkakapatid?" Tanong ni Ryu. "Tatlo, hihi. Panganay ako" "Pero mas muka ka na ngang bunso" bulong ko na narinig niya "Mas cute pa kamo sa bunso, hihi" "Mangilabot ka nga sa sinasabi mo" sabi naman ni Ryu. At iyon, nalibang kami sa paglalakad hanggang sa matuntun namin ang Boss Room dahil sa kadaldalan ni Lio na halatang sinadya niya para mawala sa isipan namin ang takot. Pero hindi namin nahanap ang Dagger ni Lio. "Bubuksan ko na" sabi ko at pagkabukas namin dalawang Shadow Demon ang sumalubong sa'min. Kaagad namin itong iniwasan at tumakbo papunta sa lugar kung nasaan ang Boss Floor. Isang napakalaking halimaw ang bumungad sa'min. May hawak siyang malaking bow at malalaking maraming Arrow na kaagad niyang ginamit pang-ataki sa'min. Kaagad kaming naghiwa-hiwalay para iwasan ang ataki na 'yon. "Nasa kanya ang Dagger" sabi ni Lio at nakatingin siya sa beywang ng halimaw na nasa harap namin. "Kenó tou nímatos (Void Of Thread)"  sigaw ni Ryu. "Kenó tis Fýsis (Void of Earth)" Tumakbo na kaming tatlo. Nasa unahan ko si Ryu at si nasa likod ko naman si Lio. Tinaas na ng halimaw ang Bow niya at hinanda ang mga Arrow "desmeftikós (Binding)" pumalupot sa Bow ang latigo ni Ryu na binatak niya pakanan pagkaataki ng Halimaw dahilan para maiwasan kami ng ilang arrow. Apat na arrow ngayon ang papasalubong sa'min. "Ekpompí gis (Earth Wave Emission) pagblock ko dito at umalis ako sa harap ni Lio. "It's all yours, Lio!" Sigaw ko at tumango siya habang tumatakbo papalapit sa halimaw. "Veltióste ta antanaklastiká (Enchance Reflexes) Veltióste tin tachýtita (Enchance Speed)" at halos hindi na masundan ng mga mata namin ang bilis niya. Nakita nalang namin siya sa likod ng Halimaw na hawak na ang Dagger at bigla ulit siyang naglaho at nakita nalang namin na nasugatan niya na ang halimaw at naglaho ito ng paunti-unti. "Finally, nabalik ka rin sa'kin" sabi ni Lio na may malungkot na ngiti habang nakatingin sa Dagger niya. Handa niyang itaya ang buhay niya para sa dagger na 'yon, ganun nalang ba kahalaga sa kanya ang bagay na 'yon? Someone's Pov Naglaho ang 8 na Floor Boss sa sabay sabay naming pag-ataki. Pagkatapos nuon ay naglakad na kami papunta sa Safe Zone. Walang katao-tao sa paligid pero nagpatuloy kami sa paglalakad "No. 5, nakakasiguro ka ba na dito natin sila makikita?" Tanong ni No. 7 sa gilid ko habang naglalakad kami. "Nakakasiguro ako. Sa sobrang lakas ng Mahika ni No. 2 at No. 1 sinong Ranking Wizard ang hindi makakaramdam nito?" At tinignan ko ang mga Ranking Wizard na seryosong naglalakad kasama namin. "May isang bahay ... " sabi ni No. 8 habang nakatingin sa mapunong lugar at mapapansin dito ang liwanag. Naglakad kami papunta duon at isang kubo ang bumungad sa'min. "Inaasahan na namin ang pagdating niyo, No. 5" ang sabi ng isang tao na naglalakad papunta samin na nagmula sa madilim na lugar. "Mukang si No. 4 nalang ang kulang. Gusto ko na siyang makita" ang sabi ng isang boses lalaki na sigurado akong si No. 1 "Nasa Floor 51 na siya ngayon. Anong balak niyo?" Ang sabi ni Rank 2 na lumabas sa madilim na lugar kasama sina No. 1 and No. 3. Ngumiti si No. 1 "Knowing her, anytime or soon makakarating siya dito. Hintayin nalang natin siya dito sa Floor 99 at sabay sabay nating linisin ang Floor 100" Hihintayin kita, Veichleo Vali. To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD