CHAPTER 09

1018 Words
Rius Pov Inabot niya sa'kin ang itim na coat ganun din kay Ryu. "Kapag pumasok tayo sa Floor 51, marami tayong Shadow Demon na masasalubong. Kapag suot na'tin 'to hindi nila tayo aatakihin. Hihi, parang magiging invisible tayo sa mga mata nila hihihi"  "Handa na ba?" Tanong ni Ryu pagkasuot niya ng coat. "Handang handa na. Tara na!" At sinuot narin ni Lio ang coat niya ganun din naman ako. Pumunta kami kung saan naruon na ang pinto ng Floor 51. Pero isang hagdan ang bumungad sa'min. "Dati parang dimensional ang bawat pinto, pero this time hadgan na ang bumungad sa'tin. Ano bang iniisip ni Eliza?" Pagtataka ko. "Ang ibig sabihin lang .. once na pumasok tayo dito, wala pa tayo sa Floor 51 kung hindi nasa pagitan palang tayo ng Floor 50 at Floor 51. Nice, mas lumawak ang Dungeon. Hihi, naeexcite na ko" sabi naman ni Lio at pumasok na siya sa loob kaya sinundan narin namin siya.  Naglakad kami paakyat ... halos matagal tagal din ang nilakad namin at hindi nagtatagal may nakakasalubong kaming mga Shadow Demon pero "Dirediretso lang, hihi just stay calm. Sa nabasa ko, h'wag kang magpaparamdam ng takot sa kanila dahil duon nila na rerecognize ang mga kalaban nila. Hihi kaya kalma lang" sabi ni Lio habang seryosong nakatingin sa harap. "Ano bang nakakatalo sa kanila?" Tanong ni Ryu at napansin ko na sinundan niya ng tingin 'yung dalawang nakasalubong naming mga Shadow Wizard "Diba shadow lang sila? Hindi sila nahahawakan" sagot ko naman. "Hindi natin sila mahahawakan, pero once na madapuan tayo ng katawan nila ... inaabsorve nito ang Mahika na'tin. Meaning to say, hindi nga natin sila maaataki pero sila pwede tayong atakihin. Para silang multo, awooo~ hihi katakot ba?" "Paano mong nagagawang mapakalma sarili mo sa gantong oras, Lio?" Napapakamot sa ulo na tanong ko. "Hihi, syempre para di ako atakihin ng mga Shadow Wizard. Wala akong laban diyan nu, hihi" "Para naman sinabi mong iiwan mo kami kapag kami lang ang inataki ng mga 'to?" Sabi ni Ryu. "Ganun na nga. Hihihi, galing mo palang manghula haha. Dont worry, tatalunin ko naman si Eliza kaya mabubuhay ulit kayo. Hihi, dont lose hope hihih" "Parang hindi masakit mamatay ah?" Bulong ni Ryu at ngumisi lang si Lio. Pagtapak ko ng isang steps napansin ko na last steps na pala 'yon "And here we are, nandito na tayo sa Floor 51" "Wala man lang nagwelcome sa'tin, wushu" napapabuntong hininga na sabi ni Lio. "Saan ka ba kumukuha ng lakas ng loob?" Tanong ni Ryu. "Hihi! Secret. Walang clue. Tara na lakad lakad na tayo .. kating kati na ang kamay ko hihi" at tumakbo na siya. Nagkatinginan pa kami ni Ryu bago namin siya sundan. Marami kaming nakasalubong pang mga Shadow pero syempre snob lang. "Sa tingin niyo, may makakaaclear kaya ng Dungeon?" Pagsira ni Ryu sa katahimikan kaya nilingon namin siya habang naglalakad kami. Nilingon ko naman si Lio "Nandito ang mga Rank Wizard, panigurado makiclear nila ang Dungeon" sabi ko naman. "Pero, p-paano kung totoo 'yung sinabi ni Lio na pag-aagawan ang pwesto bilang isang Hero?" Narinig kong nagbuntong hininga si Lio "Malaki ang chance na mangyari 'yon. Lalo na sa mga Rank Wizard, hindi napaka-imposible para hindi mangyari .. dahil ang mga Rank Wizard, nakikipaglaban 'yan para sa mataas na Rank kahit sa kapwa Rank Wizard nila" Napansin ko ang kakaibang expression ng mukha ni Ryu. Nangangamba siya .. nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung mga panahon na pinaslang ni Eliza si Tracy. "Ikalma niyo sarili niyo .. marami paring Shadow Wizard na nagkalat dito" sabi ni Lio na nagpagising sa'kin pero hindi kay Ryu. "Hindi madali para sa'kin na ikalma ang sarili ko .. lalo na't alam ko, ano mang oras pwede akong mamatay-" putol niyang sabi ng mapansin naming tatlo na nakatingin na sa'min ng masama ang mga Shadow Demon. Aatakihin na nila si Ryu pero kaagad akong tumakbo sa harap niya para sana itulak ko siya pero sobrang bilis ng Shadow Demon kaya imbis na siya ang madaanan ng katawan ng Shadow Demon na kaagad naabsorb ang kalahating mahika ko. Natulak kami ni Ryu dahilan para tumama ang likod ni Ryu at matamaan ang ulo niya at nawalan siya ng malay habang ako naman ay tumama sa mga bato at nagtamo ng sugat sa likod. Nabigla naman ako ng hubarin ni Lio ang coat niya at ipatong bigla sa'kin. Pumunta siya sa harap namin hawak ang dagger. "Mukang galos lang naman ang natamo ko. Nawalan lang din ng malay si Ryu, pero okay lang siya. Hindi ko kailangan ng Healing Gem Stone. Kenó tis Fýsis (Void of Earth)" at lumitaw ang Void ko sa kamay ko pero pinigilan ni Lio ang kamay ko. "Naalala mo ba ang sinabi ko? Walang nakakatalo sa kanila dahil wala silang physical na anyo" "A-anong dapat nating gawin?" Tanong ko dahil dumadami sila. "Dalhin mo si Ryu sa Safe Zone" "S-Safe Zone? H-hindi pa natin nakiclear ang Floor 51 kaya im-- h'wag mo sabihing babalik kami sa Floor 50?" "Oo. Buhatin mo na si Ryu!" "Hindi. Hindi ka namin iiwan dito. Kung mamamatay ka, mamamatay din ako"  "Nasisiraan ka ba?! Hindi na natin kayang tatlo ang Floor 51! Rius, kapag nagtagal ka pa dito mawawalan na kayo ng daan pabalik!" Sa pagkakasabi niyang 'yon, nagsara nga ang daan pabalik sa Floor 50 dahil sa napakaraming Shadow Wizard. "Kung tatakbo kami, kasama ka" at tinusok ko sa lapag ang Void ko. "Kopí gis (Earth Cutting)" nahati ang lapag at bumagsak kaming tatlo malalim na parte. Nagpagulong gulong kami hanggang sa isang buwan nalang ang bungad sa'min sa floor 50. Napansin ko na ngumisi si Lio ng lingunin ko siya "Hindi ko akalain na irereject tayo ng Floor 51" pero biglang nagbago ang expression niya at umiwas ng tingin sa'kin. "K-kaya pa ba ng grupo na'tin 'to?" May nanginginig na boses niyang tanong na hindi ko alam kung saang lupalop ko ba mahahanap ang sagot. "Tatlo lang tayo compared sa ibang Party na more than 10 ang members. Kaya ba talaga na'tin?" Tanong pa ni Lio. Umupo ako at inayos ko ng higa si Ryu "Hindi ba dapat hindi nating hinahayaan na maging duwag tayo? Kahit hindi natin kaya dapat pinipilit parin na'tin .. dahil may reason tayo kung bakit tayo lumalaban. Habang nababawasan ang mga katulad nating mga frontliners, nababawasan din ang pag-asa nating ibalik ang totoong mundo natin" sagot ko naman na ikinabigla niya. "P-pagkagising na Ryu pumunta na kaagad tayo sa Floor 51" seryosong sagot niya pagkalipas ng ilang minuto na ikinangiti ko. To be continue ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD