CHAPTER 08

1045 Words
"Dahil sa Mahika ko kaya nangyayari ngayon 'to. Kung bakit maraming taong namamatay ngayon"   "Saglet saglet! In the first place, bakit lumiit ka? Kaheight ka lang namin dapat diba? same age lang tayong tatlo .. kaya paanong naging bata ka ulit? Minamaliit ka tuloy ni Geo" Singit ni Ryu ng malinis na namin ang daan papunta sa Boss Floor.  "Na-over used ko ang Magic ko kaya naging ganto ko, hihi! Mas bagay naman sa'kin diba?" Nakangisi niyang sabi pero bakas dito na sa likod nito ay may tinatago siyang lungkot.  Binalik niya ang Dagger niya sa beywang niya "Ayon na ang Boss Room, handa na ba kayo? Hihi kasi ako handa na!" At bigla siyang tumakbo papunta sa Boss Room. Napangiti nalang kami at sinundan siya kaagad papunta sa Boss Room. Dahan naming binuksan ang pinto at ang dilim pa ng buong kwarto hanggang sa isang ungol ng isang Halimaw ang narinig namin. At maya maya isang napakalaking Lycanthrope ang bumungad sa'min. Napakalaki niyang lobo. May mga tinik siya sa likod niya na sobrang talim. Mabilis siyang tumakbo pasugod kay Ryu na  kaagad namang tinulak ni Lio. "Bind trap" sabi ni Lio kay Ryu. "Pero! Masyado siyang mabilis Lio para mabind ko siya!" Sabi naman ni Ryu. Nagtaka naman ako nung una nung tignan ako ni Lio at tumango siya at naintindihan ko naman siya. Lumayo kami sa isat-isa palayo sa Lycanthrope  "Ryu! Ako ang bahala!"  Sigaw ko at tumango siya.  Dahan dahan kaming hinarap ni Lycanthrope at pinakita niya pa ang napakatalim niyang mga ngipin at sa isang iglap nawala siya sa paningin namin. Pumikit ako at nagconcentrait para maging isa sa mundo. Nararamdaman ko siya .. malapit na siya kay Ryu ... "Gawin mo na, Ryu!"  "desmeftikós (Binding)!" At nahuli ni Ryu ang Lycanthrope at napigilan niya. "Kopí gis (Earth Cutting)" tumalon si Lio pababa ng lumubog na ang Lyconthrop. Sinundan namin siya ni Ryu. "Kopí nímatos (Thread Cutting)!" Paggamit ni Ryu ng Void Ability.  "Kenó tis Fýsis (Void of Earth)" sabi ko naman habang tumatakbo ako papunta at tumalon kaagad at sinaksak ang Lycanthrope "Thávontai sti gi (Buried within the Earth)!" At unti-unti na siyang nagiging kahoy pero sobrang bagal .. hindi sapat ang mahika ko.  Umatras kami ni Ryu at nabigla nalang kami ng sunod sunod na pag-ataki ang ginawa ni Lio habang nababalot na ang Lycanthrope ng kahoy. Hindi ito tinigilan ni Lio hanggang sa mapabagsak niya 'to gamit ang Dagger niya. Lumalaban talaga siya ng hindi gamit ang Void niya. Ano nga ba ang pumipigil sa kanya para lumaban gamit ang buong lakas niya? 3 weeks, after three weeks nandito na kami sa Floor 50. Hindi na mga simpleng halimaw ang bumubungad sa'min kung hindi mga Lycanthrope na. "Hey guys! Tignan niyo 'to" sabi ni Ryu na papasok sa bahay. Yup, halos 4 days na kami dito Floor 50. Dahil matinding sugat ang natamo namin sa Floor 50. Ibang iba sa mga halimaw na nakakalaban namin sa ibaba. At si Lio lang ang halos walang kasugat sugat. "Ano 'yon?" Tanong naman namin pagkalapit niya at may hawak siyang newspaper. "Since na clear na ang Floor 50 nabukas na ang mga Portal sa bawat floor na malilinis. So meaning to say, pwedeng bumalik ang mga Wizard sa Floor 1 ng walang kahirap-hirap" sabi ni Ryu. Naglakad pabalik sa kaninang inuupuan niya si Lio "Wala akong balak na bumalik" "At walang may balak bumalik" napalingon siya bigla sa'kin at si Ryu nakangiti lang. "Yup! Dahil may misyon tayo diba? Ang talunin si Eliza" sabi ni Ryu at tumango kami ni Lio. "Kung ganun pala, pwede na nating balik-balikan ang bahay natin dito sa Floor 50" nakangiting sabi ni Lio at biglang nagbago ang expression ng mukha niya. "Ryu, p-patingin nga saglit ng dyaryong hawak mo" at dali dali siyang lumapit kay Ryu para hablutin ang dyaryong hawak ni Ryu. Lumapit ako sa kanilang dalawa at duon nakita ko ang nakasulat sa dyaryo. Nagkalat ang mga Demon Wizard sa Floor 60 pataas na ngayon ay nililinis ng limang Party Group. "A-ang ibig sabihin pinapatay ng limang Party ang mga Demon Wizard na nasa Floor 60 pataas? Woah, kung limang Party sila panigurado maraming Demon Wizard ang nagkalat sa taas" sabi ni Ryu. "Halos lahat na ng 40 Floor sa itaas sakop ng mga Demon Wizard pero naging kakaunti ang bilang nila dahil sa mga Wizard na Frontliners" sabi ko naman ng mabasa ko ang ilang parts. "Pero Lio, nabanggit mo sa'min na may nakilala kang Demon Wizard sa Floor 28? P-paano silang napadpad duon?" Tanong ni Ryu. "Panigurado ... hindi lang nasa 40 Floors sa itaas ang mga Demon Wizard kung hindi nasa buong Dungeon na para tumakas sa mga Frontliners" sagot ni Lio. Kinuha ko 'yung dyaryo ng may napansin ako "Ang mga Rank Wizard ang mga testigo dito na nasa Floor 89 na" sabi ko naman kaya nilingon ko kaagad si Lio na hindi na nagtaka. "Usapan sa bayan ang pagsasama ng mga Rank Wizard bilang isang Party. Siguro sila ngayon ang naglilead sa 4 na Party" sabi ni Ryu na umiwas ng tingin kay Lio. "Anong ibig mong sabihin, hindi ba't mayroon na silang sari-sariling Party na binuo nila unang araw ng Death Game?" Tanong ni Lio. "Inabandona nilang lahat 'yon at iniwan nila sa Safe Zone. Lio, apat nalang kayong hindi kasama sa Party nila. Ang Rank 1, 2, 3, at ikaw na Rank 4. Any time by now, panigurado hinahanap ka na nila ... at hindi magtatagal panigurado makikita ka nila" "Anong balak mo Lio?" Tanong ko pero ngumiti siya ng seryoso "Hindi nila ako makikilala sa anyo ko ngayon. At kung about naman sa Mahika, kung ako hindi ko 'to magamit ... hindi rin nila 'to mararamdaman unless, makasama nila ang Rank 2" "Ang Rank 2 .. " bulong ni Ryu. "The Ranking Wizard who hold the Void Of Senses. Ang tanging Ranking Wizard na simpleng espada ang ginamit para makapasok sa Rank 10" sagot ni Lio habang at seryosong nakatingin sa'min.  "Miiwasan kaya na'tin sila?" Tanong ko.  "Hindi pa sila nagkakasamang lahat kaya malaki pa ang chance, pero once na nagkasama-sama na sila ... hindi ko na alam ang sagot" sagot ni Lio.  "Rank 2 ang pinag-uusapan natin dito" sabi ni Ryu.  Nabigla naman kami ng ngumiti si Lio "Pero Rank lang 'yan. Number lang 'yan, hindi mo masusukat diyan ang kakayahan ng bawat isa. Hihi, actually kahit ikaw Ryu kaya mo ng talunin ang Rank 1 hihih" "Iba ka rin kung mag-isip. Magdilang anghel ka sana. Pero ikaw na Rank 4 hindi mo pa siya natatalo ang lakas na ng loob mo" napapabulong kong sagot. "Hindi sa hindi ko pa siya natatalo, sadyang hindi ko palang siya nakakalaban. Hihihi" at dahil sa ngiti niya nawala ang pangamba namin.  To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD