CHAPTER 07

1058 Words
"Veichleo .. " nangingiting sabi ni Eliza at biglang naglaho ang Void niya. Mabilis ding naglaho ang RW Void ni Lio. "Tapos na ang usap na 'to. Hindi ka pa handa para labanan ako. Hanggang sa muli" at may itim na aura  ang bumalot sa katawan ni Eliza kaya naglaho siya. Dali daling lumapit sa'min si Lio "Therapeftìs polýtimos lìthos (Healer Gem Stone)!" Lumitaw sa mga palad ni Lio ang isang Gem Stone "Therapèvo (Heal)!" Pero hindi nawawasak ang Gem Stone. Hindi gumigising si Tracy. Hindi bumabalik ang Mahika ni Tracy. "Therapèvo (Heal)! Therapèvo (Heal)!" Nagiging desperadong pagchant ni Lio hanggang sa naglaho na ang Gem Stone. "Hindi kayang magbalik ng buhay ang isang Gem Stone" nahihirapan sa pagtayong sabi ni Ryu. Niyakap ko nalang ang walang buhay na katawan ni Tracy habang hindi ko mapigilan ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Gusto kong kunin pabalik ang mga parte ng katawan niya  na naglalaho na. Nabigla ako sa pagluhod bigla ni Lio sa tabi ko at itinumba niya ang sarili niya pasandal sa braso ko "S-sorry ... s-sorry ... s-sorry. K-kung na-napaaga lang ako ng dating h-hindi sana mangyayari 'to. S-sorry" Nilingon ko siya pero nakayuko siya at takiptakip ng muka niya ang mga buhok niya. Tanging nakikita ko lang ay ang mga luhang pumapatak na sa lupa. Naglaho ng tuluyan ang katawan ni Tracy. Tanging natira nalang ay ang mga puting bulaklak na kanina lang ay hawak niya. Tinaas ko ang ulo ni Lio na pilit niyang niyuyuko. "Hindi mo kasalanan Lio. Hindi mo kasalanan ang mga nangyari, okay?" Naiiyak ko pang sabi. Pinunasan niya ang mga luhang patuloy na tumutulo sa mga mata niya at niyakap ko lang siya. Ilang oras din bago namin nakalma 'yung sarili namin. "Floor 17, nagkita kami ni Tracy. Napagkamalan niya pa ako na bata. Pero nung magkita kami sa Boss Room dito sa Floor 20, nakilala niya 'ko kaagad" kwento ni Lio habang nakatingin siya sa lupa. "Bakit hindi mo sinabi sa'min ang totoong pangalan mo? At .. ang totoong mahika mo?" Tanong ni Ryu. "Ano pang saysay na magpakilala ako sa totoong katauhan ko? Hindi ko na nagagamit ang mga Void ko at kung nagamit ko man kanina ... n-nanginginig pa ang mga kamay ko" Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa mga palad niya. "Pero kung hindi mo pinilit kanina siguro wala narin ako ngayon" malungkot na sabi ni Ryu. "Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo kung hindi mo naligtas si Tracy .. dahil nailigtas mo naman si Ryu" sabi ko naman pero ngumiti siya ng pilit.  "Pero mas mabuti kung dalawang buhay ang nailigtas ko" Ginulo ko ang buhok niya at napigil ko ang pagluluha ng mga mata niya "Para san  naman 'yon?!" Tanong niya habang inaayos niya ang buhok niya. "Nung una tayong magkita lagi kang nakatingin sa itaas pero ngayon .. para kang Wizard na gustong bumalik sa Floor 1. Asan na 'yung Lio na walang ginawa kung hindi magpakahappy go lucky lang?" Nagpout naman siya na nagpatawa sa'min ni Ryu "Pero Lio, anong floor na ang inabot mo?" Tanong ni Ryu. "Nasa Floor 28 na ako kanina ng may nagpakita sa'king isang Demon Wizard. Binalaan niya ako kaya nandito ako ngayon"  "Sana di ka nalang bumalik dito? Alam mo ba kung gaano kahirap na makapagclear ng Floor?" Sabi ni Ryu.  Tumayo si Lio at tumalikod sa'min "Mas mahirap magbalik ng buhay" diretsong sagot niya na ikinabigla namin pero kaagad siyang humarap sa'min ng may ngiti.  "Tatalunin natin si Eliza at tayo ang gagamit ng kahilingan, hihi!" Nakangiti niyang sabi na nagpangiti sa'min ni Ryu.  "Alright!" Sigaw ni Lio na nagpangiti samin. Tumingin ako sa kanya at lumingon sa kalangitan. Maghintay ka lang Tracy, kami ang gagamit ng kahilingan. Magkakasama tayong muli ... sinisigurado ko 'yan. At hindi rin nagtagal tinanggap nalang namin ang katotohanan na wala na si Tracy, pero hindi namin tinannggap na hindi na namin siya makikita. Dahil tatalunin namin si Eliza at gagamitin namin ang kahilingan. "Pero Rius, paano sila Geo?" Tanong ni Ryu na nagpataka kay Lio. "K-kakausapin natin sila" sabi ko naman at nagsimula na kong maglakad na sinundan naman nila.  "Sino si Geo?" Tanong ni Lio.  "Party Leader namin. Pero h'wag kang mag-alala, ngayong nakita ka na namin aalis na kami katulad ng napagkasunduan" nakangiti kong sabi pero hindi nagbago ang expression niya. Tahimik lang kaming naglakad papunta sa meeting place ng Party namin dahil sa halong kaba na nararamdaman namin. Kaagad naming nakita si Geo na nakikipag-usap sa ilang member ng Party pero kaagad din naming nakuha ang attention niya kaya siya kaagad lumapit sa'min. "B-bakit may dugo ka sa suot mo?" Nag-aalalang bungad ng Vice President na laging nakasunod kay Geo. "O-okay lang ako. G-Geo, gusto ka sana naming makausap"  Seryoso siyang tumingin sa'kin kaya naman nagpatuloy na ako sa pagsalita "Geo, gusto na naming umalis sa grupo. N-nakita na namin ang hinahanap namin" at nilingon ko si Lio na seryosong nakatingin.  Seryoso niyang tinignan si Lio at tumalikod "Hindi ko inaakalang ipagpapalit mo ang buong Party para lang sa isang batang 'yan. Kung ganyan kayong dalawa, hindi kayo tatagal dito sa loob ng Dungeon"  "Hindi batayan ang panlabas na anyo namin para malaman mo ang lakas namin" nakangiting sabi ni Lio na nagpaharap kay Geo.  "Nanghahamon ka ba?"  "Kung papayag ka ba, hihi"  Tumalikod si Geo ng may ngiti "Hindi ako pumapatol sa bata ... sa mga mahihina. Rius at Ryu, sayang ang lakas niyo kung kayong tatlo lang. Panigurado kung aayain ko kayong sumama sa Party ko--" putol ni Lio.  "Hindi sila papayag. At hindi ko rin hahayaan"  "Umalis na kayo. Pero tandaan niyo Ryu at Rius, tayo ang itatalagang Hero dito. Sa oras na magkita ulit tayo .. sa ayaw at sa gusto niyo, babalik kayo sa Party ko"  "Nasa amin ang huling desisyon, Geo" sagot ni Ryu.  "Salamat sa lahat" at naglakad na kami palayo sa kanila. Naglakad kami at hinanap ang pinto para sa Floor 21. Floor 21-Floor 27, madali lang namin nalinis dahil halos nakabisado na ni Lio ang mga galaw ng mga Boss Floor. At ngayon nandito na kami sa Floor 28. "Rius, Ryu .. sigurado ba talaga ang desisyon niyo na umalis sa Party nung Geo na 'yon?" "Oo, at isa pa ayon na naman talaga ang plano naming gawin sa oras na makita ka namin" at napalingon ako sa kanya saglit "Bakit nga pala hindi mo nagagawang magamit ang mga Void mo?" Tanong ko kay Lio at saka ko sinaksak ang isang halimaw na humarang sa harap ko ganun din si Lio at si Ryu.  "Bakit nga ba? Nacurius din ako, Lio"  "Actually, hindi lang ang Void ko ang natatakot akong gamitin kung hindi mismong mahika ko. Nanlalambot ako kapag nakikita ko ang mahika ko" sabi niya habang nakikipaglaban siya gamit ang Dagger niya.  "Anong dahilan?" Tanong ko naman.  "Dahil sa Mahika ko kaya nangyayari ngayon 'to. Kung bakit maraming taong namamatay ngayon" To be continue ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD