"N-nasa loob ng Dungeon sila Rius?" Pero isang ngiti lang ang isinagot niya at biglang naglaho.
Kaagad akong tumayo. Tumakbo ako kaagad papunta sa kaninang pinto na dinaanan ko kung saan nagdudugtong sa Floor 27 at Floor 28. Pero kailangan ko ulit harapin ang mga Boss Floor na nakaharap ko at ang mga halimaw na nagkalat sa bawat Floor.
Sana makaabot ako!
Rius Pov
"Ekpompí gis (Earth Wave Emission)" sabi ko para tulong sa pagdeflect sa pagtama ng espada sa'min ng isang Troll na kalaban natin.
"Rius! Easy ka lang! Marami ka ng nagamit na Mahika!" Sigaw ni Ryu sa tabi ko na gumagamit naman ng Binding para mapigilan naman ang kaliwang kamay ng Troll.
"Okay lang ako! Kenó tis Fýsis (Void of Earth)" nang lumitaw na ang Void ko sa mga kamay ko ay sumama ako sa mga iba pang Wizard na pasugod din malapit sa Troll.
"Gamitin natin ang Void Ability natin!" Sigaw ng Party Leader namin habang kasama namin siyang papasugod.
Umiwas kami sa pagtama sa lupa ng espada niya at lumapit kami sa katawan niya. At bago pa man siya makaiwas ay tinamaan na siya ng Void namin ng sabay sabay "Thávontai sti gi! (Buried within the Earth)" pagcast ko ng Void Ability at ganun din ang iba.
Bago pa man niya kami gantihan ng ataki ay unti-unti ng umpipekto ang ataki namin. Unti-unting naging kahoy ang katawan niya dahil sa Ability ng Void ko.
"Nice!" Sabi ni Ryu mula sa likod ko.
"Ilan ang namatay?" Tanong ni Geo, ang Party Leader namin.
"13, Geo" sagot ng isang member.
"Hintayin na muna nating tuluyang maglaho 'yung mga katawan nila bago tayo pumunta sa Safe Zone. Gamutin niyo na ang mga sugat ng mga sugatan at magpahinga muna tayong lahat" sabi ni Geo habang nakatingin sa mga katawan na unti-unti ng naglalaho.
"Hindi nakakatakot mamatay para sa minamahal" bulong ni Ryu na nasa tabi ko habang malungkot na nakatingin sa mga bangkay. Nung una nabigla pa siya dahil nalaman niyang narinig ko "W-wag mong pansinin 'yung mga sinasabi ko. He he"
"Baliw ka talaga" sabi ko naman at naglakad kami papunta sa mga kasamahan namin.
Hinintay lang namin maglaho na ang mga katawan ng mga kasamahan namin at lumabas na kami papunta sa Safe Zone.
Isang town ang bumungad sa'min kung saan napakarami ng Wizard na nagkalat. "Geo, magpapaalam sana ulit kami--" putol niya sa'kin.
"Sige naiintindihan ko. Basta babalik kayo sa Party, dahil tayo ang itatalagang Hero dito" nakangiti niyang sabi kaya naman humiwalay na kami sa mga kasamahan namin.
"Ang dami namang tao" reklamo ni Ryu habang naglalakad lakad na kami sa buong town.
"Magtiyaga lang tayo"
"Eh paano pala kung nasa mababang Floor ang hinahanap natin?"
"May nakita ba tayo? Wala diba? Kaya panigurado, nandito lang siya sa mataas na Floor"
"Eh kung ganun, makikita narin siya .."
Lio's Pov
Kahit alam ko na ang mga weakness ng mga Boss Floor, ang hirap parin nilang talunin. Dinediretso ko ang Floor 28 hanggang sa ngayon na nasa Floor 22 na ako.
Tumama sa katawan ng halimaw ang Dagger ko at dinerediretso ko ang pag-ataki sa katawan niya hanggat may pagkakataon ako. At hindi ako nabigo na matalo siya.
Matapos nuon ay huminga lamang ako ng malalim at tumakbo na ako palabas papunta sa Floor 21. Nagmadali ako na halos nakailang cast ako ng Enchance Speed ko. Narating ko ang Boss Room ng Floor 21. Dinoble ko ang pagcast ko ng Enchance Speed at minadali ko ang pagpaslang ko sa Floor Boss. Halos manlambot na ako matapos kong maclear ang Floor 21 pero kaagad akong lumabas papunta sa Floor 20.
Lumabas ako sa isang gubat at nagmadali akong hanapin si Tracy.
Rius Pov
Inikot na namin ang buong Floor 20 pero hindi namin siya makita. "Pagod na ko, Rius! Baka naman nasa ibang Floor na si-- wait! Oy! Rius!" Biglang pagtigil sa paglalakad ni Ryu kaya nilingon ko siya.
Seryoso siyang nakatingin sa isang direction kaya tinignan ko ang tinitignan niya. Nabigla ako sa nakita ko. Hindi si Lio ang natagpuan namin kung hindi ang kapatid ko. Si Tracy, namimili siya ng mga puting bulaklak habang may malungkot na mukha.
Kaagad akong tumakbo papunta sa kanya na ikinabigla niya rin. "R-Rius? I-ikaw ba talaga 'yan?" Nagluluhang tanong niya.
Tumango ako at niyakap siya ng napakahigpit at kaagad ding bumitaw. "Akala ko hindi na kita makikita, Tracy"
"Hallo, Trei!" Singit ni Ryu.
"Kasama mo pala si Ryu, haha. Buti nakaabot ka pa hanggang dito sa Floor 20 ng buhay hahaha" biro ni Tracy.
"Grabe ka sa'kin Trei hahaha. Anong ginagawa mo dito?"
"Namimili ng bulaklak dahil malapit narin akong umalis dito sa Floor 20. Ang sabi sa'kin ni Lio hindi kayo tumuloy na maging Frontliners, kaya anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Tracy matapos niyang mag-abot ng Gold bilang bayad sa mga bulaklak na hawak niya.
"Kilala mo si Lio?" Gulat kong tanong.
"Oo, hahaha siya nga ang dahilan kung bakit nakakausap mo pa ako ngayon. By the way, gusto niyong makita 'yung bahay na tinutuluyan ko ngayon?" Tumango kami at nagsimula na kaming maglakad palayo sa mataong lugar.
"Tracy nandito ba sa Floor 20 si Lio?" Tanong ko.
Umiling siya "Panigurado nasa Floor 40+ na siya ngayon k-kasama ang mga kaparty niya"
"Ang lakas talaga ng loob ng batang 'yon" bulong ni Ryu.
"Hahaha! Makabata ka naman kay Lio, Ryu hahaha kaedad lang natin 'yon" natatawang sabi ni Tracy ng bigla nalang siyang bumagsak sa lapag at sumuka ng dugo. "T-Tracy?! Tracy?!" Kaagad ko siyang nilapitan at tinaas ang ulo niya pero patuloy siya sa pagsuka ng dugo sa bibig niya.
"A-anong nangyayari Rius?!" Natatarantang tanong ni Ryu.
"Sorry sa istorbo pero ... napakasakit niyo sa mata" boses ng isang babae na bigla nalang lumitaw hindi kalayuan mula sa'min. Nakahood siya at ramdam ko ang Black Magic sa katawan niya.
"E-Eliza .. " tanging nasambit ko.
"Hindi ko ba kayo nasabihan? Sa lahat ng ayaw kong nakikita ay ang sweetness na nagmumula sa magkapatid. Hindi niyo ba alam 'yon?!" At lalong sumuka ng dugo si Tracy.
"P-please! L-lalayo ako kay Tracy basta please h'wag mo na siyang pahirapan!" Sigaw ko naman.
"Huli ka na. Dahil siya na ang lalayo sa'yo"
Nararamdaman ko na unti-unti ng humihina ang Mahika ni Tracy. Natataranta na ako. Gusto kong sugurin si Eliza pero ayaw ko namang iwan si Tracy dito.
Nabigla nalang ako ng biglang sumugod si Ryu "Eliza! Humanda ka! Kenó tou nímatos (Void Of Thread)"
Tatama na ang Void na latigo ni Ryu kay Eliza pero pinigilan lamang ito ng isang kamay ni Eliza at walang kahirap hirap na napatigil si Ryu at hinagis niya ito palayo.
"Kenés thanátou (Void Of Death). Ang isa pa sa mga ayaw ko ay ang mga pakealamero" ang sabi ni Eliza habang naglalakad papunta kay Ryu.
"Ryu! Tumakbo ka na!" Sigaw ko dahil hanggang ngayon ay nasa lapag parin siya at iniinda ang masakit niyang katawan.
"Huli na ang lahat" bulong ni Eliza ng malapit na siya kay Ryu at tinaas na niya ang napakaitim niyang espadang Void at tatama na sana 'to kay Ryu ng may napakabilis na kulay puting arrow ang bigla nalang dumaan sa harap ni Eliza reason para mapaatras siya kaya tumama lamang ito sa isang puno na halos mahati sa dalawa.
Nilingon naming tatlo kung saan nanggaling ang arrow at nagmula ito sa hingal na hingal at pawis na pawis na si Lio.
"A-ang Bow Void na hawak mo, isa kang Ranking Wizard .. Lio?" Nasa lapag paring tanong ni Ryu.
"Veichleo .. " nangingiting sabi ni Eliza at duon ko lang naalala.
Veichleo Vali ... Siya ang Rank 4 Wizard na nakakuha ng RW Void na Void Of Wind. Isa siya sa mga Legendary Wizard. Veichleo Vali.
To be continue ...