CHAPTER 05

1469 Words
Lio's Pov Pagdating ko sa Floor 27 sa Zafe Zone since medyo madilim na .. nagpasya ako na manatili pansamantala sa maliit na town. Maliit palang 'to dahil kakaunti palang ang Wizard na nakakarating dito. Pero simula ng maramdaman ko ang presensya ng Demon Wizard na 'yon ... hindi na 'to naalis hanggang ngayong nasa Floor 27 ako. Sumusunod siya sa'kin  ... pero bigla siyang naglalaho kapag natunton ko kung nasaan siya. Nagtungo ako sa isang gubat kung saan napakadilim pa ng paligid. Napakalakas ng hangin ... at duon naramdaman ko nanaman ang presensiya niya pero this time hindi ko na siya hahayaang makawala. "Veltióste tin tachýtita (Enchance Speed)" bulong ko at mabilis akong tumakbo papunta sa lugar kung nasaan 'yung Demon Wizard hawak ang Dagger ko na tinapat ko kaagad sa beywang niya pagkapunta ko sa likod niya na ikinagulat niya. Sa beywang lang, since di ko abot ang leeg niya "Anong kailangan ng isang Demon Wizard sa'kin? Sinusundan mo ako simula nang mapunta ako sa Floor 17. Anong dahilan mo?" "He.he, faster as ever .. hindi parin talaga matatago ang totoong anyo mo, Veichleo" Dahil sa sobrang bigla halos manlambot ang buong katawan ko at hindi ko mahawakan ng maayos ang Dagger ko "P-paano mo 'ko nakilala?" "Dugong nagdudugtong sa bawat isa" nakangiting sagot niya na lalong ikinabigla ko. B-blood related? ... "At, magiging parte ako ng larong 'to" boses ni Eliza na bigla nalang pumasok sa isip ko. Nilingon ko ang babaeng nasa harap ko ngayon habang umaatras ako. Nararamdaman ko ang black magic na nagmumula sa kanya. "Posibleng ikaw ... "  Napansin ko na napangisi siya sa sinabi ko. "Nandito lang ako para balaan ka. Wag mong pagsasamahin ang magkapatid kung ayaw mong isa sa kanila ang mawala sa pekeng EnCharmzia na 'to" at bigla nanaman siyang naglaho matapos siyang balutin ng pulang aura. Bumagsak ako sa kinatatayuan ko dahil sa lambot. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Nahihirapan narin akong habulin ang hininga ko "S-Si Eliza ... " huling salitang nabitawan ko bago ako mawalan ng malay. *** "Mukang gising na siya" unang boses ng isang babae ang narinig ko ng magkaroon ako ng malay. May dalawang babae at isang lalaki ang nasa paligid ko kaya umupo ako. "Waa! Gising ka na nga! Lil! Isy Gising na siya!" Sigaw ng isang babae. Lumapit naman kaagad ang isang babae at isang lalaki sa amin. "Inumin mo 'to ng mainitan ang sikmura mo" ang sabi ng isang babae at inabot niya sa'kin ang isang baso na ininom ko naman kaagad. "A-ano pong nangyari sa'kin? Pa-paano pong nangyaring nandito ako?" "Hypervintilation ang nangyari sa'yo. Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ng lalaki na si Lil. "Nakita ka namin sa gubat na walang malay ng hinahanap namin ang pinto papunta sa Floor 27" sabi naman ng babae na sa tingin ko ay 'yung Isy. Duon ako nagtaka dahil duon ko lang napagtanto na ang mga tao sa paligid ko ay mga Wizard. "Mga Frontliners po kayo?" Tanong ko matapos kong inumin ang inalok nila. "Yup! Ikaw anong ginagawa mo dito sa Floor 27? May mga kaparty ka ba?" Tanong ng isa pang babae. Tumango ako bilang kasinungalingan dahil panigurado kapag sumagot ako ng totoo, maraming katanungan ang sasalubong sa'kin "Hinahanap ko rin po ang pinto para sa Floor 28" "Dont worry, nakita na namin. Anytime maari mo ng sabihin 'to sa leader niyo. Anong name mo?" Tanong nung guy na kanina pa nandito kasama ng dalawang girl. "Lio, Lio nalang ang itawag niyo sa'kin" "Lio, alam mo ba na nakakatakot na ang Boss sa Floor 28?" Nakangiti pero may halong takot na sabi ng isang babae na sa tingin ko ay ang pinakabata sa kanilang lima. Hindi ako sumagot at hinintay na dugtungan niya ang sinabi niya. "Magkakapatid na Troll ang nag-aabang sa Floor 28. Lima sila kaya halos ang nangyari .. naging one on one ang laban" mababang tonong sagot niya at duon ko lang napansin ang mga benda sa ilang parte ng katawan nila. "B-balak niyo pa bang tumuloy?" Tanong ko pero hindi na sila nagulat. Tumango si Isy "Wala kaming balak na umurong. Wala kaming balak na ipaubaya nalang ang paglilinis ng mga Floor sa mga ibang Wizard lalo na sa mga Ranking Wizard" "Masaya naming tatanggapin kung hanggang saan lang ang kaya namin" dugtong naman ni Lil ng may mga ngiti sa labi ganun din ang apat nilang kasama. "K-kung ganun .. h-hayaan niyo kong sumama sa inyo" nabigla sila sa sinabi ko. Lumapit si Lil sa'kin at nilagay niya ang daliri niya sa noo ko at nakaramdam ako ng mahika "Mas mabuting magpahinga ka muna. Bumawi ka ng lakas dahil marami ka pang buhay na ililigtas" nakangiting sabi niya katulad ng iba pa. At iyon nalang ang huling salitang narinig ko bago magdilim ang paningin ko na sa tingin ko ay dahil sa mahika niya. *** Nagising ako ng maalimpungatan ako. Umupo ako at napatingin ako sa bintana kung saan tanaw ang isang gubat. At dahil duon naalala ko ang sinabi ni Lil. May kahulugan ang mga binitawan niyang salita. Napaisip pa ako nung una pero kaagad akong tumayo matapos kong maintindihan ang mga sinabi niya. May mga mata siya na may mahikang Eye Of the Truth. Sa 100% na Wizard dito sa EnCharmzia, 15% lang ang nakakakuha nito. Ang ibig sabihin, nalaman niya ang nasa loob ko. Nakilala niya ako ...  Hindi na ako nagpalipas pa ng mga oras at kaagad kong hinanap ang pinto na nagdudugtong sa Floor 28. Ilang minuto bago ko ito natunton sa isang gubat. Binuksan ko 'to at mga halimaw kaagad ang bumungad sa'kin. Sobrang dami nila pero nagcast ako para bumilis ako at iniwasan nalang sila para hanapin kaagad ang Boss Room. Pero pagkabukas ko .. mga bangkay nalang nila Lil ang bumungad sa'kin. Unti-unti na silang naglalaho ... nahuli na ako .. Halos matulala ako sa mga nakikita ko. Sila Isy wala naring buhay. Ang mahikang nararamdaman ko mula sa kanila ... unti-unti naring naglalaho. Bakit nga ba kailangan pang mabuhay ng isang tao ... kung mamamatay lang din sila? Katanungan sa isip ko na pilit kong hinahanapan ng sagot. Dahil sa nangyari hindi ko napansin ang mga Halimaw na sumunod pala sa'kin at ang limang Troll na nasa harap ko na. "Paano mo 'to nagagawa, Eliza? Paano mo nagagawang paglaruan ang mga buhay ng mga tao?!!!! Eliza!!!!" At wala sa isip kong kinuha ko ang Dagger ko at umataki sa Troll. Hindi ko na namalayan kung ano at paano ko sila napaslang ng walang Enchantment. Matapos ang laban ko na 'yon sa Floor 27 halos ilang araw din akong nanatili sa Safe Zone. Iniisip ko ang nangyari kanina, hindi lang sila ang mga taong namamatay dahil sa mga Boss Floor, maraming tao ang namamatay kada isang araw na lilipas. Halos nasa 30+ na member ng isang Party nalang ang nakakadaan dito ng buhay ... kaya ko nga ba talagang umabot sa Floor 100 ng mag-isa? Rius Pov Halos oras lang ang bilang ng pahinga namin at nakaclear na namin ang Floor 19. "Anong Floor na ba ang inabot ng babaeng 'yon? Wala din siya dito sa Floor 19" sabi ni Ryu matapos niyang umupo sa tabi ko.  "Hindi kaya nakasama na 'yon sa ibang Party? Kasi tignan mo, imposibleng makaabot siya sa ganto kataas na Floor kung mag-isa lang siya. Kung tayo ngang marami ng Wizard na kasama ay hirap na hirap na, paano pa kaya siya na mag-isa diba?" Sabi ko naman.  "Oo nga, patay na 'yon kung mag-isa lang siya. Pero hanep Rius, sana pinigilan na natin siya bago pa siya pumasok ng Dungeon, hindi sana tayo naghihirap ngayon"  "Nabasa ko sa mga mata niya na desidido na siya. Hindi natin siya mapipigilan kung ganung mata ang ipapakita niya sa'tin" "Tara na nga. 'Wag na muna natin 'yon isipin. Ang mahalaga ngayon ay mahanap natin siya. Tara, bumalik na tayo sa Meeting Place mamaya hindi natin malaman kung anong plano para sa pagclear sa Floor 20" Matapos nuon ay bumalik na nga kami kung saan nanduon ang mga kasamahan namin. Pinagplanuhan ng maiigi ang gagawing pag-ataki sa Floor 20 na hindi rin nagtagal ay ginamit na.  Lio's Pov Nasa isang gilid ako kung saan napakatahimik ng makaramdam ako ng isang presenya. Nandito nanaman siya, ang Demon Wizard "Malapit nanamang may maglaho na Wizard. Okay lang ba sa'yo 'yon?" Tanong niya mula sa likod ko. Nilingon ko siya kaagad pero wala siya at paglingon ko sa harap ko, siya ang bumungad sa'kin "Binalaan kita na h'wag mong hahayaan na magkasama ang dalawang magkapatid, kung ayaw mong isa sa kanila ang maglaho"  "Anong ibig mong sabihin?" Diretsong tanong ko sa kanya.  "Malapit ng malinis nila Rius ang Floor 20, hindi ba't nasa Floor 20 ang kapatid niyang si Tracy? Sa milyong milyong Wizard ngayon na nandito sa EnCharmzia, sa tingin mo bakit hindi magkakasama ang magpapamilya? Sa milyon na 'yon halos makalahati na ito dahil sa napapaslang na magkapatid. i***********l sa mundong 'to ang pagsamahin ang magkapatid o kahit na anong miyembro ng pamilya. At sa pagkakaalam ko, miski ang relasyon sa pagitan ng dalawang Wizard ay pinagbabawal narin dito sa EnCharmzia. Anong balak mo ngayon Veichleo? Isasakripisyo mo ba ang 8 Floor na naclear mo para sa isang buhay? O mas pipiliin mo ang napakaraming buhay na maliligtas mo sa oras na malinis mo ang 100 Floor?"  To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD