Lio's Pov
Pagdating ko sa pinto ng shop ay kaagad na akong pumasok. Like the usual puro Gem ang nasa paligid. Lumapit ako sa counter na may isang babae ang nagbabantay "Gem nga po, 5 pieces" at nilabas ko ang mga gold ko na naipon ko sa pagkiclear ng floor.
Inabot niya sa'kin ang 5 Gem na naglaho naman sa mga kamay ko. "Thank ya!" At ngumiti din siya sa'kin kaya lumabas na ako ng Shop.
Paglabas ko wala na kong Tracy na nadatnan kaya naman nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Halos nilibot ko na ang buong Floor 17. Natagpuan ko narin ang isang pinto sa isang gubat na sa tingin ko ay pinto papunta sa Floor 18 pero mas pinili ko na hindi muna pumasok. Habang papalabas naman ako sa gubat, naramdaman ko ang isang presensya ng isang Wizard pero kakaiba ang presensiya niya kaya naman napalingon agad ako sa kanan ko at duon ko nakita ang isang babaeng may mga pulang mata at may nakakatakot na mga titig. Pero nagulat siya ng makita niyang nakatingin ako sa kanya at dali dali siyang tumakbo palayo. Sinubukan ko siyang sundan pero hindi ko siya naabutan kaya bumalik ako sa town.
May poster akong nadaanan at napansin ko duon ang picture ng isang babae, si Tracy. Napukaw ng attention ko ang pangalan niya .. Tracy Eclarin. Kasama siya sa isang party na magkiclear ngayon ng tatlong floor. So meaning to say handa na silang iclear ang floor 20 para mabukas ang Safe Zone. Dahil sa balak nila may isang ngiti na nabuo mga labi ko kaya naisipan ko na bumulik sa gubat kung saan ko natagpuan ang Floor Door.
Pagdating ko kaagad na akong pumasok at bumungad sa'kin ang mga halimaw na katulad lang ng mga nakakalaban ko sa mababang Floor. Maliit sila pero maliliksi at may hawak silang hammer.
Kinuha ko ang dagger ko at nagsimula ko silang salubingin. Inataki ko ang isa at umikot ako para iwasan ang ataki ng isa pa at inataki siya kaagad. Isa-isa ko silang inataki hanggang sa mga Left Items nalang ang nasa paligid ko.
Matapos kong kunin ang mga Gold ay nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa maclear ko na rin ang floor 19. Huminga ako ng malalim bago buksan ang Floor 20 pero sa pagbukas ko mga sigawan kaagad ang narinig ko may kalayuan mula sa lugar ko.
Dahil sa sigawan nayon hindi ko na napansin ang mga halimaw na sumalubong sa'kin. Nagising lang ako sa katotohanan ng kamuntikan na nila akong tamaan ng hammer at kung hindi ako nakayuko panigurado ay nasikmuraan na ako.
Minadali ko ang pakikipaglaban sa kanila at dali dali akong tumakbo at hinanap ang Boss Room sa pamamagitan ng pagsunod sa boses ng mga Wizard.
Tracy's Pov
Inataki ng Trolls ang 13 members ng Party namin gamit ang napakalaking Hammer na gamit niya. Habang ang espada naman sa kaliwang kamay niya ay ginamit niya pang-ataki sa'min at sabay sabay namin 'tong binlock gamit ang mga Void namin pero tumilampon lang kami dahil sa sobrang lakas ng pwersa. Tumama kami sa pader at bumagsak sa sahig. Hindi ko na magalaw ang katawan ko dahil sa tingin ko nagkabali-bali na ang mga buto ko.
Nakita ko ang mga kasamahan ko na hindi na mga gumagalaw. Sa tingin ko ... ako nalang ang natitirang buhay sa ngayon, dahil nararamdaman ko ... malapit narin akong maputulan ng hininga.
Gusto kong maiyak sa mga nangyayari dahil dito na matatapos ang lahat.
Narinig ko ang pagsigaw ng Trolls na hindi ko na malingon hanggang sa nakarinig na ako kalansing ng espadang. "Therapeftìs polýtimos lìthos (Healing Gem Stone)" rinig kong boses ng babae. Pamiliar ang boses niya ...
Napansin ko ang isang Gem Stone na lumapit sa'kin "Therapèvo (Heal)" biglang nawasak ang Gem sa harapan ko at duon ko na napansin na nakakagalaw na ako.
Umupo ako at tinignan ko si Lio, pasugod siya sa Trolls ngayon hawak ang kanyang Dagger na wala pa sa kalahati ng espada ng Trolls. Napansin ko na kakaiba ang hawak niya sa Dagger dahil baliktad ang paghawak niya na parang nasa likod niya ang kalaban niya na pamilyar na pamilyar sa'kin. "Veltióste tin tachýtita (Enchance Speed)" bulong niya at sobrang bilis niya.
Bigla nalang nagkaroon ng maraming sugat ang Trolls hanggang sa mabitawan niya ang mga sandata niya at lalong dumami ang natamo niyang sugat hanggang sa bumagsak siya at biglang maglaho kapalit ng Left Items.
Nalingon ko ang paligid ko. Umiinit ang mga mata ko dahil alam ko sa sarili ko na sa lahat ng ka-Party ko, ako nalang ang natitirang buhay ... at hindi ako mabubuhay kung hindi dahil sa isang paslit na Wizard. Pero isa nga lang ba siyang paslit na Wizard ..
Nilapitan ako ni Lio ng may ngiti sa labi. "Kailangan mo pang mabuhay para kay Rius, Tracy"
Nabigla ako ng banggitin niya ang pangalan ni Rius. Kapatid ko siya na nawalay sa'kin nang maganap ang Death Game.
"K-kilala mo si Rius?"
Ngumiti siya "Yup! Nasa labas sila ng Dungeon ngayon. Nakilala ko sila unang araw ng Death Game, hihi"
Nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na mas pinili niya na hindi maging isang Frontliners.
Nilingon ni Lio ang paligid kung saan matatagpuan ang mga bangkay ng napakaraming Wizard na unti-unti ng naglalaho. "Kung kaya ko lang ibalik ang oras kung saan nabubuhay pa sila" bulong niya at duon nasagot ang napakaraming katungan sa isip ko.
Kung paano niya nagagawang umabot ng Floor 20 ng solo, kung bakit baliktad ang paghawak niya sa Dagger niya at kung bakit Speed Type Magic siya.
"Lio ... " nilingon niya ako ng seryoso.
"Lio nga ba talaga ang pangalan mo?" Dugtong kong tanong pero nagbago ang expression ng mukha niya at umiwas ng tingin sa'kin "Hindi Speed type ang Magic mo. Isa ka sa mga Wizard na kayang magclear ng Floor kahit solo .. isa kang--" putol kong sabi ng magsalita siya ng may ngiti pagharap sa'kin.
"Hindi na mahalaga kung sino ako noon .. dahil ito na ako ngayon"
"Balak mo bang i-clear ng mag-isa ng 100 floor?"
"Ayon lang ang choice ko para matalo si Eliza. Ikaw ba anong balak mo? Mas mabuting magpahinga ka muna dito sa Floor 20"
Tumango ako "Hm, sorry kung hindi ako makakasamang maglinis ng Floor kasama mo. Pero alam ko namang kaya mo kahit ikaw lang .. pero mag-iingat ka parin"
Nagsimula siyang maglakad papunta sa pintuan ng may isang pilit na ngiti na kaagad kong napansin "Tracy, sana atin-atin nalang ang nalalaman mo tungkol sa dati kong pagkatao. At kung maaari lang, ayaw ko na sanang pag-usapan. Sawa na kasi akong balikan ang nakaraan ... " seryosong sabi niya bago niya binuksan ang pintuan na nagdudugtong sa Safe Zone ng Floor 21.
Salamat ... Veichleo.
Lio's Pov
Matapos ko siyang iwan duon dahil panigurado nais niya pang hintayin na tuluyan ng maglaho ang mga bangkay ng mga kasama niya.
Paglabas ko sa Floor 20, kaagad kong hinanap ang pinto na papunta sa Floor 21. Pero, may isag presensiya nanaman akong nararamdaman. The same sa presensya na nakita ko sa Floor 17, presensya ng Demon Wizard.
Lumingon ako kung saan ko nararamdaman ang presensya niya pero bigla nanaman itong naglaho kaya hindi ko nalang pinansin at nagdirediretso ako papasok ng Floor 21.
Rius Pov
"Kenó tis Fýsis (Void Of Earth)" pagtawag ko sa Void ko at mabilis naman itong lumabas katulad ng pagtawag ni Ryu sa Void niya.
Kasabay ng maraming Wizard ay inataki namin ang mga halimaw na sumalubong sa'min sa Floor 9.
"Kouklotheátrou (Puppet Mastery)" sabi ni Ryu at kinontrol niya ang mga bangkay ng mga Halimaw gamit ang Thread na nagmumula sa latigo na siyang umaataki ngayon sa kapwa nito halimaw.
"Nice move, hahaha" sabi ko habang sumusugod at pagkaataki ko sa isa ay kaagad akong tumalon pabackward at nilagay ang espadang Void ko sa diretso sa harap ko pababa ang edge sa lupa "Epíthesi diáspasis gis (Earth Scatter Attack)" at pagtusok ko ng Void ko sa lupa ay umangat ang ilang parte ng lupa na umataki sa mga ilang mga halimaw.
Naubos namin ni Ryu ang mga kalaban namin at nilingon namin ang mga ilang Wizard na kasama namin na kakatapos lang din ng laban.
Matapos ng ilang oras na pagpapahinga namin ay naglakad na kami papunta sa pintuan kung saan ang Safe Zone na, at kung saan matatagpuan ang pinto papunta sa Floor 10.
"Rius, sa tingin mo buhay pa siya?" Tanong ni Ryu habang naghahanap kami ngayon ng pinto.
"Di ko rin alam. Pero, kahit sa ikli natin siyang nakasama ... malakas ang pakiramdam ko na buhay pa siya" sagot ko naman.
"Nandito ang pinto ng Floor 10!" Sigaw ng isang kasamahan namin kaya naman pumunta kami kaagad sa lugar kung nasaan siya.
"Bubuksan ko na ... maging handa tayong lahat" ang sabi ng naglelead sa'min ngayon, si Geo.
Binsukan niya ang pinto para sa'min, muling nabuksan ang pintuan tungo sa impyerno.
Naglakad kami sa madilim na lugar na 'yon at inataki namin kung ano mang halimaw ang sasalubong sa'min hanggang sa makarating na kami sa Boss Room. Isang higante ang bumungad sa'min na may hawak na isang mala cactus dahil sa tinik tinik nito.
Nasa malalim kaming pag-iisip at nagising nalang kami ng inataki niya na ang napakaraming kasamahan namin. Sa isang iglap .. nawalan sila ng buhay.
Lumingon siya sa'min dahil halos kumpol kumpol kami sa isang lugar. Binuwelo niya ang staff niya na handang itira sa'min "Ryu! Binding!" Sigaw ko kay Ryu na hindi kalayuan mula sa'kin at tumango naman siya.
"desmeftikós! (Binding)" bumalot sa katawan ng higante ang latigo ni Ryu reason para hindi ito makagalaw.
"Kopí gis! (Earth Cutting)" mula sa Void ko na nakatusok sa lapag ay nahati ang lupa sa dalawa at nahulog ang higante sa ilalim kaya kaagad kaming sumugod lahat.
Inataki namin ng inataki ang Higante hanggang sa natalo namin ito at maiwan nalang sa ilalim ay ang left items na nagpagaan ng pakiramdam namin.
"Muntik na tayo duon. Medyo na tulala ako dahil sa kaba pero buti nalang sumigaw ka. Hahahha. Idol talaga!" Napapasuntok pang sabi ni Ryu.
"Walang mangyayari kung mababalot lang tayo ng takot. Pero, inaalala ko si Lio. Nalagpasan nga ba talaga niya 'to ng mag-isa?"
"Oo siguro, pero hindi ng mag-isa hahaha. Sa liit ng figure ng batang 'yon napakaimposible. Hahahaha" at sinakyan ko nalang ang tawa ni Ryu para mawala ang mabigat sa dibdib ko.
Sana nga ligtas siya. Sana makita ka na namin ..
To be continue ...